You are on page 1of 15

KASANAYANG

PANGWIKA
Basahin ang tula sa ibaba.

NOON AT NGAYON
 Kwento ni Inay
 Noong sila’y bata pa
 Tingin lang ni Lola
 Sila’y tumatahamik na
 Respeto sa magulang
 Kitang-kita sa kanila
 Ngayon daw ay iba na
 Ugali ng mga bata
 Pagsabihan mo’t sawayin
 Sisimangutan ka na
 Iba’y nagdadabog pa
 Paggalang ba’y wala na?
Higitna mabait
Mga bata noon.
Mas malaya naman
Mga bata ngayon.
Bakit nga ba nag-iba?
Dahil ba sa panahon?
Ang sagot diyan.
Ikaw ang tumugon.
PAG-ISIPAN AT PAG-USAPAN
 1.Ano ang binanggit na noon at
ngayon sa pamagat ng tula?
 2.Naniniwala kaba sa tinuran ng tula?

Pangatwiran ang iyong sagot.


 3.Ano sa palagay mo ang sagot sa

tanong na iniwan sa huling bahagi ng


tula?
ISAISIP NATIN

PAGHAHAMBING
 isang paraan ng paglalahad
 Nakatutulong sa pagbibigay –linaw

sa isang paksa sa pamamagitan


ng paglalahad ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang bagay na
pinaghahambing
2 URI NG PAGHAHAMBING
 1.Pahambing na Magkatulad
 sa magkakatulad na katangian

ay ginagamit ang mga


panlaping gaya ng
magka-,sing-,sim-,sin-,magsi
ng-,magsim-,
magsin-,ga-,pareho-,kapwa
HALIMBAWA:

 1. Magkasingganda sina Bea at


Julia.
 2.Magsimbait ang mga

kabataan noon at ngayon.


 3.Simputi ng perlas ang

kanyang batok.
 2.Pahambing na Di magkatulad
 a.Palamang- nakahihigit sa katangian
ang isa sa dalawang pinaghahambing.
 -ginagamait ang higit, lalo, mas,di-

hamak
 Hal.
 Mas mabait ang mga kabataan noon

kaysa ngayon.
 b.Pasahol- kulang sa katangian ang isa
sa dalawang pinaghahambing
 -ginagamit ang di gaano,di gasino,di

masyado
 HAL.
 Di gaanong masarap ang hamburger

kaysa pizza pie.


 Di masyadong mahal ang bigas noon

kaysa ngayon.
MADALI LANG ‘YAN
 Salungguhitan ang paghahambing na
ginamit sa bawat bilang. Isulat sa
patlang kung anong uri ng
paghahambing.
________1.Ang buhay noon ay mas simple
kompara sa komplikadong buhay ngayon.
________2.Higit na mahaba ang oras ng
pag-aaral ngayon sa paaralan kompara
dati.
 _______3.Magsimbait kami ng aking
nanay, sabi ng aking lola.
 _______4.Di-gaanong marunong

magtrabaho sa bahay ang kabataan


ngayon kung ihambing sa kabataan
noon.
 _______5.Parehong maganda ang aking

nanay at lola dahil magkamukha sila.


SUBUKIN PA NATIN
 1_________(gusto: di magkatulad) kong
magbasa kaysa manood ng telebisyon
kapag wala akong ginagawa.
 2._________(maganda:magkatulad) ang

pananaw naming magkaibigan sa buhay


dahil ito ang turo ng aming magulang.
 3.Ako ay ___________(matanda:di

magkatulad) kaysa sa aking mga kalaro


kaya’t pinipilit kong maging mabuting
halimbawa sa kanila.
 4.__________(mahirap:di magkatulad)
ang buhay ng aking mga magulang
kompara sa magandang buhay na
ibinigay nila sa akin ngayon.
 5. Ang aking tatay at nanay

ay_________(bait: maghatulad) kaya’t


mahal na mahal ko silang dalawa.

You might also like