You are on page 1of 25

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.1
Panitikan : Mitolohiya
Teksto : “Liongo” (Mitolohiya mula sa Kenya)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Wika : Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika
Bilang ng Araw : 5 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) ( F10PN-IIIa-76)


 Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB -IIIa-80)


 Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan, desisyon ng tauhan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIa-76)


 Naibibigay ang pinagmulan ng salita (etimolohiya).

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIa-74)


 Nabibigyang puna ang napanood na videoclip.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIa-78)


 Napangangatwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang
binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo.

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIa-78)


 Naisusulat ang pagsusuri ng akdang binasa sa naging impluwensya
nito sa sarili at sa mga kamag-aaral na kinapanayam.

Ikatlong Markahan| 1
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIa-71)
 Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasalingwika.

TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIa-74)


 Nabibigyang puna ang napanood na videoclip.

II. PAKSA

Panitikan : “Masha at Mashayana: Mito ng Pagkakalikha


(Mito mula sa Africa)
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood ng isang maikling videoclip patungkol sa “Alamat nina


Tungkung Langit at Alunsina”
https://youtu.be/DcST43jggFc

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: STOP THE MUSIC

Ikatlong Markahan| 2
a. Kilalanin ang mga pangunahing tauhan sa kuwento.
b. Paano nagsimula ang suliranin ng mag-asawang Tunkong
Langit at Alunsina?
c. Ibigay ang damdaming namayani sa iyo matapos mapanood
ang
kuwento. Ipaliwanag

2. Pokus na Tanong

a.
Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may
iba’t ibang batayan?
b.
Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-
wika?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: MASINING NA PAGKUKUWENTO


Pagpapabasa ng isang halimbawa ng mitolohiya mula sa Africa.

Mashya at Mashayana Mito ng Pagkalikha (Africa)


Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.pahina 244

ANALISIS

1. Paano nagsimula ang suliranin sa akda?


2. Ilarawan ang ginawa ni Ahriman Mainyu at Ahura Ohrmuzd?
3. Bakit tumulong sina Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay
Ahriman Mainyu?
4. Makatuwiran ba ang ginawang pagtulong nina Mashya at
Mashayana? Ipaliwanag.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ikatlong Markahan| 3
MITO NG PAGKALIKHA

Ang alamat ng paglikha, mito ng paglikha, o kuwento ng paglikha ay isang


masagisag na pagsasalaysay ng kung paanong nagsimula ang mundo at kung
paanong ang tao ay unang dumating upang manirahan sa daigdig. Umunlad sila
sa mga tradisyong pasambit, kung kaya't

pangkaraniwang may maramihang mga bersiyon; at sila ang pinaka


pangkaraniwang anyo ng mito, na natatagpuan sa lahat ng kultura ng tao. Sa
isang lipunan kung saan nilalahad ito, ang isang alamat ng paglikha ay
pangkaraniwang itinuturing na nagpapabatid ng ganap na mga katotohanan,
patalinghaga o metaporikal, masagisag at kung minsan ay pati na sa diwang
makasaysayan o literal. Ang mga ito ay pangkaraniwang, bagaman hindi palagi,
isinaalang-alang bilang mga mitong kosmohonikal, iyong naglalarawan ng
pagsasaayos o pag-aayos ng kosmos mula sa isang kalagayan ng kaguluhan o
walang tiyak na porma, hugis, kabuuan, tipo, uri, katangian o karakter.
Kadalasang mayroong isang bilang ng mga tampok ang mga mito ng paglikha.
Kadalasan silang itinuturing na mga banal na paglalahad at maaaring
matagpuan sa halos lahat ng nalalaman o nakikilalang mga tradisyong
panrelihiyon (kaugaliang pampananampalataya). Lahat ng mga ito ay mga
kuwentong may isang banghay o balangkas ng kuwento na maaaring mga
diyus-diyusan, mga pigurang kawangis ng tao, o mga hayop, na kadalasang
madali o maginhawang nakapagsasalita at nakapagbabago ng anyo. Kadalasan
silang may tagpuan na nasa isang malamlam at hindi tiyakang panahon sa
nakaraan, isang bagay na tinawag ng manunulat ng kasaysayan ng relihiyon na
si Mircea Eliade bilang in illo tempore (pariralang Italyano na may kahulugang
"noong panahong yaon"). Gayundin, ang lahat ng mga mito ng paglikha ay
nagwiwika sa mga katanungang may malalalim na mga kahulugan na
pinanghahawakan ng lipunang kinababahagian ng mga ito, paglalantad ng
kanilang pangunahin o panggitnang pananaw sa mundo at ang balangkas para
sa katauhan ng sarili ng kalinangan at indibiduwal na nasa diwang
pandaigdigan.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mito_ng_paglikha

