You are on page 1of 3

FILIPINO Grade 2

PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE

Pangalan: ___________________________________________________ Petsa: ______________


Baitang 2: __________________________________________ Marka: _______/40
I. Basahin at unawain ang kwento.

ANG TUTUBI

Isang kulisap ang tutubi na nakatira sa tubig at malapit sa tubig. Kumakain ito ng mga
lamok at langaw. May apat itong magagandang pakpak na tumutulong upang malipad
nang mabilis. Nakakakita ang malaking mata nito sa layong may animnapung piye na nasa
dulo ng parang patpat na katawan nito.

Habang lumilipad ay pinaglalapit nito ang anim na paa upang makahuli at


makakain ng mga kulisap. Inilalagpak ng babaeng tutubi ang kanyang itlog sa tubig. Ang
napipisang tutubi ay tinatawag na naiad at tumitira sa tubig. Makapal ang katawan nito
na kalahati ang haba ng katawan ay nakalawit upang makahuli ng mga tubig-kulisap.
Habang lumalaki ito sa tubig, humihinga sa hangin at isa ng makintab at makulay na tutubi
na may mga pakpak

Para sa bilang 1-5, Sagutin ng T kung Totoo o HT kung Hindi Totoo ang mga pangyayari
batay sa binasang kwento. (10 puntos)
_____________1. Nakatira ang mga tutubi malapit sa tubig.
_____________2. Kinakain ng mga Tutubi ang mga lamok at langaw.
_____________3. Inihahambing ang katawan ng Tutubi sa Isang Patpat.
_____________4. Ang mga Tutubi ay may Limang Pakpak.
_____________5. Ang napisang tutubi ay tinatawag na naiad.

II. Kahunan ang panghalip na pambagay na gamit sa pangungusap. (10 Puntos)

1. Ito ang prutas na gustong-gusto ni Nancy.

2. Naiwan iyon ni Rina sa palaruan.

3. Iyon ang gusto kong palaman sa tinapay.

4. Dalhin mo ito sa iyong lolo.

5. Iyan baa ng bago mong laruan?

6. Inay, iyon po ang gusto kong laruan.

7. Iyan ba ang ibibigay mo kay Bb. Drillon?

8. Ito po ang gamot na nasa reseta ng doktor.

9. Ang bahay pong ipinatayo ko para sa inyo ay iyon.

10. Regalo ito sa akin noong betdey ko.

FIIPINO GRADE 4 – PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE pahina 1 ng 3


FILIPINO Grade 2
PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE

III. Pag-aralan ang halimbawang Indeks at talaan ng mga nilalaman na nasa ibaba. Sagutin
ang kasunod na mga tanong. (5 Puntos)

Indeks

alpabeto, 15 patinig, 17

kasarian, 166 tambalang salita, 66

katinig, 17 uri ng pangangalan, 115

hiram na salita, 175, 199

Talaan ng mga Nilalaman

Paunang Salita, 1

Yunit I

Aralin 1 Ang Bagong Kaibigan, 3-6

Aralin 2 Sakuna… Maiiwasan, 22-24

Aralin 3 Pilipino Si Kleto, 39-41

____________________1. Anong paksa ang matatagpuan sa pahina 115?


____________________2. Anong nilalaman ng aklat ang nasa pahina 22-24?
____________________3. Anong paksa ang nasa pahina 17?
____________________4. Anong babasahin ang nasa sa mga pahina 3-6?
____________________5. Saang pahina mababasa ang kwentong Pilipino si Kleto?

IV. Bilugan ang panghalip na panlunang ginagamit sa pangungusap. (10 Puntos)

1. Natitiyak kong dito naiwan ng anak ko ang kanyang bag.

2. Nelia, diyan mo ipatong ang kahon.

3. Magkasabay na nagpunta roon ang mag-ina.

4. Si Gng. David ay magbibigay riyan ng tulong sa lingo.

5. Doon nagsimula ang parade ng mga mag-aaral.

6. Bumalik ka ditto may sasabihin ako sa iyo.

7. Huwag kang tumapak diyan. Baka madulas ka.

8. Pupunta sa bulacan ang lola mo. Sasama kaba sa kanya roon?

9. Dito tayo magsisimba ngayon.

10. Itinago ko kani-kanila lang ditto ang wallet ko

FIIPINO GRADE 4 – PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE pahina 2 ng 3


FILIPINO Grade 2
PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE

V. Maglagay ng sa unahan ng pandiwa kung ang salita ay nagpapahayag ng kilos.

______1. sumakay

______2. nagagalit

______3. nagtatago

______4. kapareha

______5. sagana

______6. naglakad

______7. lumalamig

______8. bumuhos

______9. tumakbo

______10. paraiso

FIIPINO GRADE 4 – PAGSUSULIT SA BUWAN NG NOBYEMBRE pahina 3 ng 3

You might also like