You are on page 1of 4

Ang Persiya

Persiya ang dating tawag sa bansang Iran. Noong 1935, pinalitan ito ng kanilang pandialaon
dohil "Irar" ang ibig sabiltinng pangalan ng kanilang bansa sa wikang Persion. Sinulatan nila ang
mga bansang may ugnayan sa kanila na ang pangalang Iran na ang itawag sa kanila sa halip
na Persiya. Ito ay sumisimbolo sa isang bagong kabanata sa kanilang kasaysayan pagkatapos
nilang makalaya sa impluwensiya ng Britanya at Russia. Noong una y hindi pa sanáy ang iba
lalo na ang mga hindi Iranian kaya't hindi nila agad matukoy na ito na palá ang dating Persiya
subalit katagalan at sa pamamagitan na rin ng ilang pangyayaring naglagay sa Iran sa ilang
malalaking balitang pandaigdig tulad nang lusubin ng Allied Forces ang Iran noong 1941 at
nang magkaroon ng nationalization ng Industriya ng langis sa ilalim ng pamumuno ni Prime
Minister Dr. Mohammad Mosaddeq, nakilala na silá nang lubusan bilang bansang Iran at
unti-unti nang nakalimutan ang dating pangalang "Persiya."

Ang Kontinente ng Africa


Ang kontinente ng Africa ay pangalawa sa may pinakamalawak na lupain at may
pinakamalaking populasyon sa mundo. Ito ay binubuo ng limampu't apat na bansa at ang
teritoryo nito y sumasakop sa anim na bahagdan ng kabuoang lupain sa mundo. Dito rin
matatagpuan ang 16 na bahagdan ng mga mamamayan sa mundo at may bilang na mahigit
isang bilyon. Maituturing na batang populasyon ang taglay ng Africa dahil ang mahigit kalahati
ng mga mamamayan dito 'y nása edad dalawampu t limang taon lang pababa. Ito ay dahil sa
mabilis na pagdami ng populasyon at mababang life expectancy rate o maagang pagkamatay
ng'mga tao. Ito rin kasi ang itinuturing na pinakamahirap na kontinente sa buong mundo. Mainit
at tuyo ang klima na nagdudulot ng mahahabang tag-init na hindi nakabubuti sa mga pananim.
Matatagpuan dito ang pinakamalawak na disyerto sa mundo, ang Sahara gayundin ang
pinakamahabang ilog sa mundo,
ang ilog Nile na may habang 6,650 kilometro.Ang karamihan sa mga tao sa Africa ay itim..
Gayumpama'y maraming dayuhang nagmula sa Europa ang sumakop sa mga bansa rito kayâ
dumami na rin ang mga putt. Marami ring ibang lahi ang nandayuhan dito tulad ng mga Asyano,
Amerikano, at iba pa. kay sa kasalukuyan, ib't ibang lahi ang makikita rito. Napakarami rin
nilang trang ginagamit na umanbot ng 2,000. Ang 25% ng mga wikang it'y sa Africa lang
ginagamit.
Laganap ang paggamit ng Arabic na sinasalita ng 170 milon katao, kasunod ang wikang Ingles
na sinasalita naman ng 130 milyong katao. Sa pagdating ng mga mananakop, ang isa sa mga
naging suliranin ng mga bansang sinakop ng mga Puti tulad ng South Africa ay ang paglaganap
ng sistemang apartheid kung saan inuri ng pamahalaan ang mga mamamayan batay sa
kanilang kulay. Ang mga ltim ay hindi basta pinayagang makisalamuha sa mga Puti. May mga
lugar na para sa mga Piti lang at hindi puwedeng puntahan ng mga ltim. May mga trabahong
para lang sa mga Puti. Hindi puwedeng magpakasal ang Puti at Itim. Ang pag-uring to ay
nagdulot din ng napakaraming pang-aabuso sa karapatang pantao at nag-iwan ng malalim na
sugat sa lipunan lalo na sa mga ltim. Nagbago lang ang lahat nang manalo bilang
kauna-unahang Itim na pangulo ng South Africa si Nelson Mandela pagkatapos ng
napakahabang pakikipaglaban nang payapa upang maibagsak ang apartheid. Ang kalakarang
ito kasi ay hindi lang lumaganap sa Africa kundi maging sa ibang bansa kung saan
matatagpuan din ang mga lahing Itim tulad ng sa Amerika.
MGA PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA
Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na
mensahe o ideya ng tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan. Sa
pagsasaling-wika, kailangang maipabatid nang tama ang mensahe ng isinasalin kay naman
mahalagang isaisip ng isang tagapagsalin ang sumusunod na paalala o pamantayan sa
pagsasaling-wika:
1. Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasá o magsaliksik upang mapag-aralan ito at magkaroon
ng mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
2. Basahin nang ilang beses ang tekstong isasalin.
Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang
ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan. Gayumpama y
tandaang hindi ka basta magpa-paraphrase kundi magsasalin kay hindi mo dapat baguhin,
palitan, o bawasan ang ideya o mensahe ng yong isinasalin.
3. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita. Makatutulong
ang malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan.
Hindi kasi sapat na basta tumbasan lang ng salita mula sa pinagmulang teksto ng isa ring salita
sa pagsasalinang wika dahil literal lang ang kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi
mapalabas ang tunay na diwa ng isinasalin.
