You are on page 1of 9

ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan: __________________________________________________________
Pangkat. __ Guro : ________________________________________________

ARALIN 5: SALIK NG PRODUKSYON

Most Essential Learning Competencies:


1.Naibibigay ang kahulgan ng produksyon (AP9MKE-Ii19)
2.Napahahalagahan ang mga salik ng produksyon at implikasyon nito sa
pang araw-araw na pamumuhay (AP9MKE-Ii-19)

Sa araling ito, uunawain mo ang mga pamamaraan ng produksyon at


kung papaano ito nakakapekto sa pang araw -araw ng pamumuhay ng isang
tao sa kanyang pamayanan at lipunan. Sa pang-unawa mo, ikaw ay
inaasahang masasagot ang mga naihandang katanungan sa paglinang ng ating
aralin at malalaman mo ang mahahalagang gampanin ng mga salik ng
produksyon at ang implikasyon nito sa ating pang araw - araw na pamumuhay.

Batid kong ninanais mo nang magsimula sa paggawa ng mga inaasahang


gawain sa pamamagitan ng pagbabasa pero bago mo isagawa ito, ikaw ay
aking inaanyayahang sagutin muna ang unang gawain.

Inaasahan ko ang inyong kagalakan sa pagsagot sa mga Gawain sa


modyul na ito.

Panuto. Isulat ang tamang sagot sa guhit bago ang bilang.


______1. Ito ay salik ng produksyon sa anyong kalakal na nakakalikha ng isa
pang produkto.
a. Entrepreneurship b. Kapital c.Lupa d. Paggawa
______2. Isang salik ng produksyon na tumutukoy sa kakayahan at
kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.
a. Entrepreneurship b. Kapital c. Lupa d. Paggawa

1
AP9-Qrt1-WeeK5

May-akda: Jaime A. Ayuro


ARALING PANLIPUNAN 9

______3. Sino sa mga sumusunod ang nagsabi sa kanyang aklat na hndi


lamang paggawa, lupa nakabatay ang pagsulong ng ekonomiya bagkus kasama
ang kapital.
a. Adam Smith b. Edward F. Denison
c. Francois Quesnay d. Karl Marx
_______4. Siya ang tinutukoy na kapitan ng isang negosyo
a. Entrepreneur b. Broker c. konsyumer d. Middlemen
_______5. Isang uri ng paggawa na gumagamit ng kasanayang pisikal.
a. Blue Collar job b. Undermployed
c. White Collar job d. Unemployed

Panuto. Kilalanin ang mga sumusunod na salita, isulat ang titik L kung ito
ay bahagi ng salik ng lupa, K kung ito ay bahagi ng Kapital, P para sa
paggawa at E sa Entrepreneurship.
_______1. Skilled na manggagawa _______4. Salapi
_______2. Imprastraktura _______5. Sakahan
_______3. Blue Collar job
Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-
aral sa nakaraang aralin.

Panuto.Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang letra ng


tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

_______1. Sistemang pang-ekonomiya na ang pagdedesisyon ay nasa


pamahalaan at pribadong sektor
a. Command Economy b. Market Economy
c. Mixed Economy d. Tradisyunal na Ekonomiya
_______ 2. Sistemang pang - ekonomiya na pinapatupad ang malayang
pagtatakda ng presyo
a. Command Economy b. Market Econom
c. Mixed Economy d. Tradisyunal na Ekonomiya

2
AP9-Qrt1-WeeK5

May-akda: Jaime A. Ayuro


ARALING PANLIPUNAN 9

________3. Sistemang pang-ekonomiya na kung saan ang mga gawain ay


nakabatay sa kultura.
a. Command Economy b. Market Economy
c. Mixed Economy d. Tradisyunal na Ekonomiya
________4. Sistemang pang - ekonomiya na kung saan nasa kamay ng isang
mahigpit na tagapangasiwa ang paglikha ng mga produkto.
a. Command Economy b. Market Economy
c. Mixed Economy d. Tradisyunal na Ekonomiya
________5. Sistemang pang ekonomiya na kung ang mga Gawain pang
ekonomiya ay apektado dahil sa mga paniniwala na nakaugat pa sa mga
ninuno.
a. Command Economy b. Market Economy
c. Mixed Economy d. Tradisyunal na Ekonomiya

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang mga salik na nakakaapekto sa


produksyon ng isang kalakal, gayundin ang implikasyon nito sa ating
pamumuhay.
Ngayon simulan na natin ang paghihimay-himay ng paksa.

