You are on page 1of 41

FILIPINO

Unang Markahan – Modyul 10:


DULA: ISIGAW MONG MULI,
NESTRA…

Inihanda ni
Bb. Katherine A. Pavillion

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino para sa araling Dula: ISIGAW
MONG MULI, NESTRA…
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisensyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
maatulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang intinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mga mag-aaral upang makamit ang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mga mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamhalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo ang higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

2
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino para sa araling Dula: ISIGAW
MONG MULI, NESTRA…
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan
ng ating mga kamay tayo ay maaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa
tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan:

Alamin- Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin- Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano ang kaalaman


mo sa aralin ng modyul. kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot,
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan- Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin - Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang kwento, dula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin - Sa bahaging ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin - Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa.
Isaisip - naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang mga
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa - Ito ay naglalaman ng gawaing maktutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin - Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain - Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa naatutuhaang aralin.

Susi sa pagwawasto - Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita ang Sanggunian na talaan ng lahat na


pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng mga gawain sa modyul.

3
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit na modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumnag marka o
sulaat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
paagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

4
Kamusta ka na aking kamag-aral? Ako nga pala si Ben, ang
iyong kamag-aral na handang gumabay sa iyong
paglalakbay. Nakahanda ka na ba para sa susunod nating
paglalakbay?
Alamin Batid kong sabik ka na muling maglakbay upang tumuklas
ng bago at dagdag na kaalaman. Sa pagkakataong ito,
tinitiyak kong muli na kagigiliwan mo ang paglalakbay na
ito.

Mahilig ka bang maanood sa Telebisyon?


Kinagigiliwan mo bang panoorin ng mga teleserye o
drama? Alinmang sa mga ito ang kinagigiliwan mo ay may
malaking kaugnayan sa paksang tatalakayin ngayon.

Alam mo bang ang mga kinagigiliwan ng mga


kabataang tulad mo ngayon gaya ng drama, teleserye at
telebabad ay maihahalintulad sa dula? Alam mo rin kaya na
ang dula ay isa sa mga akdang pampanitikan na
kasasalaminan ng iba’t ibang kultura natin. Kapag narinig
mo ang salitang monologo at soliloki ano ang unang
pumapasok sa isip mo? Narinig mo na ba ang dulang ang
Isigaw Mong Muli, Nestra? Kung hindi pa halina’t ating
usisigin kung ito’y isang uri ng monologo o kung ito’y
isang soliloki lamang.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin sa unang lingo ng pagkatuto.


Matutuhan mo ang mga kasanayang makatutulong sa mas epektibong pakikinig, pagsasalita at
pang-unawa ng aralin. Ang mga aralin ay nakatuon sa pag-uugnay ng sariling karanasan sa
pangunahing ideya, sa mga pangyayari at sa iba’t ibnag bahagi ng tekstong iyong
napakinggan. Sa kabilang dako, makatutulong sa pag-unawa ng pinakinggan ang pag-uugnay
ng narinig o nabasa na hinggil sa sariling karanasan.
Matapos mong pag-aralan ang modyul, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na
mga layunin:
 Nakikilala ang mga bahagi ng dulang ang Isigaw Mong Muli, Nestra…
 Nasusuri ang pagkakaiba ng monologo at soliloki.
 Natutukoy ang mga dapat tandaan sa pagkilala ng makatotohanan at di-
makatotohanang pahayag.
 Natutukoy kung ang dulang ang Isigaw Mong Muli, Nestra… , ay isang
monologo o isang soliloki.
 Nababasa at nauunawaan nang mabuti ang akda.
 Nasusuri ang pagkamatotohanan ng mga pangyayari.

5
Sa araling ito, mababasa mo ang
Subukin isang dula na “Isigaw Mong Muli,
Nestra…” Tutulungan ka ng
modyul na ito na makilala ang dula
at ang mga bahagi nito at masuri
ang mga pangyayaring
makatotohanan man o di-
Bago mo ipagpatuloy ang makatotohanan mula sa dula.
iyong paglalakbay, subukin Gayundin, matutukoy ito kung ang
muna natin ang iyong uri nito ay isang monologo o kung
kaalaman batay sa paksang ito’y isang soliloki lamang.
tatalakayin.

Sige, sagutin mo na.

Ano pang hinihintay mo? Tara!


Sabay nating tuklasin ang araling
ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem, pagkatapos, isulat sa sagutang papel
ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
a. Tula
b. Tanka
c. Awit
d. Dula
2. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na
_______. Ano ito?
a. Sulat
b. Iskrip
c. Recipe
d. Listahan

6
3. Ang ________ ang siyang kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot
ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa
dula?
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Kakalasan
d. Pangyayari

4. Ang mga __________ ginagamit din ito sa halos lahat ng mga dramatikong media
kabilang ang mga pelikula.
a. Tula
b. Dula
c. Monologo
d. Soliloki

5. Ang isang ________ ay hindi nakakulong sa drama; ay ipinakita ng isang solong


karakter sa kanyang sarili bilang isang pagpapahayag ng kanyang / panloob na mga
saloobin sa kanyang sarili.
a. Dula
b. Monologo
c. Awit
d. soliloki

6. Anong sangkap ng dula ang binibigyang-tuon sa pangugusap sa ibaba? “ Sa baba ng


isang lumang bahay. Nakapinid ang mga bintana’t pintuan. Mapanglaw ang
kapaligiran. Tag-ulan… sa dulong gitna ng tanghalan nakatayo ang isang antigong
salamin. Sa dakong kanan ng salamin pahilis na nakaharap dito ang tumba-tumba. Sa
may likod nito ang pinid na pintuan. Sa dakong kaliwa ng salamin ang isang mesitang
kinapapatungan ng dalawang nakakwadradong letraro ng isang lalaking may edad na
at ng isang binate. May upuan sa gilid ng mesita”.
a. Tagpuan
b. Tauhan
c. Tema
d. Panahon
7. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay
naaayon dito
a. Tanghalan
b. Iskrip
c. Manonood
d. Direktor
8. Ano ang ibig ipakahulugan ng susunod na pahayag? “Nang araw na ‘yon… di ko
mawari ang dibdib ko. Nais kong maisiwalat ang mga namumuong diwang namimigat

