You are on page 1of 12

CAMARINES NORTE COLLEGE INC.

Junior High School Department


Labo, Camarines Norte
S.Y. 2021-2022

Ikatlong Kwarter
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Modyul 3:
Mga Pangunahing Birtud sa Pagpapahalagang Moral

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng mag- aaral ang pag- unawa sa pagmamahal ng Diyos at paggalang sa buhay.
Naipamamalas ng mag- aaral ang pag- unawa sa pagmamahal sa bayan at pangangalaga sa kalikasan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Nakagagawa ang mag- aaral ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos at
paggalang sa buhay.
Nakagagawa ang mag- aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan at
pangangalaga sa kalikasan.

ESP 10//Mga Pangunahing Birtud sa Pagpapahalagang Moral//S.Y.2021-2022 10 1


e
TALAAN NG NILALAMAN
MODYUL BLG. 3: MGA PANGUNAHING BIRTUD SA PAGPAPAHALAGANG MORAL

LINGGO NILALAMAN/ARALIN MGA GAWAIN PAHINA SA


MODYUL
UNANG LINGGO -Panimula Pagsasanay A:
-Saklaw ng Modyul Karanasan at
-Grapikong Pantulong sa Pagkatuto
Aralin  Pagsasanay B: Mapa
-Inaasahang Kasanayan ng Konsepto ng
-Panimulang Pagtataya Pagbabago
Pahina 3- 6
 Gawain 1.
Katangiang Dapat
Malaman
 Gawain 2. Tukuyin
at Alamin
 Pagsusulit
IKALAWANG - Pagpapalalim  Gawain 3: Sa Aking
LINGGO Pananaw
Pahina 6-7
 Gawain 4:
Talahanayang CER
IKATLONG LINGGO - Paglipat  Gawain 5: Photo
Pahina 8
 Performance Task Essay
IKAAPAT NA LINGGO IKATLONG ANTASANG PAGSUSULIT
IKALIMANG LINGGO - Pagtuklas Pagsasanay A: Halina’t
- Paglinang Umawit
Pagsasanay B: Pag-
isipan Mo
Pahina 8-9
Gawain 1: Di Tulad ng
Dati
Gawain 2: Dapat Alam
Mo
IKAANIM NA -Pagpapalalim Gawain 3: Tukuyin at
LINGGO -Mapa ng Konsepto ng Tandaan
Pagbabago Gawain 4:
- Pormatibong Pagtataya Pagpapaliwanag
Gawain 5: Mga
Pamamaraan Pahina 9-11
Gawain 6: Talahanayang
CER
Mapa ng Konsepto ng
Pagbabago
3 2 1 Exit Slip
IKAPITONG LINGGO -Paglipat Gawain 7: Photo Collage
Pahina 11
 Performance Task
IKAWALONG IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
LINGGO

ESP 10//Mga Pangunahing Birtud sa Pagpapahalagang Moral//S.Y.2021-2022 10 2


e
UNANG LINGGO
MODYUL 3.1: Pagmamahal sa Diyos at Paggalang sa Buhay
Panimula
Sa harap ng maraming pagbabagong dulot ng impluwensya ng makabagong kaisipan at pag-unlad ng
teknolohiya, nahaharap ang maraming kabataan sa maraming sitwasyon at isyu na nangangailangan ng matalino at
tamang pagpapasiya. Higit kailanman, sa ganitong mga pagkakataon kinakailangang tulungan na higit na maging
mapanuri upang patuloy na makapamuhay ng marangal. Upang magawa ito, kailangan ng mga mag-aaral ng gabay sa
paghubog at paglinang ng pagpapahalagang moral na magagamit sa pagharap sa mga bagong kalakaran ng lipunan. Sa
pamamagitan ng yunit na ito, malilinang sa mga mag-aaral ang pagpapahalagang moral. Magagamit ang araling ito
upang mapaunlad ang pagiging kritikal, matalino sa pagpapasiya ng mga mag-aaral at hamunin ang kanyang sarili
upang magkaroon ng paninindigan na ayusin ang kanilang ugnayan sa Diyos, sarili, kapwa, at kapaligiran.
SAKLAW NG MODYUL
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang sumusunod:
MgaSaAralin Magagawa
lahat ng ating karanasan, masasalamin ang pagpapala mong…ng Diyos sa tao. Mahalaga na
at pagmamahal
11: Paglago ng 
patuloy na paunlarin at isabuhay ng tao ang kayang pagmamahal sa Diyos at sa ng
Aralin matukoy ang mga katangian ng pagmamahal Diyos.
kapuwa sa pamamagitan ng mga
Pagmamahal sa Diyos
gawain gaya ng pag- aaral ng salita ng Diyos, panalangin, at malalim na pagsusuri sa mga karanasan sa buhay,
Aralin 12: Paggalang sa  matukoy ang kahalagahan at mga paglabag sa paggalang sa buhay.
mabuti man ito o masama.
Buhay: Pagmamahal sa  maipaliwanag ang kahalagahan ng paggalang sa buhay.
Diyos at sa Kapuwa  maipaliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos at paggalang sa buhay.
 makagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos at
kapuwa.
Aralin 13: Bayan Ko,  matukoy ang mga paglabag sa bayan (patriyotismo) na umiiral sa lipunan.
Mahal Ko  maipaliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan (Patriyosismo).

