You are on page 1of 5

Lektura sa KOMFIL #1-

MGA BATAS PANGWIKA -Sulyap sa Evolusyon ng Wikang Pambansa

1935 - Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: …”ang


Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika” (Seksyon 3, Artikulo
XIV)

MANUEL LUIS MOLINA QUEZON – Ama ng Wikang Pambansa at Pangulo ng


KOMONWELT

1936 – Itinagubilin ni Pangulong Manuel Luis M. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea


Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng
mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at mapagpatibay ng isang
wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral. Nobyembre 13 – pinagtibay ito ng Batas
Komonwelt Blg 184 at hinirang ni Pang Quezon ang mga kagawad ng SWP.

SWP – Surian ng Wikang Pambansa – Tagapangulo – Jaime C. De Veyra

1937 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 – ipinahayag ng Pangulong Quezon ang wikang
pambansa ng Pilipinas na batay sa TAGALOG.

1940 - Kautusang Tagapagpalaganap blg. 263 -Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng


isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa, at itinatagubilin din ni Kalihim Jorge
Bocobo ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan,pambayan man o pribado sa
buong bansa.

LOPE K. SANTOS – AMA NG BALARILANG TAGALOG

ABKDEGHILMNNgOPRSTUWY -20 TITIK - Abakada

1954 – Proklama Blg. 12 – Nilagdaan ito ni Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng


pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang April 4 taon-taon.
Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ng Araw ni Balagtas ( Abril 2)

1955 – Proklama Blg 186 – Nilagdaan ito ng Pangulong Magsaysay bilang susog sa Proklama
Blg. 12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon taon
simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang
ng kaarawan ni Quezon ( Agosto 19)

1959 - Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 - Nillagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran


ng Edukasyon at itinatagubilin na kailaman at ang tinutukoy ay ang wikang pambansa, ang
salitang PILIPINO ay siyang gagamitin.
1967 – Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 – Nilagdaan ito ni Pangulong Ferdinand E. Marcos
na nagtatadhanang ang lahat ng gusali , edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay
papangalanan sa Pilipino.

1968 – Memorandum Sirkular Blg. 172 – pinalabas ito ni Kalihim Rafael Salas na iniaatas na ang
mga LETTERHEAD ng mga kagawaran, tanggapan, at mga sangay ng pamahalaan ay
nararapat na nasusulat sa Pilipino maging ang panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at
empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.

1969 – Memorandum Blg. 277 – pinalabas ito ni Kalihim Ernesto Maceda na nananawagan sa
mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng
SWP sa lahat ng purok pangwika hanggang sa lahat ng pook ay masaklaw ng kilusang
pangkapuluan sa pagpapalaganap ng wikang pambansa.

1971 – Kautusang Tagapagpaganap Blg 304 – Nilagdaan ito ni Pangulong Marcos na


nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang kanyang kapangyarihan at
tungkulin.

1970- 1994 – LWP – Linangan ng mga Wika sa Pilipinas – Kom. Ponciano B.P.Pineda

1972 – Atas ng Pangulo Blg 73 – pinalabas ni Pangulong Marcos na nag-aatas sa SWP na ang
Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong (50,000)
mamamayan, alinsunod sa provision ng Saligang Batas (Art. XV , Sek 3)

1973 (Artikulo XV, Seksyon 3)  Ang Saligang-Batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at
Pilipino, ang dapat na mga Wikang Opisyal, at isalin ang bawat diyalektong sinasalita sa
mahigit sa limampung libong taong-bayan, at sa mga Kastila at Arabik. Sakaling may hidwaan,
ang tekstong Ingles ang mananaig.

1974 - Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran


ng Edukasyon at Kultura, na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang
Edukasyong Bilinggwal.

1978 – Kautusang Pangministri Blg . 22 – nilagdaan ito ni Kalihim Juan L. Manuel ng


Edukasyon at Kultura na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasaang antas. Magsisimula sa unang semester ng taong paaralan 1979-1980, ang
lahat ng pangmataas na edukasyon institusyon ay magbabakas ng anim (6) na yunit sa Pilipino
sa kanilang palatuntunang aralin sa lahat ng kurso, maliban sa mga kursong pagtuturo na
mananatili sa labindalawang ( 12) yunit.
SALIGANG-BATAS 1987-
Seksyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nililinang, ito
ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wika.