Ikatlong Markahan| 4
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: GRAPIKONG PRESENTASYON


Paano nagkatulad o nagkaiba ang mitolohiya ng Africa sa
mitolohiya ng Pilipinas?

Mitolohiya Pagkakaiba
ng Africa

Konklusyon
Pagkakatulad

Mitolohiya
ng Pilipinas
Pagkakaiba

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: IKUWENTO NA YAN


Magsalaysay ng isang nabasa, nabatid o nalamang mitolohiya
mula sa isang tiyak na lugar sa Pilipinas. Ibigay ang sariling reaksyon ukol
dito.

Pamagat Pangyayari Reaksiyon

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng iba pang mitolohiyang mula sa Pilipinas. Ibigay


ang mensaheng nais ipabatid ng nasabing akda.
2. Basahin at unawain ang akdang “Liongo” mitolohiya mula sa
bansang
Kenya.
 Kilalanin ang pangunahing tauhan.
 Paano ipinakita sa akda ang kabayanihan ng pangunahing tauhan?

Ikatlong Markahan| 5
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIa-76)


 Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIa-80)


 Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan, desisyon ng tauhan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIa-76) 


Naibibigay ang pinagmulan ng salita (etimolohiya).

Ikatlong Markahan| 6
PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIa-78)
 Napangangatwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang
binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo.

II. PAKSA

Panitikan : “Liongo” (Mitolohiya mula sa Kenya)


Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Kagamitan : Isang halimbawa ng akdang mula sa Persia,
pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGANG PAGBASA


Sa tulong ng dugtungang pagbasa basahin ng may pag-unawa ang
isang halimbawang akda mula Persia.

SHAHNAMEH
ni Ferdowsi Tusi (Hakim Abul-Qasim Mansur)

Sa bansang Persiya isinilang ang isang magiting na mandirigma. Nasa


sinapupunan pa lamang siya ay hinulaan nang magiging bayani siya sa
kanyang paglaki. Ang kanyang ina, si Rubadeh, ay dumanas ng matinding sakit