7
sa dibdib ko. Wala si Ed. Wala akong.. mangyaring pagsiwalatan ng katahimikang
patuloy na bumabagabag sa aking isipan habang ako’y mag-isang nanananghalian.”
a. Paghihinakit
b. Pagkalungkot
c. Pag-aalala
d. Pagmamaktol

9. “Nakapinid ang mga bintana’t pintuan.” Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Nakatiwangwang
b. Nakasara
c. Nakabukas
d. Nakatagilid

10. Sino ang pangunahing tauhan sa akda?


a. Nerissa
b. Nestra
c. Nene
d. Nina
11. Ano damdamin ang ibig ipakahulugan ng susunod na pahayag? “Hindi Ginoo. Walang
mga kalagayang makapagpapabawas sa nagawa kong pagkakasala. Wala!”
a. Pagkalumo
b. Pagsisisi
c. Paghihiganti
d. Paghingi ng kapatawaran

12. Ano ang pangalan ng asawa ni Nestra?


a. Ben
b. Ed
c. Juan
d. Duterte

13. Ano ang pangalan ng kanilang anak?


a. Teddy
b. Raffy
c. Romel
d. Tisoy

14. Ang “Isigaw Mong Muli, Nestra…” ay isang __________.


a. Pabula
b. Tula
c. Awit
d. Dula

15. Sino ang nasa likod ng ilang ulit na mabibilis at malalakas na katok ng pinto?
a. Doctor
b. Guro
c. Abogado

8
d. Iskulptor

Ngayon, subukan mo
ngang balikan ang ilan sa nabasa
Balikan mong dula. Isalaysay mo nga ito
aking kamag-aral.

Ang husay mo palang


magsalaysay. Ngayon, natitiyak
kong higit pang madaragdagan ang
iyong kaalaman tungkol sa dulang
ang Isigaw Mong Muli, Nestra…
habang isinasagawa ang iba’t ibnag
nakalatag na gawain para sa iyo.

Ituloy mo ang paglalakbay aking

Naging madali ba sa iyo ang bahaging


Subukin? Magbigay ng maikling
pagpapaliwanag.
_______________________________
_______________________________
_______________________________

Huwag kang mag-alala, sinusukat


lamang nito ang iyong kaalaman sa
paksa.
Naalala mo pa ba ang dula? halina't
balikan natin.

Alam mo ba na ang dulang ang Isigaw


Mong Muli, Nestra... ay isang uri ng
panitikan na maaaring mahati sa yugto ng
pangyayari. Layunin nitong itanghal ang
mga tauhan at maging ang tagpuan. sa
bahaging ito, mahihinuha ang maaring
simula, gitna, at wakas.

9
Tuklasin
A. Naisip mo ba?
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba monologo sa soliloki? Ilahad ang iyong ideya/kaalaman
gamit ang grapikong presentasyong nakahanda sa ibaba.

PAGKAKATULAD

Monologo Soliloki

PAGKAKAIBA
B. Opinyon Mo’y Ipahayag
Pagmasdan mo ang sumusunod na larawan. Bumuo ka ng mga pangungusap na
magpapahayag ng iyong kaisipan at pananaw tungkol sa mga larawan. Isulat sa papel ang
iyong sagot.

10
C. Panuto: Punan ang mga kahon ng salitang maiuugnay mo sa larawan.

Nestra

11
D. Bago tayo dumako sa pagbabasa, nais kong hamunin ka na magbigay ng maikling ideya o
impormasyon na alam mo hinggil sa dula, monologo at soliloki.

Dula Monologo Soliloki

ideya ideya
ideya

E. Tayo na’t magsimulang magbasa

Sa pagkakataong ito, tunghayan natin kung


ano nga ba ang kabuuang pangyayaring
naganap sa dulang ang Isigaw Mong Muli,
Nestra… Halinang basahin mo ang
nakapaloob sa aralin.

12
ISIGAW MONG MULI, NESTRA…

Tauhan: Nestra
Tagpuan: Sa baba ng isang lumang bahay. Nakapinid ang mga bintana’t pintuan. Mapanglaw
ang kapaligiran. Tag-ulan… sa dulong gitna ng tanghalan nakatayo ang isang antigong
salamin. Sa dakong kanan ng salamin pahilis na nakaharap dito ang tumba-tumba. Sa may
likod nito ang pinid na pintuan. Sa dakong kaliwa ng salamin ang isang mesitang
kinapapatungan ng dalawang nakakwadradong letraro ng isang lalaking may edad na at ng
isang binata. May upuan sa gilid ng mesita.
Maririnig: malakas na pag-ulan.
Nestra: (Nakasalampak sa sahig. Nakayuko. Hihipuin ng kaliwang kamay ang pisngi. Unti-
unting itataas ang mukha kaalinsabay ang paghaplos ng kanang kamay sa kanang pisngi.
Mamamangha. Biglang tatayo. Tatakbo sa harap ng salamin at matamang pagmamasdan ang
kaniyang mukha. Sasaklutin siya ng takot. Walang kurap na paapuhap na uurong sa
kinalalagyan ng tumba-tumba hanggang sa mabangga dito ang kaniyang alak-alakan.
Mapapaupo at dahan-dahang magliliyo subalit walang kurap pa ring nakabaling sa
kinalalagyan ng salamin ang mukha. Hindi titigil sa pag-ugoy. Pabilis. Pabilis nang pabilis
hanggang sa unti-unting napagod.
Maririnig: Unti-unting paghupa ng ulan, susundan ito ng mabibilis at malalakas na katok ng
pinto.
Nestra: (Hindi maririnig ang katok, nakatuon pa rin sa salamin.
Maririnig: ang ikalawang ulit na mabibilis at malalakas na pagkatok.

