You are on page 1of 11

WMSU-ISMP-GU-031.

00
Effective Date: 24-JUNE-2020

1
WMSU-ISMP-GU-031.00
Effective Date: 24-JUNE-2020

Ang Wika
Aralin 2

Panimula

Naranasan mo na bang makipag-usap sa di-kilala? O sa mga taong kilala sa lipunan na


may mataas na pinag-aralan? Paano naman sa mga taong di bihasa sa paggamit ng wikang
Filipino? Samakatuwid kailangan mong malaman,maunawaan at matutunan ang wika upang
kayo ay magkaintindihan. Kung ito’y inyong napag-aralan, mapalawak mo na ang iyong
kaalaman lalo na sa kahalagahan ng wika sa pakikipag-komyunikeyt at pakikipag-ugnayan sa
isang tao.

Sa araling ito ay mapalalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa mahalagang tungkulin


ng wika sa bawat tao at ang kanyang paggamit nito upang maayos nitong maipabatid ang
kanyang saloobin sa kanyang kinakausap, lalo na kapag ang isang indibidwal ay nakikisalamuha
sa mga pangkat ng tao na may mga iba’t ibang kultura. Lalo na’t ang kultura ay maituturing na
komplikadong ideya na nakapaloob sa kilos, galaw at iba pang anyo. At ang wika at kultura ay
maituturing na dalawang salita na nagsisilbing simbolo ng lipunan upang matuloy ang identidad
at pagkakakilanlan ng bawat tao sa lipunan.

Paglaho ng mga Katutubong Wika sa Pilipinas, Layong pigilan


Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
Posted at Jul 30 2019 12:40 AM
Bukod sa wikang pambansang Filipino, kailangan ding panatilihing buhay ang mga
katutubong wika ng Pilipinas.Iyan ang ipinahayag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) nang
ilunsad ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon na tema ang "Wikang
Katutubo: Tungo sa isang bansang Filipino".

Isinabay sa lingguhang pagtaas ng bandila sa pamahalaang-lungsod ng Maynila noong


Lunes ang pagsisimula ng taunang pagdiriwang, na ginaganap tuwing Agosto.
Ayon kay Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan at tagapangulo ng
KWF, unang pagkakataon ito sa kasaysayan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na bibigyang
halaga rin ang mga katutubong wika.

Bukod sa mga wika na marami ang gumagamit gaya ng Cebuano, Iloko, at Bikol, tahanan
din ang Pilipinas ng mga wika gaya ng Ivatan na gamit sa Batanes, Kinaray-a sa Antique, at
Sama sa Tawi-Tawi.

"Nais natin pagpugayan at patunayan na mahalagang bahagi ng ating pagkabansa ang


mahigit 130 katutubong wika ng Pilipinas," ani Almario."Ang wika po kasi ang una at
pangunahing pamanang pangkultura ng sangkatauhan. Ito ang nagbibigay artikulasyon sa ating
nakaraan, sa ating kasaysayan ng mga tagumpay at pagkabigo. Nasa wika ang yaman ng ating
nakaraan na hitik sa katutubong karunungan."
Kaya ayon kay Almario, mahalagang alagaan ang mga wikang katutubo, na kabilang din sa mga
pinagbabatayan ng pambansang wika na Filipino.

"Kung hindi natin ito alagaan, nanganganib ito. At kung ating pababayaan, maaaring
maglaho pa nang tuluyan. Kapag naglaho ang isang wika, tila may isang tahanan o isang bodega
ng ating mga alaala at tradisyon ang nawawala at di na mababawi kailanman."Ayaw nating
mangyari ito."

2
WMSU-ISMP-GU-031.00
Effective Date: 24-JUNE-2020

https://news.abs-cbn.com/spotlight/07/30/19/paglaho-ng-mga-katutubong-wika-sa-pilipinas-
layong-pigilan
MAGBASA AT MAGNILAY-NILAY

ANG WIKA

2.1 Wika

Ang pinakamahalagang interes sa pag-aaral ng wika ay hindi ang wika mismo kundi ang
gamit nito, kung papaano ang wika nagpapakilala sa tao, ang sosyal niyang kaligiran, mga
pangarap at mithiin niya, persepsyon nila sa bawat isa, at ang sitwasyon sa lipunan na kung saan
siya nabibilang. (A.D. Edwards, 1979) .

