You are on page 1of 24

FIL102 EKOKRITISISMO AT PANGANGALAGA SA

KALIKASAN

EKOKRITISISMO
AT HIGIT SA
TAO
Ang mundong ating ginagalawan ay
itinuturing na pinanakatatanging
planeta sa ating solar system. Ang
kalikasang makikita sa mundong ito ay
likas na tirahan ng mga organismo,
hindi ito artipisyal na nilikha ng mga tao.
Sa isang mas malawak na kahulugan,
ang kalikasan ay isang buhay na mundo
na pumapaligid sa atin saan mang dako.
Ang mundong ito ay walang hanggan at
magkakaiba.
Ang kalikasan ay maituturing ding
isang perpektong sistema. Di pa man
nabuhay ang mga tao, nagagawa na
nitong panatilihin ang siklo ng buhay
sa daigdig sa loob ng mahabang
panahon. Ito ay dahil sa
pagkakaugnay-ugnay at
pagbabalanse ng iba't ibang spheres
ng ating daigdig.
ATMOSPHERE HYDROSPHERE

03
LITHOSPEHERE BIOSPHERE
GEOSPHERE
(ATMOSPHERE, LITHOSPHERE,
HYDROSPHERE)

Ayon sa Britannica, ang geosphere ay isang


pangkalahatang termino na tumutukoy sa mga
inorganikong elemento ng daigdig. Kinapapalooban
ito ng Lithosphere na (kalupaan), Hydrosphere
(katubigan), at ng Atmosphere (kalangitan). Ang
ugnayan ng mga elementong ito ang siyang naging
pundasyon ng pagkakaroon ng buhay sa daigdig.
BIOSPHERE

Ayon sa Britannica, ang biosphere ay tumutukoy sa


manipis na life-supporting stratum sa ibabaw ng
daigdig na umaabot mula ilang kilometro sa ating
atmosphere hanggang sa pinakailaliman ng ating
mga karagatan. Binubuo ito ng parehong buhay na
mga organismo at di-buhay na mga elemento na
kung saan kinukuhanan ng enerhiya at sustansiya.
FLORA
BIOSPHERE
03 FAUNA
FLORA

Mula sa salitang latin na "Flora" na diyosa ng mga


halaman at bulaklak sa Mitolohiyang Romano.

Ang Flora ay tumutukoy sa mga natatanging


halaman na makikita sa isang partikular na panahon
o kaya isang partikular na geologic period
FLORA

Nahahati ang Flora base sa iba't ibang salik. Isa na


dito kung saang lokasyon ito makikita at tumutubo.
May iilang flora na nakaadap na tumubo sa disyerto,
may ilan naman sa katubigan, ang iba ay nasa mga
burol at mga kabundukan, at may iilan namang
endemic o tanging makikita lamang sa iisang
geographic location.
PANGKALAHATANG URI NG
FLORA

• Katutubo o Indehinus - ito ang mga halamang


partikular na makikita sa isang pook. May dalawang
klasipikasyon ito:

• Agrikultural - sinadyang itinanim ng mga tao


para sa isang tiyak na layunin.

• Horticultural - mga halamang pandekorasyon.


Itinatamin dahil sa angkin nitong estetik.

• Weed Flora - Mga halamang itinuturing na di


kanais-nais partikular na sa tao.
IBA'T IBANG URI NG FAUNA

• Avifauna: Birds
• Pisci Fauna: Fishes
• Microfauna: Microorganisms including bacteria
and virus
• Cryptofauna: Unknown and undiscovered animals
• Epifauna: Aquatic animals that live on the bottom
substratum as opposed to within it
• Infauna: Animals that live in the sediment surface
at the seafloor
IBA'T IBANG URI NG FAUNA

• Limnofauna: Animals that live in freshwater


• Macrofauna: Animals that are large enough to be
seen with the naked eye
• Megafauna: Animals that are larger than 100 kg
• Mesofauna: Animals that are between 100 µm and
2 mm in size
• Microfauna: Animals that are smaller than 100 µm
in size
KAHALAGAHAN NG FLORA AT FAUNA
• Pagpapanatili ng balanse sa ekolohiya
Kung walang flora at fauna hindi mabubuhay ang tao. Ang flora
ang naglalabas ng Oxygen na kailangan pareho ng tao at hayop
upang makahinga. Kapalit naman nito ay ang inilalabas na Carbon
Dioxide ng fauna na kailangan ng flora para sa photosynthesis.

