You are on page 1of 10

'Tulak' ng droga arestado sa

Navotas buy-bust
ABS-CBN News

Naaresto sa buy-bust operation nitong madaling araw ng Huwebes ang lalaking itinuturong tulak ng ilegal na
droga sa Navotas Fish Port

Nakuha sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na baril,

Kasamang naaresto ng suspek ang kaniyang kinakasama na naroon sa kaniyang bahay nang ikasa ang operasyon.

Ayon sa suspek, mga trabahador sa fish port ang binebentahan niya ng drogang kinukuha umano niya sa Quiapo,
Maynila.

At Ang baril namang nakuha sa kaniya ay isinanla umano sa kaniya.

Nahaharap ang dalawa sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act,
illegal possession of firearms at paglabag sa gun ban ng Commission on Elections.

Mccoy De Leon at Elisse Joson,


takot nga bang magkahiwalay?
Nanatiling positibo ang Kapamilya love team na sina Mccoy De Leon at Elisse Joson na magiging buo pa rin
ang suporta ng kanilang mga tagahanga sa kanilang mga susunod na proyekto.

Kasunod ito ng tila tuminding hindi pagkakaintindihan ng dalawa sa hindi inamin na dahilan.

Sa naganap na bloggers' conference nina Mccoy at Elisse para sa kanilang pelikula na "Sakaling Maging Tayo,"
ibinahagi ng dating love team na may naramdaman silang takot sa magiging reaksyon ng kanilang mga
tagasuporta.

Nakaramdam man daw ng pangamba, mas pinili pa rin ng aktres na maging matatag sa kabila ng kanilang
pinagdadaanan.

Sa huli, looking forward sina Mccoy at Elisse sa mga solo na proyektong kanilang gagawin matapos ang
kanilang pelikula.

Barangay chairman sa Cebu,


patay sa pamamaril
Matapos ang pamamaril, nahulog pa ang multicab na minamaneho ng biktima sa bangin. Donna
Lavares, ABS-CBN News
SAN FERNANDO, Cebu – Dead on arrival sa pagamutan ang isang punong barangay matapos na pagbabarilin
ng hindi pa kilalang mga salarin sa South Poblacion, Miyerkoles ng gabi.

Nahulog pa sa bangin ang multicab na minaneho ni Barangay Magsico chairman Johnny Arriesgado nang
pagbabarilin ng mga salarin na sakay ng isang puting van.

Sinubukan pang dalhin si Arriesgado sa ospital pero binawian din ito ng buhay.

Samantala, sugatan naman ang dalawang nakamotorsiklo na bibili lang sana ng barbecue malapit sa
pinangyarihan ng krimen.

Ayon sa hepe ng San Fernando Police Station na si Inspector Lymel Pasquin, papuntang Cebu City ang kapitan
nang barilin.

Sa ngayon, tatlong anggulo ang kanilang tinitingnan sa nangyaring pamamaril.

Sa rekord ng istasyon, taong 2017 nang makulong si Arriesgado sa kasong illegal possession of firearms.

Blangko naman ang pamilya sa motibo sa pagpatay sa kanilang padre de pamilya.

Ayon sa asawa nito, mabuting tao ang kaniyang asawa at marami itong natulungan sa kanilang bayan.

Huling termino na sana ngayon ni Arriesgado bilang kapitan. Siya din ang pangalawang napatay na punong
barangay ngayong buwan sa nasabing bayan.

PAGASA: Bagyo, inaasahang


papasok sa PAR
Isang bagyo ang inaasahang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa loob ng 24 oras ayon sa state
weather bureau PAGASA.

Sa panayam ng DZAA kay PAGASA weather forecaster Jun Galang, sinabi nito na nasa labas pa ng bansa ang
Low Pressure Area (LPA) na posibleng maging bagyo.

Sa taya ng PAGASA, alas-10 Biyernes ng umaga, nasa layong 1,620 kilometro silangan ng Mindanao ang LPA.

