You are on page 1of 5

TAWID BANSANG PAG-AARAL NG

CSSH-ABFIL
FILIPINO
Republic of the Philippines
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN: Ryan Padernilla Seksyon: K30-3


Hardelyn Pyang
Marjune Retardo
Izah Rio Rica
Berlan Salucan
Regine Sanchez
Kate Aubrey Tadlip
PAMAGAT NG GAWAIN: Kasaysayan Ng Wikang Filipino PETSA: 03/29/2021

KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO


Pre-Kolonyal
WIKANG KATUTUBO ANG WIKANG GINAGAMIT SA BANSA
1522
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA KASTILA

Hindi itinanim ng mga Kastila sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang
magbibigkis sa kanilang mga damdamin. Sa halip, ang mga prayleng Kastila ang nag-aral ng
katutubong wika ng iba’t-ibang etnikong grupo.
1897
SALIGANG BATAS NG BIAK-NA-BATO

Pagtatalaga ng Wikang Tagalog bilang Opisyal na wika ng mga Pilipino


1898-1941
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA AMERIKANO

Makamasa naman ang edukasyon sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano dahil pinalawak
ang paggamit ng wikang Ingles sa larangan ng edukasyon na labis na ikinasiya ng mga Pilipino.
At bilang bahagi ng pagpapalaganap ng wikang Ingles ay nagpadala ng gobyernong Amerikano
ng mga estudyanteng Pilipino sa Amerika upang hasain sa Ingles kasabay naman ng pag-aayos
ng kurikulum para sa pagpapabuti ng pag-aaral ng wikang Ingles.
1934
KUMBENSYONG KONSTITUSYUNAL
Ito ay binubuo ng mga delegado mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Dito pinag-usapan ng
mabuti kung anong wika ang itatag bilang wikang pambansa. Nagkakaroon ng pagtatalo kung
wikang katutubo ba o wikang ingles ang gagamitin.
1935
SALIGANG-BATAS NG 1935, ARTIKULO XIV, SEKSYON 3
Dito ay itinadhana na ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng pangkalahatang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika.
1936
TAWID BANSANG PAG-AARAL NG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

BATAS KOMONWELT BLG. 184


Itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa batay sa Batas
Komonwelt Blg. 184. Tungkulin ng Surian ang mamuno sa pag-aaral at pagpili ng wikang
pambansa. Ang pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura,
mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga
Filipino.” Si Jaime de Veyra, ang pinuno ng komite na nagsagawa ng pag-aaral ay napili ang
Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa”
1937
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 134
Sa bisa ng saligang batas 1935 pinahayag ni Pangulong Manuel Quezon na ang Wikang
Pambansa ay ibabatay sa wikang Tagalog. Magkakabisa ito pagkatapos ng dalawang taon.
1941-1945
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON

Ginawang pangunahing midyum ng edukasyon ang wikang pambansang batay sa Tagalog at


binigyan-diin ang development ng nasyonalismo. Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles.
1946
ARAW NG PAGSASARILI (HULYO 4, 1946)
Sa panahong ito ipinagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng mga Pilipino. Ipinahayag na ang
opisyal na wika ng bansa ay Tagalog at Ingles na binatay sa Batas Komonwelt blg. 570
1954
LINGGO NG WIKANG PAMBANSA (MARSO 26, 1954)
Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg 12 na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Ibinase ng Surian ng Wikang Pambansa ang proklamasyon  sa
karaawan ni Francisco Balagtas (March 29-April 4).
1955
LINGGO NG WIKANG PAMBANSA (SETYEMBRE 23, 1955)
Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 upang ilipat ang Linggo ng
Wika mula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel L.
Quezon.
1959
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 7 (AGOSTO 13, 1959)
Si Jose E. Romero, ang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, ay ipinalabas ang Kautusang
Pangkagawaran blg.7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino.
1962
1962 KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 24
Paglagda ni Kalihim Alejandro Roces sa Kautusang nagtatakda na simula sa Taong-Aralan `63-
`64 ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ililimbag sa wikang pilipino.
1967
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG.96

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos na nagtatadhana na ang lahat ng gusali, edipisyo at


tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.
1968
MEMORANDUM SIRKULAR BLG.96

Paglagda ni Kalihim Rafaela Salas sa Memorandum upang ipag-utos ang paggamit ng Pilipino sa
mga opisyal na komunikasyon at mga transaksyong pampamahalaan.

