You are on page 1of 17

CAMARINES NORTE COLLEGE INC.

Junior High School Department


Labo, Camarines Norte
S.Y. 2021-2022

Ikatlong Kwarter
Learning Module para sa EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto ng pasasalamat, pagsunod,


paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad.
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pagunawa sa mga konsepto sa paggawa ng mabuti sa
kapwa.
.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Naisasagawa ng mga mag-aaral ang angkop na kilos na makaimpluwensya sa kapwa


kabataan sa pagsunod, paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad.
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing
tumutugon sa pangangailangan ng kaniyang kapwa.

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 1


TALAAN NG NILALAMAN
MODYUL BLG. 3: MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD SA PAKIKIPAGKAPWA
LINGGO NILALAMAN/ARALIN MGA GAWAIN PAHINA SA MODYUL
UNANG LINGGO -Panimula  Pagsasanay A:
-Saklaw ng Modyul Mapa ng Konsepto
-Grapikong Pantulong sa ng Pagbabago
Aralin  Pagsasanay B:
-Inaasahang Kasanayan Pasasalamat
-Panimulang Pagtataya
Pahina 5-6
-Pagtuklas
 Pagpapasalamat,
Mahalagang sangkap
sa pakikipagkapwa
 Sundin at Igalang, mga
Awtoridad sa Lipunan
IKALAWANG LINGGO  Paglinang  Gawain 1: Tsart ng
 Pagpapalalim Pasasalamat
 Gawain 2:
Pakikipagkaibigan
 Gawain 3:
Pinatnubayang
Paglalahat Pahina 6-10
 Gawain 4: Bakit nga
ba?
 Gawain 5:
Talahanayang C-E-R
 Maikling Pagsusulit

IKATLONG LINGGO -Paglipat  Gawain 6: Action Plan


Pahina 10-11
IKAAPAT NA LINGGO IKATLONG ANTASANG PAGSUSULIT
IKALIMANG LINGGO -Pagtuklas  Pagsasanay A: I
 Katapatan sa Salita at Connect
Gawa: Sandigan ng  Pagsasanay B
Pakikipagkapuwa Pahina 11-12
 Kabutihang-loob:
Pagawa ng kabutihan
sa kapwa
IKAANIM NA LINGGO  Paglinang  Gawain 1: Alam mo
 Pagpapalalim ba?
 Gawain 2: Kapwa ko,
Mahal ko
 Gawain 3:
Pahina 12-15
Pakikipagkapwa
 Gawain 4:
Pinatnubayang
Paglalahat
 Maikling Pagsusulit
IKAPITONG LINGGO -Paglipat  Mapa ng Konsepto ng
Pagbabago
 Pormatibong
Pahina 15-17
Pagtataya
 Gawain 5: Timeline
Project
IKAWALONG LINGGO IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 2


UNANG LINGGO

MODYUL 3: Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa


Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging magalang, matulungin sa mga nangangailangan at
mapagpasalamat sa kahit anong bagay na ating natatanggap maliit man ito o malaki. Ito ay lubos nating
tinatanggap at napapahayag ang tauspusong pasasalamat sa mga taong nagkaloob nito sa atin. Pati na rin ang ating
mataas na respeto sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad ay naipakikita natin sa pagsagot ng “po” at
“opo” sa tuwing sila ay magtatanong, ganoon din sa mga batas na ating sinusunod para sa ating ikabubuti at upang
mapaunlad natin ang ating pakikipagkapwa. Dito ay mauunawaan mo ang mga pagpapahalaga at birtud ng
pakikipagkapwa tulad pasasalamat, pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad, katapatan sa salita
at gawa at kabutihang loob sa paggawa ng mabuti sa kapwa. Gagabayan ka ng yunit na ito upang maipadama mo
ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kabutihan ng iyong kapwa. Sa kabuuan, ang mga aralin dito ay magsisilbing
patnubay upang malinang at maisagawa mo ang tamang pagpapahalaga sa mga birtud ng pakikipagkapwa.
Sasagutin din sa modyul na ito ang pangunahing mga tanong na: “Paano maiimpluwensyahan ng mga kabataan
ang kanyang kapwa sa konsepto ng pasasalamat, pagsunod, paggalang sa mga magulang at may
awtoridad?” At “Paano matutugunan ng mga kabataan ang pangangailangan ng kanyang kapwa?”

