You are on page 1of 2

LIVING SPRINGS INSTITUTE OF TECHNOLOGY

Kisanlu, Iponan, Cagayan de Oro City


2nd Quarter Exam
Filipino-2

Name:________________________________________________ Score:____________
Teacher: Ms. Icy Mae M. Senados Date:_________________________

I. Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Ang Pula at Itim na Langgam
Ang pulang langgam ay isang masipag na insekto samantalang ang
itim na langgam naman ay tamad na insekto.
Isang araw panay na naglalaro ang itim na langgam samantalang
ang pulang langgam ay patuloy sa paghahanap at pag-iipon ng pagkain.
Nang biglang dumating ang tag-ulan wala ng makain ang itim na
langgam. Nanghingi siya ng pagkain sa pulang langgam at binigyan naman
siya nito ng isang butyl ng palay. Sabin ng pulang langgam “Simula ngayon
dapat ka nang magsipag para sa susunod ikaw ay may makain na”.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Sino sa nabasang kwento ang tamad na langgam?
a. Pulang Langgam b. Itim na Langgam
2. Anong kulay ng langgam ang masipag maghanap ng pagkain?
a. Pula b. Itim
3. Bakit hindi na makakuha ng pagkain ang itim na langgam?
a. Dahil sa init ng araw. b. Dahil sa patuloy na tag-ulan.
4. Anong pagkain ang ibinigay ng pulang langgam sa itim na langgam?
a. Isang butil ng bigas. b. Isang pirasong mani.
5. Anong aral ang natutunan ninyo sa kwento?
a. pagiging masipag b. pagiging matapat

II. BIlugan ang mga pangngalan sa bawat pangungusap. Maaari kayong


pumili mahigit pa sa isa sa bawat bilang.
1. Si Mark ay nagpunta sa palengke.
2. Ang pagkain sa tindahan ay masarap.
3. Sina Marco at James ay manunuod ng pelikula.
4. Ang bahay ay gawa sa kahoy.
5. Nasira ang kanilang bahay dahil sa bagyo.
6. Bumili kami ng laruan sa SM Mall.
7. Ako ay nakatira sa Cagayan de Oro City.
8. Sumali sa paligsahan si Rose.
9. Sumakay ng barko ang kapatid ni Janna.
10.Nagbakasyon kami sa Baguio.

III. Isulat sa patlang ang letrang PT kung ito ay Pangngalang Pantangi

at PB kung ito ay Pangngalang Pambalana.

1. Dr. Jose Rizal _________________ 6. papel __________________

2. bata _________________ 7. kaibigan __________________

3. Parke _________________ 8. Jollibee __________________

4. aklat _________________ 9. sapatos __________________

5. Manila Ocean Park ____________ 10. Nestlee __________________

IV. Pagsama-samahin ang mga salita ayon sa kanilang kasarian. Piliin ang

sagot sa talaan ng mga salita sa ibaba at isulat ito ayon sa kanilang

pangkat.

aklat ate lapis pusa payong

kamag-aral ninang doktor kuya papel

Panlalaki Pambabae Di-Tiyak Walang Kasarian

You might also like