You are on page 1of 9

Pangalan: _______________________________ Seksiyon____________

ALOKASYON: Mga Sistemang Pang-ekonomiya

AP
APKasanayang Pampagkatuto
mula sa MELCs

Kasanayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
Mga Tiyak na layunin:
1. Nabigyang kahulugan ang Alokasyon,
2. Naisa-isa ang apat na pangunahing sistemang pang ekonomiya na umiiral sa
daigdig;
3. Nasuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t-ibat sistemang pang ekonomiya bilang
sagot sa kakapusan; at
4. Naiugnay ang ilang mahahalagang katangian ng 4 na sistemang pang-ekonomiya sa
umiiral na kaayusang pang-ekonomiya ng ilang bansa.

Overview/
Pangkalahatang Ideya

Good vibes ang hatid ng viral


post sa fb ng isang netizen kung
saan nilockdown ng Nanay ang
kanilang kusina sa kasagsagan ng
umiiral na quarantine noong Abril
bunsod pa rin ng Covid-19 pandemic.
Nilagyan niya ito ng karatula bilang
pakiusap sa mga anak na “utang na loob
tigilan niyo muna ang ref”. Bagama’t
natitiyak natin na hindi naman seryoso si
Nanay sa pag-lockdown sa kusina,
ipinapahiwatig nito ang sakit sa ulo ng mga
magulang lalo sa pagbubudget ng gastusin
sa loob ng tahanan. Ikaw ba namang
malockdown sa bahay ng halos tatlong
buwan, ano pa nga ba ang gagawin mo
siyempre, manuod ng tv, mag-internet,
matulog at kumain! Pinagkunan: https://tinyurl.comyd7cnxct

Hindi man pinapahalata sainyo, pero pinaka-challenging sa lahat ng gampanin ng


magulang ang pagbu-budget upang tugunan ang inyong pang araw-araw na pangangailangan
RO_AP_Grade9_Q1_LP3
1
at kagustuhan. Pero hindi ka ba nagtataka? Gaano man kaliit ang kita ng iyong magulang,
lagi kayong may pagkain sa hapag kainan. Minsan nga, nagagawa pang ibigay sainyo ang
ilang luho tulad ng cellphone, milk tea, video cam at iba pa. Patunay lamang ito na isa sa
pinakamahuhusay na ekonomista ay ang ating mga magulang.
Sa learner’s packet na ito, ating susuriin ang iba-t-ibang sistemang pang-ekonomiya na
sinusunod ng maraming bansa sa mundo upang masiguro ang maayos na pagbabahagi ng
limitadong pinagkukunang yaman sa kabila ng suliraning kinakaharap dulot ng kakapusan.

Mga Gawain

Bago tayo magpatuloy, atin munang balikan ang mahahalagang konseptong tinalakay sa
nakaraang learners’ packet sa pamamagitan ng gawain bilang 1.

Gawain 1. Pagbabalik-aral

Tukuyin kung anong salik sa paggawa ng matalinong desiyon ang isinaalang-alang sa


mga sumusunod na sitwasyon.

TANDAAN!
Trade off – Pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng iba
Opportunity cost – Halaga na maaaring mawala
Marginal thinking – Dagdag na pakinabang na maaring makuha
Incentive – Premyo o pabuya mula sa gagawing desisyon

1. Nagdadalawang isip si 3. Bukod sa mura at matibay,


Jorge kung ano ang bibilhin eco-friendly pa ang bag na
sa perang naipon sa alkansiya: nabili ni Malou.
cellphone ba o sapatos. Sagot: _______________
Sagot:_____________
??

2. Dahil sa Sale at 4. Kahit tinatamad,


naglalakihang papremyo pinilit pa ring pumasok sa
sa raffle, pinili ni Allan na trabaho ni Alvin upang di-
magshopping sa isang makaltasan sa suweldo.
Mall. Sagot: ___________ Sagot: _______________

Mahusay! Tiyak kong handa ka na sa susunod nating aralin.