A. Salik ng Produksyon

Suriin ang mga larawan

3
AP9-Qrt1-WeeK5

May-akda: Jaime A. Ayuro


ARALING PANLIPUNAN 9

1.Paggawa
Ito ay tumutukoy sa paglikha ng produkto at serbisyo na
tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. Klasipikasyon ng
paggawa at depinisyon nito:
a. Paggawang pisikal na gumamait ng lakas o enerhiya ng
katawan na tinaguriang Blue Collar job. Ito ay nahahati sa tatlong uri:
ang May Kasanayan, may Kaunting Kasanayan at Walang Kasanayan.
b. Paggawang Mental na mas mataas ang antas na paggamit
kaisipan kaysa sa lakas ng katawan, ito ay mas kilala sa taguri na White
Collar job.
2. Lupa
Ito ay mga bagay na nanggagaling sa kapaligiran na ginagamit sa
paggawa ng produkto. Hindi lamang tungkol sa tinatanim ng mga magsasaka o
pinagtatayuan ng bahay kalakal kundi lahat ng yamang likas sa ibabaw at
ilalim nito. Kasama nito ay yamang tubig, yamang mineral, at yamang gubat.
3.Kapital
Ito ay tinatawag din na puhunan. Ito ay ginagamit upang makalikha ng
mga produkto at makapaglikha ng panibagong produkto. Ang kahalagahan ng
puhunan ay tinalakay ni Edward F Denison, at ayon sa kanya ay sa pagsulong
ng ekonomiya ay hindi lang lupa at paggawa ang susi sa pagsulong ng ating
ekonomiya bagkus kasama dito ang mahalagang papel ng puhunan.
4.Entrepreneurship
Ito ay salik ng produksyon na tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na
magdesisyon na magsimula ng isang negosyo. Ang Entreprenyur ay tagapag-
ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at
serbisyo. Bukod sa tagapag-ugnay, sila rin ay nag-oorganisa, nagkokontrol, at
nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na maaaring makaapekto
sa produksyon.

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may


bahaging hindi lubos na naunawaan ay huwag mag-atubiling magtanong sa
iyong guro gamit ang iyong messenger o email account. Gayunpaman, kung

4
AP9-Qrt1-WeeK5

May-akda: Jaime A. Ayuro


ARALING PANLIPUNAN 9

wala ka ng katanungan ay maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa


kasunod na bahagi.

Implikasyon ng Salik ng Produksyon sa Pamumuhay ng Tao

 Nang dahil sa Lupa ay nakapagtanim ang mga tao ng ibat ibang


punong kahoy o mga halaman na siyang tumugon sa mga
pangangailangan ng bawat isa upang mabuhay. Nagsisilbi din itong
tayuan ng mga negosyo ng bawat entrepreneur.
 Kasunod, ang Paggawa ay nabubuo ang mga kalakal at serbisyo na
siyang hinahangad ng bawat isa.
 Gayundin, ang Kapital ay napagpatuloy ng pag proseso ng mga
gawain dahil ginamit itong puhunan at salaping pangtustos sa
nasimulang negosyo.
 Panghuli, dahil sa Entrepreneurship ay naitayo at nalikha ang ibat
ibang gawaing pang negosyo. At sa tulong ng mga Entrepreneur ay
naiugnay ang mga salik na ito at naisaayos ang mga ugnayan na
namamagitan sa apat na salik ng produkson.

Gawain 1: Suring Larawan

A. Paano nakakatulong ang mga sumusunod na mga manggagawa sa


panahon ng pandemiya? Bilang mabuting mamamayan paano mo
mapapakita ang pagpapahalaga sa mga sakripisyong ibinigay nila
para sa kaligtasan ng mga mamamayan?

5
AP9-Qrt1-WeeK5

May-akda: Jaime A. Ayuro


ARALING PANLIPUNAN 9

a. Ano ang ipinapakita ng ikalawang larawan ito? Ang sektor ng


agrikultura ay binubuo ng higit sa kalahati ng hukbong paggawa ng
bansa. Sa kasalukuyang panahon, maraming mangagawa ang
nawalan ng hanapbuhay. Gumawa ng mga panukala na
makakatulong upang matulungan ang mga miyembro sektor ng
agrikultura. Maaaring gumawa ng Flow Chart bilang representasyon
ng iyong hakbang.

Ipaliwanag ang iyong sagot:


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
C. Ano ang ipinapakita ng ikatlong larawan? Paano makatutulong ang
mga salik ng produksyon upang maipagpatuloy ang daloy ng salapi sa
ating ekonomiya? Magsaliksik ng mga programang isinasagawa ng
pamahalaan upang maipagpatuloy ang mga negosyo o pamumuhunan
sa gitna ng pandemiya? Naging epektibo ba ang mga ito? Pangatwiranan
ang iong sagot.

Ipaliwanag ang iyong sagot:


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________.