Ikatlong Markahan| 7
nang siya’y isinilang ngunit sa tulong ng mapaghimalang ibon na kaibigan ng
kanyang ama, si Zal, ay nailabas ng maayos ang sanggol. Siya ay si Rustam.
Bago nagpaalam ang mapaghimalang ibon, sinabi niya kay Zal na ang batang
isisilang ng kanyang asawa ay kasinlaki ng isang sanggol na leon. At siya’y
magiging bayani at magiging paksa ng isang alamat. Hindi nga nagkamali ang
ibon dahil sa loob ng ilang araw ay naging batang paslit si Rustam at makalipas
ang ilang linggo’y naging kasinlaki na siya ng isang binata. Nang siya’y lumaki
ay nagpakita ng kagilas-gilas na lakas si Rustam. Dahil sa kanyang kakaibang
lakas ay natulungan niyang isalba ang kanyang bayan sa isang nagwawalang
puting elepante sa palasyo. Nalaman ng mga mamamayan ang ginawang
kabutihan ni Rustam kaya simula sa araw na iyon siya’y pinuri.
Nang tumuntong si Rustam sa ensaktong edad na magsanay siya bilang isang
mandirigmang ihahanda upang ipagtanggol ang kanilang bansa, napag isipan ng
kanyang ama na kakailanganin niya ang isang espesyal na kabayong
makakasama niya. Kaya lahat ng mga kabayong mula sa lahat ng sulok ng
Zabulistan at Kabulistan ay ipinarada sa kanyang harapan. Inilalapat ni Rustam
ang kanyang kamay sa likuran ng bawat kabayo upang masigurong kakayanin
siya nito, subalit ang bawat kabayo ay napapaluhod sa kanyang kabigatan.
Malapit na sanang mawalan ng pag-asa si Rustam na makapaghanap ng
kabayo nang dumating ang pangkat ng kabayong dala ni Kabul. Nagtingin tingin
si Rustam sa mga kabayo at napansin niya ang mag-inang kabayong may
dibidib na kawangis ng leon. Nabanggit ni Kabul na naging mailap ang
kabayong ito, sa loob ng tatlong tao’y wala pang nakapagpapaamo at
nakasasakay sa kabayo, hindi rin pinahihintulutan ng inahing kabayo ang
sinomang nagbabalak na sumakay rito. Namangha si Rustam nang nalaman
niya ito kaya agad niyang sinakyan ang tinutukoy na kabayo ni Kabul at
pinatakbo. Nang bumalik si Rustam kasama ang kabayo’y puro papuri ang
kanyang ibinigay sa kabayo at pinili niya ito. Tinawag niya itong Rakhsh. Simula
sa araw na iyon hindi na naghiwalay ang dalawang matalik na magkaibigan.
Nagsimula na ang paglalakbay si Rustam kasama si

Rakhsh. Isang araw buong hapong nangaso si Rustam sa lugar na malapit sa


Turan sa bayan ng Samangan. Nang makahuli siya ay iniluto niya ito at kinain.
Sa kanyang kabusugan at pagod siya’y nakatulog habang si Raksh ay
kumakain ng damo. Dumaan ang isang pangkat ng mga sundalong Turanian
at napagkasunduang hulihin ang kabayo. Nakipaglaban si Rakhsh, napatay
niya ang isang sundalo, niyapakan niya ang isa, ngunit sa hul i’y nabigo
siyang ipagtanggol ang sarili. Kaya tinangay siya nga mga sundalong
Turanian. Laking gulat ni Rustam nang sa kanyang pagising ay wala na ang
kanyang kabayo, wala na si Rakhsh. Galit at tuliro, pinuntahan niya ang

Ikatlong Markahan| 8
bayan ng Samangan upang humingi ng tulong sa hari sa paghahanap ng
kanyang kabayo. Tinanggap siya ng hari at sumang -ayon na tutulong
siya sa paghahanap sa nawawalang kabayo ni Rustam. Hinimok pa siyang
magpalipas ng gabi sa palasyo bago ipagpatuloy ang paghahanap sa

pagbukang -liwayway. Hatinggabi nang namalayan na lamang ni Rustam na


bumukas ang pinto ng silid na tinutulugan niya. Nagulat na lamang siya nang
may nakita siyang dalawang babaeng pumasok. Una, nakita niya ang isang
tagasilbi. Matapos ay sumunod ang isang magandang binibini at siya’y
nagpakilala na siya ang kaisa -isang anak na babae ng hari, siya’y si Prinsesa
Tahmina. Nahulog ang loob ng dalawa sa isa’t isa at nang gabing iyo’y
napatunayan nila na sila’y nagmamahalan. Ngunit madali lang nila nakapiling
ang isa’t isa dahil kina bukasa’y nabalitaan ni Rustam na natagpuan na ang
kanyang kabayo. Masakit man isipin na sila’y magkakahiwalay pero kailangan
ng lumisan ni Rustam. Naging mapait at tigib ng luha ang kanilang

paghihiwalay, parang pinagsakluban ng langit at lupa si Prinsesa Tahmina.

Lumipas na ang maraming buwan at hindi pa rin nagkita sina Rustam at


Prinsesa Tahmina, di naglao’y naisilang si Sohrab, ang anak na lalaki nina
Rustam at Prinsesa Tahmina. Lumaki ang bata na hindi kapiling ang ama.
Nang siya’y binat a na naging isang matapang at magiting na mndirigma rin si
Sohrab kagaya ng kanyang ama.