Ang wika ay maituturing na isang espesyal na sistema ng komunikasyong oral at pasulat.


Sa aspektong ito, ang pagpapahayag ay nailalahad sa paraang berbal at di-berbal. Ito ay
natututuhan sa lipunang kanilang kinabibilangan at ang wikang natutuhan ay batay sa kultura ng
lipunang kinalakhan.

2.2 PINAGMULAN NG WIKA

Saan nga ba nagmula ang wika? Paano nga ba nagkaroon ng wika ang mga tao sa
sanlibutan? Ito ang mga tanong na madalas na umuukilkil sa isipan ng bawat isa kung ang pag-
uusapan ay patungkol sa pinagmulan ng wika. Ayon sa iba’t ibang manunulat at teorista, ang
may pinakamatandang lahi ay ang mga Egyptian at maging ang kanilang wika ay kasing tanda na
rin nila.

Mula sa aklat nina Fromkin, V.& R. Rodman (1983), ang lahat ng kultura ay may kani-
kanilang kuwento ng pinagmulan ng wika. Ayon naman kay Darsna Tyagi (2006),
pinaniniwalaang ang Son of Heaven na si Tien-Zu ang nagbigay ng wika at kapangyarihan. Sa
bansang Hapon, si Amaterasu ang tinaguriang manlilikha nila ng wika.

2.3 DEPINISYON NG WIKA

Ang wika ay nabigyan ng depinisyon ayon sa mga iba’t ibang awtor ;

Buensuceso- ang wika ay isang arbitraryong Sistema ng mga tunog o ponema na


ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan.

Caroll (1954) – ang wika ay isang Sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng
lipunan.

Edward Sapir (1949) – ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid
ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.

Todd ( 1987 ) - ang wika ay isang set ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon.

Tumangan, Sr. et al. (1997)- Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang
binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay-ugnay
ang isang pulutong ng mga tao.

3
WMSU-ISMP-GU-031.00
Effective Date: 24-JUNE-2020

2.4 IBA’T IBANG TEORYA SA WIKA

Ang pinagmulan ng wika ay may pinaniniwalaang mga teorya kung saan at paano ito
nagsimula ;

Teoryang Bow-wow – ang teoryang ito ay naninindigan na ang wika ay nagsimula sa


pamamagitan ng panggagaya sa mga likas na tunog gaya ng ngiyaw ng pusa at tilaok ng manok.

Teoryang Pooh-pooh – ang teoryang ito ay naniniwalang, nabuo ang wika sa instinktibong
pagbulalas na nagsasaad ng sakit, galak, galit, tuwa at iba pa.

Teoryang Dingdong - Ito ay kilala rin sa tawag na teoryang natibisko na may ugnayang
misteryo ang mga tunog at katuturan ng isang wika at bagay-bagay sa paligid.

Teoryang Yum-Yum - ang teoryang ito ay nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa


pamamagitan ng kumpas sa alinmang bagay na nagangailangan ng aksyon.

Teoryang Yo-he-ho - ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga ingay na nalilikha ng
mga taong magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho o puwersng pisikal.

Teoryang Tarara-boom-de-ay-Ang teoryang ito ay naniniwalang, ang mga tunog na mula


sa ritwal ng mga sinaunang tao na naging daan upang magsalita ang tao.

2.5 IBA’T IBANG PANANAW SA WIKA

Ayon kay Virgilio Almario, “Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo.”

Trudgill (2000) “Ang wika ay isang panlipunang tungkulin ng tao”.

Tumangan Sr. et al. (1977), “Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na
panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at
nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga tao”.

Malinowski (1998 ), “ Wika ang pangunahing kaisipan ng pagkakaisa at


pakikipagtalamitam ”.

