You are on page 1of 4

I.

Maramihang Pagpipilian
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Saan nakasalig ang mitolohiya sa uri ng panitikan?
a. tuluyan o prosa
b. patula
c. tulang patnigan
d. tulung pasalaysay
2. Isang inang lobo ang nag-iwi sa kambal na mga sanggol. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang nakapahalang?
a. nag-alaga
b. nag-uwi
c. tagapag-alaga
d. tagapagmana
3. Ano ang pinakamalapit na kasingkahulugan ng salitang moog?
a. pader
b. tatag
c. lupa
d. kaharian
4. Ilang elihiya ng pag-ibig ang ginawa ng makatang taga-Roma?
a. 43 na tula
b. 42 na tula
c. 48 na tula
d. 49 na tula
5. Sino ang sikat na latinong kilala bilang makatang taga-Roma?
a. Pablius Ovid Nason
b. Publius Ovid Nason
c. Pablius Ovid Nasun
d. Pubius Ovid Nasun
6. Hinaplos ni Jerry ang mukha ni Susan dahil patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Anong uri ng
di-berbal na komunikasyon nakasalig ang ipinapakita ng sitwasyon?
a. haptics
b. kinesics
c. paralanguage
d. oculesics
7. Biglang naipit ang paa ni Jerry dahilan upang mapaungol ito sa sakit. Anong uri ng di-
berbal na komunikasyon ang mahihinuha sa sitwasyon?
a. haptics
b. kinesics
c. paralanguage
d. oculesics
8. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan. Kabilang dito ang
mga elektronikong ekwipment tulad ng radio at telepono.
a. objectics
b. haptics
c. iconics
d. proxemics
9. Tumutukoy sa paggamit ng mata sa pakikipagtalastasan. Naniniwala ang ilan na ang
taong may itinatagong lihim o nagsisinungaling ay di makatingin nang diretsyo sa mata
ng kausap.
a. oculesics
b. iconics
c. objectics
d. chronemics
10. Ang uri ng di-berbal na komunikasyong ito ay tumutukoy sa paggamit ng galaw, kilos ng
katawan tulad ng pag-iling, pagkaway, at iba pa sa pagbibigay ng mensahe.
a. proxemics
b. kinesics
c. colorics
d. objectics
11. Ito ay tumutukoy sa distansya o layo sa pagitan ng nag-uusap gayundin naman sa pook
kung saan nagaganap ang pagtatalastasan.
a. proxemics
b. kinesics
c. colorics
d. objectics
12. Ang bawal manigarilyo at bawal tumawid ay halimbawa ng anong uri ng di-berbal na
komunikasyon?
a. oculesics
b. iconics
c. colorics
d. proxemics
13. Kailan ipinanganak ang makatang taga-Roma na si Ovid?
a. 40 BC
b. 41 BC
c. 42 BC
d. 43 BC
14. Nalaman niya ang kahalagahan ng buhay ng tao subalit huli na para bumawi. Ang
salitang subalit ay nakaangkla sa anong uri ng pang-ugnay?
a. pang-ukol
b. pangatnig
c. pang-angkop
15. Kinakailangan pa rin ang pagsuot ng facemask alinsunod sa alituntunin ng DOH. Ang
salitang alinsunod ay nakasalig sa anong uri ng pang-ugnay?
a. pang-ukol
b. pangatnig
c. pang-angkop

II. Identipikasyon
Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
______ 1. Ito ay nagdudugtong sa magkakasunod-sunod na salita sa isang pangungusap
para maging magaan o madulas ang pagbigkas nito.
______ 2. Ito ay ginagamit sa pag-uugnay ng mga pangungusap at sugnay upang mabuo
ang diwa.
______ 3. Ito ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa,
panghalip, at pang-abay sa iba pang salita sa loob ng pangungusap.
______ 4. Ito ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita.
______ 5. Ang gamit ng pandiwang ito ay maaaring gamitin kapag may aktor o
tagaganap na gagawa ng aksyon.
______ 6. Ang gamit ng pandiwang ito ay maihahanay sa mga pangyayari kapag
nagpapahiwatig na naaapektuhan ng naturang proseso ang tatanggap ng kilos.
______ 7. Ang gamit ng pandiwang ito ay magpahayag ng karanasan kapag may
damdamin o saloobing ipinakikita.
______ 8. Ito ay komunikasyong gumagamit ng wika na maaaring pasulat o pasalita.
______ 9. Ito ay komunikasyong hindi gumagamit ng wika. Kilos at galaw ng katawan o
bahagi ng katawan ang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
_______ 10. Ito ay komunikasyon kung saan ang isang tao ay nasa proseso ng
pagdedesisyon sa kaniyang sarili tungkol sa isang bagay na dapat niyang gawin o lutasin.
______ 11. Ito ay antas ng komunikasyon na ang layunin ay maghatid ng mensahe
tungkol sa kultura.
______ 12. Sa ganitong kaantasan ng komunikasyon, ang nagsasalita ay gumagamit ng
kasangkapang pangmasa upang maipaabot ang mensahe sa napakaraming tagapakinig.
______ 13. Ito ay may layunin na makatulong sa mabilis na pag-unlad ng bansa.
______ 14. Ang antas na ito ay may layuning magpabuti o magpaunlad ng isang
samahan o organisasyon.
______ 15. Ang antas na ito ay tumutukoy sa pagbigkas ng talumpati o anumang
pasalitang pagpapahayag sa harap ng maraming tao tulad sa mga seminar at kumperensya.

III. Suriin ang sumusunod na mga pangungusap. Kilatisin kung ang pandiwa ay ginamit
bilang (a) aksyon, (b) pangyayari, o (c) karanasan. Isulat lamang ang titik ng wastong
sagot sa patlang.

_____1. Nagsunog siya ng kilay para makatapos ng pag-aaral.


_____2. Kitang-kita ang kagalakan ng kaniyang mukha.
_____3. Nasaktan si Romeo nang mabagsakan siya ng kahoy.
_____4. Sinalubong ng mga sundalo ang mga panauhing dumating.
_____5. Pumalakpak ang mga tao nang tumayo ang hari at reyna.
_____6. Sumabog ang nangangalit na bulkan.
_____7. Nagkantiyawan ang mga tagasunod ng hari kung sino ang unang aakyat sa
mataas na puno.
_____8. Nagpadala ang hari sa katuwaang nagaganap.
____9. Isa-isang nagmakaawa ang nahuling alipin.
____10. Nahulog ang mga bunga ng niyog mula sa puno nito.

You might also like