SAKLAW NG MODYUL
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang sumusunod;
Mga Aralin Magagawa mong…
Aralin 13:  matukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang loob at mga paraan
Pagpapasalamat, ng pagpapakita ng pasasalamat
Mahalagang sangkap  masuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o
sa pakikipagkapwa kawalan nito
 maipaliwanag ang angkop na kilos ng pasasalamat
Aralin 14: Sundin at  makilala ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng
Igalang, mga katarungan at pagmamahal.
Awtoridad sa  masuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda at
Lipunan may awtoridad
 maipaliwanag ang kahalagahan ng pagsunod at paggalang sa nakatatanda at may
awtoridad
 maisagawa ang angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga magulang,
nakatatanda at may awtoridad na nakaiimpluwensya sa mga kabataan na
maipamalas ang mga ito
Aralin 15: Katapatan  matukoy ang apat na uri ng kasinungalingan
sa Salita at Gawa:  masuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan
Sandigan ng  maipaliwanag na ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng
Pakikipagkapwa pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at mabuting matatag na konsensya
Aralin 17:  mailahad ang mga kabutihan niyang nagawa sa kapwa
Kabutihang loob:  matukoy ang mga pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao at nilalang na
Pagawa ng maaaring tulungan ng mga kabataan
kabutihan sa kapwa  maisagawa ang ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing tutugon sa
pangangailangan ng kapwa
Grapikong Pantulong sa Aralin

MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD SA


PAKIKIPAGKAPWA
(QUARTER 3)

Pagpapasalamat, Pagsunod at Katapatan sa Salita at


Pakikipagkapwa
Paggalang sa may Awtoridad sa Gawa at Paggawa ng
Lipunan Kabutihang loob

Tungo sa pagbuo ng angkop na kilos na makaimpluwensya sa kapwa kabataan sa pagsunod,


paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad at angkop na kilos sa isang mabuting
gawaing tumutugon sa pangangailangan ng kaniyang kapwa.

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 3


INAASAHANG KASANAYAN:
Sa modyul na ito, inaasahang matutupad mo ang mga sumusunod na mga gawaing pampagkatuto:
 natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang loob at mga paraan ng pagpapakita ng
pasasalamat
 nakikilala at naipaliliwanag ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang at bunga ng hindi pagpapamalas
ng pagsunod sa nakatatanda
 nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat
 naipaliliwanag ang angkop na kilos ng pasasalamat
 nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad
 naisasagawa ang angkop na kilos ng pagsunod sa nakatatanda at may awtoridad
 natutukoy ang apat na uri ng kasinungalingan
 nailalahad ang mga kabutihan niyang gawa sa kapwa
 natutukoy ang mga pangangailagan ng iba’t ibang uri ng tao
 naipaliliwanag na ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng pagkakaroon ng komitment sa
katotohanan, mabuti at matatag na konsensya
 nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan
 naisasagawa ang ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing tutugon sa pangangailangan ng
kapwa
Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka na sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot sa
panimulang pagtataya. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin mo ang titik na sa tingin mong tamang
sagot. Gawin at sagutin mo na lamang ang bahaging ito sa hiwalay na papel. Pagkatapos mong sagutin ang lahat ng
tanong, ikumpara mo ang iyong mga napiling sagot sa susi sa pagwawasto na matatagpuan sa huling pahina ng modyul
na ito.

