You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Batangas
Distrito ng Padre Garcia
Pansol National High School
Pansol, Padre Garcia, Batangas

“Epekto ng Kawalang-Disiplina ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Palikuran sa


Pansol National High School”

Pebrero __, 2019

Mga Mananaliksik:

Linatoc, Renz Rafael M.

Oberes, Kimuell M.

Awat, Jean V.

Briones, Elizabeth M.

Caringal, Beverly D.

10 – Rizal

Guro ng Pananaliksik:

Mrs. Jocelyn Palicpic Bagsic


KABANATA I

“Pagkilala sa Kaso”

Sa kabanatang ito makikita kung ano ang mga gustong mapatunayan ng mga
mananaliksik, kung ano ang kanilang kaso kikilalanin, kung ano ang kahalagahan ng
pananaliksik na ito at upang maipakita ang masasamang epekto ng maduming palikuran
pati na rin ang magandang epekto kung ito ay mapapanatiling malinis.

Ang paaralan ang nagsisilbing pangalawa nating tahanan kung kaya’t dapat natin
itong pangalagaan at panatilihing malinis. Ang palikuran ang may pinakamaliit na espasyo
sa ating tahanan ngunit ito ang may pinakamahalagang gampanin sapagkat dito tayo
naglalabas ng mga dumi ng ating katawan at nag-aayos ng ating sarili upang presentableng
tingnan. Maging sa paaralan, ito rin ang pinakaimportanteng pasilidad ngunit kung
mapapansin natin ito ang nangungunang suliranin ng ating paaralan sa kadahilanang palagi
itong madumi at hindi ginagamit ng tama ng mga mag-aaral.

Hindi lingid sa ating kaalaman na mayroong masamang dulot ang hindi maayos na
paggamit sa mga palikuran sa mga mag-aaral pati na rin sa paaralan. Kaya naman, bilang
mag-aaral nararapat lamang na ayusin natin ang paggamit dito para na rin mapakinabangan
pa ng ibang estudyante sa susunod na mga henerasyon.

Upang maisakatuparan ang kaayusan at kalinisan ng mga palikuran kailangan na


ang bawat isang mag-aaral ay dapat magkaroon ng disiplina sa sarili. Dapat hindi lamang
talino ang pinapaunlad ng bawat isa, kailangan din ang disiplina sa sarili dahil mas
mahalaga ang ugali kaysa kaalaman. Ang kawalan ng disiplina ay isa sa mga sanhi ng
pagkasira ng mga kagamitan sa paaralan tulad na lamang ng palikuran. Ito rin ang dahilan
kung bakit ang mga mag-aaral ay naglalagay ng mga hindi nararapat na mga bagay sa
palikuran at gumagawa ng vandalism sa mga pader at pinto nito. Kaya naging interesado
ang mga mananaliksik ukol sa kasong itong.

Para sa mga mananaliksik, mahalaga ang pag-aaral na ito upang maimulat ang
bawat mag-aaral sa mga epekto ng kanilang kawalang disiplina sa paggamit nito. Ang
pananaliksik na ito ay maaari ring makatulong sa paaralan upang masolusyunan ang
nasabing mga problema.

Nais ng mga mananaliksik na maipakita ang mga epekto nito sa kanilang pagkatao
o sarili at maging sa lipunang kanilang ginagalawan.

Dahil sa kilala na ang mga Pansolians sa bansag na “DISIPLINADONG MAG-


AARAL,” dapat lamang na panindigan ng mga mag-aaral ang pagkakakilanlan na ito sa
pamamagitan ng paggamit ng maayos sa mga pasilidad at kagamitan ng paaralan lalong
lalo na ang palikuran. Hindi lamang sa palikuran kundi sa lahat ng sulok ng paaralang
Pansol. Dapat maging responsable ang bawat isa upang mapanatili ang kaayusan at
kalinisan ng mga ito.

Hangad ng mga mananaliksik na maipabatid sa mga mag-aaral na sa bawat


paggamit ng palikuran, kalakip nito ang malaking responsibilidad na kailangan nilang
gawin at gampanan.
KABANATA II

“Pagbuo ng Hypotheses”

Ang mga sumusunod ay ang mga kasabihan, regulasyon at mga artikulo na may
malaking kaugnayan sa kasong inaaral ng mga mananaliksik. Ang mga sumusunod ay
magkakaroon ng malaking epekto sa kasong inaaral. Dahil sa mga ito mas mapapatunayan
ng mga mananaliksik ang mga epekto ng maruming palikuran.

Ayon sa isang kasabihan, para malaman mo ang lebel ng sibilisasyon ng isang


lungsod, pumunta ka sa mga pampublikong palikuran nito. Ang mga pampublikong
palikuran ay nagpapakita ng lebel ng kamalayan ng lungsod at kalidad ng kaalaman ng
mga sibilyan doon.