Alam mo ba kung magkano ang kabuuang budget ng Pilipinas noong nakaraang
taon? Tumataginting lang naman na 4.1 Trilyong Piso. Ito na ang pinakamalaking
budget ng bansa sa buong kasaysayan(Staff 2020). Napakalaking

RO_AP_Grade9_Q1_LP3
2
pera man, maliit pa rin itong maituturing kung ihahambing sa mahigit 100
milyong populasyon ng ating bansa. Kailangang matiyak ng pamahalaan na
sasapat ito sa pangangailangan ng kanyang mamamayan.
Paano nga ba ito ginagastos ng ating pamahalaan? Suriin ang chart sa ibaba tungkol sa
pangunahing pinaglalaanan ng pondo ng kasalukuyang administrasyon

TOP 6 PRIORITIES OF DUTERTE ADMINISTRATION


WITH BIGGEST CHUNK IN THE 2020 NATIONAL BUDGET

Gawain 2. Prayoridad ka
ba niya?

Pamprosesong tanong:
1. Batay sa talahanayan sa itaas, isaayos ang 6 na prayoridad ng ating pamahalaan
mula sa may pinakamalaki hanggang sa may pinakamaliit na pondo.
1st: ________________ 2nd: _________________ 3rd: ________________
4th: ________________ 5th: _________________ 6th: ________________
2. Anong ahensiya ng pamahalaan ang may pinakamalaking pondo?________________
3. Alin sa 6 na serbisyong panlipunan ang higit na kailangang bigyang prioridad ngayong
pandemya? Pangatwiranan. _____________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Saiyong palagay, maituturing bang matalinong desisyon sa panig ng pamahalaan ang
paglalaan ng pinakamalaking pondo sa imprastraktura? Pangatwiranan
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

RO_AP_Grade9_Q1_LP3
3
Ang pagbubudget ng Ang Alokasyon ay ________________
ating pamahalaan ay
halimbawa ng
Alokasyon.

Saiyong sariling
pagkakaunawa, ano ang
ibig sabihin ng
Alokasyon?

Ang Alokasyon ay ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman,


produkto at serbisyo. Pangunahing layunin nito na maibahagi ang limitadong
yaman sa mga pangunahing pangangailangan kaya’t kailangan ng masusing
pag-aaral kung paano ito gagamitin. Upang magawa ito ng maayos, gumagamit
ang mga bansa ng isang sistema na sisiguro sa efficient o masinop na
paggamit ng kanilang limitadong yaman. Tinatawag itong sistemang pang-ekonomiya. Sa
kasalukuyan, may apat na sistemang pang-ekonomiya na sinusunod ng nakararaming bansa
sa mundo. Ito ay ang Traditional economy, Command Economy, Market Economy at
Mixed Economy. Ang apat na sistemang ito ang sasagot sa 4 na pangunahing pang-
ekonomikong katanungan: Ano ang gagawin sa limitadong resources? Paano ito
gagawin? Para kanino at gaano karami? Suriin ang chart sa ibaba.

ALOKASYON

Sistemang
Pang-ekonomiya

Traditional Command Market Mixed


Economy Economy Economy Economy

Ano ang gagawin?


Paano gagawin?
Para kanino?
Gaano karami?

Tradisyonal na Ekonomiya
• Simple at makaluma ang paraan ng pamumuhay
• Ang gawaing pang-ekonomiya ay nakabatay sa pagsasaka,
pangingisda at pangangaso
• Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-
ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala
• Ang anumang produktong malilikha ng isang indibidwal ay
ipinamamahagi sa buong komunidad.
• Makikita sa ilang komunidad sa Africa tulad ng Chad at
https;//tinyurl.com/4kny4e3j Rwanda.
RO_AP_Grade9_Q1_LP3
4
Market Economy
• Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-
ekonomiko ay nakasalalay sa malayang pamilihan
• Ang mga salik ng produksiyon tulad ng lupa at kapital ay
pagmamay-ari ng pribadong indibidwal
• Presyo ang pangunahing salik na gumagabay sa pamilihan
• Ang mga kalahok sa pamilihan ay kumikilos ayon sa
pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang
• Malayang kumpetisyon sa pagitan ng mga pribadong negosyo
https;//tinyurl.com/yjp79w4v

