You are on page 1of 14

Reviewer

Ano ang Wika?


 language Latin lingua → dila
 kakayahan ng tao na mag-angkin at gumamit ng komplikadong sistemang
pangkomunikasyon
•Bilang isang pangkalahatang konsepto
-Ang wika ay kognitibong pakulti (kakayahang matuto) na nagbibigay kakayahan
•Bilang isang ispesipikong lingguwistik na konsepto
-Tiyak na sistemang lingguwistik na may tiyak na may tiyak na katawagan
> Kabilang sa wika ang pasulat na wika, sign language, at ang computer programming Iba
pang depinisyon ng wika:
•Webster (1947)- Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng tao sa pamamagitan ng pasulat
or pasalitang simbolo
• Hill (2000)- Pangunahin at pinakaelaborayt na anyo ng simbolikong gawaing pantao
• Gleason (2000)- Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isnasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura

B. Mga Unibersal at Pangunahing Konsepto ng Wika

 Masistemang Balangkas

•Nakabatay sa tunog, nagbubuo ng mga maliit na yunit ng salita, at nakabuo ng mga


pangungusap na siyang ginagamit pangdiskurso
•Ponema - makahulugang tunog, ponolohiya ang maka- agham na pag-aaral nito
• Morpema- yunit ng salita (panlapi, morpemang ponema. salitang ugat); morpolohiya -
pag-aaral ng morpema
• Sintaksis→ pag-aaral ng pangungusap
• Diskurso- nagkakaroon ng makahulugang palitan ng pangungusap.
 Sinasalitang Tunog

•Hindi lahat ng tunog ay wika; dahil hindi lahat ng tunog ay may kahulugan
•Ang wika ay nalilikha gamit ang aparato sa pagsasalita + baga (lakas) → artikulador
(tunog) → resonador (modify)
• Bawat ponema ay may kakayahang makapagbago ng kahulugan ng isang morpema
May dalawmpu't isang ponema:
• Katinig → mailarawan sa artkulasyon at pagpapalabas ng hangin
• Patinig → mailarawan sa posisyon ng dila
 Pinipili at Isinasaayos
• Dapat piliin ang wika nating ginagamit; dapat ba pormal?
Conscious→ pinipili at ginagamitan ng pag-iisip
Subconscious- hindi pinipili; padalos dalos lamang
 Arbitraryo
• Arbitrary random; hindi planado; bigla lamang
• Kung wala kang ugnayan ay hindi matututong magsalita sa wikang nabuo sa
arbitraryong paraan sa isang lugar
• Ang mga tao rin ay makakapagbigay ng arbitraryong bersyon ng isang wika, kaya
nagkakaiba talaga ang lahat
 Ginagamit
•Nawawalan ng saysay ang wikang hindi ginagamit
•Mamamatay at mawawala ang wikang hindi na ginagamit

 Nakabatay sa Kultura

• Dahil iba-iba ang mga kultura ng mga bansa, iba-iba rin ang mga salitang nagagawa o
ginagamit sa wika

• Hindi lahat ng salita ay may katumbas sa iba't ibang wika Halimbawa: snow, glacier,
iceberg? → "yelo" at "nyebe" lang

 Nagbabago

•Ang wika ay dinamiko; mamamatay ito kung "stagnant"


• Nadadagdagan ito ng bagong bokabularyo
•Mga salitang balbal, pangkabataan, at bagong siyensiya at teknolohiya

C. Ang Wika ng Komunikasyon

Kapansin-pansin sa naunang talakayan kaugnay sa pagpapakilala ng wika na ang pinakahalaga


nito sa mga tao ay bilang instrumento ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng wika naisasagawa
ang komunikasyon. Sa pamamagitan ng komunikasyon ay nagkakaroon ang mga tao ng ano

D. Katangian ng Komunikasyon

 Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko - ano mang komunikasyon ay


nainpluwensyahan ng oras, lugar, mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso, kung
kaya't ang komunikasyon ay nagbabago o dinamiko dahil impluwensya ng pagbabago ng
mga ito.
 Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadala o natanggap sa komunikasyon - pansinin muli
ang kahulugan ng komunikasyon. Ito ay proseso ng pagpapahatid at pagtanggap ng
mensahe, hindi kahulugan. Ang pagpapakahulugan ay depende na sa tumatanggap nito.

 Hindi maaaring umiwas sa komunikasyon - kahit pa hindi nagsalita. nakikipagtalastasan


sa ating kapwa. Anong uri ito ng komunikasyon? Intrapersonal diba? Lalo na kapag may
tao sa paligid. Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas, at anyo hindi
man sinasadya ay nakakapagpadala tayo ng mensahe sa iba.

