You are on page 1of 22

Intelektwalisasyon

Ito ay ang pagpaksa ng mga ideya sa pinakamataas


na lebel sa akademiya ayon sa linggwistang si Gonzalez
(2005).Sa pamamagitan nito ay hindi lamang nagagamit
ang wika sa pang-araw-araw na ordinaryong talastasan
kung hindi sa matalinong diskurso sa paaralan.
Dahil dito, ayon sa kanya ay nagkakaron ng
pagkatuto sa isang paksa para magamit sa mataas na
lebel ng intelektuwal na paggagamitan nito at maging sa
mga abstraksyon ng konkretong dahilan.
SA PAGLALARAWAN NI CONSTANTINO (2005)

Ang intelektuwalisasyon ay sakop ng tungkulin ng


estado ng sining disiplinang iyon sa lipunan at sa
akademikong komunidad na gumagamit ng wika.Hangga’t
hindi nagkaugat ang intelektuwal na disiplina sa isang
lipunan, ang paggamit ng espesipikong disiplina ay
maaaring hindi magkakaroon ng kultibasyon sa lipunang
iyon.
Pangunahing tinutukoy ng intelektuwalisasyon ang
pagbuo ng register ng wika sa iba’t-ibang intelektuwal ng
disiplina at larang ng espesyalisasyon.Kung kaya’t
makakatulong sa pag-unawa nito ang tatlong uri domeyn
ng larang ng wika (language domain)
TATLONG URI NG DOMEYN

 non-controlling domain
domeyn o karaniwang larang ng wika.
 semi-controlling domain
may mahalagang larang ng may wika.
 controlling domain
napakahalagang larang ng wika.

Sa pagpapaliwanaag ni Zafra (2003)

Nakatuon ang intelektuwalisasyon ng wika sa controlling


domain.Sinasbing ang wika, upang magamit sa napakahalagang larang
ay dapat na maging intalektuwalisado.Ito ang kung bakit baluktot ang
katuwiran ng mga kontra-Filipino sa pagsasabing na hindi na dapat
ituro ang wikang pambansa lalo’t malaganap na ito’t maunawaan ng
marami.Ang dapat linawin, magkakaiba ang gamit ng wika sa bawat
larang.Sa pagpapaliwanag ng mga lingguwista, may natatangi at
sariling register, termimolohiya, retorika, kumbensyon ang wikang
ginagamit sa napakahalagang larang tulad ng akademya.
DALAWANG PROSESO NG INTELEKTUWALISASYON SA
LARANG NG AKADEMYA

 Lingguwistiko
kabilang ang pagdedebelop ng isang estrandarddisadong
anyo o ng wika na magagamit sa pagdedebelop ng akademikong
diskurso, pagdedebelop ng corpora o lawas ng teksto sa iba’t-ibang
akademikong larang at pagbuo ng register ng wika o ang tangi at
tiyak na gamit ng wika sa isang larang.

 Ekstra-lingguwistiko
ang pagbuo ng creative minority o significant others o
mga intelektuwal na disipulo na nagsisimulang gumamit ng mga
teknikal na bokabularyo, terminolohiya, at mga estilo o retorika, at
mapalaganap ito sa pamamagitan ng pagsulat, paglalathala, at
pagtuturo.
BILANG MAHALAGANG PROSESO NG
INTELEKTUWALISASYON, BINIBIGYANG TUON DIN ANG
PAGSASALIN, MIDYUM NG PAGTUTURO, AT PAGDEBELOP NG
MGA KASANGKAPAN.

 Sa pagsasalin ng mga akda mula sa iba’t-ibang


wika patungong Filipino, naiintelektuwalisa ang
wika.
sa prosesong ito, dapat isaalang-alang ng tagasalin ang
maraming salik.
 Sa pagsasalin, malawak dapat ang pananaw ng
tagasalin.
isang malayang nilalang na hindi nakakulong ang
diwa at kamalayan personal at limitadong konteksto
lamang.
 Ang pagsasalin ay di lamang pangkaraniwang
pagtututmbas ng mga salita sa isang wika patungo
sa ibang wika, kundi ito’y higit pa.
tinitingnan hindi lamang ang literal na kahulugan ng
mga salita o mga pahayag, kundi ang mas malalim na
ibinabahagi ng mga ito sa konteksto o sa kultura.
Filipino sa Agham

