You are on page 1of 3

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region XII
Division of City Schools
NEW SOCIETY NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10
Ikaapat na Markahan
PETSA: Ika-4 ng Abril, 2024 ORAS: 7:45-8:35 ng umaga
I. LAYUNIN
Sa loob ng 50 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
aiiugnay ang mga kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng
binasang akda sa mga kaisipang namayani sa binasang akda

a. nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at


iba pa) gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/talata; F10WG-
IVb-c-79
b. nasusuri ang pagkakaayos ng napakinggang buod ng mga kabanata ng nobela;
at F10PN-IVb-c84
c. naisusulat ang buod ng mga kabanata. F10PU-IVb-c-86
II. NILALAMAN
 Paksa: Basilio: Buhay, pangarap at mithiin, paniniwala, saloobin
- Kabanata 6: Si Basilio
- Kabanata 7: Si Simoun
- Kabanata 23: Isang Bangkay
- Kabanata 26: Ang Paskin
- Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani
- Kabanata 33: Ang Huling Matuwid
- Kabanata 34: Ang Kasal

 Talasanggunian: Filipino 10 Ikaapat na Markahan–Modyul 1: Ang


Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo Unang Edisyon, 2021
https://www.youtube.com/watch?v=sEjVBZaLfaw&t=1653s
 Kagamitang Panturo: Kagamitang: Powerpoint presentation, laptop,
videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng lumiban

B. PAGBABALIK-ARAL
Panuto: Ibigay/ ipaliwanag ang kahulugan ng sumusunod na
matatalinghagang pahayag na mula sa El Filibusterismo.

1. "Puno ng ligalig at kaguluhan ang paglalakbay ni Basilio dahil nagtatago siya


sa kagubatan sa tuwing nakakakita ng mga guwardiya sibil. Napapawi lamang
ang pagkalam ng kanyang tiyan sa pamamagitan ng bungang kahoy sa gubat."
- Jose Rizal

2. "Ang tubig ay nagiging singaw kapag ito'y inapuyan. Ito'y nagiging delubyo
kung ang lahat ng maliliit ay hiwa-hiwalay na ilog ay nagsama-samang
bumuhos dahilan sa udyok ng kasawian sa banging hinuhukay ng tao!" -
Isagani

3. "Magtimpi! Isipin mo na lamang na nagsidating ang mga kamag-anak ng


buwaya!" - Tandang Selo

4. "Alam mo na kahit anong pagpapahalaga o kabutihan ay hindi


naipagpapasa-pasa o naipagbibili na tulad ng isang diyamante. Ito ay
nananatili sa tao." - Padre Sibyla

5. "Ang karunungan ay ipinagkaloob lamang sa sadyang karapat-dapat na


pagkalooban. Ang ipagkaloob iyon sa mga taong walang malinis na kalooban
at mabuting asal ay kahalay-halay lamang." - Padre Fernandez

C. PAGGANYAK
Panuto: Ang pangungusap ay isusulat ng magkakahiwalay. Hayaang ang mga
mag-aaral ang makabuo ng hinihinging ideya sa bawat paksa. Huhulaan din nila
kung sino ang taong tinutukoy.

A. Ayon sa ating nabasa at narinig siya ay nagmula sa mahirap na pamilya.


Noong kabataan niya siya ay pinagtatawanan dahil kailangan niyang tumulong sa
kanyang magulang sa pag-aalaga ng baboy. Bunga ng kanyang pagsisikap siya
ay naging kilalang politiko at naging bise presidente ng Pilipinas.

B. Siya ay isinilang at nakilala sa pangalang Juanito Furugganan. Ang kanyang ina


ay isang labandera at anak ng isang mangingisda. Nang siya ay nasa hayskul na
kinuha siya ng kanyang ama na isa palang tanyag na abogado. Siya ay pinag-aral
at dito nagsimulang mabago ang takbo ng kanyang buhay. Bunga ng pagsisikap
siya ay naging Defense Minister at Senador ng ating bansa.
IV. PAGTATAYA
Panuto:Sumulat ng pangungusap na ginagamitan ng sumusunod na bantas ukol
sa mga buod ng kabanata 6 na ating tinalakay ngayong araw. 3 puntos bawat isa.

1. Tuldok .
2. Pananong ?
3. Padamdam !
4.Tuldok kuwit ;
5. Panipi “ “

V. KASUNDUAN

Panuto: Sumulat ng buod ng kabanata 6 at gamiting patnubay ang tamang


mekanik sa pagbubuod.

Inihanda ni: Sinuri ni:

ROCHEDEL T. ASUNCION JULIE P. BUGAYONG


TEACHER I RATER

MARILYN T. AVANCENA
PRINCIPAL II

You might also like