BSND-3101 Gawain 2: Pagsulat Panuto: Basahin ang panayam nina Fajilan at Zafra (n.d.) kay Dr. Fortunato Sevilla III na gumamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng Kemistri sa Unibersidad ng Sto.Tomas. Ito ay may pamagat na “Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham: Panayam kay Prop. Fortunato Sevilla III” na nailathala sa HASAAN, isang taunang interdisiplinaryong refereed journal sa unibersidad. Ipaliwanag ang mabuting naidulot ng paggamit ng wikang Filipino sa larangang siyentipiko at teknikal ganoon din ang kahinaan nito. Sang-ayon ka ba sa mga inilahad na dahilan/katwiran ng mga iskolar na sangkot sa artikulo? Ilahad ang iyong sariling pananaw ukol dito. Buksan ang link para sa kopya ng artikulo: https://hasaan.ust.edu.ph/wp- content/uploads/2019/04/HASAAN-Journal-Tomo-II-2015-116-123-2-8.pdf
Napakahalaga ng Agham at Teknolohiya sa pagsulong at pag-unlad ng isang bayan. Ito ay
nagbibigay daan upang mas mapabilis at mas mapahusay ang mga bagay. Ngunit upang maituro ito kalimitang gumagamit ng salitang Ingles sa pagtuturo at iba pang gawain para rito katulad ng pananaliksik. Subalit maaaring mabigyang daana ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng Siyensiya, partikular ang biyolohiya, kemistri, pisika at iba pa, at ng teknolohiya. Sa artikulong aking nabasa, nabanggit ni Ginoong Fortunato Sevilla III ng wikang Filipino sa pagtuturo ng ng mga ito. Ayon sa nasabing artikulo, nagiging magaan ang pagtuturo ng kursong Kemistri sapagkat mas mabilis na nauunawaan ang mga konsepto at batas na sakop ng sabdyek. Kung titingnan, magkakaroon ng pokus ang mga mag-aaral sa pagintindi at hindi na magbibigay ng oras sa pagsasalin ng wika mula Ingles patungo sa Tagalog. Halimbawa, sa halip na magpokus sila sa mga salitang hindi nila naiintindihan sa Ingles, mas madali na ito para sa kanila kung ang mga salita na ginagamit sa sabdyek ay nasa salitang bernakulo. Nagiging magaan din ito para sa mga guro sapagkat hindi na nila kailangan pang ulitin ang mga konseptong hindi naintindihan ng mga mag- aaral sapagkat sa ito ay nakasulat sa salitang banyaga. Naging maganda rin ang paggamit ng Filipino sapagkat mas nagiging bukas ang mga mag-aaral na magtanong ng mga bagay ukol sa sabdyek sapagkat walang inhibisyon sa paggamit ng wikang nakasanayan na nila. Mas nagkakaroon ng interaksyon sa bawat habang nasa klase at nagkakakroon ng buhay ang talakayan. Kung maipatutupad ito sa buong bansa maaaring mas magkaroon ng interes ang mga mag-aaral na mas bigyang panahon ang mga sabdyek sa larangan ng siyentipiko at teknikal sapagkat ang mga dapat aralin ay nakasalin sa wikang sariling atin. Batay din sa nasabing artikulo, mas nakakapagpahayag ng mas maayos habang gamit ang wikang nakasanayan. Sa aking palagay, epektibo ito sapagkat tuwing nagkakaroon kami ng talakayan sa isang sabdyek patungkol sa Aghan na gumagamit ng wikang Ingles, mas madali kong naiinitindihan ang mga paliwanag ng guro tuwing siya ay nagsasalita sa wikang tagalog. Bukod pa rito, mas naipapaliwanag ko rin ng maayos ang presentasyon na naiatas sa akin sa tuwing gumagamit ako ng wikang Filipino. Pinunto rin niya na ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga sabdyek ay hindi nakabatay sa wikang Ingles kung hindi sa kakayahang maintindihan ang mga aralin ano pa man ang ginagamit na wika. Gayunpaman, marami pa ring kahinaan ang paggamit ng wikang Filipino. Nabanggit sa artikulo ni Ginoong Fortunato Sevilla III, kontrobersiyal ang pagsulat ng mga salita sa larangan ng siyentipiko at teknikal. Isa sa mga pinakanakitang kahinaan ng wikang Filipino upang magamit sa komunikasyon sa Agham at Teknolohiya ay ang kawalan ng salita o kataga ng maraming mga salita para rito dahil hindi naging bahagi ang mga ito ng kultura at naging pamumuhay ng mga Pilipino noon. Nabanggit rin na nagkakaroon ng kani-kaniyang paraan ng pagsulat ang mga tao at wala pang pinal na mga salita para rito.Dahil dito, maaaring magkaroon ng kalituhan pagdating sa mga ibig-ipakahulugan ng mga salita. Maaaring maisalin sa wikang Filipino ang ibang mga salita ngunit gumagamit ng iba pang wika bilang sanggunian, kagaya na lamang ng wikang Espanyol na ginagamit na rin dati bilang sanggunian. Upang magkaroon ng pakahulugan na nakadirekta sa wikang sarili natin ay nangangailangan pa ng maraming pag-aaral at pananaliksik para rito. Ayon sa artikulo, nakikitang solusyon ang tamang patnubay at estandardisasyon sa pagsasalin ng mga salita sa wikang bernakulo. Bukod pa rito, ang partisipasyon ng iba’t-ibang organisasyon at ahensiya, gaya ng nabanggit ni Ginoong Sevilla III ay mahalaga sapagkat sila ay may kakakayahan para isulong ang pagpapaunlad ng wika habang ito ay ginagamit sa pagtuturo ng agham at teknolohiya. Ang kolaborasyon sa pagitan ng mga eksperto sa wikang Pilipino at mga pinuno ng departamentong Agham at Teknolohiya ay mahalaga upang makabuo ng mga salita na siya nang pinal na gagamitin sa pagtuturo sa Agham at Teknolohiya. Sa aking palagay, tama lamang na isulong ang paggamit sa mga kurso sa larangan ng agham. May mga kahinaan man ito ay maaari itong solusyunan. Bukod pa rito, maraming kalakasan ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng agham at teknolohiya. Kapag naisagawa ang mga suhestiyon ni G. Sevilla at sa oras na bigyaan pansin ng pmahalaan ang tawag upang magamit na nga ang wikang Filipino sa pagtuturo ay tiyak na mas mapatibay pa ang pagpapaunlad sa wika at mas maraming estudynte ang matutuwa sapagkat mas maayos na ang pagkakaintindi sa bawat aralin.