You are on page 1of 3

Yunit 2 kasaysayan ng wikang Filipino

Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa 1935 Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng


tungkol sa wikang pambansa: “…Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Seksyon
3, Artikulo XIV)

1936 (Oktubre 27) - Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea
Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na gagawa ng isang pag-aaral ng mga
wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat
na batay sa isang wikang umiiral.

1936 (Nobyembre 13) Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg.184 na lumilikha ng
isang Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.

Ang mga naging tungkulin at gawain ng Surian ng Wikang Pambansa ay ang mga sumusunod: 1.Pag-aaral
ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang; 2.Paggawa ng
paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto;

Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino; 4. Pagpili ng katutubong wika na siyang


magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a) pinakamaunlad at mayaman sa
panitikan, (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.

1935 (Enero 12) - Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng
Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwelt Blg.184, sa pagkakasusog ng
Batas Komonwelt Blg.333. Jaime C. Veyra (Visayang Samar), Tagapangulo Cecilio Lopez (Tagalog),
Kalihim at Punong Tagapagpaganap

Santiago A. Fonacier (Ilokano), Kagawad Filemon Sotto (Visayang Cebu), Kagawad - di nakaganap ng
tungkulin dahil sa kapansanan Felix Salas-Rodriguez (Visayang Hiligaynon), Kagawad Casimiro F. Perfecto
(Bikol), Kagawad Hadji Butu (Muslim), Kagawad – di nakaganap ng tungkulin dahil sa maagang
pagkamatay.

Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga sumusunod na kagawad: Lope K. Santos (Tagalog) -
pinalitan ni Iñigo Ed. Regalado Jose I. Zulueta (Pangasinan) Zoilo Hilario (Kapampangan) Isidro Abad
(Visayang Cebu)

1937 (Nobyembre 9) Bunga ng ginawang pag-aaral at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg.
184., ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang
Tagalog ay siyang halos lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184, kayat
itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.

1937 (Disyembre 30) - Bilang pag-alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, sa
pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.134 ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog.

1940 (Abril 1) –Sa pamamagitan ng KautusangTagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang


pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa, at itinakdang mula sa
Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-
bayan at pribado sa buong bansa. Inatasan din ang Kalihim ng Pagtuturong Pambayan na maglagda,
kalakip ang pagpapatibay ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa
pagpapaunlad ng kautusang ito.

1940 (Abri 12) – Pinalabas ng Kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang
Pangkagawaran: ito’y sinundan ng isang sirkular (Blg. 26, serye1940) ng Patnugot ng Edukasyon
Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang
normal.

1940 (Hunyo 7) – Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana, bukod sa iba pa, na ang
Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940.

1954 (Marso 26) - Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29- Abril 4 taun-taon sang-ayon sa
tagubilin ng SWP. Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang araw ni Balagtas (Abril 2).

1955 (Set. 23) – Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsusog sa Proklama
Blg. 12 serye 1954 na sa pamamagitan nito’y inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa taun-taon simula sa ika- 13-19 ng Agosto.

1959 (Agosto 13) – Pinalalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailan ma’y tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang
PILIPINO ay siyang gagamitin.

1967 (Okt. 24) – Naglagda ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng isang kautusang Tagapagpaganap Blg.
96, na nagtatadhana na ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa
Pilipino.

1968 (Marso 27) – Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg.
172 na nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 bilang karagdagan ay
iniaatas din na ang mga letterhead ng mga kagawaran,tanggapan, at mga sangay na pamahalaan ay
nararapat na nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang texto sa Ingles. Iniaatas din na ang formularyo
ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.

1971 (Hulyo 29) – Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan
na magdaos ngpalatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19 (na ngayon
ay “Buwan ng Wika”, Agosto 1-31).

1978 (Hulyo 21) Nilagdaan ng Kalihim Juan L Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusan Blg. 22,
1978, bilang karagdagan sa Kautusang Pangkagawarang Blg.25, na nagtatadhana na ang Pilipino ay
bahagi na nang Kurikulum na pangkolehiyo.

Simula sa unang semestre ng taong 1979-1980, ituturo ang anim (6) na yunit ng Filipino sa Kolehiyo;
maliban sa kursong pagtuturo na 12 yunit. Filipino 1 (3 yunit) Sining ng Pakikipagtalastasan
(Communication Arts) Filipino II (3 yunit) Panitikang Filipino; Pahapyaw na Kasaysayan at mga Piling
Katha (Surveys and Readings of Literature in Pilipino)

1987 (Pebrero 2) – Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9,
nasasaad ang mga sumusunod: Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang
nililinang ito, ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wika. Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabik at Kastila. Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang
Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t – ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

1990 (Marso 19) - Pinalabas ng Kalihim Isidro Cariño ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa Pagbigkas
ng Panunumpa ng Katapatan sa Saligang- Batas at sa bayan natin.

1996 Pinalabas ng Commission on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana
ng siyam (9) na unit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa
deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa :

 Filipino I (Sining ng Pakikipagtalastasan) - Komunikasyon sa Akademikong Filipino  Filipino 2 (Pagbasa


at Pagsulat sa Iba’t- Ibang Disiplina) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik  Filipino 3 (Retorika)

1997 (Hulyo) Nilagdaan at ipinalabas ni Pang. Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 104 na nagtatakda na
ang Buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t-ibang
sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa
taunang pagdiriwang.

2001 Tungo sa mabilis na istandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng


Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino.

2006 Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, ipinagbigay alam ng Komisyon sa Wikang
Filipino ang pagsususpinde sa 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hanggat
walang nababalangkas na mga bagong tuntunin sa pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino ng taong 1987.

You might also like