You are on page 1of 10

Aralin 1

ANG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA


Panimula:

 Bumilang na ng maraming taon ang kasaysayan ng Wikang Filipino bago pa nito


narating ang kasalukuyang kalagayan bilang Pambansang wika. Angkin nito ang
proseso ng papili, pagsasabatas, pagpapalaganap, pagtanggap at pagpapatanggap
sa tinaguriang wikang mababasa sa Saligang Batas upang kilalanin ang Filipino
bilang wikang pambanasa. Sa araling ito , tatalakayin ang pag unlad ng Filipino
bilang isang wikang pambansa.
Tagalog

 Sa Artikulo 13 ng Saligang Batas ng 1935 ay simulang mababasa ang pangangailangan na pagsasainstitusyon ng wikang
pambansa sa Pilipinas. Isang wika na makapag-iisa at makapagbibigkis sa mga mamamayan ng bansa. Ito rin ang nag-
udyok upang maitatag ang Surtian ng Wikang Pambansa sa ilalim ng Batas Komonwelt bilang 184 noong Nobyembre 13,
1936.
 Gampanin ng Surian na masuri at mapili ang wikang pambansa mula sa mga umiiral na wika sa bansa gamit ang mga
sumusunod na kriterya:
 1. May maunlad na mekaniks,estruktura, at panitikan
 2. Wikang tinatanggap at ginagamit ng maraming Pilipino
 Ang mga tumutol:
 1. Hermegildo Villanueva ng Negros Oriental
 2. Wenceslao Vinzons ng Camarines Norte
 3. Felipe Jose ng Mountain Province
 4. Norberto Romualdez ng Leyte na sumulat ng Batas Komonwelt Blg 184. At kinikilalang Arkitekto ng Wikang
Pambansa
 Subalit , ang pagpigil dito ay hindi naging matagumpay sapagkat nagpatuloy ang pananaig ng Tagalog bilang sentro o
nukleyo ng nais itadhanang wikang pambansa.
Tagalog

 Hinirang ang Tagalog bilang wikang pundasyon ng nais itadhanang. Ang


pagkakapili sa Tagalog ay senaryo na tinutulan ng mga kinatawan ng iba pang
wika sa ibang rehiyon, sapagkat ayon sa kanila ang sentralisasyon sa Tagalog para
sa pagtatadhana ng wikang pambansa ay hindi kumakatawan at sumasalig sa
interes ng iba pang wikang katutubong umiiral sa Pilipinas at inilaban ito ng isang
deligasyon sa Kumbensyon Konstitusyunal.
Tagalog

 Ang mga tumutol:


 1. Hermegildo Villanueva ng Negros Oriental
 2. Wenceslao Vinzons ng Camarines Norte
 3. Felipe Jose ng Mountain Province
 4. Norberto Romualdez ng Leyte na sumulat ng Batas Komonwelt Blg 184. At
kinikilalang Arkitekto ng Wikang Pambansa
 Subalit , ang pagpigil dito ay hindi naging matagumpay sapagkat nagpatuloy
ang pananaig ng Tagalog bilang sentro o nukleyo ng nais itadhanang wikang
pambansa.
Wikang Pambansang Pilipino

 Ito ay itinadhana sa ilalim ng Batas Komomwelt Blg 570 na mula sa Tagalog, ito
ay naging Wikang Pambansang Pilipino noong 1946. Ang pagpapalit ng
pangalang ito ay dahil sa patuloy na pagbalikwas sa kaisipang sentralisadong
maka-Tagalog.
Pilipino

 Lumipas ang labintatlong taon pinaikli ang pangalan nito sa Pilipino


alinsunod sa Kautusang Pangkagawaran Blg 7 ng Kalihim ng Edukasyon Jose B.
Romero upang mailagan na ang mahaba nitong pangalan.
Filipino

 Ayon sa Saligang Batas ng 1973 na ipinag-utos ang paggawa ng hakbang ng


Batasang Pambansa tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat
na wikang pambanasang tatawaging Filipino.
 Noong 1987, tuwirang inihayag sa Artikulo 14 Seksyon 6 na ang wikang
pambanasa ay Filipino. Kasabay ng paalala ng pagpapayabong at pagpapayaman
sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at iba pang wika. Kasa rin niyon ang
puspusang pagtataguyod sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wikang panturo.
Wikang Opisyal

 Wikang Opisyal
 Katuwang ng wikang pambansa ang wikang opisyal bilang midyum ng
pakikipagtalastasan sa bansa. Ipinaliwanag ni Omoniyi (2010,mula aklat ni Reyes
(2016) sa artikulong language and Postcolonial Identities: An African Perspective,
na ang wikang opisyal ay wikang itinalaga ng tiyak na institusyon para maging
wikang opisyal ng pakikipagtalastasan at pakikipagtransaksyon dito. Ito ay
wikang kinikilala at sinasang-ayunan ng isang institusyon upang maging wika ng
opisyal na pakikipagkomunikasyon alinsunod sa pormal, opisyal at panloob na
pakay nito.
Wikang Opisyal

 Higit na nagging hayag ang pagkilala sa wikang opisyal noong Panahon ng


Amerikano,subalit, nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang pamumuno sa
pamamahalaan ng bansa ay nagkaroon ito ng kalituhan.Ito ay dahil sa umiiral sa
panahong iyon ang paggamit ng Kastila, Ingles, at Tagalog.
 Sa ilalim ng Saligang Batas ng 1935, Artikulo 13 Seksyon 3, pinakitang ang
Ingles at Kastila ang mga Opisyal na Wika ng bansa. Hindi gaanong nanaig ang
Kastila bilang wikang opisyal, pagkat hindi gaya ng Ingles ay hindi nagging
malawakan ang paggamit at pagtuturo ng Kastila. Samantalang sa ilalim ng
Saligang Batas ng 1973, Artikulo 15 Seksyon 3, Ingles at Pilipino. Sa
kasaalukuyan, sa ilalim ng Artikulo 14, Seksyon 7 ng Saligang Batas 1987,
binanggit na opisyal na wika ng Pilipinas ang wikang Filipino at hanggang
walang tinatadhana ang batas.

You might also like