Command Economy
• Ang pagpapasya sa mga gawaing pang-ekonomiya ay
sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang
• Hindi pinahihintulot ang pribadong pagmamay-ari
• lahat ng negosyo o salik ng produksiyon ay pagmamay-ari ng
pamahalaan.
• Ang alokasyon ng resources ay pinangangasiwaan ng
sentralisadong ahensiya.
• Sistemang sinusunod ng Cuba at North Korea
https;//tinyurl.com/r7kfmj24
Mixed Economy
• Kinapapalooban ng elemento ng market economy at
command economy
• May pribadong pagmamay-ari o negosyo subali’t ito ay dapat
naaayon sa panuntunan o batas na itinakda ng pamahalaan.
• Ang pagpapasya sa mga usaping pang-ekonomiya ay
magkatuwang na binabalikat ng pribadong indibidwal at
pamahalaan
• Panghihimasok ng pamahalaan sa ekonomiya sa
pamamagitan ng buwis at batas
https;//tinyurl.com2uyp3eh4
• Sistemang sinusunod ng nakararaming bansa sa mundo

Kung merong internet connection, maaaring panoorin ang isang video tutorial sa link sa
ibaba bilang pagpapalalim ng iyong kaalaman sa paksa: https://tinyurl.com/jcfwhv6j

Gawain 3. Pagtataya

I. Gamit ang iyong bolpen, i-shade ang katumbas na bilog ng sistemang pang-ekonomiya na
tinutukoy ng bawat katangian.
Traditional Market Command MIxed

1. Ang mga negosyo ay pagmamay-ari ng mga


pribadong indibidwal
2. Pamahalaan ang nagmamay-ari ng lahat ng salik
ng produksiyon
3. Ang mga gawaing pang-ekonomiya ay nakabatay
sa mga tradisyon at lumang paniniwala
RO_AP_Grade9_Q1_LP3
5
Traditional Market Command MIxed
4. Estado ang nagdidikta ng mga patakaran sa
ekonomiya
5. Malayang kumpetisyon sa pagitan ng mga
pribadong negosyo
6. Walang kalayaang pang-indibidwal
7. Walang pribadong pag-aari at walang pribadong
negosyo
8. Sentral na alokasyon ng mga resources
9. Sama-samang kumikilos ang komunidad upang
tugunan ang pangangailangan ng bawat isa.
10. May mababang antas ng modernisasyon at
kalidad ng buhay
11. Nanghihimasok ang pamahalaan sa ilang aspekto
ng ekonomiya tulad ng buwis at mga batas
12. Sistemang sinusunod ng nakararaming bansa
sa kasalukuyan

II. Kumpletuhin ang pangungusap sa ibaba tungkol sa sistemang pang-ekonomiyang


sinusunod ng Pilipinas. Bigyang patunay ang iyong sagot

Ang sinusunod na sistemang pang-ekonomiya ng


Pilipinas ay ____________________________________
Patunay nito ang _______________________________

Ito ba ang pinaka-mainam na sistemang pang-ekonomiya? Bakit? ______________

Rubrik sa
Pagpupuntos

Mungkahing rubrik sa pagpupuntos para sa Gawain 2 at Gawain 3 part II.

1 2 3 4 5
Blangko o walang Ang ibinigay na Hindi tumpak ang Tumpak ang Tumpak at
ibinigay na sagot sagot ay walang sagot subali’t sagot bagama’t maayos ang
kaugnayan sa maayos na hindi maayos ang pagkakalahad ng
hinihingi ng naipaliwanag ang pagkakalahad at sagot at
aytem o tanong sinasaloob ukol pagpapaliwanag nagpapahiwatig
sa paksa ukol ditto ng malalim na
pagkaunawa sa
paksa
RO_AP_Grade9_Q1_LP3
6
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1. Pagbabalik-aral
1. Nagdadalawang isip si Jorge kung ano ang bibilhin sa naipong pera sa alkansiya, cellphone ba
o sapatos. Trade-off
2. Dahil sa sale at naglalakihang papremyo sa raffle, pinili ni Allan na magshopping sa isang mall
Incentive.
3. Bukod sa mura at matibay, eco-friendly pa ang bag na nabili ni Malou. Marginal Thinking
4. Kahit tinatamad, pinilit pa ring pumasok sa trabaho ni Alvin upang hindi makaltasan sa sweldo
Opportunity Cost

Gawain 2. Prayoridad ka ba niya?


