You are on page 1of 12

PAGPIPILI: Bilugan ang titik lamang na may tamang sagot.

A. INTRO SA PAGSASALITA

1. Ito ay isang paraan ng pagpapatunay sa isang katotohanan o bagay na pinaniniwalaan. Naglalayon


itong manghikayat at magpaniwala sa pamamagitan ng mga patunay, pagsasaayos o paghahanay
ng mga konsepto at kaisipan at paggamit ng mapagkumbinseng pananalita.

a. Pagtatalo b. Pagmamatuwid c. Talumpati d. Talakayan

2. Ito ay isang anyo ng panitikan na inihanda upang basahin o bigkasin sa harap ng mga nakikinig.

a. Pagtatalo b. Pagmamatuwid c. Talumpati d. Talakayan

3. Uri ng pagtatalakayan na malayang pagpapalitan ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at walang


pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung katao.

a. Di-Formal b. Panel Discussion c. Simposyum d. Panayam

B. INTRO SA PANANALIKSIK

1. Ito ay paraan ng paghahanap ng teoriya, pagsubok sa teoriya o paglutas ng isang suliranin.

a. Pakikipanayam c. Pananaliksik

b. Pag-uulat d. Pakikipagtalastasan

2. Pansamantalang paliwanag ito para sa mga tiyak na gawi o kaasalan, mga bagay na hindi
pangkaraniwan o mga pangyayaring naganap o magaganap. Ipinapahayag nito ang iyong mga
inaasahan tungkol sa pagkakaugnay ng mga baryabol sa iyong pananaliksik.

a. Pananaliksik c. Haypotesis

b. Saklaw d. Limitasyon

3. Ito ang nagtatakda ng iyong pag-aaral kung saan at kailan isasagawa ang pag-aaral at kung sino ang
mga kalahok na pag-aaralan.

a. Haypotesis c. Saklaw

b. Limitasyon d. Disenyo ng pag-aaral

4. Isang bahagi o aspekto ito ng imbestigasyon na maaaring makaapekto nang masama sa resulta
subalit walang control.

a. Terminolohiya c. Saklaw

b. Limitasyon d. Haypotesis

5. Tumutukoy ito sa mga depinisyon na matatagpuan sa mga diksyunaryo o talatinigan.

a. Depinisyong Konseptwal c. Depinisyong Operasyunal

b. Null Haypotesis d. Alternative Haypotesis

6. Tumutukoy ito sa tiyak na paraan o kahulugang ginamit sa iyong pag-aaral.

a. Depinisyong Konseptwal c. Depinisyong Operasyunal


b. Null Haypotesis d. Alternative Haypotesis

7. Ito ang mga constructs o mga katangian na iyong iniiimbestigahan sa pag-aaral.

a. Baryabol c. Depinisyon

b. Teoriya d.Kaugnay na Pag-aaral

8. Isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa kung ano. Ito ay may kinalaman
sa mga kondisyon ng mga ugnayang naganap; mga gawaing umiiral; mga paniniwala at prosesong
nagaganap; mga epektong nararamdaman o mga kalakarang nadedebelop.

a. Pag-aaral sa isang kaso c. Eksperimental na pananaliksik

b. Historikal na pananaliksik d. Paglalarawang pananaliksik

9. Ito ay kinapapalooban ng ano mang panawagan sa nakaraang karanasan para makatulong sa pag-
alam kung ano ang dapat gawin sa kasalukuyan at sa hinaharap

a. Pag-aaral sa isang kaso c. Eksperimental na pananaliksik

b. Historikal na pananaliksik d. Paglalarawang pananaliksik

10. Itinuturing na pinakasopistikadong pamamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o
haypotesis.

a. Genetic Study c.Eksperimental na pananaliksik

b. Historikal na pananaliksik d. Paglalarawang pananaliksik

11. Ang uring ito ng paglalarawang pananaliksik ay ginagamit kung gumagawa ng detalyadong pag-
aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.

