You are on page 1of 4

ANO ANG KULTURA?

KULTURA
Ang kultura ay ang pagsalin-salin ng
kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining at
pamumuahay ng tao sa isang lugar. Ang
kultura ay tinatawag rin na kalinangan sa
pangkalahatan.
Tumutukoy sa kahulugan at paraan ng
pamumuhay na naglalarawan sa isang
lipunan (Mooney, 2011).
Ito ang kabuuang konsepto ng
sangkap sa pamumhay ng mga tao, ang
batayan ng kilos at gawi at ang kabuuang
gawain ng tao (Panopio, 2017).
Isang komplikadong sistema ng
ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa
paraan ng pamumuhay ng isang grupong
panlipunan o isang kabuuan (Andersen at
Taylor, 2007).
ELEMENTO NG KULTURA
• Paniniwala- tumutukoy sa mga kahulugan at
paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at
tinatanggap na totoo.
• Pagpapahalaga- maituturing ito na batyan ng isang
grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang
katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Batayan
ito ng tam o mali.
• Norms- tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na
binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan.
• Simbolo- ito ang paglalapat ng kahulugan sa isang
bagay ng mga taong gumagamit nito.

You might also like