You are on page 1of 41

MTB-

PAGBIBIGAY
NG ANGKOP
NA WAKAS
okasyon
Ang kaarawan, pasko,
at binyag ay mga
halimbawa ng okasyon.
Kalansingan
Naririnig ni Waren ang
kalansingan sa kusina.
May tunog ng kutsara,
tinidor, sandok, plato, at
lutuan.
Paano ninyo ipinagdiwang ang
inyong nakaraang kaarawan?

Ano ang inyong ginawa?

Ano ang inyong


naramdaman?
Isang Okasyon
Akda ni Grace Urbien-Salvatus
Araw ng Sabado. Ito ang araw na
pinakahihintay ni Waren. Naririnig
niya ang
kalansingan ng mga kasangkapan sa
kusina.
Abalang-abala ang kaniyang nanay
Caring sa paghahanda ng pagkain.
Maaga pa ay nagluluto na siya.
Sa bakuran naman ay naroon ang
kaniyang tatay Dar at nag-aayos ng mga
mesa at silya. Tinatalian din niya ng mga
lobo ang bawat upuan. Ang kanyang ate
Karen ay kasalukuyang inaayos ang
pitong maliliit na kandila sa cake. Maya-
maya pa, nagsimula nang dumating ang
mga bisita. Masayang-masaya si Waren!
Ano ang
okasyon?

Para kanino
ang okasyon?
Tauhan Ko, Kilala Mo?
Itala ang mga tauhan sa kuwento at ang
kanilang papel na ginagampanan.

Mga
Tauhan
Magsalo salo Tayo!
Gumuhit ng mga pagkaing
handa kapag may kaarawan.
Kulayan ang mga ito para
maging kaaya-ayang tingnan.
Gawin ito sa oslo paper.
Sino-sino ang nasa
kuwento?

Ano ang tawag sa


kanila?
Sino ang may
kaarawan?

Ano-ano kaya ang


handa ni Waren sa
kaniyang kaarawan?
Tuwang –tuwa si Waren sa kaniyang
pamilya. Kaya gumawa siya ng isang
sulat ng pasasalamat. Ano kaya ang
isinulat?

Itanong sa mga bata kung paano nila


maipakikita ang pasasalamat sa
kanilang magulang/pamilya sa mga
kabutihan at pagsasakripisyo para sa
kanila.
Paano ninyo
naunawaan ang
kuwento?
Ano ang naramdaman ni
Waren sa kanyang
kaarawan?
Marami bang
dumating na bisita?
Pangyayari sa Kwento
Dahilan Resulta
Naghanda ang Masayang-masaya
pamilya ni Waren si Waren
sa kaniyang
kaarawan
Palakaibigan si Maraming
Waren dumating na bisita
si Waren
Tandaan!
Tinatawag na sanhi ang
mga dahilan ng mga
pangyayari at bunga
naman ang resulta ng mga
pangyayari.
Ano ang maaaring maging bunga ng
mga sumusunod:

3.1.Pinutol
2. Umulan
Naglinisang nang
ngmga
puno
bahay sa kagubatan.
malakas.
si kuya.
Ano ang maaaring maging sanhi
ng mga sumusunod:

4.
5. Tumaas ang
Malinis ang
marka ni Ted.
bakuran.
a. Sumakit ang ngipin
b. Nadulas si nanay.
c. Hindi siya nabasa
d. Nilagnat siya.
e. Nakasagot siya sa tanong ng guro

3.1.Kumain
May balat
2.5.Nagdala
4.Nag-aral
Naligo sing
sa
ng ngng
aralin
ulan
Dar si
payong
saging
sisi
maraming sa sahig.
Larry.
Nena.
Karen. kendi.
Sa sagutang papel, isulat ang S kung
tumutukoy
sa sanhi at B kung sa bunga ng
pangyayari.
1.___ a. Madumi ang mga ilog.
____ b. Mamamatay ang mga
isda.
2. ____a. Tinulungan ni
Tuding ang kaniyang guro.
_____b. Nagpasalamat ito
sa kaniya.
3. ____a. Sumali siya sa
paligsahan sa pag-awit.
____b. Mahusay siyang
umawit.
4. ____a. Nagsasanay
lagi siyang magbasa.