a. Sarbey c. Pag-aaral ng Kaso

b. Dokumentaryong Pagsusuri d. Kalakarang Pagsusuri

12. Ang pamamaraang ito ay ginagamit kung nagbabalak na makakuha ng relatibo at limitadong datos
mula sa relatibong malaking bilang ng kalahok.

a. Sarbey c. Pag-aaral ng Kaso

b. Dokumentaryong Pagsusuri d. Kalakarang Pagsusuri

13.Sa eksperimental na paraan, ito ay tumutukoy sa pagsisikap para maiwasan ang impluwensya ng
ano mang baryabol maliban sa malayang baryabol na maaaring makaapekto sa performance sa di
malayang baryabol.

a. Tritment c. Kontroladong baryabol

b. Manipuladong baryabol d. Baliditi

14. Ang pagtatakda ay isinasagawa sa pamamagitan ng lamang ng tsansa na may kasamang paggamit
ng talahanayan ng random na mga bilang o ng iba pang tanggap na pamamaraan sa random
sampling.

a. Tambalan c. Magkakatulad na pangkat


b. Randomisasyon d. Paggamit ng mga kalahok bilang sarili nilang control

15. Ito ay paggamit ng pare-parehong kalahok para sa tritment. Kung may tatlong pamaraan ng
pagtuturo na susubukin, ang lahat ng kalahok ay tatanggap ng tatlong tritment isa-isa sa iba’t
ibang order o kaayusan.

a. Tambalan c. Magkakatulad na pangkat

b. Randomisasyon d. Paggamit ng mga kalahok bilang sarili nilang control

16. Ang disenyog ito ay pumipigil sa halos lahat ng pinagmulan ng internal at eksternal na baliditi.

a. True experimental design c. Quasi-Experimental na design

b. Factorial design d. Pre-Experimental na design

17. Karaniwan ang mga design na ito ay mga ekstensyon o pagpapalawak ng true experimental
design. Layunin ng design na ito na maitaya kung ang mga epekto ng baryabol na eksperimental
ay generalizable sa lahat ng lebel ng baryabol na control o kung ang mga epekto ay tiyak sa bawat
lebel ng baryabol na control.

a. True experimental design c. Quasi-Experimental na design

b. Factorial design d. Pre-Experimental na design

18. Ito ay ang lahat ng miyembro ng kahit anong tiyak na klase o uri ng mga tao, pangyayari o bagay.
Ito ang pag-aagpalayan ng mananaliksik ng mga resulta.

a. Sampling c. Populasyon

b. Respondente d. Grupo

19. Ang proseso na kinapapalooban ng pagkuha ng bahagi ng populasyon, paggawa ng obserbasyon


sa kinatawang grupo at ang paglalahat ng mga resulta sa mas malaking populasyon.

a. Sampling c. Populasyon

b. Respondente d. Grupo

20. Ito ay istratehiya sa sampling na kung saan ang pamamaraan ng pagpili ng sukat ng sampol mula
sa populasyon kung saan ang bawat miyembro ng populasyon ay pare-parehong may
pagkakataon na mapasama sa sampol at lahat ng posibleng kombinasyon ng sukat ay may pantay
na pagkakataon na mapili bilang sampol.

a. Pa-random c. Sampling na klaster

b. Stratified d. Sampling na di random

21. Ito ay istratehiya sa sampling na kung saan nagaganap kung pumipili ng mga miyembro ng iyong
sampol nang pa-klaster kaysa gumamit ng hiwalay na mga indibidwal.

a. Pa-random c. Sampling na klaster

b. Stratified d. Sampling na di random


22. Isang istratehiya ng pagpili ng sampol sa paraan na ang mga tiyak na sub-group ay magkakaroon
ng sapat na bilang ng mga kinatawan sa loob ng sampol para makapagbigay ng bilang na sampol
sa sub-analysis ng mga miyembro ng mga maliliit na grupo.