13
Nestra: (Matatauhan, lilingunin ang pinto, magtataka)
Maririnig: ang ikatlong ulit na mabibilis at malalakas na pagkatok.
Nestra: (Dahan-dahang tatayo’t makikiramdam, may pag-aatubiling tutunguhin ang pintuan,
halos idikit ang katawan, isisiwang bahagya ang pinto at sisilipin ang kumakatok sa labas.
Sino ka? Anong kailangan mo? Maaalalang ito ang abogado)
Al Abogado?
(lalayo nang kaunti sa pintuang mahihila at maliwang kalahating nakabukas, bahagyang
lilingunin ang kausap)

Ikaw ang abogado?


(tatalikuran ang kausap, hahakbang patungo sa sala, muling lilingunin ang abodago nguinit
muli ring babawiin)

Hindi na ba kayo nagsawa?


(lalapit sa may mesitang kinapapatungan ng larawan ng asawa’t anak)

Sige… tumuloy ka.


(uupo, hihintayong kunwa’y makatuloy ang kausap na dadako sa isang upuan sa mesita)

Gusto mong umupo?


(palahad na itinuro ang upuan. Pag- upo ng hindi nakikitang kausap, tatayo si Nestra, suyang
titignan ang kausap, hindi iimik saka bubuntunghinga.)

Inuulit ko sa’yo wala na akong masasabi pa. wala na! wala na!

(Titigil sumandali, ititiim ang bagang, galit na titingin sa manonood, magmamatigas)

Hinuli nila ako


(halos patakbo, malakas at mabilis na duduruin ang manonood)

Sila! Sila!
(maaawa sa sarili)

At ako… sa may kahuyan…


(pasumbong sa kausap)

Biruin niyo. Ako’y nakasuot pambahay lamang


(may pagmamalaki)

Walang babaing maglalakad nang maglalakad sa labas ng bahay nang walang pandong o
balabal kaya sa katawan.
(tutungo sa salamin, titignan ang sari, bubuntunghininga, titingala, may hapis)

Kung ang lahat ay nasa ayos lamang…

14
(mahinahon sa kausap)

…sa aking palagay


(dadako sa manonood, dahan-dahang titingala at bigang papalahaw)

Diyos ko! Bakit?


(masiin na paninisi)

Bakit ko ginawa ‘yon?


(Mapapasalampak, sasaluhin ang mukha, tungung-tungong halos dumikit ang likod ng
kanyang kamay sa kanyang kandungan. Palilipasin ang ilang sandali nang pananangis. Muling
dahan-dahang itataas ang mukha. Lilingunin ang larawan sa mesita. Tatayo at tutunguhin ang
dalawang larawan. Magiliw na kukunin ang larawan ng asawa. Uupo sa dating luklukan sa
may mesita. Maamong hahaplusin ang larawan at mahigpit na idadalti sa dibdib, sa
mamasdaan at mahinahong kakausapin ito.)

Bakit? Hindi ba’t kahapon lamang… at si Ed ay narit?


(tatayo)

Maraming sandaling…
(tutungo at uupung bahagyang magliliyo sa tumba-tumba)

Katabi ko siyang nakaupo.


(titingin sa malayo)

Sa mga gabing siya’y namamanhid o nirarayuma, kaya’y nananakit ang katawan.


(pagmamasdan at hahaplusing muli ang larawan)

Lagi ko siyang inaalagaan…


(titingin kung saan)

na parang…
(hahawakan ang larawan tuad sa pakarga ng sanggol)

Parang…isang sanggol.
(lilingunin ang abogado, ngingiti)

Oo, parang isang sanggol.


(pagmamasdang muli ang larawan, biglang tatayo, lalapit sa abogado, halos galit sa pilit na
pagpapaniwala sa kausap) Hindi! Hindi ko siya maaaring saktan. Mahal ko siya. Mahal ko
siya!
Naiintindihan mo! NAiintindihan mo ba?
(sa larawan, may hapis at paghihinayang)
O, Ed…Ed…

15
(sa abogado, galit at pababala)

Huwag kang magkakamal! Huwag kang magkakamaling sanihing…pinatay ko siya!


(Mawawala sa sarili)

Hindi! Hindi ako! Hindi ako!


(manlilisik ang mga mata, iikot ang paningin)

May…may biglang parang nag-udyok sa ‘kin! Hindi ko kayang pigilin!


(sa abogado)

Bakit?
(sa kawalan)

Bakit hindi pa ako ang namatay! Bakit di ako tamaan ng kidlat o manigas kayabago ako
tuluyang hilahin ng aking mga kamay
(pagmasdan ang dalawang kamay) at magawa yon?
(Palilipasin ang ilang sandali, manunumbalik ang bait, haharapin ang nakaupong kausap)

Hindi Ginoo. Walang mga kalagayang makapagpapabawas sa nagawa kong pagkakasala.


Wala!
(matibay sa sarili)

At hindi ko kailangan!
(lalayong bigla sa kausap, pahamong sisigaw)

Nasaan ka kidlat! Bakit hindi ka lumabas? Lumabas ka ngayon din!


(basag na pagdaramdam, mahina’t pahagulgol)

At sunugin mo ang aking katawan. Patayin mo’ko! Patayin mo’ko!


(biglang pigil sa sarili, lilingunin ang kausap, panlilisikang mata, lalapitan at mariing
pagsasalitaan)

Oo! Pinatay ko siya!


(sa larawan)
Pinatay ko siya!
(sa larawan)

Pinatay ko siya dahil sa katahimikan!


(sabay tapon sa larawan)

Sa napakatagal at napakahabang katahimikang laging nakatuon sa aking paligid!


(ituturo ang inihagis na larawan, sabay biglang lingon sa kausap)

16
At siya! Kahit minsan ay hindi niya tinangkang banagin ang nakabibinging katahimikang
‘yon!
(titingnan ang itinuturong larawan sa sahig, matitigilaan, tititigan)

Ayaw niyang magsalita. Mangungusap lamang siya kung kailangan.


