You are on page 1of 26

11

11
Katatagan ng Kalooban tungo sa
Pagsulong ng Kabataang Filipino
Modyul 1 - Sarili
Katatagan ng Kalooban tungo sa Pagsulong ng Kabataang Filipino –
Ikalabing-isang Baitang

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng Natasha Goulbourn Foundation kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing institusyon at ahensiya ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Natasha Goulbourn Foundation.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lucila O. Bance


Angelie D. Bautista
Myreen P. Cleofe
Gemma S. Clet
Leny G. Gadiana
Valentina R. Catmunan
Editor: Benita Balla-Hugo
Tagasuri: Jona Kristen M. Valdez
Melynda T. Andres
Tina Amor V. Buhat
Carmencita A. Aguas
Tagaguhit: Jonard Crescini Pantoja
Jon Aubrey R. Lleno
Aureus Ken S. Papa
De La Salle College of St. Benilde-School of Design and Arts
Tagalapat:
Tagapamahala: Natasha Goulbourn Foundation

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education
Office Address:
Telefax:
E-mail Address:
11
Katatagan ng Kalooban tungo sa
Pagsulong ng Kabataang Filipino
Modyul 1 - Sarili
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Katatagan ng Kalooban tungo sa Pagsulong ng


Kabataang Filipino-11 Modyul 1 - Sarili.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng guidance


counselors/psychologists mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
PAGBATI PARA SA MGA MAG-AARAL

Jean Margaret Lim – Goulbourn


Presidente, Natasha Goulbourn Foundation

Inaalay namin ang modyul na ito na isinulat nang may buong pagmamahal,
tiyaga, at dedikasyon para sa inyo, ang sandigan ng kinabukasan ng bansa. Kayo ay
aming inspirasyon upang mabuo ang programa tungo sa katatagan ng kalooban.

Malaki ang aming paniniwala sa kalakasan at kagalingan ninyo. Nawa’y


magsilbing instrumento ito tungo sa pagpapaunlad ng inyong mga sarili. Lubos naming
kinikilala ang inyong kakayahan na bumangon sa tuwing nadadapa. Lagi nating
alalahanin na sa harap ng anumang hamon ng buhay, ang inyong kalakasan at
kakayahan ang magiging sandata upang maabot ang inyong mga pangarap o mithiin.

Buong-puso naming pinapahalagahan ang kabutihan at kagandahan ng inyong


kalooban. Pagyamanin ito at isulong sapagkat sa anumang unos, krisis o pandemya,
ang katatagan ng kalooban ay manggagaling sa matibay na paniniwala sa inyong
kalakasan, kagalingan at kakayahan. Nandito kami para maging gabay sa inyong
pagbangon tuwing nakararamdam ng pagkabigo o pagkatalo. Nawa’y matutunan
ninyong gamitin ang mga paraan na makatutulong na mapagtagumpayan ang
anumang pagsubok o hamon. Nawa’y gawin ninyong hamon ang mga suliraning
mararanasan at matuto sa mga karanasang tunay na huhubog sa inyong katatagan.
Panatilihin nawa ang sigla at sikaping kapana-panabik ang pakikipagsapalaran sa
buhay.

Sama-sama tayo sa pagsulong!

iii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Katatagan ng Kalooban tungo sa Pagsulong ng


Kabataang Filipino-11 Modyul 1 - Sarili.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng isang talata na nagpapakita


ng buod ng makabuluhang nilalaman ng
aralin.

iv
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Ito ay patunay na ginawa ang mga tinakdang


Pagpapatunay gawain sa tulong at gabay ng kapamilya,
magulang o guardian at paggamit ng mga
resorses o sanggunian nang may lugod at
buong katapatan. Ito ay may lagda ng mag-
aaral at ng magulang/guardian.

v
Sa katapusan ng apat na modyul, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Maaaring isapuso o talakayin at pag-usapan kasama ang iyong magulang,
guardian o nakatatandang kapamilya ang mahahalagang aralin sa
Pagyamanin.
7. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng mga modyul, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Para sa mga magulang, nakatatandang gabay o guardian (tagapatnubay):

Malugod na pagtanggap sa Katatagan ng Kalooban tungo sa Pagsulong ng


Kabataang Filipino-11 Modyul 1 - Sarili.