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na simula ng pagkatuto ng tao ang nagpapakita ng pagiging mapagpasalamat?
a. mga araling natutunan sa paaralan
b. mga itinuro sa kani-kanilang relihiyon
c. mga namasid sa mga magulang sa tahanan
d. mga namasid sa matalik na kaibigan
2. Bakit masaya ang isang taong mapagpasalamat?
a. marami pa siyang matatanggap na mga biyaya mula sa kapwa
b. nararamdaman niya ang kabutihang loob ng kanyang kapwa
c. alam niya na naging mabuti siya sa pakikisama sa kanyang kapwa.
d. dahil mabuti ang gawaing mapagpasalamat
3. Alin ang hindi layon ng pagiging mapagpasalamat?
a. upang bayaran o palitan ang kabutihan ng ating kapwa
b. upang ipahayag ang ating kasiyahan sa kanilang kabutihang loob
c. upang gantimpalaan ang mga tao na mabubuting mamamayan sa lipunan
d. upang ipabatid ang ating tauspusong pasasalamat sa kanilang kabutihang loob
4. Alin ang pangunahing dahilan kung bakit dapat sundin ang mga may awtoridad sa lipunan?
a. upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lipunan
b. upang masupil ang mapagsamantala at lumalabag sa batas ng lipunan
c. upang gantimpalaan ang mga mabubuting mamamayan sa lipunan
d. upang walang maagrabyadong mamamayan
5. Sino ang gumagalang sa awtoridad ng kanyang mga magulang?
a. Si Mark na nakikipag-high five sa kanyang mga magulang bilang paraan ng kanyang pagbati.
b. Si Michael na kukunin muna ang pahintulot bago dumalo sa isang kasiyahan kasama ang mga barkada.
c. Si Nick na magalang na nagtatanong sa mga ipinasusunod na patakaran ng kanyang mga magulang.
d. Si Dave na nakikipagbiruan sa kanyang mga magulang.
6. Alin ang inaasahan ng tao na nagsabi ng “Labis sa salita ngunit kulang sa gawa”?
a. ang pagdating sa ipinangakong oras na sinabi sa isang kaibigan
b. ang wastong paraan ng pakikisama at pakikipagkaibigan mula sa isang kaibigan
c. ang hindi pagpapakita ng pagkilos sa sinabi o ipinangako sa kaibigan o kapwa
d. ang pagtupad sa ipinangako at napagkasunduan

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 4


7. Dalawa kayo ng iyong kaklase na gagamit ng aklat na ipinahiram ng inyong guro. Nangako ka na ibibigay mo
ang aklat pagkatapos ng dalawang araw, ngunit tatlong araw mong ginamit ang aklat. Kailangan mong tumulong
sa gawaing bahay. Hinihintay ng iyong kaklase ang aklat sa araw ng iyong ipinangako. Paano mo haharapin ang
sitwasyong ito?
a. ipaliliwanag at hihingi ako ng paumanhin na nabigo ako sa aking pangako
b. mabuting huwag na lamang pansinin dahil karaniwan namang nagyayari ito sa magkaibigan
c. tutulungan ko siya sa bahagi ng aming proyekto upang makabawi ako sa aking pagkukulang.
d. sasabihin kong marami akong ginawa kaya hindi ako nakatupad sa aking pangako
8. Ang katapatan sa salita at gawa ay naaayon sa katotohanan at matatag na konsensya. Alin ang itinuturing na
pinakamataas na uri ng katotohanan mula sa mga sumusunod?
a. ang katotohanang batay sa batas ng lipunan
b. ang katotohanang moral na mula sa Diyos, para sa tao at sa lipunan
c. ang katotohanang nagbibigay ng kabutihan at kasiyahan sa tao at sa lipunan
d. ang katotohanan mula sa taong pinakamalapit sa iyo
9. Ano ang mabuting maipapayo sa nakababatang kapatid na naiinis sa mga pulubing naghihingi sa kanya ng
limos?
a. bahagi sila ng sindikato nagsasamantala sa kanilang kahirapan kaya dapat iwasan
b. iwasan silang tulungan sapagkat ginagamit lamang ang tulong sa kanilang mga bisyo
c. hindi lamang pera ang maaaring itulong sa kanila, kailangan din nila ng pagkain
d. iwasan silang tulungan dahil ginagamit lamang sila ng kanilang mga magulang
10. Alin ang limitasyon na dapat alalahanin sa paggawa ng kabutihan sa iyong kapwa?
a. dapat lamang tumulong sa kapwa para sa mabuting karma
b. walang pinipiling tao o panahon ang paggawa ng kabutihan sa kapwa
c. maging maingat sa pagtulong sa mga taong di kilala upang hindi maloko o mabiktima
d. maging mapanuri sa pagtulong sa kanila