(sa kausap)

Minsan, sasagot lamang siya ng Oo o Hindi.


(lalapit sa kausap)

Hindi. Hindi ko mahulaan kung ano ang katahimikang ‘yon. Basta narinig ko na lamang na
ito’y bumubulong sa akin. Napakakapal at paulit-ulit!
(mag-iisip, ipapako ang tingin sa larawang inihagis, sisisihin)

Kung nagsalita ka lamang sana Ed. Kahit minsan man lamang sana. Ngunit hindi.
(muling uupo, haharapin ang kausap, mahinahong magsasalaysay)

Alam niyo Ginoo. Malayo sa dinaraanan ang bukid naming. Malayo. Doon pa, malapit sa may
bundok
(bahagyang matitigilan, papanglaw ang mukha.)

Kay daling dumating ng bagyo. Paglipas nito. Laging malakas ang pagbuhos ng ulan. Araw at
Gabi (tatayo, dadako sa pinagtapunan g larawan ng asawa at yuyukuin ito)
Sa likod ng bahay ang imbakan naming ng mga tuyong kahoy. Naroon lagi si Ed, nagsisibak
ng panggatong.
(pabalik sa abogado)

Ako naman..
(uupo)

Nakaupo sa may bintana habang…


(titingin sa malayo)

Pinagmamasdan ang bumubuhos na ulan


(tatayo, maguguluhan)

Nakakabulag! Hanggang sa ang ulan ay hindi na puti kundi itim na tintang pumapatak!
(titigil sandali, mahinahon na lilinguning kausap)

Magbabadya ang katahimikan. Mabilis itong umiihip sa aking mga tenga. Hanggang sa halos.
(malakas)

Mababaliw ako sa pakkinig!


(mariin)

17
Ibibigay ko ang aking kaluluwa, marinig ko lamang magsalita si Ed.
(sa larawan)

Ngunit walang kahit isang katagang namutawi sa kanyang mga labi.


(bubuntunghininga, mahinahon sa kausap)

Muling lalabas si Ed.


(titingin sa larawan)

Susundan ko siya ng tingin mula sa bintana ng kusina.


(titigil bahagya, mag-iisp, babalingan ang larawn ng anak, sasaya ang mukha, nakangiting
mahinahong magsasalaysay sa abogado)

Maigi ang aming kalagayan nang kasama po naming ang aming anak. lagi silang
magkasamang naglalaro. Araw-araw ay inihahatid at sinusundo ni Ed ang aming anak sa
eskwela. Pinagbuti naming ang paghahanapbuhay para kay Teddy.
(Sa larawan ng anak)

Ibig naming makatapos siya ng pag-aaral


(sa abogado)

Nakatapos siya sa mataas na paaralan at… pumunta siya sa Maynila upang mag-aral ng
enheniyeriya.
(masaya)

Pagmimina ang kaniyang nakahiligan! At naging pangunahing mag-aaral si Teddy sa


pinapasukan niyang pamantasan
(may pagmamalaki)

Katalinuhang minana at nagbuhat sa mahusay na pagpapalaki naming sa kanya. Tinanggap


niya ang pangunahing karangalan nang siya ay magtapos. Ngunit…
(unti-unting masisindak na halos lumuluha sa pagkakatigil)

Sa unang pagkakataong siya’y makapagtrabahaho ay… ay…


(parang mabibikig, biglang tatayo)

Sumabog ang minahan!


(hahagulhol, muling itataas ang mukha…lumuluha ngunit ngumingiti)

Nasisiyahan ako! Natutuwa! Dahil… wala na siya. At… hindi niya ako nakikita ngayon sa
ganitong kalagayan.
(mawawala sa sarili, parang may hinahanap, tatawaing parang nakikita ang anak, malakas)

Teddy! Teddy! Ako pa rin ang ‘yong ina. Teddy!


(magmamakaawang iiyak)

18
Huwag! Huwag mo ‘kong talikurang ganyan!
(parang maghahabol)

Hindi ko kaya! Hindi ko matiis! Hindi!


(aabutan ang anak, kakapitan ito sa balikat, halos pabulong)

Patawarin mo ako anak hindi ko sinasadya! Pinagsisihan ko!


(malulugmok na parang malakas na tinabig, lilingon sa kanyang balikat na parang inaalalayan
ng abogadong kausap, malilito)

Hindi! Di ko alam ang mga pinagsasabi ko!


(parang iuupo ng di-nakikitang abogado sa dating niluluklukan sa may mesita)

Salamat
(mag-iisip)

Noong sumunod natag-ulan?


(matatakot)

Dumating na muli ang katahimikan! Di ko maalala kung papano ko napuna ang pagdating.
(mag-iisip)

Limang taon? Ngunit bago ito dumating hanggang sa itoy lumala nang lumala ay
pinakiusapan ko si Ed na lumipat na kami sa kabayanan. Naisip ko, kapag dumating ang mga
bulong, matatawag ko ang ilan sa mga kapitbahay.
(galit)

Ngunit hindi ako dininig ni Ed!hindi siya tumalima. Wika niya, marami siyang nagastos kay
Teddy. Hindi ko maunawaan kung bakit ibig kong makipag-usap kung kanino sa mga
kapitbahay. Sanay naman akong mag-isang naiiwan lagi noon ni Ed at Teddy sa bahay.
(mahinahon)

Isang lunes, sabi ni Ed, kailangan niyang pumunta ng Maynila. Sasama sana ako, ngunit
napakarami kong naimbak na gawaing-bahay. Hindi maatim ng budhi ko ang umalis sa araw
na dapat ipagtrabaho.
(matitigilan, dadamhin ang dibdib)

Nang araw na ‘yon… di ko mawari ang dibdib ko. Nais kong maisiwalat ang mga
namumuong diwang namimigat sa dibdib ko. Wala si Ed. Wala akong.. mangyaring
pagsiwalatan ng katahimikang patuloy na bumabagabag sa aking isipan habang ako’y mag-
isang nanananghalian.
(tatayo, masaya, tatakbo’t haharap sa manonood na parang may tinatanaw na dumarating )

Hello, Ed!
(mawawala ang sigla, kasabay ng pagkuyom na ikinaway na kamay ang pagkagat sa kanyang
labi, nakatanaw na matitigilan at umiiling-iling na babalikan ang kausap na abogado)

19
Hindi siya kumibo. Tuluy- tuloy siyang parang walang anumang narinig o nakita. Agad
niyang tinungo ang likod-bahay, kinuha ang palakol at nagsimulang magsibak ng kahoy.
(tutunguhin ang kinalalagyan ng inihagis na larawan ng asawa)

Sino ang pinuntahan mo sa Maynila? Nagkita ba kayo? Anong ginawa niyo?