Ayon sa isang regulasyong ipinalabas ng lokal na pamahalaan ng Beijing noong


taong 2018 hinggil sa kalinisan ng mga pampublikong palikuran, kung saan ay nagsasaad
na ang mga pampublikong palikuran ay kailangang malinis at mabango, may toilet paper,
may hugasan ng kamay, maayos ang mga signage at pasilidad, at ang pinakakawili-wili ay
hindi dapat lumampas sa dalawa ang bilang ng mga langaw.

Ayon naman sa isang artikulo,


http://filipino.cri.cn/241/2012/08/03/108s112536.htm, mayroong dalawang five star public
comfort room sa Guangzhou at saklaw nito ang lugar na may lawak na mahigit
limangdaang metro kuwadrado. Ang paligid nito ay may tanim na tulips kaya hindi ito
mabaho. Mayroon din itong aircon at magandang musika. Ang sahod ng mga tagalinis ay
ilang ulit na mas malaki kaysa sa mga tagalinis ng karaniwang pampublikong palikuran.
Nagkakahalaga ito ng apat na Yuan RMB. Dito mapapansin na kung magkakaroon ng
kalinisan ang mga pampublikong palikuran maaari tayong makatulong hindi lamang sa
sarili natin kundi maging sa mga kababayan natin at maging sa ekonomiya.

Nagpapakita ng pag unlad sa kamalayan at disiplina sa lipunan ang pagpapahalaga sa


kalinisan ng mga pampublikong palikuran.
Ano ang karaniwang sitwasyon ng mga karaniwang pampublikong palikuran dito sa
Tsina?

Isang kapansing-pansing problema ang kakulangan sa mga pampublikong palikuran


sa lungsod. Dagdag pa riyan, palagiang ginagamit ng mga tao ang mga comfort room sa
mall, restawran, parke, at iba pang lugar.

Isa pang problemang mga pampublikong palikuran ay ang kalinisan. Sa


kasalukuyan hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ang kalikasan,at nagiging madumi
at mabaho ang mga ito, dahil libre ang paggamit sa mga ito. Lalong-lalo na sa mga lumang
komunidad o mga maliliit ng mga lungsod.

Ayon din sa aritikulong nabanggit, bukod sa pagpapakita ng lebel ng kamalayan ng


lungsod, ang mga pampublikong palikuran ay may mahigpit na kaugnayan sa kalusugan
ng mga mamamayan. Ang maayos na pamamahala sa mga ito ay may positibong epekto sa
pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan. Kapag malinis ang mga pampublikong
palikuran, malayo sa sakit ang mga mamamayan.

Noong ika-13 ng Hunyo taong 2009 ay naglabas ng isang artikulo na tungkol sa


palikuran. Ayon sa https://www.philstar.com/opinyon/2009/06/13/476748/miserableng-
sitwasyom-sa-mga-paarala, kailangan nating maging malinis sa katawan maging ang ating
kapaligiran para hindi kumalat pa ang AH1N1 Virus. Ngunit ito’y hindi maisasakatuparan
kung tayo ay hindi maayos gumamit ng palikuran. Ayon dito sa artikulong ito, mas
natutuunan pa ng pansin ang mga pakain sa mag-aaral kaysa sa mga palikuran ng paaralan
gayong may nakalaang pondo naman ukol rito.
KABANATA III

“Pagkolekta ng Datos”

Sa bawat pag-aaral nararapat lamang na mayroong mapagkunan ng mga datos ang


mga mananaliksik upang mas lalo pa nilang mapatunayan ang isinasagawa nilang
pananaliksik.

Ang mga sumusunod na katanungan, sa anyo ng isang pakikipanayam, ang ginamit


ng mga mananaliksik upang makatulong sa kanila ang mga katanungang ito ay naglalaman
ng mga datos na kinakailangan sa ginagawang pananaliksik ng mga mananaliksik.

Pangalan: (Opsyonal) Edad:

Baitang at Pangkat: Kasarian:

1. Batay sa iyong napapansin, ano-ano ang mga maling gawain na karaniwan mong
nakikita o nararanasan sa paggamit mo ng palikuran?

2. Batay sa estado ng mga palikuran noon at ngayon, naging disiplinado ba ang mga
Pansolians sa paggamit ng palikuran? Ipaliwanag.

3. Bilang mag-aaral, paano mo pinapanatili ang kalinisan at kaayusan ng palikuran


matapos mo itong gamitin?

4. Para sa iyo, ano-ano ang mga magiging mabuting epekto kung mapapanatili ang
kalinisan at kaayusan ng mga palikuran sa ating paaralan?
KABANATA IV

“Pagsusuri at Pagtataya ng mga Datos”

Sa kabanata naming ito makikita ang mga datos na nakuha sa mga napanayam ng
mga mananaliksik na may katumbas na paliwanag sa bawat isang taalaan at mga sagot.

Ang mga datos na ito ang siyang ginamit ng mga mananaliksik upang
mapatunayang tama ang ginagawa nilang pananaliksik.

