You are on page 1of 15

MAG-SURVEY TAYO Magsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral sa Ikaapat na Taon tungkol sa

mga posibleng maiaambag ng isang mag-aaral upang makontrol/mapangasiwaan ang pagtaas ng


presyo ng mga bilihin. Gamit ang mga sitwasyon na nakalista sa ibaba, sasabihan ang mga mag-
aaral na pagsunod-sunurin ang mga ito ayon sa kanilang pananaw at paniniwala mula sa
pinakauna hanggang sa pinakahuli. Isulat ang bilang na 1 bilang una na susundan ng 2, 3
hanggang sa pinakahuling bilang.Gumawa ng ulat tungkol sa nakalap na impormasyon.
_____pag-iimpok sa natirang baon
_____pag-aayos ng lumang gamit upang muling magamit
_____pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa paaralan at sa tahanan
_____iwasan ang pag-aaksaya ng koryente sa tahanan maging sa paaralan
_____matutong magbadyet
_____pagnanais na makabili ng maramihang bilang ng produkto
_____pagsasaayos ng prayoridad sa paggastos
_____pagbili ng mga produktong gawang Pilipino
_____paglalaan ng tamang oras sa paggamit ng kompyuter at iba pang gadyet
_____pagnanasa na makapagtabi sa bahay ng maraming dayuhang salapi
_____maayos na paggamit sa mga pampublikong pasilidad

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naging pangkalahatang resulta ng nakalap na impormasyon?
2. Batay sa nakuhang impormasyon, masasabi mo bang bukas ang isipan ng mga mag-aaral na
makatulong sa paglutas ng suliranin ng implasyon? Pangatwiranan.
3. Paano tinanggap ng mga mag-aaral ang mga mungkahing paraan upang makatulong at
makapag-ambag sa paglutas ng suliranin ng implasyon?

You might also like