(lilingunin ang kausap na abogado)

Minsang tatango. Minsang iiling lamang siya. Ngunit halos sa lahat ng oras ay wala siyang
imik. Umalatag na ang dilim noon, at ako’y…
(yayapusin ang sarili)

Yapos ng kalungkutan. Ngunit…


(sa larawan ng asawa)
Si Ed ay hindi man lamang nag-ukol ng pansin. Para siyang isang tuod! Walang buhay!
(malilito, matatakot, mawawala sa sarili)

Biglang dumating ang… hindi ko alam.. hindi ko na matiis ang labis na katahimikan.
Nandilim ang aking paningin! Hindi ko na kilala kung ang kasama ko’y si Ed. Hindi na siya si
Ed! At ang aking sarili’y hindi na ako! Kailangan kong basagin ang katahimikang
bumilanggo sa aking pagkatao. Nais kong makalaya!
(parang ikukulong na ibig kumawala)

Huwag! Huwag kang lumapit sa ‘kin! Huwag kang lumapit!


(maninigas ang bung katawan)

Huwag!
(manlilisik ang mga mata, parang masusulyapan ang palakol, dali-daling dadamputin, itataas
ang mga bisig na parang magsisibak)

Huwagggggggggggggggggggg!
(sabay lugmok, lilipas ang ilang sandal, manunumbalik sa sarili, makikita ang palakol sa
kamay at si Ed na nakahandusay)

Diyos ko! Diyos ko!


(iiyak dahan-dahang tatayo)

Wala akong Makita! Madilim! Napakadilim ng paligid!


(magtatakbong parang hinahabol, maririnig ang malakas na pagbuhos ng ulan, hihinto at
masisindak)

Ed? Hindi iniwan na kitangpatay sa ganyang pagkakahaandusay!


(uurong, lilingunin ang abogado)

Nakikita ko siya! Nakikita ko si Ed! Ayan si Ed!


Ayan siya!

20
(mararamdamang parang hinahawakan siya ng abogado, isisikwal niya ito)

Bakit mo ako pinipigilan? Ayan si Ed! Gusto ko siyang lapitan! Gusto kong lumapit kay Ed!
Bitiwan mo ako! Duguan siya! Umaagos ang dugo sa buo niyang katawan!
(muling isisikwal ang abogado)
Huwag mo sabi akong hawakan! Pakawalan mo’ko!
(magmamakaawa sa abogado)

Kailangan kong puntahan si Ed! Kailangan niya ang tulong ko! Nariyan na ako Ed! Nariyan
na’ko! Sandal lang Ed! Sandali lang! Ed!
(manghihina, manlulumo, malulugmok)

O! pagod na pagod na ako!


(aalalayan ng abogado, iuupo sa dating kinauupuan)
Maaaring napagod ka sa pagbabasa ngunit
sulit naman, di ba? Maraming salamat
aking kamag-aral sa matiyaga mong
pagbabasa. At upang higit pang
mapalalim ang iyong kaalaman sa
Suriin binasang dula sagutin mo naman ang
susunod na gawain.
Tara! Simulan natin ang mga gawaing
inihanda ko para sa’yo. Alam kong
kayang-kaya mo ito.

A. Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwang
ipinahahayag ng mga pangungusap at upang masagot mo ang mga tanong.
Ang (1) __________ ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ito ay
isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at
matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng (2)

21
_______.

Ang Dula ay hango sa salitang griyego na (3) “ ______” na nangangahulugang (4) ____ o
(5)__

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na (6)


_________. Ang dula ay mayroon ding (7) _________. Ito ay simula, gitna, at wakas.

Sa pamamagitan ng dulang ang Isigaw Mong Muli, Nestra…, ay higit na matutukoy kung ang
uring ito ay isang (8) ___________ o kung ito’y isang (9) ________________ lamang.

B. Ipaliwanag ang ilang mga salitang kinuha sa dulang binasa.Isulat sa sagutang papel
ang mga sagot.

Nakakabulag! Hanggang Kailangan kong


Nais kong maisiwalat ang mga sa ang ulan ay hindi na basagin ang
namumuong diwang namimigat puti kundi itim na tintang katahimikang
sa dibdib ko. pumapatak! bumilanggo sa aking
_______________________ pagkatao
___________________________
_______________________
___________________________ __________________
_______________________
___________________________ __________________
_____________
__________________

C. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa loob ng bubble
speech.

1. Isulat mo ang tagpo at bahagi ng dulang ang Isigaw Mong Muli, Nestra… , na
ang isang tauhan ay nagpapahayag ng isang mahalagang kaisipan o ideya.

22
2. Isulat mo naman ang ilang naging pahayag at ang tauhan na nagbitaw ng matinding
kaisipan sa pangyayari na tumatak sa iyong isipan

3. Ilahad ang damdaming nangibabaw pagkatapos basahin ang dula.

23
Magaling! Naipakita mo ang
iyong kahusayan sa pagsagot.
Tunghayan ang Alam mo ba!
tiyak kong makatutulong ito sa iyo
upang mas higit lalo pang lumalim at
lumawak ang iyong kaalaman.
Tara! Basahin ang pahapyaw
ng ilang mahalagang kaalamang may
kauganayan patungkol sa dula.