Aralin 14: Kalikasan at  matukoy ang mga paglabag sa pangangalaga sa kalikasan na umiiral sa lipunan.
Kapaligiran, Aking  mataya ang mga kilos na nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan.
Pananagutan  masuri ang mga sitwasyon at makapagbigay ng mga patunay.
 makagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa kalikasan.

Grapikong Pantulong sa Aralin:


Mga Pangunahing
Birtud at
Pagpapahalagang
Moral

Paglago ng
Pagmamahal sa Diyos

Pagmamahal sa
Paggalang sa Buhay Pagmamahal sa Bayan
Kalikasan

INAASAHANG KASANAYAN:
Sa modyul na ito, inaasahang matutupad mo ang mga sumusunod na gawaing pampagkatuto:
 Natutukoy ang mga katangian ng pagmamahal ng Diyos.
 Natutukoy ang kahalagahan at mga paglabag sa paggalang sa buhay.
 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggalang sa buhay.
 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos at paggalang sa buhay.
 Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos at kapwa.
 Natutukoy ang mga paglabag sa bayan (patriyotismo) na umiiral sa lipunan.
 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan (Patriyosismo).
 Natutukoy ang mga paglabag sa pangangalaga sa kalikasan na umiiral sa lipunan.
 Natataya ang mga kilos na nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan.
 Nasusuri ang mga sitwasyon at makapagbigay ng mga patunay.
 Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa kalikasan.