Ngayon ay maaari mo nang simulan ang pag-aaral sa nilalaman ng modyul na ito. Subukin mo ang iyong sarili sa
panimulang gawain na inihanda para sa iyo.

PAGTUKLAS
Pagsasanay A: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
Makikita sa bahaging ito ang mapa ng konsepto ng pagbabago na bago at pagkatapos. Ito ang magiging gabay
mo upang masubaybayan mo ang pag-unlad ng iyong pagkatuto. Sagutin mo lamang ang mga tanong sa ilalim
ng bago.
Panuto: Kopyahin ang tsart sa iyong intermediate paper. Sagutin mo lamang ang mga tanong sa bahagi ng
BAGO. Hindi muna ito ipapasa ngunit huwag hayaang mawala.

Mga Pokus na Tanong Bago Pagkatapos


1. Paano maiimpluwensyahan ang
ating kapwa sa pag-unawa sa
konsepto ng pasasalamat, pagsunod,
paggalang sa mga magulang at may
awtoridad?
2. Paano matutugunan ang
pangangailangan ng kapwa?

Pagsasanay B: Pasasalamat
Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, magbigay ng mga gawain na nagpapakita ng pasasalamat sa Diyos,
magulang, at sa ating bayan. Isulat ang iyong sagot sa intermediate paper.
A. Pasasalamat sa Diyos B. Pasasalamat sa ating mga magulang C. Pasasalamat sa ating bayan

Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:


Pasasalamat sa mga biyayang Pag-aaral ng mabuti Pagsunod sa mga batas
natatanggap.

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 5


1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

4. 4. 4.

5. 5. 5.

Ngayon ay paghandaan mo ang iyong magiging aralin. May mga ginawa akong mga gawain para sa
iyo. Handa ka na ba? Tara, simulan na natin.

IKALAWANG LINGGO
PAGLINANG
Handa ka na bang simulan ang pag-aaral sa modyul na ito? Lilinangin sa linggong ito ang iyong
kaalaman. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mga nakalaang gawain.

Modyul 3.1: Pagpapasalamat, mahalagang sangkap sa pakikipagkapwa, sundin at igalang,


mga awtoridad sa lipunan.
Madalas ka bang nakararamdam na dapat kang magpasalamat? May ginawa ka ba upang ipakitang nagpapasalamat ka
sa bagay o pangyayari na iyong tinanggap o naramdaman? Tulad mo, may paraan din ang tao sa lahat ng bansa sa
pagpapahayag ng kanilang pasasalamat. Ang pagiging mapagpasalamat ay isang pagpapahalaga na nakalilinang ng
mabuting pagkatao. Mahalaga rin ang pagiging mapagpasalamat sa pagkakaunawaan at pakikipagkapwa.
Sa araling ito, mauunawaan mo ang kahulugan ng salitang pasasalamat sa kapwa. Inaasahan din na
mabibigyang-linaw ang kahalagahan ng pasasalamat. Sa pamamagitan ng mga gawain at talakayan sa araling ito,
inaasahang magkakaroon ka ng kasagutan sa mahalagang tanong na Paano makikita ang pasasalamat sa ginawang
kabutihan ng kapwa?
Maaari mo nang simulan ang panimulang gawain.