Gabayan ang iyong anak sa kaniyang gawain. Hikayatin na ilahad o maipahiwatig ang
kaniyang mga saloobin. Maaaring magkaroon ng malawak na pang-unawa at igalang
ang kaniyang nararamdaman sa pamamagitan ng bukal sa pusong pakikibahagi at
pakikinig. Ngunit, ipadama ang paggalang kapag hindi pa handa o ayaw magbahagi.
Mas ituon ang pag-uusap sa pagpapalakas ng inyong relasyon. Sumangguni sa isang
guidance counselor o guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) kapag
kinakailangan.

Magbigay ng reaksyon o sariling pananaw upang magganyak ang mag-aaral na lalong


maisulong ang kaniyang mga kakayahan at kasanayan tungo sa mataas na antas ng
katatagan ng kalooban.
Modyul Ang Pagharap sa Suliranin,
1 Makakayanang Lutasin
Alamin
Panimulang Ideya

Maligayang pagbati! Kumusta ka na sa panahong ito na maraming krisis na


nangyayari sa paligid, hindi lamang sa ating bansa ngunit ito ay nararamdaman din sa
buong mundo? Maaring ito ay dulot ng pandemya, lindol, bagyo o baha, pagputok ng
bulkan, pagkawala ng mahal sa buhay, problema sa pamilya, pagkakaroon ng
matinding karamdaman, pagkakaroon ng mababa o bagsak na marka, paghihiwalay
o iba pang kahalintulad nito. Maaari rin na ang mga ito ay magkaroon ng epekto sa
sarili mo, tulad ng lungkot, pangamba, pagkabalisa o takot.

Nasasabik ka ba na matutunan kung paano ang isang katulad mo ay magiging


matatag sa pagharap sa mga pagsubok o sulirarin sa buhay, tulad ng mga nabanggit?

Alalahanin na ang iyong kaalaman at nararamdaman ay hihimukin upang ikaw


ay magkaroon ng mataas na antas ng katatagan ng kalooban sa harap ng hamon ng
buhay. Alam ko na makakayanan mong harapin ng may kumpiyansa ang lahat ng
nakalaang mga gawain. Nakahanda ka na ba?

Pangkalahatang Ideya

Ang araling ito ay naglalayon na magkaroon ka ng kamalayan sa sarili tungo


sa pagtuklas ng tunay na kahulugan ng mga hamon at pagsubok na ating
kinakaharap. Ang paglinang ng kamalayang pansarili ay may kalakip na pagtuklas ng
kahulugan at pagkatuto sa mga nararanasang pagsubok sa buhay (Chowdhury,
2020). Ang pagkakaroon ng positibong pag-uugali ay kinakailangan sa pagharap sa
mga karanasang nagdudulot ng sakit sa damdamin na sa huli ay tutulong sa atin
upang tayo ay magkaroon ng katatagan ng kalooban. Ito ang ating magiging gabay sa
paglinang ng sariling kakayahan tungo sa pag-unlad at pagkakaroon ng maayos at
makahulugang relasyon sa sarili, pamilya, kaibigan, at ibang tao.

Upang maging tunay na maliwanag para sa iyo kung paano matatamo ang
katatagan ng kalooban, narito ang pangkalahatang ideya tungkol dito.

Ang katatagan ng kalooban (resilience) ay ang kapasidad ng tao na


malampasan ang mga suliraning kaniyang kinakaharap o mapagtagumpayan ang
mga hamon na maaaring makapinsala sa kaniyang pag-unlad bilang miyembro ng
kaniyang komunidad (Masten, 2018). Ayon naman sa Psychological Association of
the Philippines (2015), ito ang kakayahan ng isang tao na makabalik sa dating
kalakasan at kasiglahan sa harap ng mga unos o pagsubok sa buhay gamit ang mga
epektibong pamamaraan sa paglutas ng mga suliranin batay sa positibong konsepto

1
ng sarili at suporta ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Layon niya na magkaroon ng
masayang pakikipagtalastasan sa kapuwa, at maging masaya ang kaniyang
kalagayan sa buhay. Ito ay matatamo sa pamamagitan ng paglinang at pagpapahusay
ng sumusunod na kakayahang pangkatatagan ng kalooban (resilience competencies)
na naikategorya sa apat: a) kakayahan sa pakikipagkapuwa (relational competence);
b) kasanayan sa paglutas ng mga suliranin (problem-solving skills); c) kasanayan na
pamahalaan ang sarili (self-regulation skills); at d) pagkakaroon ng makabuluhang
mithiin sa buhay (sense of purpose).

