You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII CENTRAL VISAYAS
COGON HIGH SCHOOL EVENING CLASS
Tagbilaran City

2nd PERIODICAL TEST IN FILIPINO SA PILING LARANG G-12


S.Y. 2022-2023

Name: _________________________________ Date: ____________


Grade and Section: _______________________ Score: ___________

PANUTO: Basahin ang tanong sa bawat aytem at pagkatapos ay isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

____1. Ano ang wastong bantas na ginagamit sa pagsulat ng pamitagang pangwakas?


A. kuwit C. tutuldok
B. tuldok D. tuldok-kuwit
____2. Ano ang bantas na ginagamit sa bating pambungad ng liham pangnegosyo?
A. kuwit C. tutuldok
B. tuldok D. tuldok-kuwit
____3. Aling bahagi ng liham pangnegosyo ang naglalaman ng adres ng tagatanggap nito?
A. pamuhatan C. bating pambungad
B. patunguhan D. pamitagang pangwakas
____4. Ilang espasyo ang inilalaan sa pagitan ng bawat talatang liham pangnegosyo?
A. isa C. tatlo
B. apat D. dalawa
____5. Alin sa mga sumusunod ang wastong pamitagang pangwakas?
A. Lubos Na Gumagalang, C. Lubos na gumagalang,
B. Lubos na Gumagalang, D. Lubos na gumagalang.
____6. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng bahagi ng liham pangnegosyo?
I. Katawan II. Lagda III. Pamuhatan IV. Bating Pambungad
V. Patunguhan VI. Pamitagang Pangwakas