Luis Gatmaitan
Isang doktor at kilalang-kilala sa larangan ng pagsusulat ng
kuwentong pambata.Ang kanyang isinusulat ay tumatalaay at
nagtuturo ng mga konseptong pang-agham, ngunit orihinal na
nasulat ang mga ito sa kuwentong sa Filipino at may salin sa wikang
Ingles.Binabasag ng katotohanang ito ang mga haka-hakang hindi
kailan man mabisang magagamit ang Filipino bilang wika ng mga
intelektuwal na diskurso sa agham.
Ilan sa kanyang mga kuwento ay;
 Naang Maghasik ng Lagim si Lolit Lamok
(Lolit Mosquito Brings Terror, 1999)
 Ay! May Bukbok ang Ngipin ni Ani, 2000
 Aray, Nasugatan Ako!
(Ouch I Cut my Fingers!, 2001)
 Naku, ang Pula ng Mata ko!
(Oh No, My Eye is Red!, 2002)
 Aha! May Allergy Ka Pala!
( Aha! You Have an Allergy!, 2010)
 Dyaran! Ang Kambal na Hebigat!
( The Heavyweight Twins!, 2017)
ABA, MAY BABY SA LOOB NG TIYAN NI MOMMY
(WOW, THERE’S A BABY IN MOMMY’S TUMMY!, 2001)
Malinaw at simpleng tinalakay nito ang mga pangyayari sa loob ng sinapupunan ng
nagbubuntis tulad na lamang ng posisyon ng bata, ang pagdebelop nito, paggalaw,
at kung paano ito kumakain o nakakakuha ng sustansiya.Kapwa impormatibo sa
mga bata at matatanda ang pagtalakay nito

Epektong Biyolohiko ng Ekstrakto ng Danhon ng Atis sa Bilig ng Pato


(A.C. Butay & A.A. Herrera, 2004)

Isang magandang halimbawa ng pananaliksik na naisulat sa Filipino.


Bagama’t napakalathala at siyentipiko ang pag-aaral, mahusay na nailahad
ang kapaligiran ng pag-aaral ang, mga gmit at metodolohiya sa paghahanda
ng ekstrakto, ang pagsusuri ng teratogenecity at angiogenecity, at
pagtalakay sa resulta ng eksperimento.Pinatutunayan lamang nito na maging
sa biolohiya , kung talagang puspusang gamitan ang Filipino kahit sa anyong
pasulat ay mabisa ito.
Ilan pang di-nailathalang pananaliksik sa Agham
 Ang Plebotomi sa Mata ng mga Bata:Isang Analysis (Ong et al, 2016)
 Mga Salik na Nakaaapekto sa Preferens sa Pagkain ng nga
Estudyanteng Lalaki at Babae sa Unang Taon ng Medikal Teknoloji
(Cabral et al, 2016)
 Salik sa Paggamit ng Alternatibong Medisina (Repato, et al, 2016)
DR. FORTUNATO SEVILLA NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

Dahil sa kanyang galing sa pagtuturo ng Kemistri, maadlas siyang maimbitang tagapagsalita


sa mga pambansang forum ukol sa paggamit ng Filipino sa pagturo ng Agham.Nakapaglathala
siya ng ilang pananaliksika na tumatlakay sa pagiging epektibo ng paggamit ng Filipinoa mga
kursong pang-agham sa kolehiyo at gayundin sa mga estratehiya at pamamaraan sa pagsasalin
sa Filipino sa mga terminong siyentipiko.