4
WMSU-ISMP-GU-031.00
Effective Date: 24-JUNE-2020

MGA ESTRUKTURA NG WIKA SA LIPUNAN


Aralin 4
PANIMULA

Sinasabing, may maraming mga posibleng relasyon sa pagitan ng wika at


lipunan. Isa na rito ang panlipunang istruktura na maaaring makaimpluwensiya o kumilala ng
lingguwistikong estruktura o pag-uugali. Isang halimbawa nito ay ang ating bansa na binubuo ng
iba-ibang wika na sinasalita dahil sa anyo nito na pulo-pulo. Sa bawat pulo o lugar ng bansang
Filipinas ay may kani-kanilang wikang ginagamit o sinasalita. Ang mga wikang ito ay may mga
barayti na ginagamit na sumasalamin sa kanilang kinabibilangang rehiyon, sosyal o etnikong
pinagmulan. Isa pa, ang Filipinas na sinakop ng ilang taon ay naging dahilan din upang makabuo
ng wika o makapagpaunlad ng wikang pinaghalo na wika ng mga mananakop at wikang
bernakular. Halimbawa nito ay ang wikang Chabacano ng Lungsod Zamboanga. Ang nabuong
wikang ito ay dala ng impluwensiya ng dayuhang sumakop sa bansa tulad ng Kastila noong
unang panahon.

MAGBASA AT MAGNILAY-NILAY
MGA ESTRAKTURA NG WIKA SA LIPUNAN

3.1. PANLIPUNANG ESTRUKTURA NG WIKA

Sinasabing, ang wikang ating sinasalita ay may taglay na lakas at puwersa.


Maihahalintulad ito sa isang malakas na agos ng ilog na dumadaloy kapag ang isang tao ay
nagsasalita na kung ito man ay gagamitin nang tama, ay maaaring tumino sa damdamin, tumatak
sa isipan, makakuha ng atensiyon at makalilikha ng isang puwersa na lalong magpalakas sa wika.
Dahil sa kapangyarihang taglay nito sa larang ng pakikipagtalasatasan ay nagagawa nating
magtanong, magpaliwanag, magbigay ng mga paglalarawan, magpasaya, magpahayag at iba pa
(Gonzalvo, 2016). At dahil din sa wika, natutukoy ang pagkakakilanlan ng bawat tao sa lipunan
na kanyang ginagalawan.

Nabanggit na sa naunang pahina na may maraming mga posibleng relasyon sa pagitan ng


wika at lipunan. Isa na rito ang estruktura ng wika na maaaring makaimpluwensiya sa
linggwistikong estruktura nito. Ang mga nabuong wika sa lipunan na dulot ng pananakop ng
mga dayuhan ay ipinaliliwanag ng mga sumusunod na salik sa ibaba.

3.2. DIYALEKTO

Dayalek ang tawag sa mga wikang nabuo mula sa mga pangunahing wika ng isang
lalawigan na kadalasang sinasalita sa iba’t ibang baying nasasakupan ( Gonzalvo, 2016). Ito
rin ay uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago o nagiging natatangi dahil ginagamit ito
ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon. Isang halimbawa nito ay ang Tagalog na nanganak
ng uri o barayti tulad ng Tagalog-Batangas, Tagalog-Cavite, Tagalog-Maynila at iba pa (Nuncio,
et al. 2016).

3.3. IDYOLEK

Taglay ng wikang ito ang pansariling katangian sapagkat persona ang paggamit nito
( Gonzalvo, 2016). Ayon kay Nuncio, et al. (2016), ang idyolek ay ang natatangi at espisipikong
paraan ng pagsasalita ng isang tao. Kadalasan, ating nakikilala o nagiging marka ito ng
pagkakakilanlan ng isang tao. Isang halimbawa nito ay ang paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino.

Bawat indibidwal ay may kaniya-kanyang paraan sa pagsasalita subalit wala sa kanila ang
nagsasalita nang magkatulad na magkatulad. Ang dahilan ng pagkakaiba ay sa edad, kasarian ,

5
WMSU-ISMP-GU-031.00
Effective Date: 24-JUNE-2020

kalagayang pisikal, personalidad, lugar na pinanggalingan at marami pang ibang salik na naging
dahilan ng mga paraang ito sa kanilang pagsasalita.
3.4. TABOO

Sa lipunan, may mga salitang tinatawag na taboo . Ito ay mga salitang bawal gamitin o
hindi maaaring gamitin sa isang pormal na usapan sa lipunan. Kung ang gawain ay taboo, ang
paggawa nito ay isa ring taboo kung nakikita ng karamihan. Ipinagbabawal ang paggamit nito
kapag hindi pinahihintulutan ng publiko at ipinagbabawal din ang pag-uusap tungkol dito lalo na
sa mga pormal na usapan at domeyn. Halimbawa nito ay mga salitang puki, puta, utin, makiri at
iba pa (Hufana et al. 2018).