a. Pa-random c. Sampling na klaster

b. Stratified d. Sampling na di random

23. Katangian ng mabuting instrument na siyang batayang kailanganing may ganap na kawastuan ng
datos, ang katatagan at katampukan at ang kakayahan nitong maulit.

a. Baliditi c. Relayabiliti

b. Praktikalidad d. Kalinawan

24. Katangian ng mabuting instrument na may kinalaman sa ugnayan ng mga datos na nakuha sa
layunin ng pangongolekta ng mga datos. Sinasabing ito ay ang sukat ng lawak ng pagtatamo ng
mga layunin na hinahangad na matamo o masukat ng pamamaraan.

a. Baliditi c. Relayabiliti

b. Sensitibiti d. Obdyektibiti

25. Ito ay ang kakayahan ng instrument na magawa ang kinakailangang mga diskriminasyon para sa
suliraning pangpananaliksik.

a. Baliditi c. Relayabiliti

b. Sensitibiti d. Obdyektibiti

26. Ito ay isang pamaraang kinapapalooban ng pagkolekta ng mga datos sa pamamagitan ng tuwirang
pasalitang interaksyon ng kumakapanayam at kinakapanayam.

a. Critical Incedent Technique c. Tseklist

b. Kwestyoner Palatanungan d. Pakikipanayam

27. Ito ay binabalangkas na instrumento para sa pagtatanong. Platanungan na eksklusibong


ginagamitan ng binalangkas na pormat o ng ilang paggamit ng libreng-tugon na mga opsyon.

a. Critical Incedent Technique c. Tseklist

b. Kwestyoner Palatanungan d. Pakikipanayam

28. Ito ay isang uri ng panukat na pamamaraan na ipinatutukoy sa mga miyembro ng pangkat o klase
ang indibidwal na preperensya ayon sa ilang social criterion o pamantayang panlipunan.

a. Pamaraan ng pagsusulit c. Projective Technique

b. Mga Teknik na Paimbentaryo d. Mga teknik na sosyometrik

29. Ito ay isang uri ng panukat na pamamaraan na gumagamit ng marami at iba-ibang katanungan
tungkol sa respondente upang ang kabuuang dami ng impormasyong natipon ay magamit sa
pagsukat ng ilang mga katangian ng indibidwal o institusyon.

a. Pamaraan ng pagsusulit c. Projective Technique

b. Mga Teknik na Paimbentaryo d. Mga teknik na sosyometrik


30. Ito ay isang instrumento na ginagamit sa pagrereyt ng konseptong istimulus sa bipolar na iskala na
nakaayos sa pitong hakbang mula sa isang dulo hanggang sa kabilang dulo ng continuum.

a. Q-technique c. Likert Scale

b. Pagsusuring Polariti d. Semantic Differential Scale

31. Ito ay pamamaraan na humihingi sa mga respondente na i-ranggo ang aytem na nakaklaster na
karaniwnag klaster na may magkakaibang mga sukat.

a. Q-technique c. Likert Scale

b. Pagsusuring Polariti d. Semantic Differential Scale

32. Ito ay isang pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang
akda, programa, himig at iba pa, na hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan.

a. Cheating c. Plagyarismo

b. Code of Ethic d. Pagsisipi

33. Karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa
isang larangang pang-akademiko. Saklaw ng isang semester o traymester ang gawaing ito.

a. Pakikipanayam c. Pananaliksik

b. Pag-uulat d. Pamanahong papel

34. Tintutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring
nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo’y nararapat psalamatan o kilalanin.

a. Pamagating Pahina c. Dahon ng Pagpapatibay

b. Fly Leaf 2 d. Pasasalamat o Pagkilala

35. Ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng


guro ng pamanahong-papel.

