You are on page 1of 6

AJLRDC.

CC
Scriptwriting and Broadcasting

June 25,2023

ANGELA:
Ako'y isang pinoy
Sa puso't diwa
Pinoy na isinilang
Sa ating bansa
Ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako'y pinoy na mayroong sariling wika
Si Gat Jose Rizal nooy nagwika
Sya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang 'di raw magmahal sa sariling wika
Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda
Wikang Pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan
Hangad ko lagi ang kalayaan

(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hihina)

COVEY: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng


bayan, Ito ang AJLRDC.CC!

ANGELA : Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa.

DREXLER: Mga isyung tinututukan.

COVEY: AJLRDC.CC!

Talahipitan ng inyong mga radyo,himpilan ng mga balitang bago


Ito ang RADYO BALITA!
(Sounds TING)

ANGELA: Oras _______ minuto makalipas ang ala una ng hapon , araw
ng Martes ,ikadalawput lima ng Hunyo taong dalawang libo
dalawamput tatlo

(Sounds magpapalit)

(Background music lively)

COVEY: Isang Mapagpalang hapon Pilipinas!


ANGELA: Ito ang inyong kaagupay, Angela Maria

DREXLER: Ito ang inyong tagapagbantay, Drexler Baylon

COVEY: At inyong kaagapay, Covey Tomagan

ANCHOR 1,2&3: At kayo’y nakikinig sa….

RADYO BALITA !

(Sound lalakas)

DREXLER: Para sa ulo ng nag babagang balita.

ANGELA: 24 volcanic quake, 257 rockfall events at 16 dome collapse


ang naitala sa Bulkang Mayon.Para sa mga detalye nakatutok si Covey
Tomagan.
(Continue ng Background sound)

COVEY: Aabot sa 24 na volcanic earthquake, 257 rockfall events at


16 na dome collapse pyroclastic density current events ang
naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras. Ayon sa
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS),
mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 1.3 kilometro sa
Mi-isi Gully at 1.2 kilometro sa Bonga Gully at pagguho na lava
hanggang 3.3 kilometro mula sa crater.Nasa 663 tonelada ng
sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.Nasa 600 metrong taas at
katamtamang pagsingaw ng plume ang ibinuga ng bulkan na
napadpad sa kanluran-timog-kanluran at timog kanluran.Nanatili
sa Alert Level 3 ang bulkan.
DREXLER: DPWH Regional Office 1 itinanghal na Most Outstanding
Regional Office. Para sa mga detalye nakatutok si Agela Maria

ANGELA: Nasungkit ng Regional Office 1 ng Department of Public Works


and Highways ang Most Outstanding Regional Office award. Mismong si
Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagbigay ng parangal
kay Engineer Ronnel Tan sa 125 Founding anniversary ng DPWH na
ginanap sa Port Area, Manila.Nakuha ng Regional Office 1 ang 92.50
percent na ratings.Bukod sa pagiging Most Outstanding DPWH Regional
Office, nakuha rin ng Regional Office 1 ang District Engineering Office
award para sa Calendar Year 2020 na isinagawa kamakailan ng Praise
Committee.Nagpapasalamat naman si Tan sa parangal na iginawad ng
DPWH at ni Pangulong Marcos.

COVEY: Fil-Indian itinurong ‘terorista’ ng kapatid dahil sa isyu sa


pamana ng ama.Para sa mga detalye nakatutok si Drexler Baylon.

DREXLER: Lumala ang awayan sa pera ng magkapatid na Filipino-Indian


nang isumbong ng isa na terorista ang kanyang kapatid kayat inaresto
ng mga tauhan ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group
(CIDG).Isinilbi kay Amith Prem Chandiramani ang isang search warrant
sa kanyang bahay sa Dasmarinas City, Cavite kahapon ng hapon at
diumano ay narekober ng mga pulis ang ilang baril at pampasabog.
Ngunit sinabi nito na naniniwala siya na ang pag-aresto sa kanya ay
base sa mga maling impormasyon na ibinigay sa mga pulis ng kanyang
kapatid na si Rajiv.Sa pahayag ng kampo ni Chandiramani may
matinding awayan ang magkapatid dahil iniwan na pamana ng kanilang
yumaong ama, ang bilyonaryong si Prem Narandais.