24
Alam mo ba….

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol
sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Ang Dula ay hango sa salitang griyego na “drama” na nangangahulugang gawin


o ikilos.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag


na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang
tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at
batay sa isang iskrip.

Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.

Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna -


matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
SANGKAP NG DULA
 Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring
isinaad sa dula
 Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan
umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng
dayalogo at nagpapadama sa dula
 Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang
walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong
suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang
suliranin ang isang dula
 Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan
 Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan,
tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili;
maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang
isang dula
 Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng
tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang
tunggalian
 Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at
pag-ayos sa mga tunggalian
 Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang
mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng
panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

25
Elemento ng Dula
1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng
isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang
iskrip; walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng
isang dula. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon
sa pamamagitan ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.
2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila
ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa
dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang
mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at
nagpapadama sa dula.
3. Dayalogo –  ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at
makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga
linyang binibitiwan ng mga aktor.
4. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula
ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan
ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa
kanilang klase.
5. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip;
siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng
damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
6. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal
kung hindi ito napanood ng    ibang tao; hindi ito maituturing na dula
sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal
dapat mayroong makasaksi o makanood.
7. TEMA – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood
ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa
tanghalan. Naililitaw ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng
paglinaw ng tema ng dula.

26
Pagkakaiba sa pagitan ng Monologo at Soliloki

Tulad ng monologo at soliloki ay dalawang uri na pampanitikan na nakatagpo


ng isang mag-aaral ng drama at teatro sa panitikan, kinakailangan upang maunawaan
ang pagkakaiba sa pagitan ng monologo at soliloki. Bagaman ang pagkakaiba sa
pagitan ng mga ito ay maaaring hindi bukas sa maraming talakayan, ang pag-unawa sa
pagkakaiba-iba ng umiiral sa pagitan ng monologo at soliloki ay maaaring magaling.
Sa panitikan, ang dula ay isang pangunahing genre at maraming makabuluhang
aparato at pamamaraan ng pampanitikan na nauugnay dito. Ang mga monologo at
soliloki ay dalawa sa mga kagamitang pampanitikan na ginamit sa drama at teatro at
ang parehong mga termino ay nagpapahiwatig ng kahulugan ng mga mahahabang
talumpati ng isang karakter sa dula. Kung pareho silang mahaba ang talumpati, may
pagkakaiba ba? Oo, mayroong at ang pagkakaiba ay namamalagi sa ang katunayan na
ang parehong mga monologue at soliloquies ay nagsasangkot ng isang nag-iisa na
nagsasalita.

Ano ang isang Monologo?

Ang isang monologo ay isang kagamitang pampanitikan na ginamit sa drama


na nailalarawan ng isang mahabang pananalita na inihatid o ipinakita ng isang
indibidwal na karakter. Ang mga monologo ay hindi nakakulong sa drama; ginagamit
din ito sa halos lahat ng mga dramatikong media kabilang ang mga pelikula. Ang mga
monologo ay mahaba ang mga talumpati na inihahatid sa iba pang mga karakter sa
pagtanghal sa madla. Ang tanyag na soliloki ni Marc Anthony sa Julius Caesar na
nagsisimula sa "Mga Kaibigan, Romano, mga mamamayan, ipahiram sa akin ang
iyong mga tainga ... ..." maaaring tawaging isang isa sa pinaka kilalang monologo.
Ang pagsasalita tungkol sa mga uri ng mga monologo, maaari silang mahahati sa
tatlong uri: a) dramatikong monologue (isang character na nagsasalita sa isa pa), b)
salaysay na monologue (isang karakter na may kaugnayan sa isang kwento) at c)
aktibong monologue (isang talumpati na ginamit upang makamit ang isang aktibong
layunin).

Ano ang isang Soliloki?

Soliloki ay (binibigkas suh-lil-uh-kwee), isang pampanitikang kagamitan na


ginagamit sa drama, ay isang pananalita na nagpapakita ng panloob na mga saloobin,
motibasyon, o mga plano ng isang karakter. Ito rin ay isang mahabang haba ng
pagsasalita na inihatid o ipinakita ng isang indibidwal na katangian ng isang
pagtatanghal. Hindi ito naglalayong sa isang partikular na madla, iba pang mga
karakter ng dula o tunay na madla ng mga manonood, ngunit ibinahagi ng totoong
tagapakinig. Ang isang soliloki ay ipinakita ng isang solong karakter sa kanyang sarili
bilang isang pagpapahayag ng kanyang / panloob na mga saloobin sa kanyang sarili.
Ang Shakespeare ay malaki ang ginamit na soliloquies at sila ay naging lipas na nang
magsimula ang drama sa Ingles na lumipat patungo sa pagiging totoo. Bilang isang

27
Monologo at Soliloki

Ang isang monologo ay isang napakahabang pananalita na ipinakita ng


isang karakter ng isang pagtatanghal sa iba pang mga karakter o madla
habang ang isang soliloki naman ay isang napakahabang pagsasalita na
iniharap ng isang indibidwal na karakter sa kanyang sarili.

Ang isang monologo ay maaaring maging isang pagsasalaysay ng isang


kwento o kahit na ilang pagsasalita upang makamit ang isang tiyak na
layunin. Ang soliloki ay isang ekspresyon ng mga panloob na kaisipan
ng isang karakter.

Ang isang monolog ay madalas na naglalayong pakinggan habang ang


isang soliloki ay hindi.

Pagdating mula sa isang kumbinasyon ng mga salitang Latin solo , ibig


sabihin "sa kanyang sarili," at loquor , na nangangahulugang
"Nagsasalita ako," isang soliloki ay nagbibigay ng mga manunugtog ng
palabas ng isang madaling paraan upang mapanatili ang madla na alam
ang balangkas at pag-unlad ng pag-play, gayundin ang pagbibigay ng
pananaw sa mga pribadong motibo at mga hangarin ng isang karakter.