Ani Galang, malaki ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang binabantayang LPA. Kung sakali, ito ang
unang bagyong papasok sa bansa at papangalanang Ambo.

Samantala, isa pang low pressure area sa layong 435 kilometro kanluran ng Iba, Zambales ang binabantayan ng
PAGASA.

ISPORTS

Sa harap ng 13,025 katao, nagpakitang-gilas si Pacquiao at hindi binigo ang boxing fans matapos
niyang talunin si Broner, na walang ginawa kundi ang sumuntok sa ere habang umiiwas sa mga bigwas
ng Pambansang Kamao.

Ngunit hindi nagustuhan ni Broner ang naging desisyon ng mga hurado matapos ang 12 rounds, nang
nagawa siyang makorner ni Pacquiao sa lubid.
Malakas pa rin ang paniniwala ni Broner na natalo niya si Pacquiao sa nasabing laban.
Itinaas ng eighth-time world division champion ang kanyang record sa 61-7-2 (39 KOs) sa kanyang
70th career fight—na posibleng magbigay-daan sa rematch kontra sa mahigpit niyang karibal na si
Floyd Mayweather Jr.
Si Pacquiao, na nagwagi ng WBA title noong 2018 makaraang mapatumba niya sa seventh round ang
retired na ngayong si Lucas Matthysse, ay kumita ng $10 million para sa kanyang 36-minutong laban
kontra kay Broner.
Nakakuha rin ng porsiyento si Pacquiao para sa kanyang unang bayad sa pay-per-view fight simula pa
noong 2016, sa showdown kontra sa Mexican na si Jessie Vargas para sa World Boxing Organization
147-lb title.

Radio broadcast 2

1. Radio Broadcast Scriptwriting and Braodcasting

2. PANIMULA • Paano mo ilalarawan ang kulay bughaw? • Paano mo ilalarawan ang kulay pula? • Paano
mo ilalarawan ang kaligayahan?
3. Definition • Radio is the technology of using radio waves to carry information, such as sound, by
systematically modulating some property of electromagnetic energy waves transmitted through space, such
as their amplitude, frequency, phase, or pulse width. When radio waves strike an electrical conductor, the
oscillating fields induce an alternating current in the conductor. The information in the waves can be
extracted and transformed back into its original form. • Wikipedia.com

4. Definition • Broadcasting is the distribution of audio and/or video content or other messages to a
dispersed audience via any electronic mass communications medium, but typically one using the
electromagnetic spectrum (radio waves), in a one-to-many model. Google.com

5. • Broadcast journalism is the field of news and journals which are "broadcast", that is, published by
electrical methods instead of the older methods, such as printed newspapers and posters. Broadcast methods
include radio (via air, cable, and Internet), television (via air, cable, and Internet) and the World Wide Web.
Such media disperse pictures (static and moving), visual text and sounds. • Scripts for broadcast tend to be
written differently from text to be read by the public. For instance, the former is generally less complex and
more conversational. Radio and television are designed to be seen and heard sooner and more often than a
daily or weekly newspaper.

6. Radio Iskrip • Ang Radio Iskrip ay isang isinulat na material na naglalaman ng mga salitang kilos
(pandiwa) at di- pandiwang kilos na kailangan sa programa. Sinasabi sa atin kung ano ang gagawin, sasabin
o kalian at paano.

7. Halaga ng of Radio Iskrip • Matiyak ang tamang teknikal at impormasyon • Masiguro ang daloy ng
programa • Masulit ang airtime

8. Uri of Scripts • News Scripts • Interview Scripts • Spot/Plugs • Drama Script • Magazine Program Script •
The Documentary Script

9. Dapat Tandaan sa Radio Scriptwriting • Doblehin o triplihin ang espasyo ng pagmamakinilya (typewrite)
sa bawat linya at talata • I-makinilya sa malalaking titik upang mabasa ng newscaster • Lahat ng diyalogo o
sasabihin ay nasusulat sa malaki at maliliit na titik. • Lahat ng panuto (instructions) at hindi- sinasalitang
linya (non-spoken lines) ay nakamakinilya sa malaking titik.