E. Bumubuo sa komunikasyon

 Nagpadala ng (sender)

-Tao o pangkat na pinagmulan ng mensahe

 Mensahe o impormasyon
-Dalawang uri ng mensahe:

 Mensaheng pangnilalaman/panlinggwistika.
 Mensaheng relasyunal o mensaheng di
berbal.
 Daluyan o tsanel (channel)
-Kategorya ng daluyan
 Daluyang sensori- tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-
amoy, panlasa at pandama
 Daluyang institusyunal - mga kagamitang elektroniko tulad ng
telepono, e-mail, fax, mobile phone.

 Tagatanggap ng mensahe
-Nagbibigay-kahulugan o magde-decode sa mensaheng kanyang natanggap.

 Ang pagbibigay tugon o pidbak (FEEDBACK)


-Isang mahalagang paraan ng pagkontrol sa mga sagabal sa komunikasyon.
Tatlong uri:

 Tuwirang tugon
 Di-tuwirang tugon
 Naantalang tugon

 Potensyal na sagabal sa komunikasyon

-Ang mga dahilan kung minsan ng hindi pagkakaunawaan


ANIM NA URI:

 Semantikong sagabal-Hindi partikular ang mensahe na pinapahayag


ng sender
 Pisikal na sagabal- Pangkapaligirang sagabal
 Pisyolohikal- Maaring may kapansanan and sender o resiber na
maaring maging dahilan upang hindi sila magka intindihan.
 Saykolohikal-
 Sistematic na sagabal
 Atityudinal na sagabal

 Ang komunikasyon ng Tao


 Intrapersonal na komunikasyon - nakikipag-usap sa iyong sarili o
kaya'y nagdarasal
 Interpersonal na komunikasyon - Sa sandaling ibahagi mo ang iyong
nararamdaman, kaisipan o opinyon sa isang tao o maliit na pangkat
 Komunikasyong Pampubliko - Sa sandaling ikaw ay nakisangkot sa
mga malalaking usapan kung saan kinapapalooban ng malalaking
pangkat ng tao

F. Barayti at Rehistro ng Wika

 ang barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolingguwistik


 nang-uugat ito sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo
 may dalawang dimension → heograpiko at sosyal

 Dayalek
 dimensyong heograpiko
 tinatawag ding "diyalekto" o "wikain"
 ginagamit sa isang particular na rehiyon, lalawigan o pook may distinct na
bokabularyo; at may punto o tono at estruktura sa pangungusap

 Sosyolek
 dimensyong sosyal
 nakabatay sa pangkat panlipunan
 Hal. wika ng mga estudyante; wika ng mga matatanda; wika ng kababaihan; wika ng mga
preso; wika ng mga bakla

 Idyolek

 dimensyong sosyal
 dayalek ng bawat ispiker; iba't ibang paaran ng pagsasalita ng bawat tao
 Hal. Noli de Castro, Mike Enriquez, Kris Aquino

 Etnolek

 dimensyong sosyal
 ang pangkat etniko ay tumutukoy sa tao; hindi sa lugar
 tumutukoy ito sa mga salitang ginagamit ng mga pangkat- etniko; + hindi
nakabatay sa lugar ngunit sa taong gumagamit

 Ikolek

 dimensyong heograpiko
 tumutukoy sa mga salita o paraan ng pananalita na nagaganap sa loob ng bahay
 Iba pang Barayti ng Wika
Jargon-mga tanging bokabularyo ng isang pangkat ng gawain; HALIMBAWA: fiscal,

geometry, hydrogen
 Pidgin-"nobody's native language"; halo ng dalawang wika, may estruktura ng
isang wika, ngunit mga salita ng ibang wika
 HALIMBAWA: mga Intsik na nagsasalita ng Filipino → Ikaw bili eto tindi mura
 Creole-salitang una ay pidgin ngunit nadebelop at naging likas na lamang
(nativized); sinasalita na ng mas marami at luminaw ang mga patakaran nito
 HALIMBAWA: Chavacano, na noong una ay mula sa wikang Kastila

 Register

 Ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn

G. Antas ng Wika
 Pormal - mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakakarami

 Pambansa salitang ginagamit sa mga aklat pangwika: wikang ginagamit ng


pamahalaan at paaralan
 Pampanitikan ginagamit ng mga manunulat; salitang malalalim at makukulay;
gumahamit ng idyoma

o Pambansa. Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat


pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang
wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa
mga paaralan.
o Pampanitikan o Panretorika. Ito naman ang mga salitang
gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan

 Impormal - salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw ginagamit

 Lalawiganin - dayalektal; ginagamit lamang sa particular na pook, kakaiba ang


tono at may "punto"
 Kolokyal - pang-araw-araw na salita, may kagaspangan dahil may pagpapaikli
(hal sa'kin) o maari ring paghalo ng dalawang wika (hal. Ibaba mo siya sa
departure.)
 Balbal - mga salitang slang, pangkat-pangkat na mga codes: (hal. erpats,
buwaya)
 Bulgar - pinakamababa, saitang may halong kabastusan

H. Gamit ng wika sa lipunan

 Interaksyonal pagtatatag at pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao.