ESP 10//Mga Pangunahing Birtud sa Pagpapahalagang Moral//S.Y.2021-2022 10 3


e
Panimulang Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel. Huwag mag-alala. Tatayain lamang
ang iyong pangunang kaalaman. Pagkatapos mong sagutin ang bahaging ito, ikumpara mo ang iyong sagot mula
sa susi sa pagwawasto sa huling pahina ng iyong modyul.
1. Binabago ng pagmamahal sa Diyos ang buhay ng tao sa pamamagitan ng _______________.
a. pagpapatibay ng isip at paghubog ng kilos- loob
b. pagsasabuhay ng mga biyaya ng espiritu.
c. pagsusuri ng sariling buhay
d. pagtulong sa problema ng kapwa
2. Ang pagmamahal ng Diyos ang nagbibigay sa atin ng kakayahan na mahalin ang ating kapwa. Makikita
rito ang katangian ng pagmamahal ng Diyos na ______________.
a. eternal
b. nagbubuklod
c. isang biyaya ng espiritu
d. mapagpatawad
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi angkop na pagpapakahulugan sa konsepto ng pagmamahal
sa Diyos?
a. Ang pagmamahal sa Diyos ay pakikipag-ugnayan sa espirituwal sa matalik na pamamaraan.
b. Ang pagmamahal sa Diyos ay ang aktwal na pagkaranas sa kabutihan, kapangyarihan, at pag-ibig ng
Diyos na ibinabahagi natin sa kapwa.
c. Ang pagmamahal sa Diyos ay ang nagaganap sa buhay ng isang tao bunga ng kanyang relihiyon.
d. Ang pagmamahal sa Diyos ay ang pagkakaroon ng tamang desisyon sa lahat ng bagay.
4. Alin sa mga sumusunod ang taliwas sa pagpapamalas ng tunay na paggalang sa buhay?
a. pagkakaroon ng mapagnilay na paninindigan sa walang kapantay at kasagraduhan ng buhay
b. isinasabuhay ng pamilya ang gampanin bilang kanlungan ng buhay
c. pagkakaroon ng batas na katanggap-tanggap sa lipunan tulad ng parusang kamatayan
d. pakikitungo ng maayos at pagkakaroon ng tahimik na buhay
5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng maling kaisipan ukol sa kahalagahan ng
pagmamahal ng Diyos?
a. dahil sa pagmamahal ng Diyos, nagkakaroon tayo ng karapatan na humingi ng pagpapala at biyaya
b. sa tulong ng pagmamahal ng Diyos, nagiging mapanagutan tayo sa paggamit ng kalayaan
c. sa bisa ng pagmamahal ng Diyos, nababago ang ating maling gawi at kilos
d. sa tulong ng pagmamahal ng Diyos, natututo tayong magpatawad at humingi ng tawad
6. Kailangang igalang ang buhay dahil ito ay pagpapakita ng ________________.
a. pag- unawang mahalaga ang buhay
b. pagmamahal sa Diyos at sa kapwa
c. pag- iwas sa kasalanan
d. pang-aabuso sa kapangyarihan
7. Ang ating bayan ang nagbibigay sa atin ng ating pagkakakilanlan sapagkat _______________.
a. ito ang nagbigay ng pangkat na ating kinabibilangan at kultura na humubog sa ating pagkatao
b. dito tayo ipinanganak at bininyagan bilang tao at mamamayan
c. naririto ang mga taong nakakikilala at nagmamahal sa atin
d. dito natin natutunan ang maraming bagay
8. Ang patriyotismo o pagmamahal sa bayan ay ang pagpapakita ng pag-uugnay ng sarili sa bayan at
pagmamalasakit sa kapakanan nito. Upang magawa ito, kailangan ng isang mamamayan ang sumusunod
maliban sa ______________.
a. pagkilala sa sariling bayan at sa mga mamamayan nito
b. pagmamalaki sa mga kalakasan at tagumpay ng bansa
c. pagtanggi sa impluwensiya at pagbabagong dala ng globalisasyon
d. pagmamahal at pagmamalasakit sa bansang pinagmulan
9. Alin sa sumusunod ang mga tamang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
a. sumunod sa lahat ng batas at lahat ng sinasabi ng mga namumuno sa bayan
b. pigilan ang sarili na punahin ang sariling bayan at kapwa Pilipino
c. makiisa sa pagsasaayos ng mga kahinaan ng bansa
d. makipagkaibigan sa mga mamamayan sa inyong lugar
10. Alin sa sumusunod ang mga epekto ng materyalismo sa kalikasan?
a. binabago nito ang ating pagkaunawa sa galaw ng kalikasan
b. inaalis nito ang pananagutan natin sa kalikasan
c. sinisira nito ang ating kalikasan
d. isinasaayos nito ang ating kalikasan

ESP 10//Mga Pangunahing Birtud sa Pagpapahalagang Moral//S.Y.2021-2022 10 4


e
Binabati kita! Naniniwala akong madali mong nasagot ang bawat tanong. Marahil ikaw ay
nasasabik na malaman ang mga bagay na iyong matutuklasan sa araling ito. Ngayon ay
maaari mo nang simulant ang iyong masigasig na pag-aaral sa nilalaman ng modyul na ito.
Alam kong handa ka na para sa mga matatamo mong mga pagkatuto.

PAGTUKLAS
Pagsasanay A: Karanasan at Pagkatuto

Panuto: Alalahanin ang isang sitwasyon sa iyong buhay mula sa panahon na nag-umpisa ang pandemya hanggang
sa kasalukuyan na kung saan nakatulong ang pagmamahal sa Diyos. Batay sa mga sitwasyong iyong naisip,
balangkasin ito sa tulong ng tsart sa ibaba.
Karanasan Mga Balakid Pagkatuto
1.
2.
3.
4.
5.
Pagsasanay B: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
Aalamin ng gawaing ito ang iyong nalalaman tungkol sa pag-aaralan sa kwater na ito.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at magbigay ka ng iyong inisyal na sagot sa ilalim ng
bahagi ng “bago”. Gawin mo ito sa isang buong papel. Hindi muna ito ipapasa ngunit huwag hayaang
mawala.
Mga Pokus na Tanong Bago Pagkatapos

1. Bakit mahalaga ang pagsasabuhay ng


pagmamahal sa Diyos at paggalang sa
buhay ng tao?
2. Bakit mahalagang maunawaan ang
pagmamahal sa bayan at kalikasan?
Mahusay! Nagawa mo ang mga gawain sa bahaging ito. Simulan mong linangin ang mga
mahahalagang impormasyong bahagi ng aralin sa modyul na ito.