a. Pamagating pahina c. Dahon ng Pagpapatibay

b. Fly Leaf 2 d. Pasasalamat o Pagkilala

36. Matatagpuan ditto ang Talaan ng Nilalaman.

a. Kabanata 1 c. Kabanata 2

b. Kabanata 3 d. Front Matters

37. Ang kabanata na may pamagat na Disenyo at Paraan ng Pananaliksik.

a. Kabanata 4 c. Kabanata 2

b. Kabanata 3 d. Kabanata 1

38. Ang kabanata na may pamagat na Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos.

a. Kabanata 4 c. Kabanata 2

b. Kabanata 3 d. Kabanata 1
39. Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik.

a. Layunin ng pag-aaral c. Kahalagahan ng pag-aaral

b. Saklaw at Limitasyon d. Panimula

40. Dito tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinatakda ang parameter ng
pananaliksik dahil tinutukoy rito kung anu-ano ang baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.

a. Layunin ng pag-aaral c. Kahalagahan ng pag-aaral

b. Saklaw at Limitasyon d. Panimula

41. Matatagpuan ang Definisyon ng mga terminolohiya sa kabanatang ito.

a. Kabanata 4 c. Kabanata 2

b. Kabanata 3 d. Kabanata 1

42. Nililinaw dito kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.

a. Instrumento ng Pananaliksik c. Tritment ng mga Datos

b. Disenyo ng Pananaliksik d. Respondente

43. Inilalarawan dito kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerical na datos
ay mailarawan.

a. Instrumento ng Pananaliksik c. Tritment ng mga Datos

b. Disenyo ng Pananaliksik d. Respondente

44. Ito ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.

a. Lagom c. Rekomendasyon

b. Konklusyon d. Haypotesis

45. Kilala ito sa tawag na Dahong-dagdag.

a. Listahan ng Sanggunian c. Fly Leaf

b. Talaan ng Nilalaman d. Apendiks

46. Pangkalahatang paksa: Karapatan ng mga kababaihan

Paglilimita : Karapatan ng mga kababaihan sa panahon ng Komonwelt

Ito ang ginawang paglilimita sa paksang ito

a. Paglilimita batay sa panahon c. Paglilimita batay sa edad

b. Paglilimita batay sa perspektiv d. Paglilimita batay sa kasarian

47. Pangkalahatang paksa: Epekto ng Globalisasyon sa Lipunang Pilipino

Paglilimita : Epekto ng Globalisasyon sa Ispiritwal na Pamumuhay ng mga Pilipino

a. Paglilimita batay sa panahon c. Paglilimita batay sa edad


b. Paglilimita batay sa perspektiv d. Paglilimita batay sa kasarian

48. Napapabilang sa hanguang sekundarya

a. indibidwal o awtoridad c. dissertasyon

b. grupo d. simbahan

49. Isang viswal na presentasyong kumakatawan sa kwantiteytiv na varyasyon o pagbabago ng mga


varyabol, o kwantiteytiv na komparison ng pagbabago ng isang varyabol sa iba pang varyabol o
mga varyabol sa anyong palarawan o digramatik.

a. Grafikal c. Tekstwal

b. Tabular d. Interpretasyon

50. Ito ay ginagamit upang ipakita ang mga pagbabago ng varyabol. Efektivo ito kung nais na ilantad
ang trend.

a. Bar graf b. Bilog na graf c. Layn Graf d. piktograf

C. PAMAMAHAYAG

1. Isang malaki at may malawak na saklaw ng sirkulasyon at kalimita’y may maraming kasamang
suplementong bahagi sa loob ng pahayagan.

a. folio b. broadsheet c. tabloid d. editorial

2. Ang unang pahayagan na nailimbag sa Pilipinas noong 1637 na inilathala ni Tomas Pinpin.

a. Del Superior Govierno c. Diario de Manila

b. La Esperanza d. Sucesos Felices

3. Ang uang pahayagang tandisang sumasalungat sa mga prayle at humiling ng pagpapaalis sa mga
relihiyoso kabilang na ang mga arsobispo.