Ang soliloquy umabot sa taas ng katanyagan nito sa panahon ng


Renaissance. Ang paggamit ng soliloquy ay bumagsak mula noong
huling ika-18 siglo nang ang drama ay lumipat sa "Stanislavsky System"
ng pagiging totoo-ang tumpak na paglalarawan ng tunay na buhay sa
mga palabas. Ngayon, ang soliloquy ay kilala bilang "direct address" sa
mga pelikula at telebisyon.

Sa isang soliloki, ang karakter ay gumagawa ng isang napakahabang


salita sa kanya. Sa isang monologo, ang karakter ay naghahatid ng
pagsasalita sa ibang mga character na may malinaw na layunin na
marinig ng mga ito. Sa madaling salita, kung ang ibang mga karakter ay
maaaring marinig at posibleng tumugon sa kung ano ang sinasabi ng
isang karakter, ang pananalita hindi pwede maging isang soliloki.

28
Pagyamanin
Palawakin pa natin ang
iyong kaalaman hinggil sa paksa.
Batid ko na handa ka na upang
linangin at paunlarin pa ang
kakailanganing pag-unawa sa tulong
ng mga angkop na gawain na
ibibigay ng modyul na ito.
Handang- handa ka na ba?
halina’t ipagpatuloy mo na.

Pagsasanay 1: pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa dulang “ Isigaw Mong Muli,


Nestra…”. Isulat ang bilang ng tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa
dula. Lagyan ng numerong 1 hanggang 10
_______ a. Walang babaing maglalakad nang maglalakad sa labas ng bahay nang walang
pandong o balabal kaya sa katawan.
_______ b. Bakit hindi pa ako ang namatay! Bakit di ako tamaan ng kidlat o manigas kayabago
ako tuluyang hilahin ng aking mga kamay.
_______ c. Maigi ang aming kalagayan nang kasama po naming ang aming anak. lagi silang
magkasamang naglalaro. Araw-araw ay inihahatid at sinusundo ni Ed ang aming anak sa eskwela.
Pinagbuti naming ang paghahanapbuhay para kay Teddy.
_______ d. Dahan-dahang tatayo’t makikiramdam, may pag-aatubiling tutunguhin ang pintuan,
halos idikit ang katawan, isisiwang bahagya ang pinto at sisilipin ang kumakatok sa labas. Sino
ka? Anong kailangan mo? Maaalalang ito ang abogado.

_______ e. Ibibigay ko ang aking kaluluwa, marinig ko lamang magsalita si Ed.


_______ f. O! pagod na pagod na ako!
_______ g. Ngunit hindi ako dininig ni Ed!hindi siya tumalima. Wika niya, marami siyang
nagastos kay Teddy. Hindi ko maunawaan kung bakit ibig kong makipag-usap kung kanino sa
mga kapitbahay. Sanay naman akong mag-isang naiiwan lagi noon ni Ed at Teddy sa bahay
_______ h. Sa mga gabing siya’y namamanhid o nirarayuma, kaya’y nananakit ang katawan.

________ i. Inuulit ko sa’yo wala na akong masasabi pa. wala na! wala na!

________ j. Huwag kang magkakamal! Huwag kang magkakamaling sanihing…pinatay ko siya!

29
Pagsasanay 2: Subuking hanapin sa bawat bahagi ng dulang ang “Isigaw Mong Muli,
Nestra…” ang buod ng mga pangyayari pagkatapos ay isulat ito sa loob ng kahon.
Sundin ang sumusunod na balangkas.

TUNGGALIAN KAKALASAN

SIMULA KASUKDULAN WAKAS

Wow! Ang husay naman! Sabi ko


naman kayang kaya mo yan.
Muli, ipagpatuloy ang pagsagot sa
susunod pang gawain.

30
Isaisip
A. Dahil naisagawa mo nang maayos ang mga gawain, susubukan muli natin ang iyong
kakayahan sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa ating napag-aralan. Ano ang
natutuhan mo sa ating aralin ngayon? Isulat sa loob ng kahon ang iyong pahayag.
Gawing makabuluhan ang pagtatalakay.

Natutuhan ko sa araling
ito_____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

B. Panuto: Ilahad mo ang iyong mga nalalaman sa araling ito. Isulat sa iyong sagutang
papel.

Masasabi
Napag-alaman kong... kong…

Natuklasan
kong…

31
Isagawa

Muli, binabati kita sa husay na iyong


ipinamalas. At ilang hakbang na lamang at
tapos na ang iyong paglalakbay sa modyul
na ito Natityak kong higit mo nang
nauunawaan ang mahahalagang konsepto
sa araling tinalakay.

A. Panuto: Ilahad ang wastong pagkakaayos ng Mga Sangkap ng Dula. Gayahin ang
pormat sa sagutang papel.

MGA SANGKAP NG DULA

32
B. Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang pahiwatig ng kahulugan ng sumusunod na pahayag. Punan ng titik ang
kahon upang mabuo ang kahulugan nito. Pagkatapos, gamitin ito sa pagbuo ng makabuluhang
pangungusap. Gayahin ang pormat sa papel.

1. Ito ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.


Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula
sa pamamagitan ng panonood.

U A

2. Tawag sa panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa
dula

A G P N

3. Dalawang uri na pampanitikan na nakatagpo ng isang mag-aaral ng drama at teatro


sa panitikan
M O O G
at

S I O I

4. Pangunahing tauhan sa dulang binasa.

E S R

5. Pagdating mula sa isang kumbinasyon ng mga salitang Latin solo , ibig sabihin "sa
kanyang sarili," at loquor , na nangangahulugang "Nagsasalita ako"
S I O K

6. Sinasabing pinakakaluluwa ng isang dula. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga


pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga karakter na gumagalaw sa
tanghalan.

S R P

7. Sa isang pamamagitan nito, ang karakter ay naghahatid ng pagsasalita sa ibang


mga karakter na may malinaw na layunin na marinig ng mga ito.