PAGLINANG
Ngayon ay paghandaan mo ang iyong magiging aralin. May mga inilaang gawain para sa iyo upang unti-unti mong
tuklasin ang mga aralin sa modyul na ito. Halina, magsimula na tayo!
3.1. Pagmamahal sa Diyos at Paggalang sa Buhay
Gawain 1. Katangiang Dapat Malaman
Nilalaman: Kahulugan at Kalikasan ng Pagmamahal ng Diyos (Pagpapakatao 10, pahina 154-160)
Panuto: Tukuyin ang iba’t ibang katangian ng pagmamahal ng Diyos. Punan ang bawat kahon sa ibaba.
Mga katangian ng
pagmamahal ng Diyos

Gawain 2. Tukuyin at Alamin


Nilalaman: May Higit na Mahalaga sa Buhay (Pagpapakatao 10, pahina 163-174)
Panuto: Sa iyong sariling pagkaunawa, sagutin ang mga tanong sa loob ng bawat hugis sa sunod na pahina.

ESP 10//Mga Pangunahing Birtud sa Pagpapahalagang Moral//S.Y.2021-2022 10 5


e
Napakahusay mo naman!
Madali mong natapos ang gawaing ito. Ngayon ay iyo namang sagutin ang isang maikling
pagsusulit sa ibaba.

Pagsusulit:
PANUTO: Ibigay ang mga salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa isang buong papel.
_________1. Ito ay ang pagkiling sa kultura ng kasalanan, pagnanasa sa laman, at kamatayan. Hinahayaan nito
ang aborsiyon, euthanasia, pagpatay, paghihiganti, suicide, giyera, at marami pang iba.
__________2. Ang buhay ng tao ay sagradong katotohanan na ipinagkatiwala sa atin. Dapat ito’y pagyamanin ng
may pananagutan, na may ganap na pagmamahal at sa biyaya ng ating sarili, para sa Diyos, at sa ating kapwa.
__________3. Ito ay isinasakatuparan ng mga doktor na dapat kumakalinga sa mga maysakit batay sa kanilang
sinumpaang tungkulin o propesyon.
__________4. Ito ay may natatanging gampanin sa buong buhay ng kanyang mga miyembro mula sa
pagkapanganak hanggang kamatayan.
__________5. Ito ang gagabay upang maging malapit lagi sa katotohanan at tumutulong sa indibidwal upang
magpakatao na lumago ang paggalang sa buhay, at magkaroon ng mabuti at tamang pakikipag ugnayan.
__________6. Ito ay ang pagtanggap sa hamong makahanap ng kahulugan at sa mukha ng mga taong maysakit,
nagdurusa, itinakwil, o iyong mga malapit nang mamatay ay naririnig ang tawag para sa paghaharap, pag- uusap,
at pagbubuklod.
__________7. Ito ay may pananagutan na ang mga mensaheng mahusay nilang inihahayag ay sumusuporta sa
culture of life.
__________8. Ito ay ang pag- ayaw sa pagmamahal sa sarili at pagtuligsa sa kapangyarihan ng Diyos sa buhay
at kamatayan.
__________9. Ito ang pagpapatupad ng mga programang panlipunan tulad ng paggamot sa mga nalulong sa
droga, Aids, sakit sa pag- iisip, at patuloy na pagbibigay- suporta sa buhay na may dedikasyon at serbisyo.
__________10. Ito ang kauna- unahang kailangang mahubog kaugnay ng walang kapantay at kasagraduhan ng
buhay ng bawat tao.

IKALAWANG LINGGO
PAGPAPALALIM
Gawain 3. Sa Aking Pananaw
Nilalaman: Kahalagahan ng Pagmamahal ng Diyos at Mga Hakbangin Upang Mapaunlad ng Pagmamahal sa
Diyos (Pagpapakatao 10, pahina 156-159)
Panuto: Basahing mabuti ang bawat bahagi ng aklat na “The Greatest Miracle in the World” ni Og Mandino,
ang bawat bahagi ay isang adaptation mula sa orihinal na Ingles na isinalin sa Filipino. Ibahagi ang inyong sariling
pananaw sa aral tungkol sa pagpapahalaga sa buhay na nais ipahiwatig ng bawat paksa.
Bahagi 1:
Marami kang biyayang tinanggap mula sa akin.
Bawat biyaya ay mahalaga sa pagtamo ng iyong kaganapan. Ang mga ito ay magsisilbing kayamanan at
kasangkapan sa pagtayo ng pundasyon para sa isang bago at higit na mabuting buhay.
____________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________.

