You are on page 1of 1

Noong unang panahon, Ang bayan ng Tagaytay ay pinamumunoan ng isang matanda ngunit

makapangyarihang lalaki.Siya ay nag nagngalang Lakan Taal.


Minamahal at ginagalang ng taombayan
ang kanilang pinuno sapagkat siya
matalino at makatarungan. Ang bayan
ay naging maunlad at maasenso dahil
sa mbuting pamumuno ni Lakan Taa.

Maayos Ang pamamalakad sa bayan at walang kaguluhan sapagkat mataas ang respeto ng
mga tao kay Lakan Taal.
Kahit na Ang kanilang industriya ay lumakas rin. Ang mga tao ay nakapag ani
ngmaganda at masagana kung kaya'nakapagpapamunga sila ng mga kape at abukado at iba
pang mga bungang kahoy o prutas.

Isang araw, ang matandang lalaki ay nakipagkita sa kanyang mga tapat na taga sunod.
Dinalan ni Lakan Taal ang mga alagad sa isang liblib na bahagi ng kakahuyan.
Sinabihan niya ang mga ito na pinagbabawaw na niya ang sinoman na na pumunta sa
tuktok ng bundok na tinutokay nya. Sa malayo mapapansin na ang bundok ay mayaman sa
mga punong kahoy at likas na yaman. Dahil may respeto sila sa disisyon ni Lakan
Taal, ang mga alagad niya ay nangako na hindi na sila pupunta sa nasabing bundok.
At naatasan din silang sabihan ang mga taombayan tungkol sa mahigpit na utos ni
Lakan Taal. At Ang mga tao sa ibang bayan ay ginawa kung ano ang utos, at mula noon
ay walang sino man ang nangahas na umakyat sa bondok. Masaya at kuntento ang mga
taombayan sa pamamalakad ni Lakan Taal ng bigla na lamang mawala ang matanda. Ni
wala man lang itong pinagsabihan kung saan ito pupunta. Hinanap ng lahat ang
kanilang pinuno ngunit hindi nila ito nakita. Nag tungo Ang mga alagad hanggang sa
kasulok-sulokang bahagi ng bayan at maging sa mga kakahuyan ngunit wala parin si
Lakan Taal. At walang nakakita o makapagtuturo kung saan Ang matanda.

Ilang taon ang nakalipas simula nang mawala si Lakan Taal ngunit hindi parin ito
bumalik sa bayan. Kahit masagana ang pamumuhay sa bayan hinahanap parin nila Ang
kanilang minamahal na pinuno.

Isang araw, may nagmungkahi na akyatin nila ang bundok na pinagbabawal ng matanda
na puntahan. At sinabi nila na baka nandun daw ang matanda nag tatago. Sumang-ayon
naman ang taombayan na sabik makita kung anong miron sa nasabing bundok.

At pumunta nga ang maga ito sa bundok, at sa taas nakita nila ang malaking butas.
Sunilip sila sa loob at nakita nila na puno ito ng mga kumikinang na bato, mga
perlas, diamante, at iba pa. At sumunod nag tulakan at nag-away-away Ang mga ito sa
pakikipag- unahan makakuha ng mga kumikinang na bato. Ang pamilyar na boses ni
Lakan Taal ang nag pahinyo sa kanila sa pag aaway. Ang sabi into sa kanila ito ang
tunay na dahila kung bakit pinagbabawal niya na pumunta ang mga ito sa bundok dahil
alam niya na ito ang maaring kahinatnan ng lahat.

Si Lakan Taal ay nagalit sa ginawa ng mga taombayan kaya hiniling nito sa bathala
na magkaroon ng malakas na kidlat, kulog at unos. Hindi pa natapos ang kanayang
pagsasalita nang bihlang dumilin ang paligid at nangyari ang sinabi nito. Nagkaroon
ng malakas na lindol at nag buga ng apoy ang bundok na siyang ikinasawi ng mga
taombayan.

Ang bundok ay napalibutan ng tubig at Ang mga kumikinang na bato sa butas ng bundok
sa nalunod sa tubig upang walang sinoman ang makakuha ng maga kayamanan. Simula
noon, Ang bundok ay tinawag bilang Taal galing sa matanda at matalino na pinuno.

You might also like