____b. Matutuwa ang


kaniyang guro.
5. ___a. Baha sa mga
kalsada.

____b. Walang tigil ang


pag-ulan.
PAGTATAYA
1. Umakyat sa puno ng bayabas si
Ivan. Maya-maya ay may
lumagabog. Ano kaya ang
nangyari?
a. Nahulog ang bunga ng puno.
b. Nahulog si Ivan sa puno.
c. Nabali ang puno ng bayabas.
2. Nakahanda na si tatay. Suot na
niya ang kaniyang sumbrero.
Isinakay na rin niya ang sako ng
binhi ng palay sa paragos.

a. Pupunta siya sa palengke.


b. Pupunta siya sa dagat.
c. Pupunta siya sa bukid.
3. Lahat ay masasaya. May
mga banderitas sa kalsada.
Naririnig din ang tugtog ng
banda. Ano ang
pagdiriwang?
a. binyag b. kaarawan c.
pista
4. Inihihiwalay ni nanay ang
puti sa may kulay. Nilagyan
niya ng tubig ang planggana.
May sabon na rin siya. Ano
ang gagawin niya?
a. maliligo b. maglalaba c.
magsasampay
5. Nagbuhos siya ng tubig sa
buong katawan. Naglagay ng
shampoo sa buhok , nagsabon ng
buong katawan, at saka nagbuhos
ulit ng tubig sa buong katawan.
a. naghihilamos b. naglalaba c.
naliligo
6. Dadalhin ni nanay si Mina
sa dentista.
a. Masakit ang kaniyang ulo.
b. Masakit ang kaniyang
tiyan.
c. Masakit ang kaniyang
ngipin.
7. Nakatanggap ng medalya si
Mark sa pagtatapos ng klase.
a. Palagi siyang lumiliban sa
klase.
b. Palagi siyang may regalo sa
guro.
c. Palagi siyang nag-aaral ng
aralin.
8. Nagkaroon ng pagguho sa
kabundukan.
a. Malakas ang ulan.
b. Wala nang mga puno na
pumipigil sa pagguho.
c. Masydo nang maraming
puno sa kabundukan.
9. May kumakatok sa bahay nina
Manny. Nasa labas ng bahay si
Tagpi. Wala itong tigil sa
pagkahol.
a. Kilala ni Tagpi ang kumakatok.
b. Kaibigan ni Tagpi ang
kumakatok.
c. Nakakita ng pusa si Tagpi.
10. Madilim ang langit.
Malamig ang ihip ng
hangin.
a. Sisikat na ang araw.
b. May padating na ulan.
c. Lulubog na araw.
11. May hawak na aklat si Zaza.
Kumikibo ang kaniyang mga
mata pakaliwa at pakanan.
Napapangiti din siya paminsan-
minsan. Ano ang kaniyang
ginagawa?

a. nagsusulat b. nanonood c.
nagbabasa
12. Gising na ang sanggol.
Umiiyak ito.
a. Hinahanap niya ang
kaniyang nanay.
b. Nagugutom na siya.
c. Gusto na niyang
mamasyal
Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
13. Nahulog ang bagong lapis ni Glen
sa kanal sa tabi ng kanilang silid-
aralan.
a. Iiyak si Glen.
b. Magpapabili siya ng bagong lapis.
c. Hihingi siya ng tulong sa kaniyang
guro.
14. Lunes ng umaga. Handa na si
nanay. Papasok na siya. May dala
siyang bag na lagayan ng mga
larawan at lesson plan. Saan siya
papasok?

a. sa opisina b. sa hospital
c. sa paaralan

You might also like