Maraming taon na ang nakalipas at hindi pa rin alam ni Rustam na may


anak sila ni Prinsesa Tahmina hanggang sa araw ng isang trahedya. Sa unang
pagkakataon ay nagkaharap ang mag -amang Sohrab at Rustam sa isang
digmaan. Sa umpisa’y hindi man lang naghinala si Rustam na maaaring si
Sohrab ay kanyang anak, habang si Sohrab ay kinutubang maaaring si
Rustam ay kanyang ama. Patuloy pa rin ang kanilang labanan hanggang
umabot sa punto na ma g-agaw buhay si Sohrab dahil nasaksak siya ni
Rustam. Habang siya’y nakahandusay ay nagbalik ang kanyang alaala na ang
nagtulak sa kanya upang mapadpad sa lugar na iyon ay ang pagmamahal sa
kanyang ama. Iiwanan na sana ni Rustam si Sohrab dahil malapit na
siyang mawalan ng buhay nang napansin niya ang isang pulseras

Ikatlong Markahan| 9
na nakapulupot sa braso ni Sohrab. Biglang naalala ni Rustam ang pulseras
na ibinigay niya kay Prinsesa Tahmina maraming taon na ang nakalipas.
Hindi siya puwedeng magkamali, sigurado siyang iyon talaga ang nag-iisang
pulseras na binigay niya sa prinsesa nang sila’y nagkahiwalay. Naisip niyang
maaaring ito’y ibinigay ng prinsesa sa kanyang katunggali dahil ito ay ang
kanyang anak kaya a gad niyang niyakap si Sohrab. Nayanig ang buong
mundo ni Rustam. Naramdaman niya ang lukso ng dugo, ngunit huli na ang
lahat dahil hindi na humihinga si Sohrab. Isang mapait na kamatayan dahil
namatay siya sa kamay ng taong dapat sana’y kakalinga at magtat
anggol sa kanya. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rustam,
hindi niya ito ninais na mangyari, ngunit naging malupit ang tadhana.
- Mula sa https://sigmafourblog.wordpress.com/buod/

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: CABBAGE RELAY
a. Kilalanin ang mga pangunahing tauhan sa akda.
b. Batay sa kwento, ilahad ang suliraning kinaharap ng mga tauhan.
c. Kung ikaw si Rustam iiwan mo rin ba ang babaeng iyong

pinakamamahal kapalit ng iyong kabayo? Bakit?


d. Tukuyin ang mahalagang aral ng akda sa mga mambabasa.

2. Presentasyon

Liongo
(Mitolohiya mula sa Kenya )
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.pahina 245

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE QUESTION TO…
a. Talakayin ang naging suliranin ng tauhan?
b. Makatuwiran ba ang kanyang mga naging desisyon sa buhay?
Patunayan.

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: JUMBLED WORD


Sa pamamagitan ng mga salitang nasa loob ng kahon, tukuyin ang
pinagmulan nito na may kaugnayan sa mitolohiyang binasa.
Ikatlong Markahan| 10
mtinrlaraie

zio

iaiatlnrpre

zaaf

gaal

Pangkat II: Mungkahing Estratehiya: STORY BARD


Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa
suliranin ng tauhan, kilos at gawi at desisyon ng tauhan

Suliranin

Kilos at gawi

Desisyon ng tauhan

Pangkat III: Mungkahing Estratehiya: DEBATE/PAGTATALO


Ang pangkat ay mahahati sa dalawang panig na siyang magtatalo
sa paksang ibibigay ng guro.

Paksa: Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni


Liongo?

Pangkat IV: Mungkahing Estratehiya: TALK SHOW


Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mitolohiyang mula sa
Africa at Persia.