A. III-V-I-IV-II-VI C. IV-III-V-I-VI-II
B. III-V-IV-I-VI-II D. IV-III-I-VI-V-II
____7. Anong bahagi ng liham ang pinaglalaanan ng sapat na paliwanag sa layunin ng pagsulat?
A. katawan C. patunguhan
B. pamuhatan D. bating pambungad
____8. Ano ang mungkahing sukat ng papel sa pagsulat ng liham pangnegosyo?
A. 8 1/3 x 11 C. 8 ¼ x 11
B. 8 ½ x 11 D. 8 ½ x 12
____9. Alin sa sumusunod ang wastong Bating Pambungad?
A. Para sa Tagapamahala; C. Magandang Araw!
B. Mahal na Dekano, D. Atty. Nieto:
____10. Inalam muna ni Lorie Lyn ang buong pangyayari sa subdibisyon bago ireklamo ang mga nagsimula ng
gulo. Anong katangian ng mabisang liham pangnegosyo ang sinunod ng sumulat?
A. Isinasaalang-alang ang kapakanan ng kapwa
B. Maikli ngunit buo ang diwa
C. Malinaw at magalang
D. Tiyak at tama
____11. Ano ang higit na makatutulong sa pag-unawa ng manwal?
A. emoji C. karikatura
B. disenyo D. ilustrasyon
____12. Saan nakabatay ang impormasyong mababasa sa isang manwal?
A. mga eksperto C. kumpanya ng produkto
B. mga manunulat D. mga nakalimbag at elektronikong aklat
____13. Anong uri ng manwal ang madalas na makikitang kalakip ng mga binibiling cellphone?
A. manwal na operasyonal C. manwal ng pagbuo
B manwal ng gumagamit D. teknikal na manwal
____14. Kailan maaaring irekomenda ang pagbabago sa manwal?
A. nabasa na ng editor
B. dumaan na sa proofreading
C. may mali o nakalilitong panuto
D. may gumamit na nito ngunit hindi naunawaan
____15. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa layunin ng isang manwal?
A. pamagat ng manwal
B. pambungad na bahagi nito
C. nilalaman ng mismong manwal
D. gumagamit ng sino, ano, kailan,saan , bakit at paano
____16. Matapos isulat ang isang manwal, ano ang nararapat na kasunod na hakbang ang dapat gawin ng
manunulat?
A. ihanda ang publikasyon nito
B. gumawa ng ikalawang iskrip o balangkas
C. baguhin ang mga mali at nakalilitong detalye
D. ipabasa ito sa taong maaaring gumamit o kaya sa editor
____17. Sa pagsulat ng manwal, ano ang mainam na katangian ng disenyo nito?
A. magagamit na gabay sa ibang produkto
B. madaling basahin at madaling sundan ang larawan
C. may mga ilustrasyong makaragdag ng kulay sa buong manwal
D. naglalaman ng mga paksa, gawain , pamamaraan at iba pang impormasyon
____18. Ang manwal ay sulating teknikal na may tiyak na pakinabang sa awdiyens. Alin ang hindi kabilang sa
pakinabang nito?
A. babasahin B. batayan C. gabay D. sanggunian
____19. Ano pa ang posibeng talakayin ng isang manwal MALIBAN sa paksa at gawain?
A. pamamaraan B. mungkahi C. larawan D. panuto
____20. Alin sa sumusunod ang indikasyon ng layunin ng manwal?
A. Saan gagamitin ang produkto? C. Sino ang may-ari sa produkto?
B. Bakit mahalaga ang produkto? D. Kailan gagamitin ang manwal?
____21. Ano ang tawag sa mga salitang nabibilang sa partikular na larangan gaya ng animation, drafting,
editing?
A. Kolokyal C. Pormal
B. Impormal D. Register
____22. Saang bahagi ng feasibility study matatagpuan ang flowchart ng mga mangangasiwa ng negosyo?
A. Mga mapagkukunan C. Mamamahala
B. daloy ng proseso D. Layunin
____23. Kung ikaw ay nagsisimula ng isang negosyo, anong mainam na katangian ng marketplace ang iyong
isaalang-alang?
A. may kaibigang kapareho ang negosyo sa kalapit na lugar
B. angkop sa pangangailangan ng komunidad
C. may kaibigang kostumer
D. madalang ang tao
____24. Aling bahagi ng feasibility study ang naglalaman ng sunod-sunod na plano at petsa ng
pagsasakatuparan nito?
A. mga mapagkukunan C. mamamahala
B. daloy ng proseso D. layunin
____25. Ang paggamit ng social media platforms at pagsasagawa ng promo sa isang negosyo ay napabilang sa
anong uri ng estratehiya?
A. promosyon C. estratehiya sa pagbebenta
B. pagpapakilala D. estratehiya sa pagpapalawak ng negosyo
____26. Aling bahagi ang naglalaman ng pagkilala sa itatayong proyekto, ang pangalan nito at bumuo rito?
A. deskripsiyon ng produkto/serbisyo C. mga mapagkukunan
B. deskripsiyon ng Negosyo D. layunin
____27.Bakit mahalaga ang pagsusuri ng kikitain sa isang feasibility study?
A. natutukoy ang badyet na kailangang ilaan sa bawat kagamitang kailangan
B. natitiyak ang arawan o buwanang kita kung ito ba ay sapat sa inilabas na puhunan
C. nadedetermina ang potensyal na magsusuplay ng mga hilaw na materyales na kailangan
D. natutukoy ang kwalipikasyon ng lugar na magiging sentro ng pamilihan o serbisyo sa kostumer
____28. Kung ang panawag sa kumokunsumo ng produkto ay kostumer, ano ang panawag natin sa tagapag-
prodyus ng mga hilaw na materyales?
A. consumer C. supplier
B. employer D. importer
____29. Si Gemma ay isang OFW na hilig ang pagluluto kaya noong bumalik sa bansa ay napagdesisyunan
niyang magtayo ng isang karinderya , ngunit wala siyang ideya kung paano sisimulan ang negosyo. Sa
iyong palagay, ano ang maaaring pangunahing isasaalang-alang ni Gemma sa kaniyang itatayong
karinderya?
A. ang lokasyon, target na kostumer, at ang puhunan sa negosyo
B. ang lokasyon, target na kostumer, puhunan sa negosyo at ang pamilya niya
C. ang lokasyon, target na kostumer, at ang puhunan sa negosyo at ang panahon
D. ang lokasyon, target na kostumer, puhunan sa negosyo at ang mga posibleng maging katuwang niya
sa negosyo
