You are on page 1of 2

16.

dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na siyam na libong piso, sinabi
nitong nalulugi siya.  Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni
Quiroga kung papayagang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating.
Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang
bahay na pagkatapos ay gagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango.  Siya ay lalakad
sa mga mapipiit upang kumita.  Napilitang sumang-ayon si Quiroga.  Ang pangkat ni Don
Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang
paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.  Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay
tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.

32. Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San Diego dahil sa nangyaring


pagpapaskil. Wala na halos mga magulang ang nagpapaaral ng mga anak.
Habang bihira naman ang nakakapasa sa mga pagsusulit.

Kabilang sa mga hindi nakapasa sina Makaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at Tadeo.
Natuwa pa si Tadeo na di nakapasa at sinunog pa ang mga libro nito.

Nagmamadali namang nagpunta ng Europa si Makaraig habang si Juanito naman


ay kasama ng ama nito sa negosyo.

Pinalad namang makapasa sina Isagani at Sandoval habang wala pang pagsusulit
si Basilio dahil nasa piitan pa ito.

Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Juli at ang nawawalang si Tandang
Selo dahil sa kutserong si Sinong na tanging dumadalaw kay Basilio.

Napabalita ring ikakasal na sina Juanito at Paulita. Dahil doon ay magkakaroon


umano ng isang piging na inaabangan na ng mga tao roon. Ito ang unang
malaking pagtitipon matapos lumaganap ang takot sa kanilang bayan.

Aral – Kabanata 32
Dahil sa paninira ng mga nasa kapangyarihan sa isang institusyon o gawain,
nawawala ang kredibilidad nito kahit ang katotohanan ay nais lamang ng mga ito
ang mapabuti ang mga kapuwa.
33
Isang hapon ay nagkulong si Simoun sa kaniyang kuwarto at ayaw magpaabala.
Tanging si Basilio lamang daw ang papapasukin kapag dumating ito. Ilang
sandali pa ay dumating na rin ang binata.

Laking gulat ni Simoun sa hitusra ni Basilio. Payat na payat ito, magulo ang
pananamit, at tila isang patay na nabigyan lamang muli ng buhay.

Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan nitong umanib kay Simoun at


sumama sa mga plano nito na dati ay tinanggihan niya. Naisip daw kasi niya na
hindi pa niya naigaganti ang kaniyang magulang at kapatid na yumao.

Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay ipinakita


ang isang pampasabog. Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito sa Kapistahan.

Tila isang ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog na gagamitin nila. Nagbilin
si Simoun na magkita sila ni Basilip sa tapat ng parokya ng San Sebastian para sa
huling pagpaplano.

Aral – Kabanata 33
Kahit na nag-iisip ng matuwid ang isang tao, may mga pagkakataong kakapit din
siya sa patalim dahil nabubulagan ng mga suliranin at pinagdaraanan sa buhay.

You might also like