10. Dapat Tandaan sa Radio Scriptwriting • Nararapat may duplicate ang iskrip • Gawin ang bawat
pangungusap na talata • Tapusin ang bawat pahina ng talata bago gumamit ng bagong papel • Gawing
malinis ang iskrip • Markahan ng “x” ang mga maling salita

11. Karagdagan • Gumamit ng maikli, payak na salita sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap • Iwasan ang
mga salitang sumasagitsit na tunog • Gumamit ng paglalarawang salita kung kinakailangan at may pag-
iingat • Gawing maikli ang mga pangungusap at ang mga ideya ay hindi maliligoy.

12. Ayos ng Pangungusap • Gumamit ng aktibong mga salita sa pagbuo ng pangungusap • Halimbawa: X
Ang naganap na sunod-sunod na nakawan sa mga paaralan ay pinasisiyasat ni Tyarlak City Mayor aro
Mendoza. (Kabalikang-anyo) / Pinasisiyasat ni tarlak City mayor aro Mendoza ang sunod-sunod na naganap
na nakawan sa mga paarala. (Karaniwang ayos)

13. Tandaan • Round-off figures/numbers • Ang 2.6123 milyon ay gawing mahigit kumulang 2 at kalahating
milyon • Isulat ang mga simbolo at fractions • Iwasan ang abbreviations o daglat

14. Hakbang/ Proseso sa Radio Scriptwiting • Alamain ang iyong manunuod/tagapakinig • Gumawa ng
pananaliksik tungkol sa paksa • Gumawa ng balangkas • Sumulat ng burador • Basahin nang malakas,
orasan • Ilarawan o visualized ang iskript • Balikan ang iskrip • Rebisahin ang iskrip – istilo, timing at
katumpakan

15. Pag-ooras ng Programa (Newscast) • 05:00 (5 minute newscast program) • 01:30 Ads at infomercials •
00:10 Station ID • 00:30 Intro, Bumpers, and Teasers • 02:50 Nalalabing oras sa balitaan • Ang nalalabing
dalawa at limampung segundo ay nakalaan para sa tampok na balita.

16. Bumper, Teaser, and Billboards • Bumper – ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas • Ipinababatid
nito sa tagapakinig na may pagitan o break ngunit may mga balitang kasunod • Halimbawa: “Magbabalik
ang ating palatuntunan matapos ng ilang paalala sa ating mga kaibigan…”

17. Bumper, Teaser, and Billboards • Teaser - ito ay ginagamit na upang ma- stimulate ang pag-iisip ng mga
tagapakinig upang manatili sa pinakikinggang palatuntunan • Halimbawa: “Waling-waling ipapalit sa
sampaguita bilang pambansang bulaklak?’

18. Bumper, Teaser, and Billboards • Billboartd – maririnig matapos ng balita • Ipinababatid sa mga
tagapakinig kung anong produkto ng sponsor ang naghatid ng balita • Halimbawa – “Ang programang ito ay
inihatid sa inyo ng Dunkin Donut, ang pasalubong ng bayan.”

19. News Script Writing – Story Tags • Ang huling bahagi bilang palatandaan na ang kuwento o balita ay
tapos na o may iba pang mga impormasyon o detalye sa sumunod na pahina 1. Lagyan ng ### sa huling
pahina upang palatadaan na ang balita o istorya ay natapos na o lagyan ng (more) sa huling bahagi ng pahina
upang ipabatid sa anchor na may kasunod sa sumunod na paniha.

20. News Script Writing – Story Tags 2. Kung kailangang paghiwalayin ang istorya o balita sa dalawang
pahina, huwag putulin ang pangungusap. Laging tapusin sa pahina ang buong pangungusap.

21. Balangkas ng Radio Script (Balita) • Station ID • Time Check • News Plug • Intro • Headlines • Details •
Extro

Basic Guidelines for Radio News Scriptwriting (FILIPINO VERSION)

A.