Ikatlong Markahan| 11
LIONGO SHAHNAMEH
(Akda mula sa Kenya) (Akda mula sa Persia)

Pagkakatulad

Pagkakaiba Pagkakaiba

Ikatlong Markahan| 12
Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan pang
Katamtamang
Napakahusay Mahusay Paghusayin 4-1
Mga Kategorya Husay 6-
10-9 8-7
5
Lahat ng inilahad
Ang mga May mga datos ay higit na
datos/gawain Angkop ang /gawain na hindi nangangailangan
Kaangkupan sa
ay inilahad ay datos /gawaing gaanong ng
Task/Layunin
nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ng kaangkupan sa
kaangkupan . kaangkupan. gawain.

Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang


Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Halos lahat ng
Ang lahat ng miyembro ng
miyembro ng pangkat ay
pangkat ay walang
Dalawa sa
nagkakaisa at disiplina. Hindi
May pagkakaisa miyembro ng
may maayos ang
at pangkat ay hindi
respeto sa isa’t presentasyon.
pagtutulungan maayos na
isa. Nangangailangan
ang bawat nakikilahok sa
Napakaayos ng ng
Kooperasyon miyembro. gawain.Maayos
kanilang disiplina at
Maayos ang ang ipinakita
ipinakitang respeto sa bawat
ipinakitang nilang
presentasyon dahil isa.Kailangan
presentasyon ng presentasyon at
lahat ng miyembro lahat ng
bawat isa. may respesto
ay kumikilos sa miyembro ay
sa bawat isa.
gawaing nakikipagtulungan
nakaatang sa sa gawain.
bawat isa.

Napakamalikhain Malikhain at
at napakahusay ng mahusay ang
Maayos na Walang buhay
pagpapalutang pagpapalutang
Pagkamalikhain napalutang ang ang ipinakitang
sa sa nais
/ Kasiningan ideya na nais pagpapalutang ng
nais ipabatid na ipabatid na
ipabatid. mensahe / ideya.
mensahe/ mensahe/
impormasyon impormasyon.

 Pagtatanghal ng pangkatang gawain

 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng


kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro

Ikatlong Markahan| 13
ANALISIS

1. Ano ang naging gawi at kilos ni Liongo?


2. Paano nakatulong ang pag-alam sa etimolohiya ng salita sa
kayarian ng akda?
3. Ilahad ang kultura ng bansang Kenya na masasalamin sa kabuuan
ng kuwento.
4. Anong mahalagang aral ang nais ipabatid ng akda sa mga
mambabasa?
5. Iugnay ang mga pangyayari sa akda sa kasalukuyan.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

KULTURA NG KENYA

Ang Kenya ay pinagkalooban ng masaganang kasaysayan, kultura at likas na


pamana. Sikat at kilala bilang ang duyan ng sangkatauhan. Kenya din ang isa
sa mga pinaka-cosmopolitan mga bansa sa Africa – walang sinuman ang nag-
iisang kultural na elemento ang maaaring gamitin upang ilarawan ang mga tao
bilang isang buo. Maaari mong sabihin na ang mga lokal na populasyon ng
bansa ay madaling kumakatawan sa higit pang mga pagkakaiba-iba kaysa sa
maraming iba pang mga bansa sa Africa. Pinakamahalaga sa Kenyans ay ang
estado sa ilalim ng Pula, Puti at Itim na kulay ng watawat at ang espiritu ng
Harambee – na ang ibig sabihin ay paghila sama bilang isang komunidad.
Ang tradisyonal na paniniwalang African-play ay may makabuluhang papel sa
buhay ng mga Kenyans sa kabila ng pag-angkop sa modernong mga
pagpapahalaga. Ang mga Kenyans ay may pagsasanay ng tradisyonal na mga
pagpapahalaga ng kababaang-loob, pag-aalala para sa mga kapitbahay at
pagpapanatili ng relassyong pagkakamag-anak. Ang paniniwala sa pamahiin ay
hindi karaniwan maliban sa maliban sa mga lugar na rural. Mga gawain tulad ng
pag-aasawa, pagpapangalan sa anak, paglilibing at iba pang mga ritwal ng
pagpapasa pa rin ang mabigat naiimpluwensyahan sa pamamagitan ng
tradisyunal na paniniwala at kasanayan at saklaw mula sa komunidad sa
komunidad.
Ang ilang mga komunidad ay nananatili pa sa mga tradisyonal na pamumuhay
ng African kaysa sa iba. Naninirahan sila sa kubo, naglalakad nang walang
sapin ang paa, bihisan sa roba at pinapalamutian ang kanilang buhok na may
kulay lupa. Ang Maasai tribe ay sikat sa pagpapanatili ng isang lagalag na
paraan ng pamumuhay umiikot sila sa paligid kasama ng mga baka at
naghahanap para sa pastulan. Sila ay tribo ng mga mandirigmang may mataas