ESP 10//Mga Pangunahing Birtud sa Pagpapahalagang Moral//S.Y.2021-2022 10 6


e
Bahagi 2:
Ikaw ay namumukod-tangi sa mundo.
Walang katulad, hindi matatawarang kayamanan, may katangian sa isip at pananalita, paggalaw at kaanyuan, at
kilos na wala sa sinumang nabuhay, nabubuhay at mabubuhay.
Gamitin mo ang mga katangiang ito sa pagpapanumbalik ng “buhay na buhay” mula sa “patay na buhay”.
____________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________.

Bahagi 3:
Ilaan mo ang iyong buhay para sa kapwa.
Mag-alay ka ng malaki at mabuting serbisyo nang higit na inaasahan mula sa iyo. Hindi mo kawalan ang magsilbi
sa iyong kapwa nang higit sa biyayang matatanggap mo. Huwag mong iwasan ang pagmamahal sa kapwa hanggat
kaya mo.
Ikaw ay nabubuhay para sa kapwa. Mahalin mo ang iyong kapwa lalo na ang higit na nangangailangan ng pagsisilbi
mo.
____________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Bahagi 4:
Binigyan kita ng kakayahang pumili. Piliin mo ang buhay!
Piliin mo ang magmahal…kaysa magalit. Piliin mo ang tumawa…kaysa umiyak.
Piliin mo ang lumikha…kaysa sumira. Piliin mo ang magpursige…kaysa bumitiw.
Piliin mo ang pumuri…kaysa manira ng kapwa. Piliin mo ang humilom…kaysa sumugat.
Piliin mo ang magbigay…kaysa magnakaw. Piliin mo ang kumilos…kaysa ang magpabukas.
Piliin mo ang lumago …kaysa mabulok. Piliin mo ang magdasal…kaysa ang magmura.
Piliin mo ang mabuhay…kaysa ang mamatay.
_________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Bahagi 5:
Ikaw, ang iyong buhay, ang pinakamalaking milagro sa mundo.
Bawat hibla ng iyong buhay ay maging hamon at ligaya. May kakayahan kang lumikha ng mga bagay na kagila-
gilalas. Huwag mong maliitin ang iyong sarili. Mula ngayon, huwag mong itago ang iyong mga talento.
Punuin mo ang bawat hibla ng iyong buhay ng pag- ibig…Sa lahat ng iyong iisipin at ikikilos, gawin mo ito nang
may pagmamahal…pagmamahal sa iyong sarili, pagmamahal sa iyong kapuwa…
at pagmamahal sa Akin…
_______________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________.

Gawain 4. Talahanayang C-E-R


Panuto: Mula sa sitwasyong nakalahad, suriin ito at isagawa ang tsart sa ibaba. Gawin ito sa isang buong papel.
Si Clara ay isang masipag na estudyante at lagi siyang nangunguna sa klase. Marami ang humahanga sa kaniya
dahil magalang at masunurin din siyang anak. Isang araw, kumalat ang balitang nagdadalantao si Clara kung kaya’t
napilitan siyang huminto sa kanyang pag-aaral. Sa murang edad ay hinarap ni Clara ang maagang pagbubuntis na
ang tanging kaagapay niya ay ang pagmamahal at gabay ng kanyang mga magulang gayundin ang pagmamahal at
pagtitiwala niya sa Diyos.

Bakit mahalaga ang pagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos at paggalang sa buhay ng tao?

Sagot sa tanong:

Magbigay ng patunay sa iyong sagot:

Paano mo masasabing ito ay magpapatunay sa iyong sagot?

ESP 10//Mga Pangunahing Birtud sa Pagpapahalagang Moral//S.Y.2021-2022 10 7


e
Sa natapos na gawain ay iyong ipinamalas ang iyong galing sa pagpapaliwanag. Napakahusay
mo!

IKATLONG LINGGO
PAGLIPAT
Gawain 5. Photo Essay
Panuto: Gumawa ng isang photo essay na nagpapakita ng mga hakbangin ng pagmamahal sa Diyos at paggalang
sa buhay. Maaaring gumupit sa mga lumang magazine o brochure ng mga larawan sa gawaing ito. Gawin ito sa
isang long bond paper.

