You are on page 1of 3

ACTIVITY SHEET ( PRE-TEST)

Pangalan:________________________________ Iskor:________________
Baitang at Pangkat:_________________________ Petsa:________________
BANGHAY NG AKDA… TUKUYIN MO NA
Panuto: Suriin ang bawat bahagi ng banghay ng maikling kwentong “Ang Ama”

A. panimula B. papataas na aksyon C. kasukdulan


D. pababang aksyon E. wakas
___1. Isang gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa
kanyang trabaho, narinig niya si Mui-Mui sa kanyang mahabang halinghing, kung kaya’t
bumagsak ang kamao nito sa nakangusong mukha ng bata at tuluyang tumalsik sa
kabilang kuwarto.

___2. Si Mui-Mui ay sakitin at pahalinghing na parang kuting kaya madalas siyang kinaiinisan
ng kanyang ama lalo na kapag umuuwi siyang lasing.

___3. Sa tahanan, magkahalong lagi ng takot at pananabik kapag hinihintay ng anim na


magkakapatid tuwing gabi ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na
suntok sa bibig at pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsang iniuuwi ng ama.

___4. Dumating ang ama sa libingan,inalay ang mga dalang pagkain sa puntod ni Mui Mui.
Habang humihikbing kinakausap ang anak, mula sa kanilang pinagkukublian, nakamasid
ang mga bata sa mga pagkaing dala ng kanilang ama at pagkaalis nito pinagsaluhan nila
ang mga pagkain tulad sa isang piging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli

___5.Sa awa ng amo ng ama ay ibinalik ito sa trabaho at ang abuloy ay ibinigay sa ina ng mga bata.

A. pangyayari bilang 1 B. pangyayari bilang 3


C. pangyayari bilang 2 D. pangyayari bilang 4
6. Alin sa mga pangyayari ang naging tagpuang bahagi ng kuwento?

7. Alin sa mga pangyayari ang tumutukoy sa suliranin o tunggalian ng kuwento?

8. Aling pangyayari ang kakalasan?

9. Aling pangyayari ang nagpapakita ng tunggalian?

10. Aling pangyayari ang nagpapakita ng pagbabago ng tauhan

F9PS-la-b-41
Pagsasalita (PS) Nasusuri ang maikling kuwento batay sa”
- Paksa
-Mga tauhan
- Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
- estilo sa pagsulat ng awtor
- at iba pa
ACTIVITY SHEET ( POST-TEST)
Pangalan:________________________________ Iskor:________________
Baitang at Pangkat:_________________________ Petsa:_______________
A .ITAPAT AY SAPAT
II.Pagtapat-tapatin: Itapat ang hanay A sa hanay B
HANAY A HANAY B
1. Pagkamatay ni MuiMui a. Panimula
2. Nagsisi ang ama b. suliranin
3. Nagbago ang ama c. kasukdulan
4.Paglalarawan sa pamilya ng ama d.kasukdulan
5.pagiging lasenggero ng ama e.wakas

B.SAGUTAN UPANG MALAMAN


Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot:
1. Anong uri ng tunggalian mayroon ang kuwento?
A. tao vs kalikasan
B. tao vs lipunan
C. tao vs sirkumstansya
D. tao vs tao

2.Anong kultura ng mga taga-Singapore ang masasalamin sa kuwento na kung paano


ipinapakita ang pagmamahal nila sa mga namatay na kapamilya?
A. pag-aalay ng mga bulaklak
B. pag-aalay ng mga kandila
C. pag-aalay ng mga dasal
D. pag-aalay ng mga pagkain
3.Ito ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang.
A.sanaysay
B.maikling kuwento
C. nobela
D.parabula
4.Ang “Ang Ama” mula sa bansang Singapore ay anong uri ng kuwento?
A. kuwento ng tauhan
B. kuwento ng katatawanan
C.kuwentong makabanghay
D. kuwento ng pag-ibig
5.Anong estilo ng awtor ang ginamit niya sa simula ng kuwento?
A.pagpapakilala ng tauhan
B. paglalarawan sa tagpuan
C. paglalahad ng magiging suliranin ng tauhan
D.paglalahad ng pangyayari sa nakaraan

F9PS-la-b-41
Pagsasalita (PS) Nasusuri ang maikling kuwento batay sa”
- Paksa
-Mga tauhan
- Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
- estilo sa pagsulat ng awtor
- at iba pa
F9PS-la-b-41
Pagsasalita (PS) Nasusuri ang maikling kuwento batay sa”
- Paksa
-Mga tauhan
- Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
- estilo sa pagsulat ng awtor
- at iba pa

You might also like