Ngunit, mahirap maipamalas ang katatagan ng kalooban sa harap ng mga


karanasang nagdulot ng sakit ng damdamin, mga pangyayari o bagay na
nakakaepekto sa ating kaisipan, emosyon, pakikipagkapuwa at espirituwal. Ang sakit
ng damdamin na nagdudulot ng stress ay ang proseso ng reaksiyon. (Gulzhaina, et.
al., 2018). Bago maranasan ng isang indibiduwal ang katatagan ng kalooban
kailangan muna niyang kilalanin ang mga kalakasan o salik na nakatutulong
(protective factors) para mapamahalaan niya ang stress. Maaaring hindi rin madaling
gawin sapagkat nakatuon siya sa mga salik na mapanganib (risk factors), ito ang mga
salik na maaaring makasama at magdulot ng mga negatibong damdamin na
makakahadlang sa kanya upang malinang ang mga kalakasan.

Nilalayon ng programa na ikaw ay magabayan sa paglinang ng iyong


kalakasan at kakayahan upang mapaunlad ang kumpiyansa sa harap ng anumang
pagsubok, krisis o pandemya. Sa baitang na ito, inaasahang mong makilala ang mga
salik na nakatutulong (protective factors) na iyong magagamit para maging mahusay
sa pamamahala ng mga karanasang nagdudulot ng sakit ng damdamin. Bibigyang
halaga ang iyong kakayahan na matukoy ang mga salik na mapanganib (risk factors)
para ito ay iyong maintindihan at pahinain ang negatibong epekto ng negatibong
karanasan.

Aralin at isaisip ang mga kakayahang pangkatatagan ng kalooban


(resilience competencies) na inisa-isa sa Talahanayan 1 na makikita sa susunod na
pahina. . Ito ay ang mga kompetensi na kailangang pandayin at palakasin para sa
katatagan ng kalooban.

2
Talahanayan 1
Mga Kakayahang Pangkatatagan ng Kalooban (Resilience Competencies)
Kasanayan na Pagkakaroon ng
Kakayahan sa Kasanayan sa
Pamahalaan ang Makabuluhang Mithiin
Pakikipagkapwa Paglutas ng Suliranin
Sarili sa Buhay (Sense of
(Relational (Problem-Solving
(Self-Regulation Purpose Belief in a
Competence) Skills)
Skills) Bright Future)
• Pagtugon sa • Pagpaplano (Planning) • Pansariling • Malinaw na Layunin
pangangailangan ng • Pagiging mapamaraan pagkakakilanlan (Goal direction)
iba (Responsiveness) (Resourcefulness) (Sense of • Hangaring pang-
• Pag-angkop sa • Malikhain at identity) edukasyon
anomang ugnayan mapanuring pag-iisip • Epektibong (Educational
(Flexibility) (Creative and critical pansariling aspirations)
• Kakayahang thinking) pamamahala • Positibong pananaw
maunawaan at (Self-efficacy) sa buhay
maramdaman ang • Pansariling (Optimism)
kalagayan ng iba kamalayan (Self- • Pagiging masayahin
(Empathy) awareness) (Sense of humor)
• Pagpapahalaga sa • Kadalubhasaan • Pananalig (Faith)
damdamin ng kapwa sa mga gawain • Espiritwal na
(Caring) (Task-mastery) ugnayan (Spiritual
• Kakayahang connectedness)
makipagtalastasan(C
ommunication skills)
• Pagkakaroon ng
limitasyon (Healthy
boundaries)

Batay sa Resilience Theory and Research on Children and Families: Past, Present, and Promise ni Masten (2018)
na nailathala sa Journal of Family Theory & Review 1(1), 1-20. https://doi.org/10.1111/jftr.12255

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang pagpapatatag ng kalooban


lalong-lalo na sa panahon ng krisis katulad ng pandemya, salot o anomang mabigat
na suliranin. Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan,
kaalaman, at kamulatan sa pagkakaroon nang may matatag na kalooban sa harap ng
mga mabibigat na suliranin ng buhay. Nilalayon nito na magamit mo ang iyong mga
kalakasan at mapagtagumpayan mo ang pag-abot mo sa iyong magandang minimithi
para sa iyong pamilya, kaibigan at sa ating lipunan.