a. La Opinion b. El Catolico c. Diario de Avisos d. El Rasumen

4. Ang pahayagang isinulat ni Marcelo H. Del Pilar na hgalalaman tungkol sa pag-ibig sa bayan.

a. Diaryong Tagalog b. Ang Kalayaan c. La Solidaridad d. La Revolucion

5. Ang unang Pilipinong pumasok sa larangan ng pamamahayag.

a. Pablo Paced b. Jesus Polanco c. Pascual poblete d. Graciano Lopez Jaena

6. Pahayagang ipinalabas sa panahon ni Andres Bonifacio na isinulat sa katutubong wika

a. Diaryong Tagalog b. Ang Kalayaan c. La Solidaridad d. La Revolucion

7. Pinakabantog na pribadong pahayagan na naglalayong ipagtanggol ang kapakanan ng mga Pilipino


noong unang panahon.

a. La Republica Filipina c. La Federacion

b. La Libertad d. La Independencia
8. Unang pahayagang itinatag ni Sergio Osmena sa Cebu.

a. El Nuevo Dia b. Ang Kalayaan c. La Solidaridad d.La Revolucion

9. Bantog na bantog ang pahayagang ito dahil sa masiglang pangangampanya laban sa mga di-
matapat at mandaraya sa pamahalaan.

a. El Nuevo Dia b. EL Debate c. El Renacimiento d. La Vanguardia

10. Ang patnugot at may-ari ng Manila Daily Bulletin, ang pahayaagng sa una’y nauukol lamang sa
pagbabapor ngunit sa kalauna’y nagtataglay na rin ng iba’t ibang balita.

a. Israel Putman b. Carson Taylor c. R. McCulloch d. Ramon Roces

11. Ang pinakamatandang magasin sa Pilipinas na laging masigla, mapanuri at maingat

a. Manila Daily Bulletin b. Graphic c. Philippine Free Press d. Tribune

12. Tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya o opinyong napapanahon, kawili-wili at nakakaapekto


sa maraming tao sa pamayanan.

a. balita b. tabloid c. editorial c. anunsyo

13. Balitang tuwirang nagsasalaysay ng mga pangyayaring naganap.

a. Paunang Balita (Advance News) b. Inaasahang Balita (Anticipated News

c. Balitang Pangkasalukuyan (Spot News) d. Tuwirang Balita (Straight News)

14. Tumutukoy sa pangyayaring matagal nang naganap at alam ng iilang mambabasa bago pa
nailalathala bilang isang balita.

a. Paunang Balita (Advance News) b. Inaasahang Balita (Anticipated News

c. Balitang Pangkasalukuyan (Spot News) d. Tuwirang Balita (Straight News)

15. Balita ng pangyayaring kasalukuyang nagaganap, ang paboritong balita ng mga reporter sa mga
radio at telebisyon.

a. Paunang Balita (Advance News) b. Inaasahang Balita (Anticipated News

c. Balitang Pangkasalukuyan (Spt News) d. Tuwirang Balita (Straight News)

16. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring magaganap pa lamang sa isang tiyak na panahon at lugar.

a. Paunang Balita (Advance News) b. Inaasahang Balita (Anticipated News

c. Balitang Pangkasalukuyan (Spt News) d. Tuwirang Balita (Straight News)

17. Ang balitang pinaikli at binuod lamang upang mapagkasya sa isang maliit na espasyo sa
pahayagan.

a. bulletin b. flash c. kinipil d. tugaygay na balita

18. Karaniwang pauna o nagbabanta ng isang malaking balita.

a. bulletin b. flash c. kinipil d. tugaygay na balita


19. Isang ulat ukol sa isang laganap na pangyayari at laging pauna sa tugaygay na balita.

a. bulletin b. flash c. kinipil d. tugaygay na balita

20. Ito ay balita ng isang pangyayaring pinaganda ang paghahatid ng impormasyon upang maging
higit na kawili-wili o kaya’y higit na makapagbigay-aliw sa mambabasa.