 Instrumental pagtugon sa mga pangangailangan, o pag uutos
 Regulatori pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao.
 Personal pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon
 Imahinatibo pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
 Heuristik paghahanap o paghihingi ng impormasyon
 Representatibo pag-uulat pagpapaliwanag ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bagay,
pagpapahayag ng hinuha

I.Paraan ng pagbabahagi ng wika

 Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at


emosyon
 Panghihikayat (Conative) pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at
pakiusap
 Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) - Pakikipag-ugnayan sa kapwa
 Paggamit bilang Sanggunian (Referential)- paggamit ng wikang nagmula sa aklat
 Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual)- pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
 Patalinghaga (Poetic)- Masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaan, prosa,
sanaysay at iba pa.
J. Kakayahang komunikatibo

S.P.E.A.K.I.N.G

SETTING ang lugar kung saan nag-usap


PARTICIPANTS kung sino ang kausap o kinakausap.
ENDS ang layunin sa pakikipag-usap
ACT SEQUENCE Isinasaalang-alang nito ang daloy o takbo ng usapan.
KEYS paggamit ng pormal at di-pormal na paraan sa pakikipag-usap
INSTRUMENTALITIES ang lengguwahe o instrumentong ginamit upang makipagkomunikasyon
NORMS - ang paksang pinag-uusapan.
GENRE - kung nagsasalaysay ba, nakikipagtalo, naglalarawan, nagpapaliwanag o naglalahad

Sitwasyon ng Gamit ng Wika sa Lipunan

Bawat indibidwal ay may sapat na kakayahang magamit ang isang wika na may kaakibat na
tungkulin na kailangang pagtuunan ng pansin upang masanay ang sarili sa tamang paggamit
nito. May mga pagkakataong kinakailangan ang gabay na tungkulin sa wika sa isang sitwasyon,
at may pagkakataon din na kailangang gamitin ang dalawa o higit pang tungkuling pangwika sa
isang sitwasyon.
Ayon kay Halliday noong 1973 sa kanyang "Explorations in the Functions of Language",
mayroong kategorya na ginagampanan ang wika sa ating buhay. Ito ay pasulat at pasalitang
paggamit ng wika.
Halimbawa:
Pasulat: Pagpapadala ng liham sa guro dahil sa hindi pagpasok sa klase sapagkat mayroong
sakit.

Pasalita: Pakikipag-usap sa mga nakasabay sa grocery at pinag-uusapan ang tungkol sa buhay


may asawa at magulang.
Isang katangian ng wika ay nakasandig sa kultura. Anuman o sinuman ang mandayuhan at
makaranas ng mga pangyayari, matuto ng mga bagay-bagay ay tiyak na maiimpluwensyahan ang
wika. Mabilis na lumalawak ang mga salitang hiram at nagiging bokabularyo rin kinalaunan.

PANAHON NG ESPANYOL
 Miguel Lopez De Legaspi (1565) -kauna-unahang Espanyol na gobernador-heneral sa
Pilipinas.
 Villalobos nagbigay ng ngalang Felipinas bilang parangal sa Haring Felipe II
 Kristiyanismo Itinuro sa mga katutubo upang maging sibilisado ang mga ito.
 Sa panahong ding ito napalitan ang "alibata" ng alpabetong Romano na binubuo ng 29
na titik.
 Ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo at
mga kumpensyonal para mas mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika. Sa
panahong ito sumibol ang mga Propagandista.

PANAHON NG AMERIKANO
 Napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.
 Dumami ang natutong bumasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging wikang
panturo sa rekomendasyon ni Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899 habang
pantulong naman ang wikang rehiyonal.
 Marso 24, 1934 - pinagtibay ni Franklin Roosevelt ang Batas Tydings McDuffie

PANAHON NG KOMONWELT/MALASARILING PAMAHALAAN

 May puwang na sa pamahalaan ang pagtukoy ng wikang pambansa.


 Dito nabuo ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) [ Batas Komonwelt Blg. 184. ]
 Ipinasok na sa mga kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa.