Paglagda rin ni Kalihim Salas sa Memorandum Sirkular Blg. 172, upang ipag-utos na ang mga
letterheads ng tanggapan ng pamahalaan ay dapat isulat sa Pilipino.
TAWID BANSANG PAG-AARAL NG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 199

Pagtatagubilin sa pagbuo ng seminar sa Pilipino ng mga Kawani ng Pamahalaan. Ang seminar ay


idaraos ng Surian ng wikang pambansa sa iba’t-ibang pook panlinggwistika ng kapuluan.
1969
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 187

Paglagda ni Pangulong Marcos sa kautusan upang ipag-utos sa lahat ng kagawaran, tanggapan at


iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng
wikang pambansa at pagkakaroon man nito sa lahat ng opisyal na transaksyon at komunikasyon.
1970
RESOLUSYON BLG. 70

Pinagtibay ng Kilusang Pmabansang Lupon sa Edukasyon ang pagpapagamit ng wikang


pambansa bilang wikang panturo sa lahat ng paaralan sa elementarya.

MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 384

Pagpapalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor na nagtatalaga ng may


kakayahang tauhan upang mamahala sa lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng
kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan.
1971
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 304

Paglagda ni Pangulong Marcos ukol sa pagpapanatili sa dating kayarian ng Surian ng wikang


Pambansa at ang mga paglilinaw sa kapangyarihan at tungkulin nito.
1972
ATAS NG PANGULO BLG.73

Paglagda ni Pangulong Marcos upang iatas sa Surian ng wikang pambansa na isalin ang Saligang
Batas sa mga wikang sinasalita ay dapat ng may limampung libong mamamayan alisunod sa
probisyon ng Saligang Batas, Artikulo XV, seksyon 3.
1973
SALIGANG BATAS, ARTIKULO XV, SEKSYON 3, BLG. 2
Ang Saligang Batas ng 1973 ay dapat ipahayag sa wikang Ingles at Filipino (Mga wikang
opisyal). Ang Pambansang Asembleya ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pormal na adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa.
1974
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 74

Paglagda ni Kalihim Juan Manuel sa Kautusang nagtatadhana sa pagpapatupad ng patakarang


Edukasyong Bilingwal sa mga paaralan.
1987
1987 SALIGANG BATAS, ARTIKULO XIV, SEKSYON 6-9 (PEBRERO 2,
1987 AT AGOSTO 6 1987)
Dito nadeklara ng Komisyong Konstitusyonal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino na ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas ay kikilalaning Wikang Filipino. Ayon naman sa Kautusang
Pangkagawaran Blg. 81, nagtakda ng Alpabetong Filipino na binubuo ng 28 letra.
1997
PROKLAMASYON BLG. 1041
Ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwang ng Wikang Filipino.
2001
REVISYON NG ORTOGRAFIYANG FIIPINO 2001
TAWID BANSANG PAG-AARAL NG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Rebisyong ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa mga Tuntunin T Patnubay sa


Ispeling ng Wikang Filipino tungo sa istandardisasyon at intelektuwalisasyon ng wikang
pambansa.

KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 45

Paglagda ni Pangalawang Kalihim Isagani R. Cruz ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at


Isports para sa pagpapabisa ng 2001 Rrevisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino.
2009
BAGONG GABAY SA ORTOGRAPIYANG FILIPINO

Final na ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang Bagong Tuntunin at Gabay sa


Ortograpiyang Filipino batay sa Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino taong 1987.

RESOLUSYON BLG. 11-29


Bagong Gabay sa Ortograpiyang Filipino.

Mga Sanggunian:

Mabilin, E. et al. (2012) Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Valenzuela City. Adelko Printing Press
TAWID BANSANG PAG-AARAL NG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Timeline ng Kasaysayang ng Wikang Pambansa. (2021) Retrieved from


https://www.preceden.com/timelines/275836-timeline-ng-kasaysayan-ng-wikang-
pambansa
Ang Kasaysayan ng Wikang Filipino. (2016). Retrieved from
https://pinasanaysay.wordpress.com/2016/06/25/ang-kasaysayan-ng-wikang-
filipino/

You might also like