a. tugaygay na balita b. balitang di-totoo

c. balitang pinaganda/lathalaing balita d. balitang publisidad

21. Nagsasaad ito ng pagpapakilala sa madla ng isang tao, bagay, pook at pangyayari na hindi pa
kilala.

a. tugaygay na balita b. balitang di-totoo

c. balitang pinaganda/lathalaing balita d. balitang publisidad

22. Tawag sa mga nilikha o inimbentong pangyayari.

a. tugaygay na balita b. balitang di-totoo

c. balitang pinaganda/lathalaing balita d. balitang publisidad

23. Balita ng kahanga-hangang nagawa ng isang tao o ng isang pangkat.

a. balitang interpretative b. balitang developmental

c. balitang pagkilala d. balitang investigative

24. Pinakabagong paraan ng pagbibigay ng balita na kung saan ang mga reporter ay gumawa ng
personal na pagsisiyasat tungkol sa isang natatanging pangyayari.

a. balitang interpretative b. balitang developmental

c. balitang pagkilala d. balitang investigative

25. Balitang nauukol sa mga pangyayaring may kaugnayan sa kaunlaran ng bayan, lalawigan, rehiyon
at ng buong bansa.

a. balitang interpretative b. balitang developmental

c. balitang pagkilala d. balitang investigative

26. Balitang nagbibigay-diin sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng malalim na dahilan ng mga pangyayari


upang lalong madaling maunawaan ng mambabasa.

a. balitang interpretative b. balitang developmental

c. balitang pagkilala d. balitang investigative

27. Balitang ang pangyayari ay nagdudulot ng kabutihan sa mamamayan, tuwiran man o di-tuwiran.

a. printable news b. unprintable news

c. science journalism d. science writing


28. Kabilang sa balitang ito ay yaong nakasisira sa pagkatao o pangalan ng personalidad na sangkot sa
balita.

a. printable news b. unprintable news

c. science journalism d. science writing

29. Ang paunang pangungusap o mga pangungusap, paunang talataan o mga talataan ng isang balita.

a. karikatura b. pahinang editorial c. pamatnubay d. panretorika

30. Tawag sa taong may hilig maging reporter ngunit walang kasanayan sa gawaing ito.

a. deskman b. copy reader c. city desk d. cub-reporter

31. Isang uri ng mesa kung saan laging nagtatagpo ang mga mamamahayag sa isang dyaryo.

a. desk man b. copy reader c. city desk d. cub-reporter

32. Tungkulin niyang magwasto ng orihinal na manuskrito ng istorya para sa seksyong kanyang
pinamamahalaan bilang editor.

a. desk man b. copy reader c. city desk d. cub-reporter

33. Siya ang pinakamatalino at pinakamalikhaing kagawad ng editorial staff ng isang pahayagn.

a. rewrite man b. copy reader c. reporter d. feature writer

34. Ginagamit sa pagsukat sa luwang ng linyang paglalagyan ng tipo ng letra.

a. counting b. karaktering c. point d. unit count

35. Paraan sa pagsukat ng tipo o karakter ng isang ulo ng balita.

a. counting b. karaktering c. point d. unit count

36. Ang ulo ng pinakamahalagang balita sa pahayagan, karaniwang ang mga salita nito’y nalilimbag sa
pinakamalaki at pinakamaitim na titik, kaya’t lagi itong nangingibabaw sa unang pahina ng
pahayagan.

a. bandila b. payong c. kicker d. nakakuwadrong ulo

37. Ito ang ulong nagpapakilala ng pinakaulo ng balita. Karaniwang maliliit ang titik nito kaysa sa
punong ulo ng balita.

