You are on page 1of 10

St. Rose of Lima Catholic School, Inc.

Learn from home;

Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

ARALING PANLIPUNAN 7 MODYUL 3

PANGALAN: ________________________________________________________
BAITANG AT PANGKAT:______________________________________________
Mahalagang Paunawa: Ang mga Gawain sa Pagkatuto ay ibinibigay para sa lahat ng mag-aaral
na kumukuha ng online at offline na klase. Magkaparehong aralin at mga nilalaman ang
ibinibigay sa lahat ng mag-aaral anuman ang paraan ng pagtuturo na napili nila para sa
kanilang pangangailangan sa pagkatuto.

PANUNUMPA NG KARANGALAN
Ako ay nanunumpa na sasagutan ang modyul na ito nang may buong karangalan. Hindi ako
makikisangkot sa anumang gawaing hindi matapat at hindi ko kukunsintihin ang ganitong
pandaraya ng ibang mag-aaral.

_________________________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

I. Mga Impormasyon sa Aralin

A. Petsa ng Pagbibigay ng Gawain: Setyembre 11, 2021
B. Petsa ng Pagsumite o Pagpapasa: Setyembre 18, 2021
C. Asignatura: ArPan7- Kasaysayan ng Asya
D. Quarter: 1/ Bilang ng Linggo: 3 / Bilang ng Aralin: 3
E. Paksa: Mga Likas na Yaman ng Asya (Heograpiya ng Asya)
F. Mga pamantayan sa pagkakatuto/layunin:
1. Magagawa kong mailarawan ang mga yamang likas ng Asya.
2. Magagawa kong maipahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa
timbang na kalagayang ekolohiko ng rehiyon.
3. Magagawa kong itaya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at
yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at
ngayon.

II. Mga Nilalaman:

A. Talakayan sa aralin tungkol sa Mga Likas na Yaman ng Asya
B. Mga gawain ng mga mag-aaral
C. Rubrik upang maging pamantayan at gabay sa pagmamarka ng panata

III. Mga Tagubilin sa Aralin o Dapat Gawin sa Pag-aaral:

A. Gawin ang Pangunahing gawain bago basahin ang aralin.
B. Basahin at unawain ang konseptong pinagmulan ng Asya.
C. Maaaring panuorin ang Pre-recorded video na nakapost sa Facebook private
group ng inyong klase.
D. Pagkatapos basahin ang aralin, sagutin ang mga tanong at gawain.
E. Itala ang iyong pagtugon sa Hamon ng Pagsasabuhay: Integrasyon ng
Kagandahang Asal at Ika-21 Siglong Kasanayan. Ito ay sa pamamagitan ng

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL. Page 1 of 10

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial

St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Learn from home;
Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

pagsulat ng isang sanaysay na nagtataglay ng hindi bababa sa limang

pangungusap.
F. Tapusin ang lahat ng gawain at ipasa ang gawain bago o sa huling araw ng
pagpapasa.
G. Kung may katanungan o nais linawin tungkol sa aralin ay maaaring magpadala ng
mensahe sa inyong guro.

IV. Mga Nilalaman sa Pag aaral:

A. Panimula
Ang tao ay biniyayaan ng masaganang kapaligiran. Ang lahat ng ating nasa
paligid - ang mga kabundukan, dagat, hayop, halaman, at mineral ay mga likas na
yaman na siyang puhunang nililinang ng tao upang matugunan ang kanyang mga
pangangailangan. Dahil sa taglay na iba’t ibang uri ng klima at ibang katangiang
pisikal ng mga rehiyon sa Asya, iba’t ibang uri ng pananim at likas na yaman ang
matatagpuan sa kontinenteng ito.

B. Mga Paunang Gawain

A. Paunang Pagsusuri sa Sarili
Punan ang basong nasa ibaba base sa iyong kaalaman sa aralin sa
pamamagitan ng pagkukulay dito. Bilugan ang iyong napiling
paglalarawan.

Punong-puno ako ng kaalaman sa araling ito.

Mayroon akong kaalaman sa araling ito ngunit nais ko
pang madagdagan.

Kailangan ko ng gabay sa araling ito.

Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa iyong nararamdaman sa araling iyong

sisimulan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL. Page 2 of 10

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial

St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Learn from home;
Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

B. Pagganyak / Kawili-wiling Gawain – “Hanap pa more!”

Panuto: Lumibot sa inyong tahanan at likod-bahay at maghanap ng mga likas

na yaman na matatagpuan sa inyong kapaligiran. Magsulat ng tatlong likas
na yaman at tukuyin kung saang yaman ito nabibilang.

Halimbawa: Puno ng Mangga – yamang gubat

Bagay Uri ng likas na yaman

1.

2.

3.

C. Pagtalakay sa Aralin

UNANG ARAW

I. Mga Likas na Yaman ng mga rehiyon sa Asya

A. HilagangAsya

1. Ang mga troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa

rehiyong ito.
2. Ang produktong panluwas ng rehiyon ay ang caviar (itlog) ng mga
sturgeon, ang malalaking isda na matatagpuan dito.
3. Kyrgyzstan – dito matatagpuan ang pinakamalaking deposito ng
ginto sa mundo.
4. Sa Tajikistan ay may tatlong uri ng yamang mineral:
a. metalikong mineral tulad ng ginto
b. mineral na panggatong tulad ng natural gas
c. industriyal na mineral tulad ng phosphate
5. Turkmenistan- pangunahing industriya ang natural gas
6. Uzbekistan - nagunguna sa produksyon ng ginto sa buong mundo
7. Sa mga lambak-ilog at sa mabababang burol ng mga bundok
may produksyon ng pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng
trigo, palay at barley, gayundin ng bulak, gulay, tabako, sugar beets,
sibuyas, ubas at mansanas.

B. Timog Asya

1. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga

bansang kabilang sa rehiyong ito.

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL. Page 3 of 10

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial

St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Learn from home;
Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

2. Palay ang pinakamahalagang produkto.

3. Ang pinakamahalagang likas na yaman sa India ay ang lupa lalo na
ang mga kapatagan at lambak.
4. Mayabong ang gubat na matatagpuan sa timog-kanlurang Sri Lanka
na hitik sa puno ng mahogany at iba pang uri ng palm.
5. Matatagpuan din sa rehiyong ito ang mga punong ebony at satinwood.
6. Batong apog, bakal, karbon, natural gas, langis at tanso ang ilan
lamang sa mga pangunahing mineral na matatagpuan sa Timog Asya.

C. Timog-Silangang Asya

1. Nasa 84% ng kagubatan sa Brunei ang nagsisilbing panirahan ng iba’t-

ibang uri ng unggoy, ibon, at reptile.
2. Sa kagubatan ng Myanmar matatagpuan ang pinakamaraming
punong teak sa buong mundo.
3. Maraming punong palm at matitigas na kahoy gaya ng apitong, yakal,
lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis at iba’t ibang species ng
dapo na nasa kagubatan ng Pilipinas.
4. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa
produksyon ng langis ng niyog at kopra.
5. Ang kalabaw, baka, baboy, kabayo, kambing at manok ang
karaniwang inaalagaang hayop sa rehiyon.
6. Malaki ang deposito ng langis at natural gas sa Indonesia.
7. Liquefied gas - pangunahing mineral ng Malaysia
8. Sa Cambodia pinakamahalaga ang plantasyon ng mga punong
goma.
GAWAIN:

Panuto: Ilarawan ang mga likas na yamang matatagpuan sa bawat rehiyon sa Asya sa
pamamagitan ng pagtataya sa loob ng kahon ng mga halimbawa ng mga likas na
yaman dito.

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL. Page 4 of 10

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial

St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Learn from home;
Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

PANGALAWANG ARAW
D. Silangang Asya

1. Nangunguna ang Japan sa industriya ng telang sutla.

2. Nasa China ang pinakamalaking reserba ng mercury, manganese, at
tungsten sa buong daigdig.
3. Pangunahing pananim nito ang palay, at siyang nangunguna sa
produksiyon nito sa buong mundo.
4. Ang ilang mga bahagi ng Silangang Asya ay nakatuon din sa
pagtatanim at paghahayupan.
5. Ang ibang produktong matatapugpaan sa rehiyon ay ang trigo, mais at
oats.
6. Nasa lambak ng Huang Ho ang pinakamalaking diposito ng karbon.