4. Pilin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa. Mainam kung ang
mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang kahulugan at tiyak na mauunawaan
din ng mga mambabasa upang higit na maging natural o malápit ang orihinal sa salin.
5. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita ng wika
ang yong isinalin.
Makatutulong nang malaki ang pagpapabasa ng isinalin sa isang taong eksperto o katutubong
nagsasalita ng wikang ito upang mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi
kung ito ba'y naaangkop na sa konteksto ng isang taong likás na gumagamit ng wika.
6. Isaalang-alang ang yong kaalaman sa genre ng akdang isasalin. Makatutulong sa epektibong
pagsasalin ang kaalaman ng tagapagsalin sa genre na kinabibilangan ng isasalin. Halimbawa,
hindi basta makapagsasalin ng isang tula ang isang taong wala gaanong alam sa
matatalinghagang salita at mga tayutay na karaniwang ginagamit sa isang tula. Idagdag pa rito
ang kaalamanukol sa magkakatugmang salita lalo na kung may sukat at tugma ang tulang
isasalin. Kung a ating isasalin, kailangang lumabas pa rin itong isang tula at hindi prosa.
Kung ito y may sukat at tugma, kailangang pagsikapan ng tagapagsaling mapanatili rin ito.
7. Isaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan. May mga
pagkakataon kasing ang paraan ng pagsasaayos ng dokumento sa isang wika depende sa
kanilang nakasanayan ay naiba sa wikang pagsasalinan kaya't dapat din itong bigyang-pansin
ng magsasalin.
8. Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng panahon at napagbubuti
ng karanasan.
Kung sakaling sa unang pagtatangka mo ay hindi mo agad magawang makapagsalin nang
halos kahimig ng orihinal ay huwag kang mag-alala dahil habang tumatagal ka sa gawaing ito at
nagkakaroon ng mas malawak na karanasan ay lalo kang gagaling at magkakaroon ng
kahusayan sa gawaing ito.
ANG DEBATE O PAKIKIPAGTALO
Ang debate ay isang pakikipagtalong may estruktura. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o
pangkat na may magkasalungat na panig tungkol sa isang napapanahong paksa; ang dalawang
panig ay ang proposisyon (o sumasang-ayon) at ang oposisyon (o sumasalungat). May isang
moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng
debate at igagalang ng bawat kalahok ang mga tuntunin ng debate. Sa pagtatapos ng debate
ay may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat. Ang
mga hurado ay dapat walang kinikilingan sa dalawang panig ng mga nagde-debate at
kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa't isa at hindi mag-usap-usap bago magbigay ng
kani-kanilang hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol ng isa't isa. Di tulad ng
mga karaniwang argumento sa pagitan mo at ng iyong pamilya o mga kaibigan, ang bawat
kalahok sa isang pormal na debate ay binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon upang
makapaglahad ng kani-kanilang mga patotoo gayundin ng pagpapabulaan o rebuttal. May
nakatalaga ring timekeeper sa isang debate upang matiyak na susundin ng bawat tagapagsalita
ang oras na laan para sa kanila. Karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibinibigay nang mas
maaga upang mapaghandaan ng dalawang panig ang kani-kanilang mga argumento.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater Ang sumusunod ay mga
karaniwang pinagbabatayan ng mga hurado sa pagiging mapanghikayat kaya't kailangang
isaalang-alang ng isang debater:
1. Nilalaman-Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debater patungkol sa
panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng debate. Kailangan
niyang magkaroon ng sapat na panahon upang mapaghandaan ang sandaling ito at kasáma sa
paghahanda ang malawakang pagbabasa, pananaliksik, at pangangalap ng datos at ebidensiya
tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kanyang
ipinahahayag.
2. Estilo-Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang
gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang babanggitin sa
debate.
Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting ng kanyang tinig, husay ng tindig, kumpiyansa
sa sarili, at iba pa.
3. Estratehiya-Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at
kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon. Dito rin makikita kung gaano
kahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng magkakapangkat. Mahalagang mag-usap at
magplano nang maigi ang magkakapangkat upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan
ng isa ay susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba.
Mga Uri o Format ng Debate
Maraming iba't ibang uri ng debate subalit ang pinakakaraniwang ginagamit ng mga mag-aaral
ay ang mga debateng may uri o format na Oxford at Cambridge.