a. bandila b. payong c. kicker d. nakakuwadrong ulo

38. Isang uri ng ulo na nakapaloob sa isang kuwadro na karaniwang ginagawa ng patnugutan upang
makatawag pansin o kaya’y nang makapagpaganda ng ayos ng mga ulo sa pahina.

a. bandila b. payong c. kicker d. nakakuwadrong ulo

39. Matatagpuan ito sa itaas ng pahayagan na sumasaklaw sa lahat ng nakalimbag sa pahinang


pamngmukha nito.

a. bandila b. payong c. kicker d. nakakuwadrong ulo


40. Uri ng ulo na nakasukdol sa kaliwa’t kanang gilid ng kolumna.

a. crossline b. ulo ng karugtong (jumphead)

c. ulong full line d. ulong pantay sa kaliwa

41. Iisahing linyang ulo na nasa gitna ng kolumna na karaniwa’y sumasakop lamang ng dalawang-katlo
(2/3) ng espasyo ng linya sa kolum.

a. crossline b. ulo ng karugtong (jumphead)

c. ulong full line d. ulong pantay sa kaliwa

42. Uri ng ulo ng balita na matatagpuan sa ibang pahina.

a. crossline b. ulo ng karugtong (jumphead)

c. ulong full line d. ulong pamatay sa kaliwa

43. Uri ng ulo na may dalawa o tatlong linya na ang pagkakaayos ay bai-baitang.

a. ulong hagdan-hagdan b. ulong pantay sa kaliwa c. kicker d. ulong full line

44. Isang magulong anyo ng pahinang pangmukha.

a. quadrant b. horizontal c. sirkus d. informal na ayos

45. Sa anyong itp, nahahati sa apat na bahagi ang pahinang pangmukha ng isang pahayagan.

a. quadrant b. horizontal c. sirkus d. informal na ayos

46. Rektanggulo ang ayos ng mga balita, pantay halos ang apat na gilid.

a. quadrant b. horizontal c. sirkus d. informal na ayos

47. Sa uring ito ng kartun, pinalaki ng kartunista nang higit sa karaniwan ang bagay na gusto niyang
bigyang-diin. Sa gayon ay maginga katawa-tawa.

a. panunuya b. nagpapatawa c. pagsasa-ugaling tao ng hayop d. eksaherasyon

48. Tumutukoy sa mga ulo ng balita na babasahin bilang introduksyon ng pagbabalita.

a. teaser b. headlines c. bumper d. closing billboards

49. Ang pahapyaw na pagbanggit sa susunod na mga balita.

a. teaser b. headlines c. bumper d. closing billboards

50. Ito ay karaniwang pagbanggit sa pangalan ng mga tauhang kawaksi sa pagsasahimpapawid ng


mga balita sa front page.

a. teaser b. headlines c. bumper d. closing billboards


A.

1.b 29.b 9.c 39.b


2.c 30.d 10.b 40.c
3.a 31.a 11.c 41.a
B. 32.c
12.a 42.b
1. c 33.d
13.d 43.a
2.c 34.d
14.b 44.c
3.c 35.c
15.c 45.a
4.b 36.d
16.a 46.b
5.a 37.b
17.c 47.d
6.c 38.a
7.a 18.b 48.b
39.d
8.d 19.a 49.c
40.b
9.b 20.c 50.d
41.d
10.c 21.d
42.b
11.c 22.b
43.c
12.a
23.c
44.c
13.c
24.d
45.d
14.b
25.b
15.d 46.a
26.a
16.a 47.b
27.a
17.b 48.c
28.b
18.c 49.a
19.a 29.c
50.a
20.a 30.d
C.
21.c 31.c
1.b
22.b 32.b
2.d
23.c 33.a
3.a
24.a
34.d
4.a
25.b
35.c
5.c
26.d
36.a
27.c 6.b
37.c
28.d 7.d
38.d
8.a

You might also like