You are on page 1of 6

p

1
SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA
ARALING PANLIPUNAN 10
Kwarter 1 Linggo 4 Aralin 4

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________________________


Baitang at Pangkat: _________________________________________
Petsa: _________________________________________

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELC


Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng mga
panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran. (MELC)
Mga Tiyak na Layunin:
1.Natutukoy ang mga konsepto sa Hazard, Disaster Prevention at Mitigation
2.Nasusuri ang mga katangian ng hazard.
3.Nakapagmumungkahi ng mga hakbangin upang maibsan ang mga
pinsala na maaaring idulot sa inyong lugar.

II. PANIMULANG KONSEPTO

Paghandaan: Pagharap sa Kalamidad


Ang ating bansa ay malimit makaranas ng iba’t-ibang uri ng kalamidad.Sa
sitwasyong ito nararapat na ang bawat mamamayan ay may sapat na kaalaman
at tamang paghahanda sa pagharap nito.
Sa araling ito, ay inaaasahang matutukoy mo ang pagtataya ng mga hazard
at ang kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t-ibang suliraning
pangkapaligiran. Inaasahan din na mula sa iyong mga matutunan sa aralin ay
makabubuo ka ng plano upang maging handa ang pamayanan at mga tao sa
sakuna at kalamidad .
Ang isang mamamayang handa sa pagharap sa anumang uri ng kalamidad
o hazard ay nakasisigurong makapagliligtas ng buhay at sa mga pinsalang
maaaring idulot sa ari-arian.Ang mga sumusunod na salita/konsepto ay mahalaga
sa araling ito:
 Kalamidad - tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng
malaking kapinsalaan at pagkabagabag sa mga tao at komunidad na
tinatamaan nito.
 Hazard - mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao.
Kung hindi maiiwasan maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-
arian, at kalikasan.

2
 Hazard Assessment - pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na
maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna
o kalamidad sa isang partikular na panahon.
 Risk - inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama
ng isang kalamidad.
 Vulnerability - tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas
na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.
Disaster Prevention and Mitigation
Upang lubos na mapaghandaan ang paparating na kalamidad nararapat
lamang na alam mo kung anong mga pagpapalano ang dapat gawin. Kailangang
maisagawa ang disaster management plan na siyang tumataya sa mga hazard at
kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang
maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad
 Capacity risk assessment - tinataya ang kakayahan at kapasidad ng
komunidad.
 Ang pisikal na katangian ng hazard ay kinabibilangan ng:
1.) pagkakakilanlan- ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t
ibang hazard at kung paano ito umusbong sa isang lugar,
2.) katangian- pag-alam sa uri ng hazard,
3.) Intensity- pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaring idulot ng
hazard,
4.) lawak- pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard
5.) saklaw- pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan o
maapektuhan ng hazard
6.) predictability- panahon kung kailan maaaring maranasan ang
hazard at
7.) manageability- pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin
ang hazard upang maiwasan ang malawakang pinsala.
 Frequency o dalas ng pagdanas ng hazard,
 Duration o pag-alam sa tagal kung kailan mararanasan ang hazard,
 Speed o onset- bilis ng pagtama ng hazard,
 Forewarning o ang oras ng pagtama sa komunidad
 Force na maaaring dulot ng tao o kalikasan ay mga kabilang naman sa
temporal na katangian ng hazard. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan
ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin
ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad.

Kabilang sa mga paghahanda na kailangang mong matutunan ay


ang dalawang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment.
1. hazard mapping ay ang pagtukoy sa mapa ng lugar na maaaring
masalanta ng hazard at ang mga element gaya ng gusali, taniman,
at kabahayan na maaring mapinsala.
2. Historical profiling/Timeline of Events naman ay gumagawa ng
historical profile o timeline of events upang Makita kung ano- ano
ang mga hazard na nararanasan ng komunidad, gaano kadalas at
kung alin nag pinakamapaminsala.

Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, kailangang suriin ang mga


sumusunod:
 Elements at risk- tumutukoy sa tao, mga pananim, bahay, kasangkapan,
imprastraktura, kagamitan para sa ng transportasyon at komunikasyon.

3
 People at risk- tinutukoy ang mga grupo ng tao na maaaring higit na
maaapektuhan ng kalamidad.
Hal. Mga buntis, may kapansanan, itinuturing silang vulnerable dahil
nangangailangan sila ng higit na atensyon sa panahon ng kalamidad.
 Location of People at risk- tinutukoy ang lokasyon o tirahan ng mga taong
tinukoy na vulnerable

III. MGA GAWAIN


GAWAIN I: HANAP-SALITA

PANUTO: Hanapin at kulayan sa loob ng puzzle tsart ang salitang tinutukoy ng


bawat aytem sa ibaba at pagkatapos ay isulat ang sagot sa guhit bago ang bilang.