COVEY: Magbabalik ang balitaan pagkatapos ng paalalang ito.

ANGELA: Akala ko ba mahalaga ako sayo ? Eh bakit hindi mo


pinaparamdam? Tubig lang ako,nababawasan, nauubos din. Ikaw na
nga ang nag sabi walang forever, kaya pag hindi mo ko tinipid, iningatan
at pinahalagahan mawawala ako sayo at kahit ikaw mawawala dito sa
mundo.

RHYMECHEL: Kaya mahalin mo ang isang hamak na tubig na gaya ko.

COVEY: Panahon na naman ng El niño. Panahon na naman para mas


magtipid at gamitin ng wasto ang tubig. Ito ay mahalagang paalala
mula sa Maynilad at Manila water

DREXLER: AJLRDC.CC Radyo Balita! Oras 2:___ ng hapon.

(Sound lalakas)

ANGELA: Balik sa mga balita, Malabon City Jail inmates nagreklamo sa


pang-aabuso umano ng warden,at ibang opisyal.Express Balita Covey
Tomagan ibalita mo

COVEY: Gumawa ng komosyon ang mga bilanggo ng Malabon City Jail


sa pamamagitan ng noise barrage dahil umano sa pang-aabuso ng
warden at iba pang opisyal.
Alas kwatro ng hapon nitong Biyernes nang magkagulo ang mga male
PDL sa loob ng Malabon City Jail.
Nagsagawa ng isang noise barrage ang mga PDL at binasag nila ang mga
bintana sa kulungan at kinalampag ang mga bakal.

COVEY: Covey Tomagan para sa express balita

ANGELA:Sa ibang balita naman, Right to Care Card para sa

LGBTQIA+ community inilunsad sa QC. Tambalang Drexler at Rc ichika


niyo.

(Chika?Showbiz Music)

DREXLER: Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, layunin ng


program ana mabigyan ng pagkakataon ang nasa LGBTQIA+ community
na magkaroon ng medical decisions para sa kanilang mga partner.
Magiging operational ang Right to Care Card sa pamamagitan ng Special
Power of Attorney (SPA) at kikilalanin ang desisyon kung tututol o
sasang-ayon sa mga medical care ng kanilang mga partner kabilang na
ang treatment, procedures, tests, at prescriptions.
RHYMECHEL: “There have been reports of LGBTQIA+ community
members who were prohibited from making crucial decisions when
their partners were admitted to intensive care units of hospitals,”
pahayag ni Belmonte.

“We want all of our residents, regardless of sexual orientation, to be


with their partners in critical moments, and we are taking this
important step to assure the rainbow community that they are cared
for, recognized and valued in Quezon City,” dagdag ni Belmonte.

Sa kasalukuyan, kinikilala lamang ng mga ospital at medical facilities ang


desisyon ng mga legal na asawa o mga kamag-anak at hindi ng mga
partner ng same-sex couple.

DREXLER,RHYMECHEL: Lahat ng balitang showbiz ay nasa


amin,trending man ito at walang ending.Muli kami ang tambalang DR!
(Sounds Lalakas)

COVEY:Mula sa buong puwersa ng AJLRDC.CC ayan po ang mga balita


sa oras na ito.

DREXLER: Ako si Drexler Baylon


ANGELA: Ako naman si Angela Maria
COVEY: At ako naman po si Covey Tomagan

ANCHOR 1,2 & 3: Lahat ilalantad, Sa inyo’y nararapat

Radyo Balita .

Maraming salamat sa inyong pagsubaybay,magandang araw!

(Ending Music)

You might also like