3.5. YUFEMISMO

Ang mga ideya o salitang taboo ang naging isa sa mga dahilan sa pagkakaroon ng mga
salitang yufemismo. Ito ay salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o mga salitang hindi
dapat sambitin dahil sa kalaswaan nitong pakinggan sa pandinig ng ninoman. Halimbawa nito
ay sa halip na nagtalik, maaari itong sabihing, nagsiping, sumakabilang buhay sa halip na
namatay, nagsakses sa halip na nagtae, ibaon sa halip na utin, bulaklak sa halip na puki, at iba pa
(Gervcio, et al. 2018).

3.6. SPEECH COMMUNITY

Ang isang lipunan ay binubuo ng marami at iba’t ibang pangkat ng mga tao na may kaniya-
kanyang mga gawi at pag-uugali. May kaugnayan dito ang binanggit nina Zalzmann,Stanlaw at
Adachi (2012) na walang kultura sa isang lipunan na pareho sa lahat ng mga miyembro nito.
Tulad na lamang sa bansang Filipinas na kung saan, ito ay binubuo ng iba’t ibang pangkat ng tao
gaya ng Higaonon, Cebuano, Ilonggo, at iba pang pangkat na mayroon sa ating bansa. Lahat sila
ay mga Pilipino. Mayroon itong komplikadong lipunan na binubuo ng isang malaking bilang ng
mga grupo na tinutukoy ng mga tao mula sa kung saan ay nagmula ang natatanging mga valyu,
mga pamantayan at mga tuntunin para sap ag-uugali. Ito ang tinatawag na sabkultura.

3.7. LINGUA FRANCA, PIDGIN AT CREOLE

a.) Ang Lingua Franca ay ang paghahanap ng komon o wikang alam ng mga taong
may iba’t ibang sinasalitang wika upang magkakaunawaan. Mula sa UNESCO, ito
ay wikang ginagamit ng mga taong may iba-ibang unang wika upang mapadali ang
komunikasyon sa kanilang pagitan. Bagkus, malaking papel ang ginagampanan nito
sa Pilipinas dahil sa multilinggwal na sitwasyong pangwika. Binananggit sa
etnologue na may 187 at 183 ang buhay at 4 ang itinuturing na patay na wika.

b.) Pidgin – nabuo ang wikang ito dahil sa pangangailangan ng mga tagapagsalita at
wala itong pormal na anyo ( Gonzalvo, 2016). Dulot ng pagkakaroon ng
pangangailangan ng lingua franca. Bunga ito ng dalawang lipunan na may mga
wikang hindi magkakalapit o unintelligible languages ngunit kailangan ng
pakikipag-ugnayan sa isa’t isa dahil sa tiyak na limitado o natatanging layunin .
Ang isang wika ay dumadaan din sa proseso ng pidginization . Ito ay proseso ng
gramatikal at leksikal na reduksyon dulot ng limitadong ginagampanan ng pidgin
(Zalzman, Stanlaw at Adachi 2012).

C.) Creole . Ayon kay Sebba 1997, may mga mahahalagang pagtukoy sa mga katangian
ng isang creole na wika ;

6
WMSU-ISMP-GU-031.00
Effective Date: 24-JUNE-2020

 May katutubong tagapagsalita ito, hindi katulad ng pidgin na walang katutubong


nagsasalita. Mangyayari ito kapag sa isang lipunang nagsasalita ng pidgin ay may
ipinanganak na bata at ito ang kanyang magiging unang wika. Kaya, ang pidgin ay
magiging creole.
 Ang Creole ay lagging lumalabas sa isang pidgin.
 Ang proseso kung saan ang isang creole ay nagbabago at isang pidgin na nagkakaroon ng
katutubong nagsasalita ay tinatawag na creolization.
 Ang proseso ng creolization ay dumadaan sa alinmang yugto ng pag-unlad ng isang
pidgin na maaaring gradual na creolization o biglaang creolization.