Prop. Earl Sumile ng kolehiyo ng Narsing ng UST

Nakilala rin bilang isa sa mga tagapagataguyod ng Filipino at gumagamit


ito sa kanyang pagtututro.Ayon sa kanyang panayam noong 2016 sa
Pambansang Kongreso sa Intelektuwalisasyon ng Filipino sa Iba’t Ibang
Disiplina, patuloy niyang nagagamit ang Filipino sa kanyang mga lektura sa
mga kurso sa narsing.Dito napatunayan niyang kasing-epektibo lamang ng
Ingles ang Filipino sa pagtuturo ng nasabing kurso.Hindi rin ito naiba sa
karanasan ni Dr. Maria Fe Israel sa kaniyang pagtuturo ng Agham
Pangkalikasan.
Sa pag-aaral ni Ravina (2016)
Detalyado niyang tinalakay ang sitwasyong pangwikang
Filipino sa araling kompyuter.Ayon sa kanya, may mga instruktor
at propesor na gumagamit ng Filipino sa pagtuturo ng computer
science at information technology.Sa mga kurso tulad ng
programming systems analysis and design, software
engineering, data communication, automata, computability
theory at iba pa ay malayang nagagamit ng ilang mga propesor
Filipino sa kanilang mga lektura.
Sa ganitong gawain, napatunayan na ang psaggamit ng Filipino
sa mga teknikal na kursong ito ay nakakapagpahusay sa mga
estudyante hindi lamang sa pakikipagtalakayang intelektuwal
kundi sa pagkaunawa ng mga konsepto at sa pagtamo ng mga
kakayahang kaugnay ng disiplina. Binanggit din niya sa pagtuloy
na pagsasagawa ng mga naturang inisyatiba, mag-uumpisang
maintelektuwalisa ang Filipino sa larangan at kalauna’y
makapagluluwal ng mayamang korpus ng mga pedagogical idiom
na isa sa mga hadlang sa lubusang paggamit ng Filipino sa iba’t
ibang larangan.
Ilang pananaliksik na nailathala sa Malay journal ng
Unibersidad ng De Salle na may paksain sa araling kompyuter

 Paggamit ng Natural Language Processing Bilang


Gabay sa Pagtuklas at Pagasiyasat sa mga Tweet Tuwing
Halalan (Roxas et al., 2015)
 Ang Paggamit ng Tigram Ranking Bilang Panukat sa
Pagkakalintulad o Pagpapangkat ng mga Wika
(Oco, et al., 2014)

Opsiyong Filipino/Tagalog bilang wika ng mga


gadget tulad ng;

 cellphone
 automated teller machine (atm)
 world wide web (www)
Filipino sa Inhinyeriya
at Matematika

Ang kaaranasan ni Rosemarie Serva (2018)

Ay patunay na maging sa inhinyeriya ay magagamit din ang Filipino.Tanging sa


mga pagtalakay lamang sa loob sa klase niya ginagamit an Filipino at dito
nabigyang-buhay ang klase at tumaas ang interes ng mga estudyante.

Mahahalagang Mungkahi kanyang inambag

 Una, upang hindi na mahirapan pa habang wala


pang salin sa Filipino ang mga termino, angkinin
na lang ito nang buo.
 Kailangan sanang may magsulat ng mga aklat sa
inhinyeriya na naka-Filipino.
 Hikayatin ang mga guro na gumawa ng
pananaliksik sa wikang Filipino.
Mga Nailathalang Aklat Pang-Inhinyeriya

 Mga Disenyo sa Logic at Digital Computer Circuit


Naglalaman ng masinsing pagtalakay sa lohika at circuitry
kompyuter.Napapaloob dito ang pagdaloy ng kuryente at kung paano
nito napapagana ang makina.Napaipaliliwanag at naipapaunawa nito
ang detalye ng mga elektronikong proseso na magagamit ng mga
estudyanteng kumukuha ng kursong computer at electronic and
communications engineering sa mga kaugnay na pagsusuri at
disenyo.
 Ang Tumabasang Differential:May Aplikasyong Pang-inhinyeriya
Ito’y kinukuha ng lahat ng estudyante ng inhinyeriya, maging ano man
ang espelisasyon.Ito’y isa sa mga higher mathematics na kakailanganin
sa mga programang pang-inhinyeriya.Inilalahad nito ang mga teorem at
konsepto at mga aktuwal na implikasyon sa mundo ng inhinyeriya.
Pangkaraniwan na ang pagtuturo ng matematika sa elementarya
at sekundarya.Ang mga konsepto sa Ingles ay pinanatili, subalit
madalas nagiging pangunahing wika na at hindi lamang pantulong
ang Filipino sa loob ng klasrum.
Sa UP, nagturo si Prop. Danilo Yanga ng matematika gamit
Filipino.Kamakailan lamang naimbitahan sa isang kongreso ang isa
pang batang propesor ng UP na si John Pellas upang talakayin
angkanyiyang adbokasiya sa pagtuturo ng matematika gamit ng
Filipino.Nagpakitang turo rin siya sa kursong Calculus at tunay
ngang intelaktuwlisado ang Filipinno sa matematika.Sa DSLU,
itinuro naman ni Prop. Lea Soriano ang matematika ng
Pamumunuhan sa Filipino.
Patunay ang mga ganitong pagkakataon na kayang itawid ng
kaalaman sa inhiyeriya at matematika gamit ang Filipino at
produkto lamang ng kolonyal na pag-iisip at di-siyentipikong datos
ang pagsasabing sa Ingles lamang maituturo ang mga naturang
kurso sa sistemang pang-edukasyon.Gayundin, nagsisilbi itong
hasmon atpaalala sa bawat guro’t estudyante na nasa kanilang mga
kamay ang patuloy na pagpapaunlad ng Filipino bilang wikang
intelektuwal.
Filipino sa Larang na
Teknoko-Bokasyonal