Ikatlong Markahan| 14
na pagtatangka sa paggawa ng makabago at dahil dito ay nagkamit sila ng
dakilang paggalang (at pag-usisa) sa internasyunal.
Ang isang pagbisita sa mataong lungsod, mga bayan at mga nayon ng
Kenya ay isang pambukas isip sa pagpapasiya ng mga tao. Mula mismo sa

kaswal na manggagawa, sa nababagsakang masalimuot na industriya, sa mga

tagapangasiwa sa pamilihan ng sapi at higit pang mga susunod pa sa baybay-

daan kung saan bawat kalalakihan at kababaihan sa lahat ng edad ay kumikita

ng ikinabubuhay para sa kanilang mga pamilya. Araw-araw may mga

kayamanan dito: Minsan ang negosyo ay mabuti, iba pang mga oras maglakad
sila sa bahay na may walang anuman. Ang entrepreneurship ay ang makina sa

likod ng mga katangian ng matapang na trabaho at tiyaga ng mga Kenyans ay

mnmanatiling nagkakaisa sa pakikipagsapalaran para sa tagumpay at


katuparan.
http://kenyahighcom.org.my/culture/?lang=tl

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: GRAPIKONG PRESENTASYON


Sa tulong ng grapikong presentasyon, sagutin ang sumusunod na
katanungan. Paano susuriin ang mga kaisipang naapaloob sa mitolohiya
na may iba’t ibang batayan?

Liongo
Kaisipan (Mitolohiya Batayan
mula sa
Kenya)

APLIKASYON

Magbigay ng mga kaisipang nakapaloob sa binasang mitolohiya.


Itala sa tsart at lagyan ng tsek ( ∕ ) ang kolumnkung ito ay
makatotohanano di makatotohanan at ipaliwanag ang iyong sagot sa
huling kolumn.
Kaisipan MK DMK Paliwanag

Ikatlong Markahan| 15
1.

2.

3.

4.

4. Ebalwasyon

Piliin ang letra ng may wastong kasagutan sa bawat bilang.


1. Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng mga
kababaihan.
a. Matrilinear c. Faza
b. Patrilinear d. Gala
2. Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng mga
kalalakihan.
a. Patrilinear c. Ozi
b. Matrilinear d. Faza
3. Ito ang katangiang taglay ni Liongo kaya’t siya ay
naging matagumpay na mandirigma.
a. mahusay na makata
b. magaling umawit
c. mataas na tulad ng higante
d. di nasusugatan ng ano mang armas
4. Batay sa akda anong kultura ang ipinakita ng mga
tauhan.
a. pagpapahalaga sa kapangyarihan
b. paggamit ng agimat upang magtagumpay
c. traydor sa kalaban upang magtagumpay
d. paglilihim ng taglay na kapangyarihan
5. Ang kaisipang nais bigyang pansin sa akdang “Liongo”?
a. Ang kapangyarihan ng tao ay di maaaring maagaw

ninuman.
b. Ang kapangyarihan na nakamit sa di makatwirang paraan
ay nawawala sa gayunding kaparaanan.
c. Maaaring magtraydor ang sariling anak sa kanyang ama.
d. Itinatago ng ina ang lihim ng sariling anak.

Susi sa Pagwawasto

Ikatlong Markahan| 16
1. A 2. A 3. D 4. C 5. B

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN
1. Basahin at unawain ang akdang “Maaaring Lumipad ang Tao.”
2. Magsaliksik ng gabay sa pagsasaling-wika.
3. Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin.