IKALIMANG LINGGO
PAGTUKLAS
3.2. Mga Pagpapahalaga sa Paggawa
Ang yunit na ito ay tumatalakay sa pagmamahal sa bayan at sa kalikasan. Ang ating bayan ang
pinagmulan ng ating pagkakakilanlan at nagbibigay ng mga bagay na nasa atin sa kasalukuyan. Bilang
mamamayan na tumatanggap ng mga biyayang ito, tungkulin natin na mahalin at kalingain ang nag-iisang bansa
natin. Kaakibat ng pagmamahal sa bansa ang pag-iingat at paglilinis ng kapaligiran. Dahil ang daigdig ay isang
malaking sistema at ang sakit na nararamdaman ng kalikasan ay nadarama rin ng tao, may pananagutan ang tao
na pangalagaan ang kalikasan. Responsibilidad ng tao na tiyakin na maayos ang galaw at pagdaloy ng buhay sa
ating daigdig.
Pagsasanay A. Halina’t umawit!
Panuto: Awitin ang pambansang awit sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Lupang Hinirang
Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.
Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula at awit
Sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na ‘pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa’yo.

1. Ano ang iyong iniisip o nararamdaman habang inaawit ang “Lupang Hinirang”?
2. Bakit mahalaga ang pagmamahal sa bayan?
3. Bakit mahalagang maunawaan ang pagmamahal sa bayan at sa kalikasan?
Pagsasanay B. Pag-isipan mo!
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. Ilagay ang iyong sagot sa lobo ng usapan.
Tanong: Ano-ano ang iyong maipagmamalaki sa Pilipinas bilang isang Pilipino?

ESP 10//Mga Pangunahing Birtud sa Pagpapahalagang Moral//S.Y.2021-2022 10 8


e
Ipinagmamalaki ko na ako ay Pilipino!

PAGLINANG
3.2. Mga Pagpapahalaga sa Paggawa
Gawain 1. Di na tulad ng Dati!
Nilalaman: Ang pagmamahal sa Bayan (Pagpapakatao 10, pahina 180-190)
Panuto: Isulat ang mga gawain mo dati na hindi makabayan. Sa tapat ng bawat isa, isulat ang pagbabagong
gagawin mula ngayon.
Dati ako ay… Mula ngayon, ako ay…

Gawain 2. Dapat Alam Mo!


Nilalaman: Kumilos at Magpasiya para sa Kapaligiran at Kalikasan (Pagpapakatao 10, pahina 191-196)
Tanong: Ano-ano ang mga gawain o kilos ng tao ang nakasisira sa kalikasan?
Panuto: Isulat ang mga gawain ng tao na lumalabag sa pangangalaga sa kalikasan sa bawat bilog sa ibaba.

Binabati kita! Nagawa mo ang mga gawain para sa linggong ito. Upang higit na
magkaroon ng kaalaman sa ating aralin, muli mong isagawa ang mga gawain sa bahagi
ng pagpapalalim.

PAGPAPALALIM
Gawain 3. Tukuyin at Tandaan
Nilalaman: Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan (Pagpapakatao 10, pahina 181-184)
Mahirap para sa ibang tao na maipakita ang pagmamahal sa bayan sapagkat hindi nila alam kung ano ang
mga bagay na maaari nilang ipagmalaki sa ating bansa bilang mga Pilipino.
Panuto: Ipahayag ang iyong pag-unawa tungkol sa pagmamahal sa bayan at pagpapakita ng patriyotismo. Punan
ang kahon sa ibaba.
Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan Paraan ng Pagpapakita ng Patriyotismo
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Gawain 4. Pagpapaliwanag
Nilalaman: Kalikasan, Kaligayahan, at Pagiging Katiwala (Pagpapakatao 10, pahina 193-197)
Panuto: Ipaliwanag sa iyong sariling pananaw sa mga pahayag sa sunod na pahina. Kopyahin at isulat ang iyong
sagot sa isang buong papel.

