You are on page 1of 3

Mga kagalang-galang na respondente,

Kami ay mga mag-aaral mula sa ABM at mananaliksik sa St. John Academy of Visual
and Performing Arts, kami ay kasalukuyang nasa gitna ng aming pananaliksik ukol sa epekto ng
paggamit ng sosyal midya sa akademikong pagganap ng mga Mag-aaral sa ika-11 Baitang ng
ABM sa aming paaralan. Humihiling kami ng iyong partisipasyon sa aming survey upang
mapalalim ang aming pag-unawa sa paksa. Maraming salamat sa iyong oras at kooperasyon.
Mga mananaliksik

Pangalan (Opsyonal): Kasarian:


Edad: Seksyon:

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod. Lagyan ng tsek (/) ang iyong sagot, gawing basehan ang
likert scale sa ibaba:

Scale Interpretasyon
4 Lubos na sumasang-ayon
3 Sumasang-ayon
2 Hindi sumasang-ayon
1 Lubos na hindi sumasang-ayon

2.1. Facebook 4 3 2 1
1. Nakatutulong ang Facebook sa aking pakikipag-ugnayan sa mga
kaibigan at pamilya.
2. Hindi ako nakakakalap ng mga mahahalagang impormasyon sa pag-ii-
scroll dito.
3. Nakapagbibigay ng pagkakataon ang Facebook para sa pagpapalawak
ng kaalaman at pag-aaral sa pamamagitan ng mga edukasyonal na mga
grupo at pahina.
4. Nawawalan ako ng pandama sa oras at nakakaligtaan ko ang aking mga
gawain dulot ng pagkababad sa platapormang ito.
5. Naipapahayag ko ang aking saloobin at opinyon sa pamamagitan ng
pagpopost sa aking timeline.
2.2. Instagram 4 3 2 1
1. Komportable akong nakapagbabahagi ng mga pangyayari sa aking
buhay sa pamamagitan ng pagpopost sa Instagram.
2. Napakikinabangan ko ang mga impormasyong nakakalap sa aking pag-
aaral.
3. Nakapagdudulot ito ng distraksyon sa aking pag-aaral at araw-araw na
gawain.
4. Inuuna ko ang paggamit nito kaysa sa mga gawain sa pang-araw-araw.
5. Mas komportable akong makisalamuha sa mundo ng Instagram kaysa
sa totoong mundo.

2.3. Twitter 4 3 2 1
1. Mas nahuhumaling ako sa pagbabasa ng tweets kaysa sa paggawa ng
mga mahahalagang bagay na makabubuti sa akin.
2. Sa pamamagitan ng pag-tweet ng aking mga rant, nararamdaman kong
may mga taong nakikinig at nakakaintindi sa akin.
3. Nagkaroon ako ng mas malalim na ugnayan at koneksyon sa mga taong
mula sa iba't ibang panig ng mundo.
4. Mas pinagtutuunan ko ng pansin ang paglilibang dito kaysa sa mga
gawain sa paaralan.
5. Nakapagbabahagi ako ng aking mga kaalaman tungkol sa edukasyon sa
pamamagitan ng Twitter.

2.4. Google 4 3 2 1
1. Ang Google ay isang mahalagang kasangkapan para sa pagkalap ng
impormasyon na kinakailangan sa aking pag-aaral.
2. Maganda lamang ang paggamit nito dahil sa agarang pagbibigay nito ng
kasagutan sa aking mga gawain sa paaralan.
3. Nagagamit ko ito sa pangangalap ng mga datos, balita, at kaalaman na
aking kailangan sa mga aralin at pang-araw-araw.
4. Nakapagbibigay ito ng mga panibagong aral na makatutulong sa akin sa
kasalukuyan.
5. Hindi magandang gabay para sa mga estudyante dahil marami ang mali
at pekeng impormasyon ang nakapaloob dito.
2.5. Tiktok 4 3 2 1
1. Napapalawak ng Tiktok ang aking pag-unawa sa iba't ibang kultura ng
iba't ibang lugar.
2. Natututo ako ng mga bagong pamamaraan na makatutulong sa mga
problema sa hinaharap.
3. Puro paggastos lamang sa mga produkto ang naibabahagi ng Tiktok sa
mga gumagamit dito.
4. Naibabahagi ko ang aking pagiging produktibo at talento sa paggamit
ng platapormang ito.
5. Hindi nakabubuti sa mga estudyante sapagkat walang kaalaman ang
nakapaloob sa platapormang ito.

2.6. Youtube 4 3 2 1
1. Napakikinabangan ko ang bidyong pang-edukasyon na makakatulong sa
aking pag-aaral.
2. Hindi ko nakokontrol ng ayos ang aking oras sa paggamit ng youtube at
sa aking mga gawain.
3. Nakapagbibigay ito sa akin ng aliw sa mga oras na ako’y namamahinga
pagtapos ko mag-aral.
4. Nakasasama ito sa aking pag-aaral dahil naglalayo ito ng aking atensyon
mula sa aking mga mahahalagang gawain.
5. Kaya ko limitahan ang paggamit nito upang mapagbuti ang aking pag-
aaral.

You might also like