Talaan 4.1: Mga Tumugon na mga Mag-aaral mula sa mga Katanungan

Lalaki 5 50%
Babae 5 50%
Kabuuan 10 100%

Talaan 4.2: Mga Maling Gawain na Karaniwang Nakikita sa Paggamit ng Palikuran

Pag-ihi sa Timba 10

Dumi sa Bowl 50

Pag-iiwan ng Basura 20

Hindi Paglilinis 80

Pag-iiwan ng Napkins 50

0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 100

Bahagdan ng mga Estudyante


Ang mga sumusunod ang naging resulta ng mga impormasyon na nakalap ng mga
mananaliksik. Ayon sa mga itinalaga na maglinis ng palikuran, ang mga mag-aaral ay
madalas mag-iwan ng mga basura kaya madalas nagbabara ang mga kanal partikular na
ang napkin ng mga kababaihan na kanilang pinoproblema na kung saan may babala naming
nakalagay sa bawat palikuran. Kaya sa madaling-salita marami sa mga estudyante ang
sumusuway sa regulasyon ng tamang paggamit ng palikuran. Ang iba naman ay hindi
nagbubuhos ng inidoro pagkatapos gumamit at ito ang nagpapasama ng amoy ng palikuran.
Mayroon ding mga mag-aaral ang basta na lamang umaalis ng palikuran at hindi magawang
linisin ang sahig nito kaya madalas nadadatnang madumi ang mga palikuran na nagiging
dahilan ng pagiging madumi at hindi kaaya-ayang tingnan.

Siyam sa sampung mag-aaral na kinuhanan ng impormasyon ang nagsasabing ang


mga estudyante sa ngayon ay hindi naging disiplinado sa paggamit ng palikuran sa
kadahilanang hindi nila ginagamit nang maayos ang mga palikuran, iniiwanang madumi
at inaasa na lamang nila ang paglilinis sa mga cleaners nito. Ayon din sa kanila,
mapapanatili lamang ang kalinisan nito kung maglilinis ang bawat isa pagkatapos gamitin
at kung susunod ang lahat sa mga patakaran dito sa paaralan. At syempre kung ipapakita
ng mga Pansolians na sila talaga ay isang Disipliadong mga Mag-aaral hindi lamang sa
larangan ng pag-aaral kunid pati na rin sa paggamit ng mga pasilidad ng paaralan na
nararapat lamang nilang igalang.

Ayon din sa mga mag-aaral, magkakaroon ng mga magandang epekto kung


gagamitin ang palikuran sa isang maayos na paraan. Marami sa mga estudyante ang
nagsabing na ang isa sa mga epekto ito ay mas marami pang makakagamit ng palikuran at
tatagal hanggang sa mga susunod na mga henerasyon. May nagsabi rin naman na mas
magiging presentable at mabango itong tingnan lalo na kapag may mga bisitang dadating
sa paaralan. Ayon din sa kanila, dahil nga malinis na ang mga palikuran, Malaki ang
posibilidad na mas nakakaiwas ang mga mag-aaral sa sakit na dulot ng mga masasamang
amoy at basura sa nasabing pasilidad.
KABANATA V

“Pagbibigay ng Desisyon o Pagtatapos”

Sa pag-aaral o mga kaso inaaral hindi maaaring mawala ang resulta. Sa kabanatng
ito, makikita kung ano ang naging resulta ng ginawang pag-aaral. Kung ito ba ay tama at
napatunayan ng mga mananaliksik o ito ba ay mali at napatunayang ang kasong ito ay
walang masamang epekto sa ating lahat.

Ang palikuran ay may mahalagang ginagampanan sa ating tahanan maging sa


paaralan. Kaakibat nito, kailangang alagaaan at maging responsible tayo sa paggamit nito
upang patuloy pa itong mapakinabangan ng bawat mag-aaralsa mga susunod pang mga
taon. Subalit ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik, maraming mag-aaral sa Pansol
National High School ang hindi alam ang kanilang pananagutan pagkakatapos gamitin ang
palikuran na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng di kaaya-ayang amoy at pagiging madumi
ng mga palikuran.

Kaugnay nito, nirerekomenda ng mga mananaliksik na higpitan pa ang


pagpapatupad ng mga patakaran sa loob at labas ng mga palikuran at kung sino man ang
mapapatunayang lumabag ay magkakaroon ng karampatang parusa. Para naman sa mga
namumuno, nirerekomenda ng mga mananaliksik na magkaroon ng lingguhang
pagpupulong para mapanatili ang kalinisan at maobserbahan ang nagiging pagbabago sa
mga mamamayan o mga estudyante sa isang paaralan.

Sa ganitong paraan, mas magkakaroon ng disiplina sa sarili ang mga mag-aaral.


Magkakaroon sila ng “iniative” o pagkukusa dahil sa takot na maparusahan at upang
makatulong na din sa eskwelahan na mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng mga
palikuran.

You might also like