Una sa lahat, ang pagsulat ng balita sa radyo ay isinusulat lamang sa tagapakinig, HINDI SA
MAMBABASAMAN O TAGAPANOOD.

Upang mas maintindihan ang pagsulat ng balita, maaring sundin ang mga sumusunod:a.

Alalahanin na ang pagsulat ng balita ay nakatuon lamang sa tagapakinig, kaya naman, ang pagsulat aydapat
malinaw at madaling maintindahan.

b.

Wala ni anumang salita ang mahirap bigkasin o ni nangangailangan pang salita ipaliwanag ng diksyunaryo.

B.
Pre-Writing Stage (Hakbang bago sumulat ng balita)

a.

Gumawa ng

outline

. Tukuyin ang mga element ng storya. Tanungin ang sarili: Sino? Ano? Saan? Kailan?Bakit? At Paano?b.

Sumulat ng

teaser.

Ito ang gagamitin mo upang bigyan ng patikim ang tagapakinig bago i-ere ang balita.

Kailangang hindi hahaba kaysa sa pangungusap.

c.

Sumulat ng pangunahing pangungusap

(lead sentence)

. Ito ang ginagamit upang makuha ang atensyonng tagapakinig. Maging KLARO at MAG-INGAT sa mga
salitang gagamitin sa iyong unang talata.

i.

NEWS VALUES:

1.

Prominence

Popularidad2.

Proximity

Kalapitan3.
Currency

Pinakapinag-uusapan4.

Timeliness

Pinakabagong anggulo ng istorya5.

Consequence

Kahalagahan ng pangyayari6.

Oddity

Pambihira at Di Pangkaraniwan7.

Human Interest

Apela sa emosyon ng tao8.

Change

pagbabago ng kapangyarihan/posisyon sa pamamahala9.

Drama

Misteryo, Kababalaghan, Katatawanan10.

Conflict

Awayan ng magkabilang panig

d.

Isulat ang katawan ng storya. Isama ang LAHAT ng mahahalagang impormasyon, bilang at PUNTO.
Saisang balitang pangradyo, karaniwang tumatakbo lamang trenta segundo (65 words) hanggang
isangminuto (130 words).e.

Sumulat ng kongklusyon.

Saan papunta ang storya? Paano mo tatapusin ang kwento?.

Kinakailangangmabanggit ang mga mahahalagang punto ng istorya.f.

Kailangang MABILIS NA MATINGNAN

AGAD ang script at UNAWAIN ang nilalaman. Lalo na ang tamangsalitang gagamitin na ANGKOP SA
PANDINIG. Ipakita ang script sa

copy-editor

na maaring tukuyin angmga mali sa istorya.g.

Patingnan sa Time Keeper ang bilang ng salita:

i.

10 seconds = 25 wordsii.

15 seconds = 35 wordsiii.

20 seconds = 45 wordsiv.

30 seconds = 65 words

v.
60 seconds =130 words

h.

Trabaho ng Copy Editor. Panatilihing SARIWA. HUWAG ULITIN ang nilalaman ng

teaser

at

lead

. Ito angkadalasang pagkakamali ng isang balita.i.

Madaliing ipasa sa encoder ang pinal na balita sa computer.

C.

Pangkabuoang Babala sa Pagsulat ng Balita sa Radyo

a.

Limitahan ang bilang ng isang balita. Mas maraming bilang, mas nakakalito.b.

Gawing MAS KAUNTI ang pangungusap upang mas makahinga ang taga-ulat.c.

Gawing aktibo ang pangungusap: “Inakyat niya ang bubungan ng mga bahay” sa halip na “Ang
mgabubungan ng bahay ay inakyat ng isang tao.”

d.

Gawing kasalukuyan ang nagaganap na balita. Sundan ang pinakahuling kaganapan.e.

HUWAG haluan ng personal na opinyon ang balita.f.

HUWAG gayahin o kopyahin ang nilalaman ng bawat salitang nakapaloob sa anuman


istoryangpinagmumulan ng balita.

You might also like