1987 - Kautusang Pangkagawaran blg. 203 - Paggamit ng katagang “Filipino” sa pagtukoy sa


wikang Pambansang Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng kagawaran ng
Edukasyon, Kultura at Isports.
1987 – Kautusan Blg. 52 – Pinalabas ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng Departamento ng
Edukasyon , Kultura at Palakasan na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa
lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa Patakarang Edukasyong
Bilinggwal.

. Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 (1987)Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng 1987


Ang nasabing patakaran ay nagsasaad ng “pagpapalaganap ng Filipino bilang wika ng literasi”
at ang paggamit ng Ingles bilang “di-eklusibong wika ng siyensya at teknolohiya.”

1989 – Kautusang PangkagawaranBlg. 84 - Pinalabas ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng


Edukasyon, Kultura at Palakasan na nag-aatas sa lahat ng ofisyal ng DECS na isakatuparan ang
KT Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng
pamahalaan.

1990 – kautusang Pangkagawaran Blg. 21 – pinalabas ni Kalihim Isidro Cariño ng Edukasyon,


Kultura at Palakasan na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng Panunumpa
ng Katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin.

1991 – KWF- Komisyon sa Wikang Filipino - Kom. Nita Buenaobra ( 1991-1995) ; Kom. Ricardo
Nolasco ( 1995 – 2017 ; Kom. Virgilio Almario (2017 -2020) ; Kom. Arthur Cassanova ( 2020-
present)

1996 - CHED MEMO Blg. 59 – Nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino


sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa
Filipino 1 ( Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 ( Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang
Disiplina ), Filipino 3 ( Retorika)

1997 – Proklama Blg. 59 – Nilagdaan at ipinalabas ito ni Pangulong Fidel V. Ramos na


nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/ tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na
magsasagawa ng mga Gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.

2001 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 45 – nilagdaan ito ni Kalihim Isagani Cruz ng


Kagawaran ng Edukasyon , Kultura at Isports na mas kilala sa tawag na ANG 2001 REVISYON
NG ALFABETO AT PATNUBAY SA ISPELING NG WIKANG FILIPINO.

ABCDEFGHIJKLMNÑNgOPQRSTUVWXYZ = 28 titik/letra
Nagkaroon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 42 napansamantalang nagppatigil sa
implementasyon ng 2001 RevIsyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ngWikang Filipino dahil
sa naganap na kalituhan hinggil dito. Nagtakda ng pansamalantalang paggamit at pagsangguni
sa 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling habang ang KWF ay nagsasagawa ng mga koultasyon
at pag-aaral hinggil dito.

2006- 2008 • Ipinalabas ang pinal na burador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa
na ang pinagbatayan ay 1987 Patnubay sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling upang matapos na
ang pagkalito aa maluwa na paggamit ng walong (8) dagdag na letra ng 2001 Revisyon sa
Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. ( C,F,J,Ň,Q,V,X,Z)

 2009 - Ordinansa Blg. 74 ng Kagawaran ng Edukasyon -Isinainstitusyon ang gamit ng Inang


Wika sa Elementarya o Mother Tongue-Based Multilingual Language Education (MTBMLE).
Sinimulan ito sa isandaang paaralan sa bansa.

2013 - Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 34. s.


2013 ng dagliang pagpapalaganap at pagpapaunlad ng Ortograpiyang Pambansa na binuo ng
Komisyon sa Wikang Filipino.

CHED Memorandum 20 series of 2013. Batay sa nasabing memorandum na ito, ang


asignaturang Filipino ay hindi na ituturo sa mga estudyante pagkatungtong nila ng kolehiyo
kapag naipatupad na ang K-12 na programa

CHED-Commission on Higher Education

- Commissioner Patricia Licuanan

PSSLF – Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino

Tagapangulo – Aurora Batnag

Tanggol Wika – isang Alyansa ng mga tagapagtanggol ng wikang Filipino.

Tagapagtaguyod- David Michael San Juan mula sa DLSU – De La Salle State


University

CHED MEMO Blg. 57, s. 2017 – pananatili ng 6-9 yunit ng Filipino, 3-6 yunit ng Panitikan
bilang pagtupad sa isang resolusyon ng korte suprema na nagpapahinto sa pagpatay sa Filipino
sa kolehiyo.

You might also like