Sa Debateng Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lámang nang minsan, maliban na lang
sa unang tagapagsalita na wala pang sasalaging mosyon kaya't mabibigyan ng isa pang
pagkakataong magbigay ng kanyang pagpapabulaan sa hulí. Sa pagtindig ng bawat kalahok
upang magsalita ay magkasama na niyang inilalahad ang kanyang patotoo (constructive
remark) at pagpapabulaan (rebuttal).
kani-kanilang mga patotoo gayundin ng pagpapabulaan o rebuttal. May nakatalaga ring
timekeeper sa isang debate upang matiyak na susundin ng bawat tagapagsalita ang oras na
laan para sa kanila. Karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibinibigay nang mas maaga
upang mapaghandaan ng dalawang panig ang kani-kanilang mga argumento.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater
Ang sum use ay mga karaniwang pinagbabatayan ng mga hurado sa pagiging mapanghikayat
kaya't kailangang isaalang-alang ng isang debater:
1. Nilalaman-Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debater patungkol sa
panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng debate. Kailangan
niyang magkaroon ng sapat na panahon upang mapaghandaan ang sandaling ito at kasáma sa
paghahanda ang malawakang pagbabasa, pananaliksik, at pangangalap ng datos at ebidensiya
tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kanyang
ipinahahayag.
2. Estilo-Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpiling tamang salitang
gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang babanggitin sa
debate.
Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting ng kanyang tinig, husay ng tindig, kumpiyansa
sa sarili, at iba pa.
3. Estratehiya-Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at
kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon. Dito rin makikita kung gano
kahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng magkakapangkat. Mahalagang mag-usap at
magplano nang maigi ang magkakapangkat upang ang babanggiting patotoo
• pagpapabulaan ng isa ay susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba.
Mga Uri o Format ng Debate
Maraming bat ibang uri ng debate subalit ang pinakakaraniwang ginagamit ng mga mag-aaral
ay ang mga debateng may uri o format na
Oxford at Cambriage.
Sa Debateng Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lámang nang minsan, maliban na lang
sa unang tagapagsalita na wala pang sasalaging mosyon kaya't mabibigyan ng isa pang
pagkakataong magbigay ng kanyang pagpapabulaan sa hulí. Sa pagtindig ng bawat kalahok
upang magsalita ay magkasama na niyang inilalahad ang kanyang patotoo (constructive
remark) at pagpapabulaan (rebuttal).

You might also like