_____30. Sa pagsisimula ng negosyo , ano ang pangunahing pormularyong permiso ang marapat na masiguro
ng negosyante?
A. SEC Registration Form C. DTI Business permit
B. BIR Registration Form D. Barangay Business Permit
____31. Aling bahagi ng feasibility study ang naglalaman ng maikli ngunit malinaw na pangkalahatang pagtingin
sa negosyo?
A. deskripsiyon ng Negosyo C. mamamahala
B. deskripsiyon ng produkto D. layunin
____32. Ano ang karaniwang katangian ng produkto at serbisyong nakapaloob sa feasibility study?
A. ang serbisyo ay nirerentahan, samantala ang produkto ay naibebenta
B. ang produkto ay maaring mahawakan samantala ang serbisyo ay maaring magamit
C. ang serbisyo ay mayroong supplier, samantala ang produkto ay mayroong manufacturer
D. ang produkto ay karaniwang nahahawakan , nauubos o nagagamit, samantala ang serbisyo ay
inilalaan para sa mga tao
____33. Bakit mahalaga ang rekomendasyon sa pagsulat ng feasibility study?
A. ang rekomendasyon sa pagpaplano ng perang gagastusin
B. hindi maisasakatuparan ang feasibility study kung wala ang bahaging ito
C. nilalaman nito ang pag-aaral tungkol sa posibilidad ng pagtatayo ng negosyo
D. sa rekomendasyong mababasa ang lugar kung saan mainam magtayo ng negosyo
____34. Bakit mahalaga ang pagsulat ng feasibility study?
A. higit na nakikilala ang produkto o serbisyo dahil sa komprehensibong paglalarawan ng feasibiity study
B. nabibigyang paalala nito ang mga konsyumer para sa mga panganib na kaakibat ng maling paggamit
ng produkto
C. sa pamamagitan ng feasibility study matitiyak ang matagumpay na paglulunsad ng tiyak na produkto
o serbisyo
D. ang feasibility study ay dokumentong nagsasaad ng sunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa isa o
grupo ng tao
_____35. Alin sa mga bahagi ng feasibility study ang nagtataglay ng paraan kung paano mahikayat ang
mamimili na tangkilikin ang produkto o serbisyo?
A. pagtutuos at paglalaan ng pondo C. pagsusuri ng kikitain
B. Estratehiya sa pagbebenta D. daloy ng proseso
____36. Si Lawrence ay isang mahusay na mekaniko, nagdesisyon siyang magtayo ng isang talyer sa kanilang
bayan kung saan maraming behikulo ang paroo’t parito. Ano ang kinonsidera ni Lawrence sa kaniyang
pasya?
A. deskripsiyon ng produkto/serbisyo C. pagsusuri ng lugar
B. deskripsiyon ng Negosyo D. layunin
____37. Alin ang hindi kabilang sa mga kahalagahan ng pagsasagawa ng feasibility study?
A. magagamit ito bilang alternatibong dulog at solusyon upang maisakatuparan ang ideya
B. isang makabuluhang impormasyon at datos na makatutulong sa pagbuo ng desisyon
C. nakikilala ang pangangailangan ng isang produkto
D. natutukoy ang tagumpay ng ideya
____38. Ang perang kakailanganin sa negosyo ay Php 50,000.00. Aling bahagi ng feasibility study ang
naglalaman nito?
A. pagtutuos at paglalaan ng pondo
B. pagsusuri ng kikitain
C. mamamahala
D. layunin
____39. Ano ang maaaring maging proyekto ni Jennifer kung ang negosyo niya ay isang Salon?
A. serbisyo lamang
B. produkto lamang
C. serbisyo at produkto
D. serbisyo, produkto at lugar
____40. Sa mga nabanggit sa ibaba, alin ang nararapat na gawin matapos kilalanin ang mga taong may
gampanin sa isang negosyo?
A. estratehiya ng pagbebenta
B. pagsusuri ng kikitain
C. daloy ng proseso
D. apendise
____41. Ano ang tawag sa wikang ginagamit lamang sa partikular na larangan?
A. creole
B. jargon
C. impormal
D. pormal
____42. Ano ang sulating teknikal ang may malinaw na relasyon sa feasibility study?
A. naratibong ulat
B. flyers at leaflets
C. anunsyo o babala
D. panukalang proyekto
____43. Saan makikita ang pormularyo gaya ng business permit sa isang feasibility study?
A. mga rekomendasyon
B. daloy ng proseso
C. apendise
D. layunin
_____44. Bakit mahalaga ang pagtiyak sa daloy ng proseso sa isang feasibility study?
A. mas madaling natatapos ang gawain dahil nakabadyet ang gawain sa bawat taong mamamahala ng
itatayong negosyo
B. nailalatag ang timeline ng tiyak na mga gawain bago maisakatuparan ang negosyo
C. natutukoy ang layunin ng pagtatayo ng negosyo
D. nasusuri ang pisikal na katangian ng lugar
____45. Ano ang maaaring gamitin upang higit na maging komprehensibo ang paglalahad ng datos tulad ng
bahagi ng pagsusuri ng kikitain?
A. graphic organizer
B. mga larawan
C. karikatura
D. ilustrasyon
____46. Ano ang tawag sa maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang
negosyo?
A. deskripsiyon ng produkto
B. deskripsiyon ng proseso
C. deskripsiyon ng serbisyo
D. deskripsiyon ng larawan
____47. Bakit mahalaga ang deskripsiyon ng produkto?
A. upang maipakita sa mamimili na ang produkto ay akma sa kanilang mga pangangailangan
B. dahil sa mahina ang kompetensiya ng iba’t ibang kompanya
C. para hindi mabigyan ng impormasyon ang mamimili sa mga benepisyo
D. upang mang-akit sa mga mamimili ng dahil sa benepisyo
____48. Ang mga sumusunod sa ibaba ay mga paraan sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto MALIBAN sa:
A. Maikli lamang ang deskripsiyon ng produkto
B. Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili
C. Gumamit ng kaakit-akit na larawan ng produkto
D. Gumamit ng pormat na hindi madaling i-scan

____________________________________
Signature Over Printed Name of
Parent/Guardian

You might also like