You are on page 1of 2

LIVING SPRINGS INSTITUTE OF TECHNOLOGY

Kisanlu, Iponan, Cagayan de Oro City


2nd Quarter Exam
Filipino-8

Name:________________________________________________ Score:____________
Teacher: Ms. Icy Mae M. Senados Date:_________________________

I. Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Bilugan ang mga


bahaging tumutukoy sa sanhi at salungguhitan naman ang naglalahad ng
bunga ng pangyayari.
1. Sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas, kinilala siyang pinuno ng
pook na Ibalon.
2. Namula sa dugo ng mga buwaya ang ilog ng Bicol dahil sa pagkapanalo ni
Handiong sa labanan.
3. Si handiong ang gumawa ng unang bangkang pandakat sa Ibalon. Dahil sa
halimbawa niyang ito, nahikayat ang mga tao na tumuklas ng sari-saring
kagamitan.
4. Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na niya kayang
ipagtanggol ang kaniyang nasasakupan.
5. Pinairal ni Handiong ang makatarungang batas tuloy nagkaroon ng dangal
ang bawat mamamayan. Kaya, mula noon si Handiong ang humaliling bayani
ng epiko.
6. Sa laki at hindi mailarawang pinsala ni Yolanda, nakakuha ito ng atensyon
at kinakailangang tulong mula sa iba’t ibang bansa.
7. Simula ng hagupitin ng bagyong Yolanda ang Silangang Visayas noong
Biyernes, wala ng komunikasyon mula sa mga taga-Leyte at Sanar dahil sa
nasira ang cell site.
8. Halos sampung milyong katao ang naapektuhan ng bagyong Yolanda
matapos nitong bayuhin ang bansa lalo na sa Visayas, ayon sa disaster
response agency.
9. Sa paghahanda ng mga banyagang manggagamot na bumalik na sa
kanilang mga bansa, kailangang halinhinan sila ng mga manggagamot mula
sa Pilipinas.
10. Ang mga kabalikat ng iba’t ibang ahensiya ay nag-uulat na kuklang pa rin
o hindi pa nakararating ang pagkain at iba pang tulong dahilan na rin sa
kakulangan nito.

II. Punan ang talahanayan. Isulat ang mga panlapi na ginamit sa salita.
Pagkatapos ay isulat ang uri ng panlapi: unalpi, gitlapi, hulapi, at
kabilaan.
Salitang Maylapi Panlapi Uri ng Panlapi
1. plantsahin
2. nagtungo
3. sindihan
4. payamanin
5. tumalsik
6. harapin
7. tinamaan
8. nakasakay
9. magkaproblema
10. bilangguan
11. ibinalot
12. sumikat
13. kasimbigat
14. nabalikan
15. sinampal

III. Basahin ang mga sumusunod na bahagi ng koridong Ibong Adarna.


Bilugan ang mga pangungusap na may masining na pagpapahayag.
Pag-aalay
O. Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit
Liwanagin yaring isip
Nang sa layo’y hindi malihis.

Ako,y isang hamak lamang


Taong lupa ang katawan
Mahina ang kaisipan
At maulap ang pananaw.

Malimit na makagawa
Ng hakbang na pasaliwa
Ang tumpak kong ninanasa
Kung namgyari ang pahidwa.

IV. Gumawa ng isang pahayag na naglalahad ng iyong pagsang-ayon o


pagsalungat tungkol sa isang napapanahong isyu. (5 puntos bawat isa)
1. Pagbabago ng Klima o Climate Change

2. Pagre-recycle Bilang Sagot sa problema ng Basura

3. No Plastic Policy

You might also like