6
AP9-Qrt1-WeeK5

May-akda: Jaime A. Ayuro


ARALING PANLIPUNAN 9

D. Ano ang ibig ipakahulugan ika-apat na larawan? Sa kasalukuyang,


anong istratehiya ang maaring gamitin ng mga Entreprenenyur upang
maipagpatuloy ang produksyon at pagkonsumo sa gitna ng
pandemiya? Ipaliwanag ang iyong sagot.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________

Gawain 2. Sa kasalukuyang, marami ang naging negatibong epekto ng COVID


’19 sa ang mga salik ng Produksyon. Ipaliwanag ang naging implikasyon nito
sa salik ng produksyon at sa pang –araw –araw na pamumuhay ng mga taong
nakapaloob dito at anong programa ng pamahalaan ang tumutulong sa bawat
salik. Ikaw bilang kabahagi ng lipunan paano mo tutulungan ang iyong mga
magulang upang mabawasan ang kanilang pasanin dulot ng Pandemiya.
Punan ang tabulasyon.

Salik ng Negatibong Epekto sa Programa ng Sariling


Produksyon epekto/ aking pang- pamahalaan kaparaanan
Implikasyon araw-araw na o ambag na
na tuutulong pagtulong.
pamumuhay
1. Lupa

2. Paggawa

3. Kapital

4. Entreprenyu
r

7
AP9-Qrt1-WeeK5

May-akda: Jaime A. Ayuro


ARALING PANLIPUNAN 9

Ang pagsulong ng ating bansa ay ating maiuugnay sa maaayos na


pulisiya na binuo at itinakda ng ating pambansang pamahalaan na siyang
ipinatutupad sa ibat ibang lebel hanggang sa ito ay makaabot sa mga
nakararaming mamamayan. Ang maayos na pulisiyang tinakda ng kongreso na
pinagtibay ng ehekutibo ang masisilbing gabay upang maisaayos ang mga
programa na makatutulong sa pag-papabuti ng mga salik ng produksyon
kagaya ng pulisiya sa paggamit ng ating mga lupain, pulisiya sa
pagpapaptupad ng mga programa sa paggawa, pulisiya sa pagtatayo ng mga
negosyo para sa maayos at pulisiya ukol sa pagkalap ng puhunan at kapital

Panuto: Buuin ang pangunahing ideya ng talata.


Sa kasalukuyang, nararanasan nating pandemiya, nais kong kumuha ng
kursong_____________na batay sa aking natutuhan ay makakatulong sa
pamamgitan ng___________________. Simula ngayon sisikapin
kong__________upang makapag –ambag sa pag-unlad ng bawat salik ng
produksyon.

Panuto : Isulat ang tamang titik ng tamang sagot.Isulat ito sa sagutang papel..
1. Ang siyang tagapag-ugnay ng mga salik ng produksyon.
a. Entreprenyur b. Puhunan c.Paggawa d.Kapital
2. Ang bahagi ng pamahalaan na may kakayahang gumawa ng polisiya sa
pagsasaayos ng salik ng produksyon
a. Ehekutibo b. Lehislatura/Kongreso
c. Hudikatura d. Ombudsman
3. Ang salik ng produksyo na nakatuon sa pagtatayo ng negosyo upang
matugunan ang panganagailangan ng bawat tao.
a. Entreprenyur b. Puhunan c. Paggawa d. Kapital
________4. Ang mahalagang salik ng produksyon na naktuon sa mga lugar na
kinatitirikan ng isang negosyo.
8
AP9-Qrt1-WeeK5

May-akda: Jaime A. Ayuro


ARALING PANLIPUNAN 9

a. Entreprenyur b. Puhunan c. Paggawa d. Kapital

________5. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng lupa bilang salik ng


produksyon.
a. Ito ay magsislbing proteksyon sa mga kalakal
b. Ito ay pook tirahan ng mga tao
c. Ito ay pook tagpuan ng mga entrepreynur
d.Ito ay pook na kinatitirikang ng mga negosyong naitayo

A. Batay sa mga napag-aralan, ano- ano ang iyong mga mungkahi o


suhestyon sa pagpapabuti ng kalagayan ng salik ng produksyon ngayon
tayo ay nakararanas ng kahirapan dahil sa epekto ng COVID-19. Maari
kang gumawa ng Infographic at i-post iyong FB.

1.LUPA
2.PAGGAWA
3.KAPITAL
4.ENTREPRENYURS

B. Paano nakaapekto sa aspeto ng buhay mo ang nararanasan natin


ngayon sa panahon ng pandemiya dulot ng COVID’19 batay sa mga
sumusunod:
1. Pag-uugali
2. Paraan ng komunikasyon
3. Pagdedesisyon/pag-iisip
4. Pagkakaruon ng responsibilidad bilang mamamayan
5. Prioridad sa buhay at pakikitungo sa iyong pamilya at kasambahay.

9
AP9-Qrt1-WeeK5

May-akda: Jaime A. Ayuro

You might also like