BILINGGWALISMO AT MULTILINGGWALISMO

Bilinggwalismo - ito ay tumutukoy sa taong nakapagsasalita ng dalawang wika. Kung


pagbabatayan ang pagpapakahulugan ni Bloomfield (1935), hindi lamang sapat ang
makapagsalita sapagkat ang kanyang pananaw dito at ang paggamit ng dalawang wika tulad
ng katutubong wika.

Multilinggwalismo - Ito ay tumutukoy sa higit sa dalawang wikang batid ng isang


indibidwal na gamitin sa anumang uri ng komunikasyon.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Nagbigay si Geoffrey Leech (Essays UK, November 2013) ng limang tungkulin ng


wika sa lipunan ;

1. Nagbibigay-kaalaman

2. Nagpapakilala/ Ekspresib

3. Nagtuturo / Direktib

4. Estetika/ Aesthetic

5. Nag-eengganyo /Phatic

3.10. ANG KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA LIPUNANG FILIPINO

Ang wikang Filipino ay ginagamit sa pakikipag-interaksyon at


pakikipagkomyunikeyt ng mga mamamayang Filipino. Ayon kay Santos, et al. 2012, may
mga tungkuling ginagampanan ang wikang Filipino ;

1. Binibigkis ng wikang Filipino ang mga Pilipino .

2. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino.

3. Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino.

4. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino.

5. Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino .

ANG KULTURANG PILIPINO


Aralin 5
7
WMSU-ISMP-GU-031.00
Effective Date: 24-JUNE-2020

______________________________________________________________________

PANIMULA

Ang bawat indibidwal ay may natatanging kaugalian at katangian na bukog-tangi o


kakaiba sa ibang indibidwal. May sarili siyang pamamaraan sa kanyang ikinikilos, pananalita at
nakagawiang gawin upang matamo ang kanyang mga mithiin sa buhay. Natututuhan niyang
makihalubilo sa iba na gamit ang sariling wika at paraan ng pakikitungo sa iba. Sa aspektong ito,
kultura ang nagpapakilala sa kaniyang identidad bilang tao upang mabuhay sa mundong ibabaw.
Ang anumang katangian, kaugalian, paniniwala at ikinikilos ay maituturing na kultura.

Mula sa pagkasilang ng isang indibidwal, kasapi na siya sa komplikadong sosyal na


grupo. Ang kaniyang pakikipamuhay sa lipunang kinabibilangan ay isang mahalagang
pangangailangan para makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay. Dahil dito, naging
kasangkot na siya sa lipunan ng kanyang pamilya, sa mundo ng kanyang mga kalaro o ibang
batang kanyang nakakasalamuha at maging sa malawak na tatahaking buhay kasama ang ibang
tao. Sa pagmulat ng kanyang isipan, kasali na rin siya sa lipunan ng kanyang mga kamag-aral,
kasamahan sa trabaho at ang pag-adap ng banyagang kultura kung siya man ay mapalad na
makarating sa ibang bansa. Upang matamo ang mapayapang sosyal na pakikitungo, kailangan
niyang alamin at maunawaan ang kultura ng iba.

MAGBASA AT MAGNILAY-NILAY ANG KULTURANG PILIPINO

1.1. KAHULUGAN NG KULTURA

Ang salitang kultura ay may katumbas na salitang “kalinangan” na may salitang-ugat na


linang (culture) at linangin (to develop/ to cultivate). Kung kaya, ang kultura o kalinangan ay
siyang lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali at gawain ng tao ( Timbreza, 2008).

Sang-ayon kay Edward Burnett Tyloy na tinaguriang Ama ng Antropolohiya, ang


kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito, ang
kaalaman, paniniwala, sining.

Ipinahayag ni Leslie A. White, ang kultura ay isang organisasyong phenomenal na


sumasaklaw sa aksyon at iba pang mga kasangkapan, ideya, kilos at valyu.

