You are on page 1of 3

Yunit 3:Paglilimbag

Aralin Bilang 1 (A5EL-IIIa)

Alamin

Ang Alamat ay kwentong bayanat kawili- wiling basahin lalo’t mahusay ang
pagkakasulat. Isa sa mga paksang malimit pagbatayan ng mga alamat ay ang paglalang ng
daigdig at ang pinagmulan ng unang tao sa ibabaw ng lupa. Ang lahat ng bansa ay halos ay
may alamat.

Ang alamat ay kwento tungkol sa pinanggalingan ng isang bagay. Karaniwan sa mga


alamat ay kawili wiling basahin lalo’t mahusay ang pagkakaksulat,ngunit hwag kalilimutan na
ang alamat ay kathang isip o gawa-gawa lamang.

Gawin Natin

Pagguhit o paglilimbag ng isang alamat na yaman ng ating bansa o pinagmulan ngating


komunidad, halimbawa ang alamat ni Mariang Makiling,Bernardo Carpio,dwende,
sirena,Darna,diwata,dalagang magayon at iba pa)

Mga Kagamitan

Papel,lapis,pangkulay,pambura

Mga Hakbng sa Paggawa:

1. Gumuhit ng isang alamat na may kaugnayan sa inyong bayan halimbawa “Ang Alamat
ng Lanzones”
2. Ipakita sa pamamagitan ng pagkakaguhit ang mga bahagi na may kaugnayan kung
paano ito ay naging isang alamat ng inyong bayan.
3. Kulayan ng maayos ang inilimbag o iginuhit na alamat.
4. Lagyan ng pamagat.

Tandaan:

Ang alamat ay kwento tungkol sa pinanggalingan ng isang bagay. Karaniwan sa


mga alamat ay kawili wiling basahin lalo’t mahusay ang pagkakaksulat,ngunit hwag kalilimutan
na ang alamat ay kathang isip o gawa-gawa lamang.

Suriin

Panuto: Bigyan ng kaukulang puntos ang inyong nagging pagganap gamit ang
rubric na nasa kasunod na pahina.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Di- gaanong mahusay


(3) (2) (1)

1. Naiguhit at Naiguhit at Naiguhit ko ngunit di Hindi ko naiguhit


nakulayan ko nakulayan ko nakulayan
ang tanawin
ng
pamayanang
kultura.
2. Naipakita ko Naipakita ko Hindi ko maayos na Hindi ko naipakita
ang wastong nang tama ang naipakita ang ang
espasyo sa foreground,mid foreground,middlegro foreground,middlegro
pamamagitan dle ground at und at background. und at background.
ng background.
foreground,mi
ddle ground
at
background.
3. Nakilala ang Nakilala ko ang Hindi ko gaanong Hindi ko nakilala ang
pamayanang 3 pamayanang nakilala ang pamayanang kultura
kultura sa kultura sa pamayanang kultura sa bansa.
bansa at ang bansa. sa bansa.
natatanging
uri ng
tahanan at
pamumuhay
4. Naipagmalaki Naipag,alaki ko Hindi gaanong Hindi ko
ko ang ang aking naipagmalaki ang naipgamalaki.
likhang sining likhang sining. likhang sining
sa
pamamagitan
ng eksibit.

Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may
anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang Magayon na ang kahuluga’y
“Magandang Dalaga.”

Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga ginoong
tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si Kauen, anak ng
mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang hiyas at ginto ang binata
subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay
magiging kanya pagdating ng araw.

Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang
Magayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga
sagabal. Minsan, malapit sa munting ilog, nakita ang dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-
maya’y ang binibini’y nagtampisaw sa batis. Ang binata’y nagparinig ng himig ng masayang awit
upang matawag ang kanyang pansin. Nagkatitigan sila at ang binata’y nginitian.

Nabuhayan ng loob ang prinsipeng Tagalog at ito’y nagsalita, “Magandang Mutya, mula ako sa
malayo upang ikaw ay sadyain at Makita ang tangi mong kariktan!”

“Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!”

“Ako’y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit dito. Bigyan mo ako ng isang bulaklak at ako’y
masisiyahan na!”

Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito’y kagyat na
idinampi sa kaliwang dibdib.

“Maaari bang kita’y makitang muli?”

At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis.


“Isang araw,” mungkahi ng lalaki, “kita’y iniibig. Tayo’y pakasal!”

“Ngunit ang Rajah? Ang aking ama?” may alinlangang paliwanag. “Dapat niyang malaman!”

“Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya!”

Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at nakakahalina
kung kumilos. Itinakda ng Rajah ang kasal sa pagbibilog ng buwan, matapos ang anihan.

Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang kasalan.
Kakaunin niya ang ama’t ina at silang tatlo ay babalik sa Albay.

Nabalitaan ni Kauen (nabigong manliligaw) ang napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang


sinamantala ang pagkakataong wala si Gat Malaya. Pinuntahan niya si Daragang Magayon.

Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: “Kung hindi kita makamtan, walang
magkakamit sa iyo sinuman!”

Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya’y sumagot, “Ako’y
magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!”

Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa si Malaya. Hindi pa
siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga’y nakaupo sa duruwangawan at naghihintay.

Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen. Nagkaroon ng
maringal na handaan – kainan at sayawan.

Sa gitna ng kasayahandumating si Gat Malaya kasama ang mga magulang.

“Ako’y naparito upang angkinin ang aking nobya!” sabi ni Malaya.

“Hindi maaari!” tugon ni Kauen.

Nagkaroon ng sukatan ng lakas. Magugunita na si Malay ay subok sa espada subalit si Kauen naman
ay malansi at mapaglalang.

Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang pumagitna at
sawayin ang dalaga. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa dibdib ng dalaga. Niyakap ni
Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa nalagutan ng hininga ang magsing-ibig.

Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa’y ilagak na magkasama sa
isang hukay.

Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa
itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon, bilang
alaala kay Daragang Magayon.

You might also like