E. Kanlurang Asya

1. Ang rehiyon ay sagana sa yamang mineral partikular na sa langis at

petrolyo.
2. Saudi Arabia – ang pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong
daigdig.
3. Karamihan sa mga bansa ng rehiyong ito ay may natural gas, tanso,
bauxite, potash, zinc, magnesium at phosphate.
4. Nagtatanim ang mga taga-Kanlurang Asya ng trigo at barley.
5. Pangunahing produkto sa Iran ang trigo, barley, palay, bulak, mais
tobacco, at mga prutas.
6. Nangunguna naman ang Iraq sa produksyon ng dates at dalandan.

II. Ang mga likas na yaman ay napapangkat sa dalawang uri:

A. Likas-yamang napapalitan o renewable resources – ito ay
napapalitan sa pagdaan ng panahon tulad ng mga yamang gubat o
yamang hayop.
B. Likas-yamang di-napapalitan o nonrenewable resources – ito ay ang
mga yamang hindi napapalit o maaari lamang mapalitan paglipas
ng napakahabang panahon tulad ng fossil fuel at langis.

Gawain 2:
Panuto: Sagutin ang katanungan sa pamamagitan ng isang sanaysay na nagtataglay ng
tatlo hanggang limang pangungusap lamang.

Ano ang kahalagahan ng pangangalaga nating mga mamamayan sa mga likas

na yaman ng ating rehiyon?
________________________________________________________________________________

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL. Page 5 of 10

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial

St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Learn from home;
Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

D. Mahalagang malaman at tandaan

Ang mga likas na yaman ay napapangkat sa dalawang uri: ang renewable
resources at ang nonrenewable resources. Bagama’t napapalitan ang karamihan
sa ating likas na yaman, dapat pa rin nating ingatan ang pagkonsumo sa mga ito
at huwag lubus-lubusin ang paggamit. Tulad ng mga bagay at tao sa ating
paligid, kinakailangan natin itong pag-ingatan, pahalagahan at pagyamanin.

E. Sanggunian
Department of Education. Heograpiya ng Asya. tinyurl.com/AP7Q1DLP

Pagsasanay / Pagtataya
A. Tumungo sa Worksheet para sa gawain.
B. Hamon sa Pagsasabuhay: Integrasyon ng Kagandahang Asal at Ika-21 Siglong
Kasanayan (programa)
Sagutan ang gawain sa worksheet
C. Pangwakas na Pagsusuri sa Sarili
Punan ang basong nasa ibaba base sa iyong kaalaman sa aralin sa
pamamagitan ng pagkukulay dito. Bilugan ang iyong napiling
paglalarawan.

Punong-puno ako ng kaalaman sa

araling ito.

Nais kong madagdagan ang aking

kaalaman sa araling ito.

Kailangan ko ng gabay at patnubay sa

araling ito

Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa iyong karanasan sa aralin.

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL. Page 6 of 10

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial

St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Learn from home;
Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

VI. Susi sa Pagwawasto

A. UNANG ARAW

Hilagang Asya
1. Ang produktong panluwas ng rehiyon ay ang caviar.
2. Matatagpuan din dito ang tatlong uri ng yamang mineral.
3. Sagana rin ito sa mga produktong butil tulad ng trigo, palay at barley.

Timog Asya
1. Palay ang pinakatanyag na produkto rito.
2. Maraming puno ng Mahogany at punong palm sa rehiyon.
3. Mayaman din ang Timog Asya sa mga yamang mineral tulad ng batong apog,
tanso at karbon.

Timog-Silangang Asya
1. Sa bansa ng Myanmar matatagpuan ang pinakamaraming punong teak.
2. Sa rehiyong ito nagmumula ang pinakamalaking produksyon ng niyog at kopra.
3. Malaki ang deposito ng langis at natural gas dito.