 TESDA ( technical skills advancement), ito’y kinukuha ng mga wala


nang balak pang mgkolehiyo o ng mga estudyante di kayang tustusan
ang pag-aaral para anila sa madaling paghahanap ng trabaho at mas
mataas ang kita sa loob man o labas ng bansa. Upang puspusang
maisulong ang mgamtunguhin, nagkaroon din ng proyekto ang TESDA
na isalin sa Filipino ang mga manwal na ginagamit sa pagtuturo ng mga
kursong tekniko-bokasyonal.
 Sa maraming pagkakataon, nakitaan ng laganap at matagumpay na
paggamit ng Filipino sa mga pagsasanay sa pagkabarista, hotel and
service, welding, computer repair and servicing, cookery, housekeeping,
at iba pa. At dahil dito, madaling nagkakaroon ng kasanayan sa napiling
larangan ang mga estudyante.Senyales ito ng isang epektibong paggamit
ng akmang wika upang mas lubos ang pagkatuto ng isang kasanayan.
Dalawang erya ng pagsasalin
 Pagsasaling pampanitikan
Proseso, Layon, at  Pagsasaling teknikal at siyentipiko
Halaga ng
Pagsasaling
Siyentipiko at
Teknikal
Pagsasaling siyentipiko at teknikal
 Maaaring makita sa mga inisyaatibang pagsasalin sa iba’t
ibang larangan.
 Espesyalisado ang pagsasaling ito sapagkat isang tiyak na
disiplina ang pinagtutuunan ng pansin.
 Masalimuot ang mga proseso hindi lamang dahil kinakailangan
ang katasan ng nagsasalin sa dalawang wikang kasangkot
(simulaang at tunguhang wika), kundi dahil hinihingi ang
teknikal na kaalaman ng nagsasalin ukol sa disiplina.
Hal:
Pormal na sanaysay tekstong pambatas
Feature articles disiplinang akademiko
Agham panlipunan at iba pang mga katulad ng larang
Tatlong modelo sa pagsasalin ng mga katawagang pang-agham at pangteknolohiya
Ayon kay Almario (1997)
 Paraang maugnayi
 Paghiram na hindi binabago ang tunog at anyong orihinal sa Ingles
 Paghihiram na pinadaraan sa tuntuning abakada ang salitang Ingles

Mga gabay sa mga panukalang hakbang sa pagsasalin


na inilabas ng UP Sentro ng Wikang Filipino
 Pagtutumbas mula Tagalog/Pilipino o mula sa katutubong wika ng Pilipinas
 Panghihiram sa Espanyol
 Panghihiram sa Ingles: pagbabago sa baybay o pananatili ng orihinal na baybay sa Ingles
 Paglikha
Dalawang punto na maaaring gamitin sa pagsasaling teknikal at
siyentipiko