3
Mga Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


a. nakapagpapaliwanag na ang kamalayan sa sarili ay daan tungo sa pagtuklas ng
tunay na kahulugan ng mga hamon at pagsubok sa buhay;
b. nakapagpapakita na ang pagkakaroon ng positibong pag-uugali ay mahalaga sa
pagharap sa mga suliranin; at
c. nakapagpapahiwatig ng kahalagahan ng kamalayang personal, positibong
pananaw sa buhay, pagpapasalamat, at kakayahang umunlad upang patuloy na
lumago bilang isang indibidwal na may matatag na kalooban.

Subukin
Panimulang Pagtataya

Panuto: Gamit ang isang malinis na papel, kopyahin at sagutan ang gawain sa ibaba.
Lagyan ng ekis (X) ang patlang na tumutugma sa antas ng iyong pagsang-ayon sa
sumusunod na pahayag. Maging makatotohanan sa iyong mga sagot sapagkat sa huli
ay kinakailangan mo itong maipaliwanag. Ituon ang isip sa mga nangyari sa iyo sa
nakalipas na buwan. Gamitin ang gabay sa ibaba sa iyong pagsagot.
1 = HINDI TOTOO
2 = BIHIRANG TOTOO
3 = KADALASANG TOTOO
4 = PALAGING TOTOO

PAHAYAG 1 2 3 4
1. May kakayahan ako na maging
mapamaraan sa pagharap sa
Iba’t ibang anyo ng hamon o suliranin ng
buhay.
2. Naniniwala ako na magagawan ko ng
solusyon ang aking mga problema.
3. Nakakayanan kong tumayo sa sarili ko,
kahit patong-patong na ang aking mga
pinagdadaanang suliranin.
4. Iniisip ko na ako ay may mga kalakasan na
maari kong gamitin sa panahon ng
pangangailangan.
5. Nagagawan ko ng positibong pananaw ang
mga karanasang nagdudulot sa akin ng
sakit ng damdamin.

4
Balikan

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa isang malinis na papel

1. Balikan ang isang pagsubok o krisis na naranasan mo sa nakaraang mga araw


o buwan. Ano ang mga bagay na inisip mo sa pagkakataong iyon?

2. Ano ang ginawa mo sa harap ng krisis o pagsubok na iyon na nagpakita ng


katatagan ng iyong kalooban?

3. Nakatulong ba sa iyo ang iyong ginawa? May iba ka bang mungkahi na dapat
gawin upang malampasan ang isang problema?

Tuklasin

Gumawa ng replika ng activity sheet sa isang malinis na papel.

Ang timeline ay isang larawan ng mga mahahalagang pangyayari sa iyong buhay. Sa


unang dalawang kahon, isulat ang mga pangyayari na nagdulot ng suliranin at
malaking pagkabahala noon at sa kasalukuyan. Ilagay sa guhit sa ilalim ng mga kahon
ang iyong mga katangiang positibo na nakatulong sa pagharap sa mga suliraning
nabanggit. Sa Ikatlong kahon, ilagay ang gusto mong mangyari at makamit sa
hinaharap. Sa guhit na nasa ilalim ng kahon, isulat ang mga katangiang positibo
(maaaring mayroon ka na o gusto mo pang linangin) na kailangan upang makamit ang
mga mithiin sa hinaharap.
.

5
Ang Pagharap sa Suliranin, Kakayaning Lutasin!
My Time Line Activity Sheet

Pangalan: Petsa:
Pangalan ng Tagagabay: Grado:

NOON NGAYON HINAHARAP

6
Suriin

Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa isang malinis na papel.

