You are on page 1of 2

MODYUL 11- KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID AT WASTONG PAMAMAHALA SA

NAIMPOK

Kasipagan
- tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
- tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili,
mahabang pasensiya, katapatan, integridad, disiplina at kahusayan.

Palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan:


1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
- hindi nagmamadali sa kaniyang ginagawa, sinisiguro na maayos ang kalalabasan ng
kaniyang gawain, hindi nagpapabaya, ibinibigay niya ang kaniyang buong kakayahan,
lakas at panahon upang matapos niya ang trabaho.
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
- ibinibigay niya ang kanyang puso sa kaniyang ginagawa- naroon ang kaniyang
malasakit.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain.
- ginagawa ang gawain ng maayos. Hindi na kailangan pang utusan, may pagkukusa na
gawin ang gawain na hindi naghihintay ng anumang kapalit.
Katamaran
- kabaligtaran ng kasipagan
- ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang siya
ay magtagumpay

Pagpupunyagi
- pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang layunin o mithiin sa buhay.
- ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtiis, kasipagan at determinasyon
- pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo
- patuloy na pagsubok ng mga gawain hanggat hindi nakakamit ang mithiin

Thomas Edison
- Amerikanong imbentor, nakaimbento ng electric light bulb

Pagtitipid
- kakambal ng pagbibigay
- isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay ng masagana kundi gamitin ang
pagtitipid upang higit na makapagbigay sa iba.
- ito ay hindi paggasta ng pera nang walang saysay

Mga paraan na nagpapakita ng pagtitipid:


1. Magbao ng pagkain sa opisina o eskuwela.
2. Matutong maglakad lalo na kung malapit lang ang paroroonan.
3. Bumili sa palengke kaysa sa mall.
4. Gamitin ang load sa cellphone sa importanteng bagay lamang.
5. Orasan ang paggamit ng mga appliances o gadgets.
6. Gumamit ng baso sa pagsisipilyo.
7. Huwag bumili ng imported.
- Dapat maunawaaan na kailangan na maging mapagkumbaba at matutong makuntento sa
kung ano ang meron ka. Ito ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid.
Pag-iimpok
- ay paraan upang makapag save o makapag ipon ng salapi, na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon.

The Hierarchy of Needs- Teorya ni Abraham Maslow


- ang pera ay makatutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa
hinaharap.
- ang pera ay pinagpaguran upang kitain ito

Tatlong dahilan kung bakit kailangan mag-impok ng tao- Francisco Colayco


1. Proteksyon sa buhay
- kailangan ng tao ang emergency fund sa mga pagkakataon na hindi inaasahan sa buhay
tulad ng pagkakasakit, kalamidad, pagkawala ng trabaho o pagkabaldado.
2. Hangarin sa buhay
- para sa mga hangarin na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak,
magkaroon ng sariling bahay, magkaroon ng maayos na pamumuhay
3. Pagreretiro
- mag-ipon para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay kakayanin pa ang
magtrabaho.

Francisco Colayco
-kailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon at hindi opsiyonal

You might also like