You are on page 1of 10

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Unang Yugto ng Disaster Risk
Reduction and Management Plan:
Disaster Prevention and
Mitigation
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinalakay sa Araling Panlipunan
Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

1. Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na


dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.
2. Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa
pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:

 Leksyon 1 - Unang Yugto ng Disaster and Risk Reduction Management Plan 


Leksyon 2 - Iba’t ibang Uri ng Disaster Risk Assessment

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib


dulot ng suliraning pangkapaligiran;
2. nasusuri ang mga dapat gawin sa Unang Yugto ng Disaster and Risk
Reduction Management Plan; at
3. natataya ang pansarili o pampamilyang kahandaan sa pagdating ng
kalamidad o sakuna.

Aralin
Unang Yugto: Disaster
1 Prevention and Mitigation

Matapos mong maunnawaan ang dahilan at ang gampanin ng National


Disaster Risk Reducation Management Council (NDRRMC) at ang dahilan at
gampanin ng Community Based Disaster Risk Management Council (CBDRM)
upang mapabilis ang pagbibigay solusyon sa iba’t ibang hazard sa ating bansa. Sa
bagong paksa na ito ay pag-aaralan natin ang mga yugto ng Disaster Management
Plan.

Balikan

Upang matiyak na natutuhan mo ang nakalipas na aralin ay narito ang


talahanayan na kailangan mong punan at sagutin.

Magbigay ng 5 katangian ng bawat Approach sa Disaster Mangement.

Top-Down Approach Bottom-Up Approach


TOP-DOWN APPROACH BOTTOM-UP APPROACH

Kung ang sagot mo sa Top-Down Approach ay umaasa sa pamahalaan,


munisipalidad, hindi natutugunan ang madaliang pangangailangan ng
mamamayan, limitado ang pagbuo ng disaster management plan, hindi
pagkakasundo ng Pambansang Pamahalaan at Lokal na Pamahalaan ukol sa
pagpaplano. Nagiging mabagal din ang pagtugon ng pamahalaan. At kung ang
sagot mo naman sa Bottom-Up Approach ay binibigyang pansin nito ang maliliit
na detalye na may kaugnayan sa hazard, kalamidad at pangangailangan ng
mamamayan. Ang batayan ng plano ay batay sa karanasan ng mga mamamayan
na nakatira sa disaster-prone area. Tama ka! Binabati kita sapagkat tunay ngang
natutuhan mo na ang nakalipas na aralin.
Ngayon ay handa ka ng dumako sa panibagong aralin.
Sa nakaraang aralin ay tinalakay ang dalawang approach sa pagtugon sa
mga hamong pangkapaligiran. Mayroon ka nang malawak na pang-unawa tungkol
sa mga ito na makatutulong sa iyong paghahanda ukol sa tamang kahandaan
bago, sa panahon ng pagtama, at pagkatapos ng kalamidad.

Tuklasin

SURILARAWAN

Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga katanungan kaugnay nito. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang makikita mo sa larawan?


___________________________________________________________________________

2. Kung ikaw ay nasa gitna ng isang kalamidad, ano ang iyong


mararamdaman?
___________________________________________________________________________
3. Paano mo paghahandaan ang ganitong pangyayari? Ano-ano ang iyong mga
gagawing paghahanda?
___________________________________________________________________________
Kung ang sagot mo sa bilang 1-3 ay tungkol sa kalamidad tulad ng bagyo, lindol
at iba pa, ikaw ay nakaramdam ng takot ngunit sa kabila ng takot ay patuloy kang
naghanda para makaligtas sa kalamidad ay tama ka!

Mamaya ay higit mo pang matutuklasan kung tama ang iyong tugon sa mga
katanungan na iyan habang umuusad tayo sa pagtalakay ng aralin.

Ngayon ay dumako na tayo sa nilalaman ng aralin upang higit na makatutulong


sa iyo upang makapaghanda sa pagdating ng kalamidad.

Suriin

Ito ay bahagi ng Disaster Management Plan na tataya at susubok sa


kahandaan ng mga mamamayan sa pagharap ng hamon sa kalamidad.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Disaster Risk Reduction Management Plan


Pamprosesong tanong:

1. Nakapunta ka na ba sa evacuation center?

2. Kailan ka pumupunta sa evacuation center, bago ba dumating ang kalamidad,


kasagsagan ng kalamidad o pagkatapos ng kalamidad?
Malalaman mo ngayon ang kahalagahan ng paghahanda sa panahon ng
kalamidad.

Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation

Kinakailangang maunawaan ang mga balangkas ng plano kung ano ano ang
mga hazard, mga risk at sino ang mga maaapektuhan at masasalantang
kalamidad.

Disaster Risk
Assessment Plan

Vulnerability
Hazard Assessment Capacity Assessment Risk Assessment
Assessment

Kategorya Kagamitan ,
Katangian ng Hazard Mga hakbang na
1 . Pisikal o imprastraktura , tao nararapat gawin bago
a. Temporal na magagami t sa
materyal ang pagtama ng
b. Pisikal pagharap s a
sakuna o kalamidad
2 . Panlipunan kalamidad
3 . Pag -uugali

Dalawang Proseso
a. Hazard
Mapping
b. Timeline of
Events

Iba’t ibang Uri ng Assessment

1. Hazard Assessment - ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala


na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o
kalamidad sa isang partikular na panahon.

Pisikal na Katangian ng Hazard


a. Pagkakakilanlan - pagkakaroon ng kaalaman sa hazard at kung paano ito
nagaganap

b. Katangian- uri ng hazard

c. Intensity - pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard

d. Lawak- sakop at tagal ng epekto ng hazard


e. Saklaw - pagtukoy kung sino ang maaapektuhan ng hazard

f. Predictability - panahon kung kailan darating ang hazard

g. Manageability - kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang


mabawasan ang pinsala

HALIMBAWA:

Habang nanonood ang Pamilya Batalla ay biglang nakaroon ng flash report


tungkol sa binabantayang low pressure area sa bahagi ng South China Sea
(pagkakakilanlan). Ayon sa report, inaasahan na magiging ganap na bagyo
(katangian) at tatawaging Ising. Ang bagyong Ising ay may bilis na 40kph
patungong northwest at may lakas na 110KPH at bugsong aabot sa 130kph
(intensity). At ayon sa PAG-ASA ang bagyong Ising ay papasok sa PAR sa darating
na Sabado (predictability). Ito ay tatama sa Bicol Region sa Linggo ng umaga
(saklaw). Dahil ditto, pinaghahanda ang mga komunidad lalo na sa mga baybayin
sa nasabing lugar sa posibleng flash floods at malalakas na ulan at hangin.

Temporal na katangian ng Hazard

a. Frequency - dalas ng pagdanas ng hazard


b. Duration - tagal kung kailan nararanasan ang hazard
c. Speed of onset - bilis ng pagtama ng hazard
d. Forewarning - panahon oras sa pagitan sa oras ng pagtama ng hazard sa
isang lugar
e. Force - lakas na dulot ng hazard tulad ng hangin, tubig, flashflood at iba pa

HALIMBAWA:
BULACAN — Patay ang isang 65-anyos na ginang samantalang nawalan ng
tirahan ang nasa 180 pamilya makaraang masunog ang isang residential area sa
Barangay Santo Domingo, Malolos City nitong Linggo ng gabi (speed onset at force).
Ang nasabing sunog ay tumagal ng halos 2 oras bago naapula (duration), ayon sa
Bureau of Fire Protection.
Nagtamo naman anila ng minor injuries ang isang 63-anyos na residente at isang
4-anyos na lalaki.
Nagpalipas ng magdamag sa covered court ang nasa 60 sa mga pamilyang
nasunugan, habang ang iba ay nanatili sa tabi ng kanilang mga natupok na bahay
para bantayan ang mga ito at subukang isalba ang ilang kagamitan.
Namahagi naman ang mga awtoridad ng mga tent at relief goods sa mga
nasunugan.

Hazard Mapping - ito ay ang pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring


masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman, at kabahayan
na maaaring mapinsala.
Dalawang mahahalagang proseso sa pagsasagawa ng Hazard Assessment:

a. Hazard Mapping at Historical Profiling - ito ay isinasagawa sa


pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaring masalanta ng
hazard at mga elemento tulad ng gusali, taniman, kabahayan na maaring
mapinsala
b. Timeline of Events - dito ay gumagawa ng historical profile o timeline of
events upang makita kung ano ang mga hazard na nararanasan ng isang
komunidad, gaano ito kadalas at alin sa mga ito ang pinakamapinsala.

