You are on page 1of 4

PUNO

EROS ATALIA

Gaya ng mga nagdaang gabi


Di ako papatalo sa antok
Malamang unang makatulog sa akin ang lamok
Makahiga habang naghihintay at nagbibilang
Sa patak ng tubig mula sa sirang gripo
ating banyo
Na ilang araw mo nang di naaasikaso

Tumayo’t nagsahod ng tabo


Para yatang kay bilis mapuno
Ipinalit na ang kaldero, pagkaraan ay timba
Kasunod ang batya

Hanggang sa mag-umaga
Naisahod na ang lahat
At nakaipon na ng sapat
Na tubig na panligo, panlinis, panghugas at panlaba
Pero wala ka pa rin sinta
Tapos paglabas ng bahay
Magtatanong ang mga kapitbahay kung ba’t ako
nangangalumata

Kailangan ko pa bang maghanap


Ng drum na mapag-iipunan
Para hindi mapagod o mabagot
Kung kailan tutuparin ang iyong pangako?
Mamaya, tatawag na ako ng tubero
Papalitan ko na ang sirang gripo
Dahil hindi lang ang lalagyan ang napupuno.

You might also like