PAG N I LAYAN AT U NAWAI N


I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIa-71)


 Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa
pagsasalingwika.

II. PAKSA

Wika : Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika


Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Ikatlong Markahan| 17
Pagpaparinig ng isang awiting naisalin sa ibang wika.

Child by Freddie Aguilar. https://youtu.be/oklvyDqCem8


Anak ni Freddie Aguilar https://youtu.be/aXEiOyi071I

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiiya: BOX OF FAITH
a. Sa dalawang awiting iyong narinig, alin ang mas higit mong
naunawaan? Bakit?
b. Paano nakatulong sa awitin ang pagsasalin nito sa ibang wika?

2. Presentasyon

How Do I Love Thee? by


Elizabeth Barret Browning
www.poemhunter.com>Poems
Ang Aking Pag-ibig
Salin ni Alfonso O. Santiago
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al. pahina 187

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: BOWL OF QUESTION
a. Malapit ba ang salin sa isinasalin? Patunayan?
b. Naging matapat ba ang tagpagsalin sa kanyang ginawa?
c. Aling bahagi ang hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?

ANALISIS

1. Literal ba o idyomatiko ang pagsasalin? Ipaliwanag.


2. Nagustuhan mo ba ang salin? Kung hindi, paano mo ito
aayusin?
3. Isa-isahin ang mga hakbang na dapat isinaalang-alang sa
pagsasaling- wika. Patunayan.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)
Ikatlong Markahan| 18
Pagsasaling- Wika

Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng


pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin.Ang
isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.

(Santiago,2003).
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang
kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na kumonsulta sa
diksyunaryo .Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan,halagang
pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay
kailangang- kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng
awtor,gayundin sa wastong paggamit ng mga salita,wastong pagkakabuo at
pagsusunod-sunod.

3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang


kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin,
kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat
ng salin ay patas,nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin
ay may higit na kaalaman sa paksa.Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at
nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin.

Walang higit na mabisa kaysa sa ibang wika.Ang lahat ng wika ay may sariling
bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino
at ng ibang bansa.

Ikatlong Markahan| 19
Gabay sa Pagsasaling-wika
Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa
nito.Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na
kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan .Mahalaga rin ang
kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng
pagsulat sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
1.
Isagawa ang unang pagsasalin.Isaisip na ang isasalin ay diwa ng
isasalin at hindi salita.
2.
Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.Tandaang ang
pagdaragdag,pagbabawas pagpapalit,o pagbabago sa orihinal na diwa ng
isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng
tagapagsalin.
3.
Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng
kalituhan.Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang
wikang kasama sa pagsasalin.

Kung gagamit ng diksiyunaryo ay isaalang-alang ang ibat ibang kahulugan ng


isang salita.Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha
ang kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap. Sanggunian: Ikasampung
Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: OPINYON KO’Y PAKINGGAN

Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling


-wika?

APLIKASYON

Gamit ang mga kaalamang natamo sa aralin, isalin ang isang


bahagi ng akda sa wikang Filipino.

Ikatlong Markahan| 20
Based on the 1982 winning book by Lualhati Bautista, dekada ‘70 showed
how Martial Law crept into the Bartolome family headed by the father
Julian, and a strong mother Amanda, facing the tragic circumstance: an
activist as Jules,US Navy as Gani who married his girlfriend at a young
age, a writer as Emmanuel dealing with a crude life of the FQS, as sweet,
short-lived fourth son and the youngest on the brood of five.the film details
on how a middle-class family struggled with new changes that empowered
Filipinos to rise against the government.

- Hango sa panorama ng Bulletin Today

3. Ebalwasyon

Piliin ang letra ng may wastong kasagutan sa bawat bilang.