1. Paano mo nalampasan ang pinakamabigat na suliranin o hamon sa buhay na


iyong naranasan? Magbigay ng mga hakbang na iyong ginawa upang
mapagtagumpayan ang suliraning ito.
2. Paano naapektuhan ang pagkilala mo sa iyong sarili ng iyong naging
karanasan? Ano ang saloobin at damdamin mo sa pagharap sa kasalukuyang
suliranin?

3. Ano ang nakita mong kalakasan o positibong katangian sa iyong sarili na


maaari mong panghawakan kapag ikaw ay nahaharap sa isang krisis o
pagsubok? Makatutulong ba ito sa pagkakaroon mo ng matatag na kalooban?

7
Pagyamanin
Maaaring talakayin o pag-usapan ang sumusunod kasama ang iyong
magulang, guardian o nakatatandang kapamilya.

Sa buhay ay dumarating ang mga suliranin sa iba’t ibang kaanyuan. Ang mga
hamon sa buhay ay kasama sa paglalakbay, hindi ito maiiwasan. Subalit, kailangang
harapin ang mga ito nang may matatag na kalooban. Tandaan na ang katatagan ng
kalooban (resilience) ay ang kapasidad ng isang tao na malampasan ang mga
suliraning kaniyang kinakaharap o mapagtagumpayan ang mga hamon na maaaring
makapinsala sa kaniyang pag-unlad bilang miyembro ng kaniyang kapaligiran
(Masten, 2018). Ayon naman sa Psychological Association of the Philippines (PAP)
(2015), ito ang kakayahan ng isang tao na makabalik sa dating kalakasan at
kasiglahan sa harap ng mga unos o pagsubok sa buhay gamit ang mga epektibong
pamamaraan sa paglutas ng mga suliranin batay sa positibong konsepto ng sarili at
suporta ng mga tao na nakapaligid sa kaniya.

Ayon kay Hornor (2016), sa pagpapanday ng katatagan ng kalooban


(resilience), mahalaga na alam natin ang mga salik na nakatutulong at mga salik na
mapanganib na kaugnay ng suliranin. Ito ay:

Mga Salik na Nakatutulong Mga Salik na Mapanganib


(Protective factors) (Risk factors)
Mga pangyayari, sitwasyon, karanasan Mga pangyayari, sitwasyon,
o tao na nakatutulong na malutas ang karanasan o tao na nagdaragdag o
suliranin sa pamilya at maisaayos muli nagpapataas ng negatibong epekto sa
ang buhay. mga miyembro ng pamilya.
Mga halimbawa: Mga halimbawa:
• kakayahan o kadalubhasaan sa • hindi pagtanggap sa atin ng ating mga
anumang produktibong gawain mahal sa buhay
• kakayahang pamahalaan ang sarili • pagkabahala sa tatahaking karera
• suporta na nakukuha sa kapamilya at • pagkabigo o pagkakamali
kaibigan • problema sa tahanan
• matatag at positibong saloobin • patong-patong na mga gawain sa
• matibay na pananalig sa Amang eskuwelahan
Makapangyarihan

8
Gamit ang mga salik na nakatutulong (protective factors) kaysa sa mga salik
na mapanganib (risk factors), maaring linangin ang katatagan ng kalooban sa
pamamagitan ng paghubog ng mga kakayahan, na ibinatay sa apat na pangkat: a)
kakayahan sa pakikipagkapuwa (relational competence); b) kasanayan sa paglutas
ng mga suliranin (problem-solving skills); c) kasanayan na pamahalaan ang sarili (self-
regulation skills); at d) pagkakaroon ng makabuluhang mithiin sa buhay (sense of
purpose).

1. Kasanayan sa Paglutas ng Suliranin (Problem Solving Skills)


Normal sa buhay ng tao ang magkaroon ng problema. Mahalaga na
maunawaan natin na lahat ng problema ay may solusyon. Kinakailangan
natin na mapag-ibayo ang ating mga kalakasan upang maging mas matatag
tayo kung may dumating na suliranin sa ating buhay.
• Magnilay kung ano ang pinagmulan ng suliranin. Mahalagang
mapag-isipan natin ano ang naging sanhi ng ating problema.
• Maglista ng mga hakbang na maaari mong gawin upang lutasin ang
suliranin
• Sumangguni sa iyong mga magulang, nakatatandang kamag-anak,
guro at tagapamatnubay upang humingi sa kanila ng payo o
suhestiyon kung paano malulutas ang isang suliranin.

