You are on page 1of 4

Table of Specifications

FILIPINO VI
Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 6- Kwarter I

Bilang ng Bilang % ITEM PLACEMENT


Kasanayang Araw ng ng
Pagkatuto Pagtutur Aytem
o

EASY AVERAGE DIFFICULT

Knowled Comp Applica Analysi Synthesi Evaluation


ge rehen tion s s
sion
1. nakagagamit
nang wasto ng
mga pangngalan at 5 10 50 6-7 1-5 13-18
panghalip sa
pakikipag-usap sa
iba’t ibang
sitwasyon(F6WG-
Ia-d-2)
2. nabibigyang-
kahulugan ang 5 10 50 8-12 19 20
kilos at pahayag
ng mga tauhan sa
napakinggang
pabula
(F6PN-lc-l9)

TOTAL 10 20 100

Republic of the Philippines


Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE
BUENAVISTA DISTRICT IV
Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 6- Kwarter I

Pangalan :_________________________________ Petsa :________________ Iskor :_________


Section:___________________________________ Guro : ______________________________
A. Panuto: Tukuyin ang mga pangungusap sa bawat bilang kung ito ay pangngalan o
panghalip. Ibigay ang hinihingi at piliin ang titik ng iyong sagot.

1. Matibay ang binili kong lapis. Alin sa mga salita ang pangngalan?
A. ang B. binili C. lapis D. matibay

2. Malusog ang alaga kong si Kuting. Alin sa mga salita ang panghalip?
A. alaga B. kong C. kuting D. malusog

3. Alin sa mga salita ang pangngalan?


A. ako B. ibon C. niya D. siya

4. Alin sa mga pangungusap ang may salungguhit na panghalip?


A. Magaling umawit si Sarah Geronimo.
B. Masaya kaming namasyal sa Boracay.
C. Nagbakasyon ang mag-anak sa Maynila.
D. Winalis niya palagi ang mga naglaglagang mga dahon.

5. Matapang na hinaharap ng mga Pilipino ang pandemyang COVID-19. Alin ang


panggalan sa mga salita?
A. ang B. hinaharap C. Pilipino D. matapang

6. Ito ay ang mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari?
A. panghalip B. pangngalan C. pangungusap D. salita

7. Ito ay ang mga salitang pamalit o panghalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop at pook.

A. panghalip B. pangngalan C. pangungusap D. salita

B. Panuto: Basahin at ibigay ang kahulugan ng mga kilos o pahayag ng mga hayop sa
sumusunod na pangungusap? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

8. “Maya! nais kong mapatunayan kung sino talaga sa atin ang pinakamagaling!”
Si Uwak ay ___________.
A. mabait B. magalang C. malungkot D. mayabang

9. “Ahhhh! Yon bah? “Ano gusto mo magsubukan tayo ng tapang o Kakayahan?” Si


Maya naman ay ___________.
A. maalaga B. mapagmahal C. masipag D. palaban

10. Nagpaikot-ikot ng lipad si Uwak. Si Uwak ay lumipad _____________.


A. pabalik-balik B. palapit C. palayo D. taas-baba

11. “Anong gagawin natin Uwak? Dapat magkasundo tayo sa paligsahang ito,” sabi ni
Maya. Si Maya ay humihingi ng _______________.
A. pag-aalinlangan C. pagdaramdam
B. pagdamay D. pag-uusap ng maayos

12. Sa isip ni Uwak, dapat matalo niya si Maya, dapat mag-iisip siya kung ano ba ang
ikatatalo ni Maya. Si Uwak ay _________________.
A. maalalahanin B. mahinahon C. masaya D. tuso

C. Panuto: Basahin ang ulat tungkol sa Corona Virus. Punan ang puwang ng angkop na
pangangalan o panghalip. Piliin ang letra ng tamang sagot sa parenthesis . Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

Ang (13) ________( A. bansa B. Covid-19 C.hayop D. sakit ) o Corona Virus Disease
2019 ay malaking grupo ng mga virus na nagdudulot ng respiratory disease. Tulad ng SARS
Cov na nadiskubre noong 2003, at MERS Cov noong 2012. Pinaniniwalaan, na ang mga sakit
na ito ay galing sa (14) ________( A. eksperto B. doon C. hayop D. sakit).
Ngunit ang Covid 19 ay hindi pa (15) ________ (A. nila B. sila C. siya D. niya) matukoy.
Nagmula ang (16) ________ ( A. eksperto B. doon C. hayop D. sakit) na ito sa (17)
________( A. Amerika B. Japan C. Wuhan, China D. Singapore ) wet market kung saan
ang mga mabibili (18) ________ay mga exotic foods.

D. Panuto: Basahin ang mga nakalahad na sitwasyon mula sa napakinggang pabula.


Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na kasunod nito. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.
Ang Ahas

“Takbo!!! Dali! Sumunod kayo sa akin,” sigaw ni kabayo. “Naku! Sandali, di ka namin
kayang sabayan kabayo ang bilis-bilis mo,” sagot ni baboy at kalabaw. “Ha? Basta sumunod
kayo,” wika ni kabayo. “Takbo, nandiyan na si ahas,” sagot ni baboy at kalabaw. Si manok
naman ay lumipad nang mabilis para hindi maiwan. “Buti pa si manok mabilis. Ako talaga
ang maiiwan kasi mabigat ako,” ang sabi ni baboy. “Sakay sa likod ko baboy,” payo ni
kabayo, “para makarga kita.” “Ay, salamat kaibigan,” malaking pasasalamat ni baboy.

“Takbo nang mabilis kalabaw,” sigaw ni kabayo, “Lagot tayo kay ahas kapag naabutan
niya tayo. Nangangagat kaya iyon at nakamamatay pa ang kamandag. Kailangang makalayo
tayong lahat.” “Oo nga kaibigang kabayo, salamat talaga ha! sa pagmamalasakit mo sa akin,
at sa iba nating kasama,” sagot ni kalabaw na binilisan ang takbo.

19. “Sakay sa likod ko baboy para madala kita,” sigaw ni kabayo. Ayon sa sitwasyon, paano
kaya pinahahalagahan ni kabayo ang kasama?
A. pag-alala sa kasama C. pagpapasalamat sa kapuwa
B. pagpapabaya sa kasama D. pagwawalang bahala sa kasama

20. “Lagot tayo kay ahas kapag naabutan niya tayo. Nangangagat kaya iyon at
nakamamatay pa ang kamandag. Kaya kailangan makalayo tayong lahat.” Ayon sa pahayag
ng tauhan sa sitwasyon, ano kayang mabuting aral ang ating makukuha at bakit?
A. pagkawalang bahala
B. pagkamatatakutin sa sarili
C. unahin ang sariling kapakanan upang mailigtas ang sarili
D. pagmamalasakit sa isa’t isa, sapagkat nag-aalala sila kung ano ang
mangyayari sa kanila kapag naabutan sila ng ahas.

You might also like