1. 1st: Insfrastracture 2nd: Education 3rd: Defense
4th: Social Welfare 5th: Agriculture 6th: Industry and Labor
2. Department of Education (Deped)
3. Ang sagot ay nakadepende sa sariling pagtataya ng mag-aaral. Anumang serbisyo ang
kanyang mapili, ito’y tama subali’t ang puntos ay nakabatay sa kung paano niya ito binigyang
katwiran.
4. Ang sagot ay ayon sa sariling pagtataya ng mag-aaral. Maaaring ipunto ang ideya na ang
imprastraktura tulad ng mga kalsada o highway ay maituturing na langis na nagpapabilis at
nagpapaganda sa takbo ng isang ekonomiya. Kapag maayos ang takbo ng ekonomiya,
magkakaroon ng sapat na resources ang pamahalaan upang tugunan ang pangangailangan
ng kanyang mamamayan tulad ng edukasyon, pagkain, pabahay at iba pa.
Gawain 3. Pagatataya
1. Market Economy 7. Command Economy
2. Command Economy 8. Command Economy
3. Traditional Economy 9. Traditional Economy
4. Command Economy 10. Traditional Economy
5. Market Economy 11. Mixed Economy
6. Command Economy 12. Mixed Economy
II. Ang sistemang sinusunod ng Pilipinas ay mixed economy dahil bagama’t malaya ang bawat isa
na magkaroon ng pribadong pagmamay-ari o negosyo, nagtatakda ang pamahalaan ng mga
panuntunan at batas bilang regulasyon sa kalayaang ito.

SANGGUNIAN:
Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward DJ. Garcia, Apollo D. De Guzman, Juanito L.
Lumibao Jr., Alex P. Mateo, Irene J. Mondejar. 2015. Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul
para sa Mag-aaral. Pasig: Vibal Group Inc.

2020. Cram School with Sir Paul. September 16. Accessed August 10, 2021.
https://m.youtube.com/watch?v=yixnNv2cj84.

2020. IBON. September 11. Accessed August 7, 2021. https://www.ibon.org/tag/Philippine-national-


budget/.

Inihanda ni:
JUNROY Z. VOLANTE
MT I, Camarines Sur National High School

Validator: JARME D. TAUMATORGO


Education Program Supervisor-SDO Naga City
RO_AP_Grade9_Q1_LP3
7
NOTE: ito lang ang ipapasa sa itinakdang araw ng pasahan)

ANSWER
SHEET

ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahan – Learner’s Packet 3
ALOKASYON: Mga Sistemang Pang-ekonomiya

Pangalan: _______________________________ Seksiyon____________


Iskor

GAWAIN 1. Pagbabalik-aral
1. Nagdadalawang isip si 3. Bukod sa mura at matibay,
Jorge kung ano ang bibilhin eco-friendly pa ang bag na
sa perang naipon sa alkansiya: nabili ni Malou.
cellphone ba o sapatos. Sagot: _______________
Sagot:_____________
4. Kahit tinatamad, pinilit pa
2. Dahil sa Sale at naglalakiha- ring pumasok sa trabaho ni
ng papremyo sa raffle, pinili ni Alvin upang di makaltasan sa
Allan na magshopping sa isang suweldo.
Mall. Sagot: ___________ Sagot: _______________

GAWAIN 2. Prayoridad ka ba niya?


1. 1st:_______________ 2nd: ______________ 3rd: _______________
th
4 : ______________ 5th: ______________ 6th: _______________
2. Anong ahensiya ng pamahalaan ang may pinakamalaking
pondo?____________________________
3. Alin sa 6 na serbisyong panlipunan ang saiyong palagay, higit na kailangang
bigyan ng prayoridad ngayong panahon ng pandemya? Pangatwiranan.
__
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Saiyong palagay, maituturing bang matalinong desisyon sa panig ng pamahalaan
ang paglalaan ng pinakamalaking pondo sa imprastraktura? Pangatwiranan
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

___________________________________________________________________
__
5.
________________________________________________________________
_____
6.

___________________________________________________________________
__
RO_AP_Grade9_Q1_LP3
7.
8
________________________________________________________________
_____
8. 4. Saiyong palagay, maituturing bang matalinong desisyon sa panig ng
pamahalaan ang
9. paglalaan ng pinakamalaking pondo sa imprastraktura? Pangatwiranan
GAWAIN 3. Pagtataya
II. Ang sinusunod na sistemang
pang-ekonomiya ng Pilipinas
ay_______________________

Patunay nito ang ___________

1. 7.
2. 8.
3. 9.
4. 10.
5. 11 Ito ba ang pinaka-mainam na
6. 12 sistema, Bakit? _______________

RO_AP_Grade9_Q1_LP3
9

You might also like