You are on page 1of 2

kaugnayan ng Ekonomiks at ibang asignatura

Ekonomiks at Agham paampolitika:


Ang pag-aaral ng mga balangkas o estruktura ng pamahalaan, mha tungkulin, responsibilidad, at mga batas na
itinakda ng pamahalaan aya mahalaga sapagkat ang lahat ng ito ay may epekto at impluwensiya sa ating
pamumuhay at kabuhayan ng bansa. Ang mga panukalang batas at desisyon ng mga tao sa pamahalaan tulad ng
pangulo ng bansa, senadoe, mga kongresista, at mga lokal na opisyal ay makaaapekto sa pamumuhay ng tao at
ekonomiya.

Ekonomiks at Kasaysayan:
Ang kasaysayan ay ang mga nagawang pagpupunyagi na ginawa ng mga tao sa iba't ibang panahon. Ang
ekonomiks at kasaysayan ay magkaugnay apagkat ang gagawin desisyon ngayon sa pamumuhay ay ibabatay sa
nangyayari sa nakaraan. Kaya masasabi na ang kasaysayan ay bahagi ng anumang pangyayari sa ekonomiya.

Ekonomiks at Sosyolohiya:
Ang sosyolohiya ay pag-aaral ng pinagmulan at estruktura ng ating lipunan. Ang mga kilos ng tao bunga ng
mga batas, gawi, paniniwala at kultura na umiiral sa lipunan ay nakaaapekto sa uri bg hanapbuhay at gawain ng
tao.

Ekonomiks at Etika:
Ang etika (ethics) ay may kinalaman sa moralidad o paggawa ng tama o mali sa buhay. Ang kaalaman sa mga
tama at maling ginawa ng tao, disiplina, at wastong moralidad ng tao ay mahalagang elemento na kailangan
taglayin ng bawat mamamayan upang maging kabalikat ng pamahalaan sa pagsasagawa nga mga wastong
hakbang upang mapaunlad ang ekonomiya.

Ekonomiks at Heograpiya:
Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng bansa, ang klima, pinagkukunan
yaman, at iba pang aspektong pisikal ng mga tao. Ang heograpiya at ekonomiks ay magkaugnay sapagkat
anumang pangyayari ang maganap sa kapaligiran ay nakaaapekto sa pamumuhay ng tao.

Ekonomiks at Natural Sciences:


Ang pag-unawa sa mga kaganapan sa ating kapaligiran ay sakop ng iba't ibang sangay ng pag-aaral ng natural
sciences. Ang mga nagaganap na pagbabago sa ating kapaligiran maging sa kalikasan ay makaaapekto sa
kabuhayan ng mamamayan at ng bansa na pinagtutuunan ng ekonomiks.
1
kaugnayan ng Ekonomiks at ibang asignatura
Ekonomiks at Biyolohiya:
Ang biyolohiya ay pag aaral ng mga bagay na may buhay tulad ng tao, halaman, hayop at iba pa. Ito ay may
kaugnayan sa ekonomiks dahil ang tao, hayop at halaman ay kailangan sa ekonomiya. Inaalam sa biyolohiya
kung magiging malusog ang tao, hayp at halaman upang maging kapakipakinabang sa lipunan at ekonomiya.

Ekonomiks at Kemistri:
Ang kemistri ay may kinalaman sa pag-aaral ng iba't ibang kemikal na na kailangan sa paglikha ng isang bagay.
Ang mga uri ng kemikal na gagamitin sa mga pananim bilang pataba at pamatay-peste ay bahagi ng gastusin sa
produksyon. Sa pagtatakda ng presyo ng mga produkto ay isinaalang-alang ang mga gastusin, kaya dito mkikita
ang ugnayan ng kemistri at ekonomiks.

Ekonomiks at Pisika:
Ang pisika ay ukol sa pag-aaral ng mga bagay at enerhiya. Ang anumang teknolohiya na ginagamit na
ginagamit upang paunlarin ang enerhiya ay binibigyan-pansin ng agham ng pisika. Ang ekonomiks ay may
kaugnayan sa pisika dahil lahat ng pagbabago at pagpapaunlad sa mga bagay at enerhiya ay nakapekto sa
paggawa at supply ng mga produkto na kailangan ng mga tao.

Ekonomiks at Matematika:
Saklaw ng pag-aaral ng matematika ang ukol sa numero, chart, graph, at pagbuo ng mathematical formula o
mathematical equations. Sa tulong ng graph, chart at equations ay madaling mauunawaan ang mga
ekonomikong kaganapan tulad ng pagtaas ng presyo, paglaki ng produksyon, tamang pagbabayad ng kita t iba
pa. Ang mga estadistika na may kinalaman sa ekonomiya ay naanalisa sa pamamagitan ng kaalaman sa
matematika.

You might also like