You are on page 1of 3

SYRIA PHILIPPINES

Ang Syria ay may dalawang relihiyon na pinaniniwalaan gaya ng Islam ay Kristyano. Ang
pagkakaroon ng isang relihiyon ay isang napakahalagang bahagi ng kanilang kultura. Maraming
mga Syriano ang may ibat-ibang relihiyon at lahat ay may ibat-ibang paniniwala, katulad ng mga
Pilipino may ibat-iba rin tayong pinaniniwalaang relihyon katulad ng Kristyanismo at Islam. Ang
pagdadasal ay isang malaking bahagi ng ating kultura.

Ang kahalagahan ng pamliya, relihiyon, edukasyon, disiplina sa sarili at respeto ay isang


mahalagang tradisyon sa lipunan ng Pilipinas at Syria. Pareho ang dalawang bansa na ito ay
pinaniniwalaan ang kasal na may kasamang sermonya.

Sa agrikultura, ang Pilipinas at Syria ang isang pangunahing piangkukunan ng pampasigla


para sa paglago at kita sa mga bansang ito.

SAUDI ARABIA PHILIPPINES

Ang bansang Saudi ay purong Muslim at Islam ang kanilang relihiyon. Karamihan sa mga
tao dito ay mangangalakal, sagana sa langis at pangunahing mineral. Suplay sa daigdig ay
nanggagaling sa kanila. Ang Pilipinas ay umaangkat ng langis sa bansang Saudi para sa ating
transportasyon. At agrikultura ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Pilipino.
Sa pananamit, sa Pilipinas, anf pambansang kasuotan ay Barot Saya sa mga kababaihan
at Barong Tagalog para sa mga kalalakihan. Sa mga Arabo, Abaya ang tawag sa kanilang
pananamit, itim at puti ang malimit na kulay. Mahahabang damit ang kanilang tradisyon, lalaki
at babae ay dapat magsuot ng ganitong mga damit.

Ang mga Arabo ay kilalang mga konserbatibo, kung kayat dapat maging maingat tayo sa
pagdalaw sa bansa o pakikipag kapwa-tao sa kanilang tradsiyon at kultura sila ay istrikto.

ISRAEL PHILIPPINES

Ang kultura ng Israel ay magkakaiba at dynamic, pagsasama-sama ng isang synthesis ng


Eastern etniko at relihiyong tradisyon, kasama ang kanluranin kulturang impluwensya. Ang
Israel ay may pinakamataas na bilang ng mga museo sa mundo, na may mga milyon milyong
mga bisita taon-taon.

Sa ating bansa ay may matatagpuan dito ang ibat-ibang magagandang tanawin at mga
magagandang beaches. Ito ang laging pinupuntahan ng mga turista para mamasyal at bisitahin
ang ating bansang Pilipinas. Bagamat magkaiba ang Israel at Pilipinas pagdating sa kultura at
magandang tanawin, ito’y nagkakapareho sa pagkahilig sa mga sayaw at teatro.

Ang pagkakaroon ng kultura ng isang bansa ay isang napakahalagang bahagi ng


pagkakakilanlan nito. Ito ay dapat pagyamanin pa upang ang kulturang meron tayo ngayon ay
hindi malilimutan at magamit pa ito sa susunod na henerasyon.

Ipinasa ni: Janine Dispo

Chase Agcanas
Ipinasa kay: Ginoong Rhomel Viray

You might also like