Karagdagang Kaalaman:
Ang pasasamalat ay isang positibong emosyon o pakiramdam sa kabutihang tinanggap mula sa kapwa.
Ayon kay (Agustin, 2009) ang taong mapagpasalamat ay may pagpapasiya na bigyan ng pagkadakila o honor ang
taong gumawa ng kabutihan sa kanya.
“Ang pasasalamat ay susi sa maligayang buhay na hawak na ng ating mga kamay. Kung hindi tayo magpapasalamat,
hindi tayo magiging maligaya at kahit marami na tayong biyayang natatanggap sapagkat lagi na lamang tayong
maghahanap at maghahangad ng higit pa.” -Brother David Steindl-Rast

Sino-sino ang dapat nating pasalamatan?


1. Pasasalamat natin sa Diyos – dahil sa buhay na ipinagkaloob niya sa atin. Pasasalamat sa mga taong ibinigay
niya sa atin upang magturo ng pagiging mabuting tao at responsableng mamamayan.
2. Pasasalamat natin sa ating mga magulang – nilikha tayo ng Diyos bilang tao sa pamamagitan ng ating mga
magulang. Sila ang nag-aaruga, nag-aalaga, at gumabay sa atin upang maging isang mabuting tao mula nang tayo’y
isilang hanggang sa kasalukuyan.
3. Pasasalamat natin sa ating Bayan – iisa ang ating bayan at ito ay ang bansang Pilipinas.
Basahin ang iyong batayang aklat, Pagpapakatao 8, pahina 196-203.

Binasa mo bang mabuti ang mga impormasyon sa itaas? Mahusay sapagkat marami ka ritong
malalaman tungkol sa aralin. Sige, ipagpatuloy mo ang pagsagot ng mga gawain modyul na ito.

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 6


Gawain 1: Tsart ng Pasasalamat

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na nasa ibaba na nagpapakita ng kabutihan ng iyong kapwa. Piliin
ang titik na nagpapakita kung anong uri ng kabutihan ang kanyang natanggap. Isulat ang iyong sagot sa
intermediate paper.
1. Si Ana ay ulila na sa mga magulang. Kinupkop siya ng DSWD upang hindi mapariwara ang kanyang buhay.
Anong kabutihan ang kanyang natanggap?
a. pagkalinga c. pagkakaisa
b. pag-asa d. pagtanggap
2. Si Roger ay pansamantalang pinatuloy ng kanyang kaklase sa kanilang bahay habang siya ay naghahanap ng
paupahang bahay malapit sa kanilang paaralan. Anong uri ng kabutihan ang kanyang natanggap?
a. pagkalinga c. pagkakaisa
b. pag-asa d. pagtanggap
3. Ibinalik ni Rona ang nahulog mong pitaka habang ikaw ay naglalakad dahil alam niyang lubha itong mahalaga
para sa iyo. Anong uri ng kabutihan ang iyong natanggap?
a. pagkalinga c. pagkakaisa
b. pag-asa d. kabutihang loob
4. Pinahiram ka ng pera ng iyong matalik na kaibigan dahil nabalitaan niyang kulang ang iyong perang pambayad
ng matrikula. Anong uri ng kabutihan ang kanyang natanggap?
a. pagkalinga c. pagkakaisa
b. pag-asa d. kabutihang loob
5. Naglunsad ang iyong punong barangay ng isang programa ng paglilinis at muling pagsasaayos ng iyong lugar,
tumulong ang buong barangay upang mapabilis ang nasabing gawain. Anong uri ng kabutihan ang ipinakita sa
sitwasyon?
a. pagkalinga c. pagkakaisa
b. pag-asa d. kabutihang loob
6. Nagbahagi si Rona ng pagkain at mga damit sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda upang pansamantalang
may magamit at makain ang mga taong naapektuhan ng bagyo. Anong uri ng kabutihan ang kanilang natanggap?
a. pagkalinga c. pagtulong
b. pag-asa d. kabutihang loob
7. Dahil sa pandemya, naglunsad ang punong bayan ng isang programang pagtatanim ng gulay at prutas na
magsusuplay ng produkto sa buong bayan at magbibigay ng hanapbuhay sa mga taong nawalang ng trabaho.
Anong uri ng kabutihan ang ipinakita sa sitwasyon?
a. pagkalinga c. pagtulong
b. pag-asa d. kabutihang loob
8. Hinatid ka ng iyong katrabaho sa inyong bahay dahil nawalan ka ng masasakyan pauwi sa inyo. Anong uri ng
kabutihan ang iyong natanggap?
a. pagkalinga c. pagtulong
b. pag-asa d. kabutihang loob
9. Si Rosa ay ulila nang lubos dahil sa isang trahedyang ikinasawi ng kanyang mga magulang, ngunit siya ay
kinupkop ng mag-asawang Ginoo at Gng. Flores at itinuring na parang tunay nilang anak. Anong uri ng kabutihan
ang natanggap ni Rona?
a. pagkalinga c. pagtulong
b. pagtanggap d. kabutihang loob
10. Pinahiram ka ng barong tagalog ng iyong kapitbahay upang magamit mo sa isang pagtatanghal sa paaralan.
Anong uri ng kabutihan ang iyong natanggap?
a. pagkalinga c. pagtulong
b. pagtanggap d. kabutihang loob

