You are on page 1of 12

UNANG YUGTO:

DISASTER PREVENTION
AND MITIGATION
IBA’T-IBANG URI NG ASSESSMENT:

Hazard Assessment - ito ay tumutukoy


1.

sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala


na maaaring danasin ng isang lugar
kung ito ay mahaharap sa isang sakuna
o kalamidad sa isang partikular na
panahon.
Pisikal na Katangian ng Hazard

a. Pagkakakilanlan - pagkakaroon ng kaalaman sa


hazard at kung paano ito nagaganap
b. Katangian- uri ng hazard
c. Intensity - pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring
idulot ng hazard
d. Lawak- sakop at tagal ng epekto ng hazard
e. Saklaw - pagtukoy kung sino ang maaapektuhan ng
hazard
f. Predictability - panahon kung kailan darating ang
hazard
g. Manageability - kakayahan ng komunidad na harapin
ang hazard upang mabawasan ang pinsala
Temporal na katangian ng Hazard

a. Frequency - dalas ng pagdanas ng hazard


b. Duration - tagal kung kailan nararanasan
ang hazard
c. Speed of onset - bilis ng pagtama ng hazard
d. Forewarning - panahon oras sa pagitan sa
oras ng pagtama ng hazard sa isang lugar
e. Force - lakas na dulot ng hazard tulad ng
hangin, tubig, flashflood at iba pa
• Dalawang mahahalagang proseso sa
pagsasagawa ng Hazard Assessment:

1. Hazard Mapping at Historical Profiling -


ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaring
masalanta ng hazard at mga elemento tulad ng
gusali, taniman, kabahayan na maaring
mapinsala
Timeline of Events - dito ay
gumagawa ng historical profile o
timeline of events upang makita
kung ano ang mga hazard na
nararanasan ng isang komunidad,
gaano ito kadalas at alin sa mga ito
ang pinakamapinsala.
2. Vulnerability Assessment – tinataya nito ang
kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad
na harapin o bumangon sa pinasalang dulot ng hazard.
Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment,
kinakailangan suriin ang mga sumusunod:

 Elements at risk – tumutukoy ito sa tao, hayop, mga


pananim, bahay, kasangkapan, kagamitan para sa
transportasyon at komunikasyon at pag-uugali.
 People at Risk – tinutukoy ang mga grupo ng tao na
maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad.
 Location of People at risk – tumutukoy ito sa
lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable.
3. Capacity Assessment - sinusuri nito ang
kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang
hazard. Sa pagsasagawa nito itinatala ang mga
kagamitan, imprastruktura, at mga tauhan na
kakailanganin sa panahon ng pagtama ng hazard o
kalamidad.
4. Risk Assessment – ito ay tumutukoy sa mga
hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng
sakuna, kalamidad at hazard na may layuning
maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa
tao at kalikasan.
Dalawang Uri ng Mitigation:

1. Structural Mitigation – tumutukoy sa mga


paghahandang ginawa sa pisikal na kaayusan ng
isang komunidad upang ito ay maging matatag sa
panahon ng pagtama ng sakuna.

2. Non-Structural Mitigation – tumutukoy sa mga


ginagawang paghahanda at pagpaplano ng
pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad
sa panahon ng sakuna.
Panuto: Isulat ang iyong sgaot sa
sagutang papel. GAWAIN: PAGYAMANIN
1. Mag-isip ng isang sakuna o
kalamidad na maaaring
nangyari o mangyayari sa iyo.
Isulat ito sa gitna ng krus na
pula.
2. Magtala ng apat (4) na bagay
na kailangang ihanda sakaling
may sakuna at ipaliwanag ang
kahalagahan nito.

You might also like