2. Kasanayan na Pamahalaan ang Sarili (Self-Regulation Skills)


Hindi sa lahat ng panahon ay umaasa tayo sa iba. Kinakailangang hasain
natin ang angking kakayahan tulad ng pagkakaroon ng sariling kusa sa mga
bagay na dapat gawin, lalong-lalo na sa loob ng tahanan. Kapag sanay ka
sa gawaing bahay, kahit saan ka magpunta ay magagamit mo ang
kakayahang ito. Gaano man kasakit ng iyong mga pinagdaanan dulot ng
problema, panatilihing maging matatag (Riopel, 2019). Sabi nga Enjoy life.
Minsan, maaaring daanin sa biro o tawanan na lamang ang masasamang
nangyari sa ating buhay, basta hindi nakakasakit ng damdamin ng ibang
tao. Naipakikita rin ito sa pamamagitan ng kakayahang tumanggi kung
nararapat, at maging produktibo kahit mag-isa kung kinakailangan.

9
3. Kakayahan sa Pakikipagkapuwa (Relational Competence)
Sa anumang panahon, subuking sumali sa mga gawain pangkomunidad,
paaralan, simbahan o pamayanan. Bukod sa nakapagbibigay ka ng tulong,
marami ka ring makakasalamuha. Makakakilala ka ng iba’t ibang tao na sa
kalaunan ay maaari mong maging malalapit na kaibigan. Minsan ay may
mga kilos o aksyon tayo na hindi natin namamalayan ay nakakasakit na pala
ng damdamin ng iba. Kapag nakakita ka ng mag-aaral na laging nag-iisa,
maaari mo siyang yayain upang maging bahagi ng iyong grupo. Maging
maunawain at matulungin sa lahat ng pagkakataon.

4. Pagkakaroon ng Makabuluhang Mithin sa Buhay (Sense of Purpose)


Mahalagang isipin na mas epektibo kung ang pagtutuunan ng pansin ay ang
solusyon kaysa sa problema, Napapansin n’yo ba na ang mga problem ay
paulit-ulit lamang. Subalit kahit na ganoon, nalalampasan pa rin natin ang
mga ito sa pagdaan ng panahon. Kaya, pagtuonan na lamang ang mga
bagay na gusto mong makamit at sa iyong pananaw ay makapagbibigay sa
iyo ng magandang kinabukasan. Ang pagkakaroon ng mithiin ay nagiging
daan upang mapanatiling buhay at nag-aalab ang pag-asa sa puso. Laging
ituon ang isip sa magagandang bagay na kaya mong gawin na naaayon sa
iyong mga natatanging kakayahan. Magsumikap, maging masipag, at
matiyaga. Sa ganitong paraan, makakamit mo ang pinakamatibay na salik
sa pagpapatatag ng damdamin.

Ang mga suliranin ay hindi panghabambuhay. Ito ay dumarating ng may


kadahilanan. Sa pagharap sa mga suliranin, napalalago nito ang ating mga
kakayahan at nabibigyang-daan upang tayo ay matuto, at lalong maging
matatag (Weebly, 2020). Ito ang nagiging sandata upang maging isang mas
mabuting tao na may matatag na kalooban. Kung may paniniwala ka na
kaya mong gawin ang anumang bagay, tunay ngang magagawa mo ito.

10
Isaisip

Tandaan:
Ang pagkakaroon ng pagkilala sa sarili o pansariling kamalayan (self-
awareness) ay maituturing na isang kahusayan mula sa naging resulta
ng mga karanasang humubog sa ating pagkatao. Mahalagang malaman
na tayo ay may kalakasan at kahinaan na malaki ang magiging bahagi
sa pagharap natin sa iba’t ibang hamon ng buhay. Nakatutulong ang
mga ito upang tayo ay magkaroon ng katatagan ng kalooban, maging
masaya at magkaroon ng mapanatag na buhay.

Isagawa
Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos, isulat sa isang malinis na
papel ang iyong sagot o tugon sa sitwasyon.