Iba pang kahulugan ng kultura ayon sa iba’t ibang awtor ;

a.Hudson (1980) - binigyang kahulugan ang kultura bilang socially achieved knowledge.

b.Ward Goodenough (2006) - Ayon sa kanya, ang kultura ay naituturing na patterns of


behaviour (way of life) at patterns for behavior (designed for that life).

c.Timbreza (2008) - Ang kultura ay


kabuuan ng mga natamong gawain,
mga natutuhang huwaran ng pag- uugali at
mga paraan ng pamumuhay sa isang
takdang panahon ng isang lahi o mga tao

MGA KATUTUBONG
PANGKAT

 Sa Cotabato nakatira ang mga


T’Boli. Gumagawa sila ng tela
WMSU-ISMP-GU-031.00
Effective Date: 24-JUNE-2020

Ang mga Maranao o


Meranaw ay nakatira sila sa
paligid ng lawa ng Lanao. Ang
kahulugan ng “ranao” ay lawa
kung saan hinango ang kanilang
pangalan. Ang Marawi ang
tinaguriang lungsod ng mga
dugong bughaw ng Maranao.
Larawan ng isangBuo
T’bolipasa Cotabato
rin at hindi nai-
impluwensiyahan ang kanilang
kultura katulad ng disenyo ng
damit, banig at sa kanilang mga
kagamitang tanso.

 Ang mga Tausug na nakatira


malapit sa dagat ay mga
mangingisda, at magsasaka
naman ang mga nasa loobang
bahagi. Naninisid ng perlas na
kanilang ipinangpapalit ng
tanso at bakal sa mga taga
Borneo at ng pagkain sa mga
magsasaka. Ang kalakalang ito
ang nagdala ng Islam sa Sulu.
 

9
WMSU-ISMP-GU-031.00
Effective Date: 24-JUNE-2020

 
Ang mga Sama-Badjao ay
naninirahan sa Sulu. Sama ang
kanilang wika. Nakaira sila sa
bangkang-bahay na may iisang
pamilya na binubuo ng dalawa
hanggang tatlongpu.
Pangingisda ang pangunahin
nilang hanapbuhay. Gumagawa
din sila ng mga Vinta at mga
gamit sa pangingisda tulad ng
lambat at bitag. Karamihan sa
mga Badjao ay mga Muslim.

 
Ang mga Subanen ay
matatagpuan sa kabundukan ng
Zamboanga del Norte at
Zamboanga del Sur.
Kayumanggi ang kanilang
kulay at may makapal at maitim
na buhok. Naniniwala sila na sa
iisang ninuno lang sila
nagmula.

 
Ang mga Bagobo ay
matatagpuan sa mga baybaying
golpo ng Davao. Maputi ang
kutis at kulay mais ang
kanilang buhok na may natural
na kulot. Napapangkat sa tatlo
ang tradisyunal na lipunan ng
mga Bagobo. Ang Bayani, ang
Mandirigma, at ang pinuno ng
mga ito ang Datu na
tumatayong huwes, nag-aayos
ng gulo at tagapagtanggol ng
tribo.

10
WMSU-ISMP-GU-031.00
Effective Date: 24-JUNE-2020

Ayon sa mga Yakan ng Basilan, noong


1970’s sa panahon ng Batas Militar,
karamihan sa mga Yakan ay
naninirahan sa mga malalayong bundok
upang makaiwas sa mga kaguluhang
nagaganap sa mga kabayanan. Dahil
dito, sila’y tinatawag noong mga
“Yakan Puntukan” na
nangangahulugang mga taong bundok.
Kaya naman nabanggit din ng mga
Yakan na kilala din sa pagtatanim o
pagsasaka kung saan ito na ang
pangunahing hanapbuhay ng mga
Yakan sa Basilan hanggang sa
kasalukuyan. Pinatotohanan ito sa
artikulo ni Gorlinski sa Britannica
Encyclopedia kung saan sinabi niyang
ang mga Yakan ay tinatawag na inland-
dwelling agriculturalists kung saan sila
ang orihinal na tagatustos ng mga bigas
sa mga Tausug at Sama na mga
pangkat-etnikong naninirahan din sa
probinsiya ng Basilan at ilan pang
mga kalapit na isla sa rehiyon.

 
Ang mga Mangyan ay nakatira
sila sa liblib na pook ng
Mindoro. Kumukuha sila ng
ikinabubuhay sa kagubatan,
pangisdaan at kalakal sa
Mindoro. Sinaunang alpabeto
ang gamit sa pagsulat ng mga
pagpapantig. Ang ambahan ang
kanilang panitikan na napanatili
sa pamamagitan ng pag-ukit
nito ng kutsilyo, mga
kagamitan at sa mga lalagyan
ng nganga.

11

You might also like