 Dapat asahan sa panahong ito na habang tumataas ang usapan at dumadako sa


mga bagay na espesyalisado ang pag-aaral ay higit na praktikal na madaling
hiramin ang salitang Ingles at impraktikal ang panghiram ng Espanyol
hal: Carbonato/Carbonated
 Sa ngayon, at tungo sa malawakan ng panghihiram sa Ingles para sa agham at iba pang
makabagong disiplina, mainam ang tuntunin ng Sanggunian sa Filipino (SANGFIL) na
baybayin muna sa orihinal na anyo ang bagong hiram na slita sa Ingles.
Masasabing ang pangunahing layon ng pagsasaling teknikal at siyentipiko ay
komunikasyon. Ito rin ay may layong magbabahagi ng impormasyon sa mas
nakakaraming mamamayan na hindi lubusang nakauunawa sa simulaang lengguwahe,
na karaniawan ay Ingles.
Ayon sa prominenteng tagasalin na si
Dr. Aurora F. Batnag, etal., ( 2009)

Inilahad naman ni Antonio at Iniego Jr. (2006)

Hindi matatawaran ang halaga ng ganitong uri ng pagsasalin sa pagpapalaganap ng impormasyon sa iba’t
ibang sangay at institusyon ng bansa, at ikinokonsidera rin nilang isa itong mahalagang paktor sa
paglilipat, pag-iimbak, at muling pagpapanumbalik ng ng mga karunungan saan mang dako ng mundo.

Sa pag-aaral ng batikang-lingguwista at tagasalin na si


A.H.A. Al-Hassnawi (2003)
Mga katangian ng pagsasaling siyentipiko at teknikal
Makatuwiran May kahulugang reperensyal May akronim
May katiyakan May denotasyon May register
May heneralisasyon May leksikal na paglalapi May mga daglat
May katotohanan sa partikular na realidad May karaniwang ekspresyon
Gumagamit ng mga terminolohiyang siyentipiko Espesyalisadong item at pormula
Hindi gumagamit ng matatalinghagang salita Madalang ang mga idyomatikong pahayag
Nagtala ang London of
Linguistics (LIL) at sinipi mula
kay Batnag, et al.
Malawak na
kaalaman sa
teksto
Mayamang
Kasanayang
imahinasyon
gamitin ang
upang
pinagsasalinang
mailarawan sa
wika ng may
isipan ang mga
kalinawan,
kasangkapan o
katiyakan, at
prosesong
bisa
tinalakay Katangian
dapat taglayin
ng tagasalin ng
mga tekstong
siyentipikal at
Katalinuhan teknikal
upsng mapunan
Karanasan at
ang mga
pagsasalinsa
nawawala at/o
mga kaugnay
malalabong
na larangan at
bahagi sa
disiplina
orihinal na Kakayahang
teksto makapamili at
makapagpasaya sa
pinakaangkop na
terminong
katumbas mula sa
literatura ng
mismong larangan
o sa diksyunaryo
Ilang Pamamaraan sa Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal
Halaw sa pag-aaral nina Enriquez at Protacio-Marcelino (1984)

Salitang-angkat Saling-hiram Saling-tapat


( self-borrowing) (loan (parallel
translation) translation)

Saling-
paimbabaw Saling-likha Saling-taal
(word- (indigenous
(surface concept oriented
assimilation) invention)
translation)

Saling-
panggramatika Saling-daglat Saling-sanib
(grammatical (abbreviated (amalgamated
translation) words) translation)
Dahilan ng Kakulangan ng mgaTagasalin

 Ang katotohana hindi lahat ng mga eksperto o maalam sa


mga larang ng teknikal at siyentipiko ay marunong magsalin.
 Kung maalam naman sa pagsasalin ang isang tao, maaring
kulang naman ang kanyang kaalaman sa teknikal na larang.
Kakaunti lamang ang parehong may mataas na kaalaman
kapuwa sa pagsasalin at sa disiplinang isinasalin o yaong
tinatawag na technician translator o scientist translator.
 Ang kaalaman sa isang teknikal na larang ay hindi
nangangahulugan marunong na rin sa ibang larang, dahil dito
dapat na may kani-kanyang tagasalin ang bawat larangan.
Inihanda ng mga:
BSEd II English

Lorna Gaňolon Fatra Lumandong Nulhaya Maing


Serhanna Elih Alpia Pulalon
Elizabeth Torio Fauja Saga

Ipasa kay:

Bb. Emmelou Rosal


Fil 3 Instructor

You might also like