A K L C A P A C I T Y V
H A Z A R D M A P P I U
S L M M D A F I L E S L
T A I O R S P R O O F N
R M T D I S A S T E R E
U I I U S E M E P P S R
C D G L K S A T A I T A
T A A A A S T T L S R B
U D T R N M E I I I U I
R D I T S E R N P K C L
E I O R W N Y G P A T I
D R N Y E T A G O L D T
F R E E O B L B N H T Y

___________1. Pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malakingkapinsalaan at


kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito
___________2. Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala
nmaaaring danasin sa lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna sa isang
partikular na panaho
____________3. Ito ay ang banta na maaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao
____________4. Ito ay tumutukoy sa tao, lugar at imprastraktura na may
mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard
_____________5. Inaasahang pinsala sa tao, ari-arian at buhay dulot ng
pagtama ng isang kalamidad.
GAWAIN 2: SITWASYON MO PISIKAL BA O TEMPORAL?

Panuto: Isulat ang P kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pisikal na


katangian ng hazard at T naman kung temporal na katangian ng hazard.

4
_______1. Ang mga mamamayang nakatira malapit sa baybaying dagat ay pinag-
iingat sa posibleng pagtama ng tsunami
_______2. Kaagad na pinalilikas ang mga residenteng nakatira sa mga
kabahayang gawa sa light materials sapagkat ang bagyong tatama ay posibleng
umabot sa Typhoon Signal #5.
______3. Ang mga taga Navotas ay napatakbo sa labas ng kani-kanilang bahay
para takasan ang biglang pag-alingasaw ng kemikal na ammonia sa sa isang
planta ng yelo nangyari ito noong buwan ng Pebrero,2021.
______4. Ang Department of Environment and Natural Resources-Mines and
Geosciences Bureau ay patuloy na nagkakaroon ng National Geohazard
Assessment and Mapping Program.
_______5. Ayon sa Pag-asa updates,ang LPA na Emong ang nagdala ng
malalakas na ulan sa buong bansa dahil dito pinag-iingat ang mga tao sa
baha ,landslide at pag-apaw ng ilog.
________6. Ang volcanic ash dala ng pagsabog ng Bulkang Taal ay nagdulot ng
malaking suliranin sa komunidad malapit o malayo sa Taal, naapektuhan nag
mga tahanan,hayop, at kalidad ng hangin.
________7. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nakikiisa at tumutulong sa
paghahanda kapag may mga kalamidad, ang Earthquake Drill at Fire Drill ay
kabilang sa mga gawain na kanilang isinasagawa.
________8. Ang Hazard Mapping ay isinasagawa upang matukoy ang mga lugar
na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento nito tulad ng gusali,
taniman, at kabahayan.
________9. Ipinasara ng Pamunuang ng Barangay Santa Cruz ang
establisimyento dahil sa pinapadaan sa mga ilog ang kemikal n akanilang
ginagamit sa pagawa ng semento.
________10. Nagpasubmit ng report ang Pamahalaan ng San Vicente sa mga
nasalantang bahay, tulay, daan gusali matapos tumama ang bagyong Yolanda.

GAWAIN 3: Lugar Mo, I-Mapa Mo!


Panuto: Gumawa ng hazard map ng inyong lugar. Batay dito, magmungkahi ng
mga panuntunan sa kahandaang pangkaligtasan.

HAZARD MAP: MGA MUNGKAHI:

IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS

5
Rubrik sa paggawa ng hazard map
Pamantayan Pahayag Puntos
Kawastuhan Wasto at makatotohanan ang 10
representasyon ng mapa sa lugar o
istrukturang inilalarawan
Orihinalidad Orihinal o sariling gawa at hindi kinopya sa 5
anumang maaring pagkukunan o source
Kabuuang 15
Puntos

VI. SANGGUNIAN

Aklat
Relova,Donna V,et al Batayang Aklat sa Kontemporaneong Isyu Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan (Draft Copy0 ,Disaster Management pahina 83-88, Vulnerability at Capacity
Assessment (VCA)108-112.

Learning Activity Sheet (LAS)


Development Team

Writer : Grace Sambajon Morta TII- Mauraro High School


Content Editors : Imelda C. Capa MT-2, Tiwi Agro Industrial High School
Nilo L. Mayor MT-1, Anislag NHS
Vivian N. Pangan MT-1, Malabog NHS
Language Editors : Nick P. Azaña P-1, Villahermosa NHS
Alejo San M. Rontas P-1, Jovellar National High School
Lay- out Artists : Lymuel C. Sanchez T-III, Tiwi Agro Industrial School
Richard A. Ilarde T-II, Bariw National HS
Arnie N. Ogates T-I, Malabog NHS

Education Program Supervisor: Myrna Lynne G. Bueno SDO Albay

Qtr.1. LAS 4, Grade 10

You might also like