33
M N N O

Yey! Dahil napagtagumpayan


mong maunawaan at sagutan ang
Tayahin mga pagsasanay at gawain sa
modyul. Ngayon ay alam kong
handa ka na sa pangwakas na
pagsusulit. Subukin natin kung
hanggang saan ang iyong mga
natutuhan. 

A. Pagpapasya. Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na


pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang numero.

__________ 1. Ang sayaw ay isang uri ng panitikan.


__________ 2. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa
isang dula sa pamamagitan ng panonood.
__________ 3. Sinasabi na ng dula ay mayroon ding sangkap.

__________ 4. Tinatawag na tagpuan ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula;


at dito umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at
nagpapadama sa dula.

__________ 5. Ang bawat dula ay walang suliranin.

__________ 6. Tagpuan ang tawag sa panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinaad sa dula.

__________ 7. Tulad ng monologo at soliloki ay dalawang uri na pampanitikan na


nakatagpo ng isang mag-aaral ng drama at teatro sa panitikan.

__________ 8. Ang mga monologo ay nakakulong sa drama.

__________ 9. Ang “Isigaw Mong Muli, Nestra…. ay isang uri ng tula.

34
__________ 10. Ang sinasabing soliloki na isang pampanitikang kagamitan na
ginagamit sa drama, ay isang pananalita na nagpapakita ng panloob na mga saloobin,
motibasyon, o mga plano ng isang karakter.

B. Pagtatala. Itala ang hinihingi ng mga sumusunod:


1. Pinakalayunin ng dula
2-9. Mga Sangkap ng dula
10 -13. Mga tauhang nabanggit sa dulang binasa
14-15. Pagkakaiba sa pagitan ng Monologo at Soliloki
16-20. Magbigay ng limang elemento ng dula

35
Binabati kita aking kamag-aral!

Karagdagang Gawain Nagawa mo ang lahat ng mga pagsasanay


at gawain sa modyul na ito nang buong
husay. Ngayon ay bibigyan kita ng
Karagadagang Gawain upang mas
maipamalas mo pa ang iyong mga
natutuhan sa paksang ating tinalakay

A. Kaya mo’to
Panuto: Piliin ang mga elemento ng dula sa kaliwang larawan at ilipat ito sa kanang
larawan.

36
Tula Talinhaga
Sukat
Diyalogo Manonood
iskrip Aktor

Direktor
Tanghalan
Hiyaw
Tugma Mahika

B. Sa bahaging ito susubukin natin ang iyong husay sa paggawa ng isang dula. Ngayon,
gagawa ka ng iyong sariling iskrip tungkol sa “Kasawian sa Pag-ibig”, gawing
malikhain at makabuluhan ang pagpapadaloy. Pagkatapos, tukuyin kung ang iyong
ginawang iskrip ay isang monologo o isang soliloki. Isulat ito sa bondpaper.

37
“Kasawian sa Pag-ibig”

Wakas

“Ang mundo ay isang teatro”


- Shakespeare

Susi sa Pagwawasto
Subukin Suriin Pagyamanin

38
1. d 6. a 11. B 1. dula 6. iskrip a. 2 f. 9
2. b 7. b 12. B 2. Panonood 7. sangkap b. 5 g. 8
3. a 8. a 13. a 3. drama 8. monologo c. 7 h. 3
4. c 9. b 14. d 4. gawin 9. soliloki d. 1 i. 4
5. d 10.b 15. C 5. Ikilos e. 6
Isagawa Tayahin
Paglinang ng Talisalitaan A. Pagpapasya
1. DULA 6. ISKRIP 1. MALI 6. TAMA
2. TAGPUAN 7. MONOLOGO 2. TAMA 7. TAMA
3. MONOLOGO/SOLILOKI 3. TAMA 8. MALI
4.NESTRA 4. MALI 9. MALI
5. SOLILOKI 5. MALI 10.TAMA
B. Pagtatala
1. Itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado
2. Tagpuan 16. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot)
3. Tauhan 17. Gumaganap o aktor/karakter
4. Sulyap sa suliranin 18. Dayalogo
5. Saglit na kasiglahan 19. Tanghalan
6. Tunggalian 20. Tagadirehe o direktor
7. Kasukdulan
8. Kakalasan
9. Kalutasan
10. Nestra
11. Abogado
12. Ed
13. Teddy
14-15. Ang isang monologo ay isang napakahabang pananalita na ipinakita ng isang karakter ng
isang pagtatanghal sa iba pang mga karakter o madla habang ang isang soliloki naman ay isang
napakahabang pagsasalita na iniharap ng isang indibidwal na karakter sa kanyang sarili.

SANGGUNIAN:

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com

39
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinclipart.com

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.dreamstime.com

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwww.litcharts.com

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Flosangelesactingcoach.com

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fall-free-download.com

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Ffriendlystock.com

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fi.pinimg.com

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fclipartion.com

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fi.pinimg.com

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fclipart-library.com

https://sites.google.com/a/rsu50.org/mrs-taylor-s-terrific-third-grade-class/home/lucy-calkins-
writing

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fclipartandscrap.com

https://www.google.com/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Fclipart-library.com

https://www.google.com/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Fimages.clipartpanda.com

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fus.123rf.com

GAWAIN 3 : Suriin ang nabuong kagamitang panturo. Sagutin ang sumusunod:

40
1. Ano-anong teorya ang pinagbatayan sa binuong kagamitang panturo? Talakayin
ito batay sa paliwanag ng teorya na ginamit sa nabuong kagamitang panturo.
2. Nasunod ba ang mga gampanin sa pagbuo ng kagamitang panturo na susukat sa
kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral?
3. Ano-anong mga gawain ang nakalagay sa nabuong kagamitang panturo na may
integrasyon ng ICT? Isa-isahin ang mga ito.
4. Sa iyong sariling pananaw, nasusukat ba sa nabuong kagamitang panturo ang
akademikong performans ng mg mag-aaral?

41

You might also like