1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagiging
kamalian o kahinaan sa pagsasalin?
a. Nagbabago ang diwa ng orihinal
b. Madaling maunawaan ang kahulugan
c. Maling pili ng terminolohiya
d. Maling anyo ng gramatika
2. Lahat ay katangiang dapat taglayin ng isang
tagapagsalin maliban sa isa. Alin ito?
a. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang
kassangkot
b. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang
wika
c. Sapat na kaalaman sa kultura ng isang bansang
kaugnay
sa pagsasalin
d. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin

Piliin ang pinakamabisang salin ng mga sumusunod. 3. ‘Tis


better to have loved and lost than never to have loved at all.
a. Mabuti pa ang umibig at nawala kaysa hindi
umibig kailan man.
b. Mabuti pa ang hindi umibig kaysa masaktan
lamang.
c. Mabuti pa ang mahalin lamang kaysa ikaw ang
magmahal.
d. Mas mabuti pa ang masaktan ngayon kaysa
bukas pa
roon.

Ikatlong Markahan| 21
4. Laws grind the poor and the rich man rule the law.
a. Ang batas ang nagpapahirap sa mga aba samantalang

ang mga mayayaman ang nagpapatakbo sa batas.


b. Mapalad ang mga mayayaman sapagkat sila ay

nakapangyayari sa mga mahihirap.


c. Walang pagkakapantay-pantay sa ilalim ng batas.
d. Ang batas ay ginawa para lalong pahirapan ang
mahihirap
at pagaanin ang buhay ng mayayaman.
5. I listen to Mozart.
a. Pinaikinggan ko si Mozart.
b. Kinagigiliwan kong makinig sa musika ni Mozart.
c. Nakikinig ako kay Mozart.
d. Nakikinig ako kay Mozart at sa kanyang musika.

Susi sa Pagwawasto

1. B 2. C 3. A 4. A
5. B

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isang awiting Ingles at isalin ito sa Filipino.


Isaalang- alang ang mga pamantayan sa pagsasalin.
2. Humanda para sa paglikha ng pagsusuri.

Ikatlong Markahan| 22
I LI PAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIa-78)


 Naisusulat ang pagsusuri ng akdang binasa sa naging
impluwensya nito sa sarili at sa mga kamag-aaral na
kinapanayam.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.1


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: ANG AWIT NG BUHAY KO

Pagpapaawit ng isang awiting Ingles na sinaliksik ng mga mag -aaral at


isinalin sa Filipino.

Ikatlong Markahan| 23
ANALISIS

1. Matapos magawa ang gawain, ano ang iyong naramdaman?


2. Malapit ba ang salin sa pinagsasalinan? Ipaliwanag.
3. Naging matapat ba ang ginawang pagsasalin? Patunayan.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: Y SPEAK

Paano makatutulong sa pagsulat ng isang pagsusuri ang mga natamong


kaalaman sa araling tinalakay?

APLIKASYON

GOAL - Nakasusulat ng pagsusuri sa isang akdang binasa sa naging


impluwensya nito sa sarili at sa mga kamag-aaral na kinapanayam

ROLE - Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong


paaralan.

AUDIENCE - Mga guro at mga mag-aaral ng paaralan na mahilig magbasa ng


akdang pampanitikan

SITUATION - Ang pahayagang Filipino ng inyong paaralan ay


nangangailangan ng mga manunulat na tatalakay sa
impluwensya ng isang akda sa sarili at sa iba pang mga
kamag-aaral.

PRODUCT - Pagsusuri ng isang akdang pampanitikan

Ikatlong Markahan| 24
STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:
A. Kabuluhan ng nilalaman
B. Lalim ng mga pananaw
C. Lohikal na pagkakaayos ng mga kaisipan
D. Kalinawan ng pagkakasulat
E. Orihinalidad

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan
7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan
 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Sumulat ng isang mabisang dayalogo na gagamitin sa bubuuing


patalastas pantelebisyon o panradyo na nagtatanghal ng kagandahan
ng alinmang bansa sa Africa.
2. Basahin at unawain ang akdang “Mullah Nassreddin”, anekdota
mula sa Persia.
3. Magsaliksik ng mga kaalaman tungkol sa panitikan ng Persia.

Ikatlong Markahan| 25

You might also like