B. PANGALAWANG ARAW
Ang gawaing ito ay nangangailangan ng iyong sariling pananaw at ideya.

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL. Page 7 of 10

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial

St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Learn from home;
Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

PANGALAN: ____________________________ NAKUHA: ____________

BAITANG AT SEKSYON: __________________ PETSA: _______________

ARALING PANLIPUNAN 7 MODYUL 3

WORKSHEET NUMBER 3
A. Pagsasanay / Pagtataya
Panuto: Itaya sa Concept Map sa ibaba ang implikasyon (kaugnayan) ng kapaligirang
pisikal at likas na yaman ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyanong naninirahan
dito. Ang iyong sagot ay magtataglay ng isa hanggang dalawang pangungusap bawat
rehiyon. (15 puntos)

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL. Page 8 of 10

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial

St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Learn from home;
Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

B. Integrasyon ng Kagandahang Asal at Ika-21 Siglong Kasanayan

Panuto: Unti-unti nang nauubos ang mga likas na yaman sa ating bansa dahil sa
mga sakunang naganap at sa pang-aabuso ng mga tao dito. Bilang isang
kabataang Pilipino, bumuo ng isang programang nagsusulong ng pangangalaga
sa mga likas na yaman ng bansa. Mag-isip ng kaakit-akit na titulo ng iyong
programa at bumuo ng tatlong hakbang kung paano mapapangalagaan at
mapagyayaman ang likas na yaman ng bansa gamit ang iyong programa.
_________________________________________
(titulo)

Mga hakbang:

1.______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2.______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3.______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
C. PAMANTAYAN
Basahing mabuti ang pamantayan sa pagmamarka sa iyong panata upang
maging sa paggawa.

Pamantayan Napakahusay (4) Mahusay (3) Katamtaman (2) Nangangailang Kabuuang Nakuhan
100 % 90 % 70 % an pa ng puntos g puntos
Dagdag na
Pagsasanay (1)
50 %
Nilalaman Lubos na Makabuluhan Makahulugan ang Hindi 10
makabuluhan ang ang programa programa at may makabuluhan
programang binuo at at ilang hakbang na ang ginawang
lubos na makatutulong makatutulong malabo ang programa.
sa pangangalaga ng sa layunin.
mga likas na yaman pangangalag
ng bansa. a ng mga likas
na yaman.
Kaangkupan Ang titulo at mga Halos lahat ng May ilang hakbang Hindi 10
hakbang na nakatala mga hakbang ang program ana naaangkop sa
sa programa ay ng programa hindi naaangkop at konsepto ang
naaangkop at ay naaangkop konektado sa mga hakbang
konektado sa isa’t isa. at konektado paksa. ng programa.
sa isa’t isa.

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL. Page 9 of 10

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial

St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Learn from home;
Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

D. TSEKLIST PARA SA MATAGUMPAY NA PAGKATUTO

Ang pagkakaroon ng isang maayos na gawain ay mahalaga. Ito ay nakatutulong
upang ikaw ay maging organisado. Ito rin ay nagsisilbing gabay upang malaman mo
ang susunod na hakbang na iyong gagawin. Kaya naman, lagyan mo ng tsek ang
angkop na hanay batay sa iyong matapat na kasagutan.

Mga Gawain Oo Hindi

Nanumpa ako na tatapusin ko ang modyul nang may buong katapatan at
kahusayan.
Binasa ko ang mga impormasyon tungkol sa aralin.
Tiniyak ko na ang mga nilalaman at bilang ng pahina ay kumpeto.
Binasa ko ang mga tagubilin na dapat gawin para sa aralin.
Binasa ko ang panimula at sinagutan ang pagganyak/kawili-wiling gawain
bago basahin ang talakayan.
Sinagutan ko ang paunang pagsusuri sa sarili.
Pinag-aralan ko nang mabuti ang talakayan hinggil sa aralin.
Pinanood ko ang video na naka-upload sa Facebook group ng aming
klase.
Nagpadala ako ng mensahe sa aking guro upang linawin ang ilang bahagi
ng aralin.
Sinagutan ko ang lahat ng pagsasanay at iwinasto ito gamit ang susi sa
pagwawasto.
Napalalim ko ang aking pag-unawa sa nilalaman ng aralin dahil sa mga
pahayag na nakasulat sa bahagi ng Mga Dapat Malaman at Matandaan.
Sinagutan ko ang pagtataya at hamon ng pagsasabuhay.
Tinapos ko ng tseklist para sa matagumpay na pagkatuto.
Pinabasa at pinarebyu ko sa aking magulang o tagapangalaga ang
modyul na ito at pinapirmahan ang panunumpa bilang katunayan.

Ito ay nagpapatunay na nabasa at nasuri ko ang mga gawaing natapos at nakumpleto

ng aking anak.
_____________________________
Lagda ng Magulang/Tagapangalaga

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL. Page 10 of 10

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial

You might also like