Sitwasyon: Dulot ng panganib ng pandemya, salot, krisis o ano mang


mabigat na suliranin o hamon, marami na ang naiinip, nababagot at
minsan ay madaling umiinit ang ulo o nagiging magagalitin. Ang iba
naman na nagkakaroon ng negatibong karanasan ay naaapektuhan
ang kanilang gawain katulad ng pag-aaral o trabaho.

Gumawa ng isang plano kung paano mo matutulungan ang mga tao na ganito
ang hinaharap nilang hamon sa buhay. Maari kang magbigay ng mga pagpapalagay,
subalit kinakailangan mong tukuyin ang mga iyon at ipaliwanag.

Sitwasyon: Mahal na mahal mo ang iyong alagang aso. Nakita mo na siya ay


nasagasaan nang mabilis na tumatakbong sasakyan. Paano mo haharapin
ang ganitong hamon sa iyong buhay. Maaari kang magtala ng iyong mga
palagay sa mga pangyayari upang makapagbigay ka ng angkop na paraan
ng pamamahala ng katatagan ng iyong kalooban.

11
Tayahin

Basahin at pag-isipang mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa
kwaderno o sa malinis na papel.

Lagyan ng emoticon ang mga pahayag na nagpapakita ng positibong pananaw

sa buhay. Hal . ☺
______ 1. “Hindi ko sila papatulan, kaya kong palampasin ang lahat ng kanilang
sinasabi, mas kilala ko ang aking sarili.”

______ 2. “Sa harap ng patong- patong na problema, nawawalan na ako ng


pag-asa.”

______ 3. “Lord! Pagod na ako, wala ng solusyon sa mga suliranin ko.”

______ 4. “ ‘Di man ako kasing husay ng iba subalit kaya ko ring magtagumpay sa
buhay.”

______ 5. “Balakid ang aking pagiging negatibo sa pagpapalago ko ng aking sarilng


buhay.”

12
Susi sa Pagwawasto

Subukin:

Kung lahat ng sagot ay nasa ilalim ng apat (4), hindi na kailangan na


kumpletuhin ang aralin.

Tayahin:

1. ☺
2. 
3. 
4. ☺
5.

13
Pagpapatunay
Kopyahin ang mga sumusunod sa isang malinis na papel o kwaderno at lagyan
ng kaukulang sagot.

Reaksyon ng Magulang o Guardian

Magbigay ng reaksyon o sariling pananaw upang magganyak


ang iyong anak/mag-aaral na lalong maisulong ang kaniyang mga
kakayahan at kasanayan tungo sa mataas na antas ng katatagan ng
kalooban.

Petsa: ___________________

Pinatutunayan nito na isinagawa ko ang mga tinakdang gawain sa tulong at gabay ng


aking kapamilya, magulang, o guardian at paggamit ng aking mga resorses o
sanggunian nang may lugod at buong katapatan.

________________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

______________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang/Guardian

14
Sanggunian

Gulzhaina, K., Aigerim, K., Ospan, S., Hans, S., & Cox, N. (2018). Stress management
techniques for students. Advances in Social Science, Education and
Humanities Research, 198(1), 47-56

Hornor G. (2017). Resilience. Journal of pediatric health care : official publication of


National Association of Pediatric Nurse Associates & Practitioners, 31(3), 384–
390. https://doi.org/10.1016/j.pedhc.2016.09.005

Masten, A. (2018). Resilience theory and research on children and families: Past,
present, and promise. Journal of Family Theory & Review, 1(1), 1-20.
https://doi.org/10.1111/jftr.12255

Psychological Association of the Philippines. (2015). Katatagan: A resilience program


for Filipino survivors. Facilitator’s Manual. Psychological Association of the
Philippines. https://www.studocu.com/vn/document/university-of-the-
philippines-diliman/psych-160/other/katatagan-modules-1-6/1694245/view.

Riopel, L. (2019) https://positivepsychology.com/team/leslie-riopel/

Weebly, A. (2020). Resilience Competencies.


https://resilienceanna.weebly.com/competencies.html. Retrieved: August
2020.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
E-mail Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Natasha Goulbourn Foundation (NGF)


Suite 326 LRI Design Plaza, 210 N. Garcia St., Makati, Philippines 1209
Tel. No.: (632) 88972217
E-mail Address: ngfoundation@gmail.com

You might also like