Pinananatili din ng mga hayop ang ‘equilibrium' sa pagiging


predator nila sa mga halama’t ibang mga hayop kaya naiiwasan
ang sobrang pagdami ng mga ito. Suplemental na mineral para sa
mga halaman ang mga hayop kapag ito ay namatay, nagiging
pataba ito sa mga halaman.
KAHALAGAHAN NG FLORA AT FAUNA

• Aesthetic Value

Ang bilang sa estadistika ang makapagpapatunay na bawat taon


aabot ng hanggang kalahating bilyon ng tao ang bumibisita sa
mga magagandang protektadong tanawin tulad ng mga: national
parks, indigenous forests, wildlife refuges, recreation areas, historic
sites, wild and scenic rivers .

Nagpapatunay lamang ito kung gaano kahalaga ng flora at fauna


sa pang-araw-araw nating pamumuhay.
KAHALAGAHAN NG FLORA AT FAUNA

• Expands local economies

sa onanagutab ng turismo, nakakapagdulot ng malaking


kontribusyon ang flora at fauna sa ating ekonomiya. Bukod pa dito,
isa din sa pakinabang na dulot nila ay ang mga hilaw na materyales
na siyang pangunahing ginagamit sa kalakalan.
NOOSPHERE

LITHOSPEHERE BIOSPHERE
NOOSPHERE

Nagmula ito sa salitang griyego na noos (mind) at


sphaira (sphere).

Ito ang pangatlo at pinakabagong panahon ng pag-


unlad ng mundo matapos ang geosphere at
biosphere. Tumutukoy ito sa sphere of mind o ang
epektong dulot ng isip ng tao sa pagbabago ng
daigdig.
NOOSPHERE

Magkakaugnay ang tatlong sphere na nabanggit.


Halimbawa, ang buhay sa biosphere ay hindi
magtatagal kung wala ang tulong ng geosphere
(hangin, tubig, matter). Sa kabilang dako hindi lang
buhay ang makikita sa biosphere, sa pag-iral ng mga
tao nadagdagan din ng isang elemento ang daloy ng
buhay at makikita ito sa kaisipang mayroon ang utak
ng tao at ang mga teknolohiyang kanilang ginawa
mula dito.
Ang ideya ng noosphere ay unang pinayabong
ng paleontologist na si Teilhard de Chardin,
mathematcian na si Edouard Le Roy at ang
geochemist na si Vladimir Vernadsky noong
1927-1955.
Ang noosphere ay isang espesyal na estado ng
biosphere, kung saan ang isip ng tao ay may
mahalagang papel. Ang tao, na gumagamit ng kanyang
talino, ay lumilikha ng isang "pangalawang kalikasan"
kasama ang umiiral na kalikasan ng mundo.
Samakatuwid, ang noosphere ay resulta ng ebolusyon na
nagpapatuloy na nagpapabago sa ugnayang mayroon sa
ating mundo.
Ang noosphere ay maituturing na isang malakas na
puwersa. Ang kinabukasan ng buong mundo ay
nakadepende sa kung papaano gamitin ng mga tao ang
puwersang ito sa kanilang pananatili sa mundong ito.
Maaari itong maging kasagutan sa mga suliraning
matagal na nilang pilit maresolba o maging isang mitsa
ng kanilang tuluyang pagkawasak.
THANK
YOU

You might also like