ESP 10//Mga Pangunahing Birtud sa Pagpapahalagang Moral//S.Y.2021-2022 10 9


e
A.
“Sapat ang mga bagay sa daigdig para sa pangangailangan ng tao, ngunit hindi para sa kaniyang kalayawan”.
-Mohandas Gandhi
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________

B.
Ang pangangalaga sa kapaligiran ay pagpapakita ng paggalang sa Diyos na siyang nagtalaga sa atin bilang
katiwala ng kalikasan. Upang magawa ito, kailangan nating maging mapanagutan sa paggamit ng mga materyal
na bagay na ating kinukuha mula sa kalikasan. Ito ay nangangailangan ng pagbabago ng paraaan ng pamumuhay
at pagpapasiya nang may pagsasaalang-alang sa kapakanan ng ating paligid at kalikasan.
Bakit mahalaga ang pangangalaga sa kalikasan?
__________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Gawain 5: Mga Pamamaraan


Nilalaman: Maling Pamumuhay, Maling Pagpapahalaga (Pagpapakatao 10, pahina 192-193)
Panuto: Isulat sa unang kolum ang mga maling kilos at pamamaraan sa pamumuhay na nakaaambag sa suliraning
pangkapaligiran. Isulat sa katapat na suliranin kung paano ito maitatama o mabibigyang solusyon.
Maling Pamamaraan/ Suliranin Paano Itatama?
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 6: Talahanayang CER


Sitwasyon 1
Isang mangingisda si Danny, dahil na rin sa kahirapan ng buhay ay napagpasyahan niyang gumamit ng
mga illegal na pamamaraan sa pangingisda na tulad ng dinamita. Batid niya na ipinagbabawal ang paggamit nito
dahil na rin sa patuloy na pagkasira ng mga coral reefs at pagkadamay ng mga maliliit na isda. Napag- alaman ito
ng kanilang punong barangay at napagsabihan si Danny. Dahil na rin sa takot na isuplong sa mas mataas na
kapulungan kung kaya’t hindi na ito muli pang inulit ni Danny.
Sitwasyon 2

Masipag at masunuring mag-aaral si Kim, sa kanyang paglalakad patungo sa paaralan ay pinupulot


niya ang mga basurang nasa daan at itinatapon ito sa tamang basurahan. Nakaugalian na rin nya ang pag-recycle
ng mga bagay na maaari pa niyang magamit o mapakinabangan. Dito ay sari-saring bagay ang kanyang nagagawa
na siya rin niyang naging libangan.

Sitwasyon 3

Isang magaling na inhenyero si Albert, maganda ang offer sa kanyang trabaho sa ibang bansa ngunit
kanya itong tinanggihan at piniling manatili’t magtrabaho dito sa ating bansa. Pinili niyang makasama at maging
mas malapit sa kanyang pamilya. Gayundin, pinili niya na sa sariling bayan ipamalas ang kanyang galing bilang
isang inhenyero.

Guided Generalization
Mahalagang Tanong Sitwasyon 1 Sitwasyon 2 Sitwasyon 3
(Danny) (Kim) (Albert)
Bakit mahalagang C: Tanong: Tanong: Tanong:
maunawaan ang Paano naipakita ang Paano naipakita ang Paano naipakita ang
pagmamahal sa bayan at pagmamahal sa bayan at pagmamahal sa bayan at pagmamahal sa bayan at
kalikasan? sa kalikasan? sa kalikasan? sa kalikasan?

E: Tanong: Tanong: Tanong:


Ano ang patunay sa iyong Ano ang patunay sa iyong Ano ang patunay sa iyong
sagot? sagot? sagot?

ESP 10//Mga Pangunahing Birtud sa Pagpapahalagang Moral//S.Y.2021-2022 10 10


e
R: Tanong: Tanong: Tanong:
Paano mo nasabing ito ang Paano mo nasabing ito ang Paano mo nasabing ito ang
magpapatunay sa iyong magpapatunay sa iyong magpapatunay sa iyong
sagot sagot sagot
Magkaparehong ideya ng tatlong sitwasyon na nasa katuwiran.
Mahalagang Pag-unawa:
__________________________________________________________________________________________
___________________________________________

PORMATIBONG PAGTATAYA
Panuto: Tayain mo ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pormatibong pagtataya sa ibaba. Gawin ito sa isang
buong papel.
321 EXIT SLIP
Tatlong bagay na aking natutuhan mula sa aralin
3
Dalawang bagay na maaari kong maibahagi sa iba
2
Isang bagay o konsepto na nais pang matutuhan
1
Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
Tingnan natin ang pagkakaiba ng iyong sagot matapos mong maisagawa ang mga gawain sa yunit na ito. Ang
bahaging pagkatapos lamang ang iyong sasagutan. Gamitin ang parehong papel na ginamit sa pagsasanay B.
Mga Pokus na Tanong Bago Pagkatapos

1. Bakit mahalaga ang


pagsasabuhay ng
pagmamahal sa Diyos at
paggalang sa buhay ng tao?