PANAHON NG HAPON
 1942 - lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon at nabuo ang grupong
"purista"
 Purista nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang maging wikang pambansa
 Prof. Leopoldo Yabes - ayon sa kanya, pangangasiwa ng Hapon ang nag-utos na baguhin
ang probisyon sa konstitusyon
 Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika.
 Sa panahong ito namulaklak ang Panitikang Tagalog

PANAHON NG 1987 HANGGANG SA KASALUKUYAN

 Enero 30, 1987 Ipinailalim ang Surian ng Wikang Pambansa sa Kagawaran ng Edukasyon,
Kultura, at Isports. Blg. 21, pinalabas ni Kalihim Isidro Cariño na gamitin ang
 Marso 19, 1990, Kautusang Pangkagawaran Filipino sapagbigkas ng panunumpa sa
katapatan
 Agosto 14, 1991, Republic Act Blg. 7104 - nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino

BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG WIKANG PAMBANSA


 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937) - Tagalog maging batayan ng wikang
pambansa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)- pagpapalimbag ng "A
Tagalog-English Vocabulary" "Ang Balarila ngWikang Pambansa".
 Batas ng Komonwelt Blg. 570- wikang opisyal ang Tagalog simula Hulyo 4, 1946.
 Proklamasyon Big. 12- pinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pangulong. Ramon Magsaysay
ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29- Abril
 Proklamasyon Blg. 186 1955)- paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-
19
 Kautusang Tagapagpaganap Big. 60 (1960)- nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal
nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino.
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962)- Nilagdaan at nag utos na simulan sa taong-
aralan 1963-1964 ang mga sertipiko at diploma ng magtatapos ay palimbag sa Wikang
Pilipino.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967)- nilagdaan ng Pangulong Marcos at
nagtadhana na ang lahat ng edipisyo, gusall at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan
sa Pilipino.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969) gamitin ang Wikang Filipino hangga't maaari
sa Linggo ng Wikang Pambansa
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974)- Nilagdaan ni Juan Manuel na itinagubilin sa
mga guro ang mga bagong tuntunin sa Ortograpiyang Pilipino
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 203 (1978)- Paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa
wikang pambansa
 Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6- Itinalaga na Filipino ang wikang
pambansa
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 (1987)- Panuntunan ng implementasyon ng patakaran
sa Edukasyong Bilinggwal 1987.
 Proklamasyon Big. 1041 (1997)- Fidel V. Ramos, nagtakda na ang buwan ng Agosto, ang
Buwan ng Wikang Pambansa.

Tatlong komisyoner ng Komisyong Konstitusyonal (Concom) ang nagbibigay-linaw sa katangian


ng Filipino bilang wikang pambansa noong Setyembre 10, 1987

 Komisyoner Wilfrido Villacorta-umiiral na wikang pambansa, at ang nukleo nito ay


Pilipino.
 Ponciano Bennagen-Kailangan nating magkaroon ng isang midyum ng komunikasyon
nagbibigkis sa atin "ang Pilipino....bilang isang lumalawak na bersyon ng Filipino."
 Komisyoner Francisco Rodrigo- itong Filipino ay hindi isang bagong kinatha o kakathaing
lenggwahe. "ang Pilipino ay batay sa Tagalog"

Sa Panahon ng Pangulong Quezon - Tagalog


Sa Panahon ni Kalihim Romero - Pilipino
Sa Panahon ng Pangulong Aquino - Filipino

kritikal na obserbasyon at pananaw nina...


 Conrado de Quiros (1996) - ang wika bilang isang instrumento para makapaghari -
Hinahati nito ang mga mamamayan sa dalawang kategorya na pinangalanang "superior"
at "inferior".
 Jonathan Vergara Geronimo (2012)- kung walang makitang pagkamakabayan sa mga
opisyal ng pamahalaan, hindi dapat asahang agad sisibol ang binhing nasyonalismo sa
puso
- wika bilang isang tagapag-unlad at tagapalaya Arao (2007)- dahil idineklara ang Ingles
bilang midyum ng pagtuturo sa eskwelahan, nariyan ang inaasahang pagtaas ng English
proficiency ng mga mag-aaral.
-Ingles ay magbibigay daan sa isang matagumpay na "export economy".
- wika bilang susi sa pagbubuklod ng sambayan (2010)
-ang wika bilang instrumento sa pamamahayag
 Constantino (1996)- wika bilang instrumento sa pagpayayaman ng edukasyon at
kaalaman

TO GOD BE THE GLORY!


GOODLUCK EVRYONE!
Compiled By: Gelyan

You might also like