Pagputok ng Bulkan

Taon Petsa Bulkan Pangyayari Mga Epekto

Bulkang
Naglibing sa kalapit-bayan ng Nasawiː
1814 Pebrero 1 Mayon
Cagsawa kasama ng abo at bato. Halos 1,200.
(Albay)

Sumabog ang bulkan na mga 60


Bulkang Taal kilometro o 30 milya mula Maynila. Nasawiː
1911 Enero 30
(Luzon) Ang mga nasawi ay pawang nakatira Halos 1,300
sa kalapit na nayon.

Abril 1991 nagpakita ito ng mga Tinatayang


palatandaan ng kanyang aktibidad, Pinsalaː
malamang na naapektuhan ng lindol US$443,000,000
Hunyo sa Luzon. Dahan-dahan itong tumindi Iba pang epektoː
1991 Mt. Pinatubo
15 simula noong Mayo hanggang sa Winasak nito ang
pumutok ito noong Hun. 15, kalapit na base
pagkatapos ng maraming siglo ng ng American Air
pananahimik. Force.

Nasawiː Isa ang


Nangyari ang mahinang pagsabog ng
namatay dahil sa
mga abo sa bunganga ng tuktok ng
hika na pinalubha
Marso - Bulkang bulkan, Marso 21. Naulit ito noong
ng pagkalantad sa
Hunyo Bulusan mula Abril hanggang unang bahagi ng
abo, Hunyo 10.
Hunyo 2006 at noong Hunyo 18,
Walang pinsalang
muling nagbuga ng abo.
iniulat.
2006
Nagbuga ng abo at nagsimulang
rumagasa ang lava pababa ng mga
dalisdis ng bundok, Hulyo 13. Hulyo
Bulkang
Pebrero - 15 - Agosto 15 libo-libong mga tao ang
Mayon Walang ulat
Oktubre inilikas mula sa radius na 8 kilometro
(Albay) sa paligid ng bunganga nito.
Huminahon ang aktibidad nito,
Setyembre - Oktubre 2006.
Bulkang
2010 Nobyembre Walang ulat
Bulusan
Enero 12, ng mag-alburoto ang
Bulkang Taal sa lawa ng Taal sa
lalawigan ng Batangas, nag-likha ito
ng lindol pasado 11am ng umaga,
2pm ng hapon ng nag-umpisa
pumutok at nag-buga ito ng
2020 Enero Bulkang Taal matitinding abo sa mga lalawigan ng Walang ulat
Batangas, Cavite, Laguna hangga ng
Rizal maging ang Kalakhang
Maynila na itinaas sa Alert Level 3
hanggang 4 at pasado 10pm ng gabi
umabot ang pag-buga ng abo nito sa
"Clark" sa Pampanga
2. Vulnerability Assessment – tinataya nito ang kahinaan o kakulangan ng isang
tahanan o komunidad na harapin o bumangon sa pinasalang dulot ng hazard.

Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, kinakailangan suriin ang mga


sumusunod:

• Elements at risk – tumutukoy ito sa tao, hayop, mga pananim, bahay,


kasangkapan, kagamitan para sa transportasyon at komunikasyon at
paguugali.
• People at Risk – tinutukoy ang mga grupo ng tao na maaaring higit na
maapektuhan ng kalamidad.
• Location of People at risk – tumutukoy ito sa lokasyon o tirahan ng mga
taong natukoy na vulnerable.

3. Capacity Assessment - sinusuri nito ang kapasidad ng komunidad na harapin


ang anumang hazard. Sa pagsasagawa nito itinatala ang mga kagamitan,
imprastruktura, at mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng pagtama ng
hazard o kalamidad.

Kategorya ng Capacity Assessment

• Pisikal o materyal- tumutukoy sa materyal na yaman (halimbawa pera,


likas na yaman)
• Panlipunan- kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa lipunan
(halimbawa matatanda, kabataan, may-sakit, mga buntis )
• Pag-uugali tungkol sa hazard- paniniwala o gawi na nakahahadlang sa
pagiging ligtas ng komunidad (halimbawa: paghahanda ng emergency kit,
pagiging kalmado sa panahon ng sakuna)

4. Risk Assessment – ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang
pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o
mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
Dalawang Uri ng Mitigation:

1. Structural Mitigation – tumutukoy sa mga paghahandang ginawa sa


pisikal na kaayusan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa
panahon ng pagtama ng sakuna.

2. Non-Structural Mitigation – tumutukoy sa mga ginagawang paghahanda at


pagpaplano ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa
panahon ng sakuna.

You might also like