2. Bakit mahalagang
maunawaan ang
pagmamahal sa bayan at
kalikasan?

Walang dudang napakahusay mo! Natapos mo ang mga gawain sa bahaging ito. Ihanda mo ang
iyong sarili para sa huling linggo.

IKAPITONG LINGGO
PAGLILIPAT
Gawain 7. Photo Collage
Panuto: Sa pamamagitan ng iyong sariling kakayahan ay ipakita sa malikhaing pamamaraan ang angkop na kilos
upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan at pangangalaga sa kalikasan. Gumawa ng isang photo collage na
magsisilbing performance task sa araling ito.
Mga halimbawa ng photo collage:

ESP 10//Mga Pangunahing Birtud sa Pagpapahalagang Moral//S.Y.2021-2022 10 11


e
SUSI SA PAGWAWASTO
Panimulang Pagtataya:
1. A 6. B
2. B 7. A
3. C 8. C
4. C 9. C
5.A 10. C

PAGTUKLAS 3.1
Pagsasanay A. marami pang posibleng sagot
Halimbawa ng posibleng maging sagot:
Karanasan Mga Balakid Pagkatuto
1. pagkawala Covid 19 virus pag-iingat ng kalusugan at pagsusumikap na matuto sa kabila ng
ng face to bagong paraan ng pag-aaral
face classes
Pagsasanay B. maraming posibleng sagot
PAGLINANG 3.1
Gawain 1
Mga Katangian ng Pagmamahal ng Diyos
Ang pagmamahal ng Diyos ay:
- nagbubuklod sa lahat ng tao
- isang biyaya ng espiritu
- banal at walang hanggan
- nakapagbibigay ng lunas o kagalingan at pagbabago sa buhay ng tao
Gawain 2
*Ano ang buhay at saan galing ito?
-Ang buhay ang pinakamahalagang biyayang kaloob ng Diyos sa tao.
* Ano ang mga patunay na ang tao ay may paggalang sa buhay?
- Tinatanggap ang kanyang buhay at ng kanyang kapwa nang buong puso mula sa kanyang pagkalalang
hanggang sa kanyang kusang pagkamatay.
- Nagkakaroon ng katarungan, pag- unlad, tunay na kalayaan, kapayapaan, at kaligayahan.
* Ano ang patunay na ang tao ay walang paggalang sa buhay?
- Anumang uri ng pagyurak sa integridad ng tao; gaya ng pagsakit o pagsira ng bahagi ng katawan,
pagpatay ng sangkatauhan, euthanasia o kusang pagkitil ng sariling buhay.
* Bakit kailangan ang paggalang sa buhay?
- Ang paggalang sa buhay ng tao ay nararapat upang maipakita na mahalaga ang buhay dahil may higit
na mahalaga kaysa rito—ang pagmamahal sa Diyos at a kapuwa. Kapag walang pagpapahalaga at paggalang sa
buhay, wala ring paggalang at pagpapahalaga sa tao.

PAGTUKLAS 3.2
Pagsasanay A. maaaring iba-iba ang sagot
Pagsasanay B. maaaring iba-iba ang sagot

PAGLINANG
Gawain 1- Mga posibleng sagot
Dati ako ay… Mula ngayon, ako ay…
- walang pakialam sa kasaysayan at sa mga - pinagmamalaki ko ang ating mga ninuno
nagawa ng ating mga bayani na nagbuwis ng buhay upang kalayaan ng
bansa ay makamtan

- binabalewala ang pambansang awit at ang iba pang - humihinto tuwing itinataas at inaawit ang
pagkakakilanlan ng ating bansa pambansang awit

Gawain 2- *maling pagtatapon ng basura


*pagsira ng kagubatan sa pamamagitan ng walang tigil na pagputol ng puno
*pakikialam sa natural na anyo ng tubig o pagpatag sa kabundukan upang tayuan ng mga gusali
*maling paggamit ng likas na yaman gaya ng pag- aaksaya ng tubig at enerhiya

ESP 10//Mga Pangunahing Birtud sa Pagpapahalagang Moral//S.Y.2021-2022 10 12


e

You might also like