SUNDIN AT IGALANG, MGA AWTORIDAD SA LIPUNAN


Ang mga magulang, nakatatanda, at iba pang namumuno o nanunungkulan ay mga taong may kapangyarihan o
awtoridad sa tahanan at sa lipunan. Sila ang nagtatakda ng mga pamantayan o batas at sila rin ang nagpapasunod ng
mga ito. May positibong impluwensya ang paggamit ng mga magulang at ng mga nasa kapangyarihan sa kanilang
awtoridad. Kaya naman sa araling ito, kailangan mong masuri ang iyong pagtanggap at pagsunod at paggalang sa
awtoridad na ibinigay sa iyong mga magulang, nakatatanda, at iba pang may kapangyarihan. Nais masagot ng araling
ito ang pangunahing tanong na: Bakit mahalaga ang pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda, at
nasa kapangyarihan?
Basahin ang iyong batayang aklat, Pagpapakatao 8, pahina 209-218.

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 7


Awtoridad – ang anumang samahan o pangkat na may tungkulin at layunin ay mayroong itinatatag na isang taong
tatayo bilang pinuno at siyang magdadala sa bawat kasapi papunta sa tunguhing o layunin na nais marating ng
pangkat. Ang awtoridad na nasa isang pinuno ay nagbibigay sa kaniya ng kapangyarihan at karapatan na gumawa
ng pasiya at magbigay ng mga kautusan o patakaran para sa ikaaayos at ikabubuti ng kaniyang pinamumunuan
ayon na rin sa nais ng Diyos para sa samahang iyon.

Ang mga magulang, nakatatanda at iba pang namumuno o nanunungkulan ay mga taong may kapangyarihan o
awtoridad sa tahanan at sa lipunan. Sila ang nagtatakda ng mga pamantayan o batas at sila rin ang nagpapasunod
ng mga ito.

“Ang batas bilang ordinansa ng tamang katuwiran (right reason) na ipinroklama ng isang lehitimong awtoridad
para sa kabutihang panlahat” -St. Thomas Aquinas
Sa makatuwid, ang layunin din ng anumang batas na pinaiiral ng isang awtoridad ay ang makabubuti para sa
lipunan.

Gawain 2: Pakikipagkaibigan
Panuto: Piliin mula sa kahon ang inilalarawan sa mga sitwasyong nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
intermediate paper.
a. pagsunod at paggalang sa magulang c. pagsunod sa awtoridad
b. hindi pagsunod at paggalang sa magulang d. pagsuway sa batas
Mga Sitwasyon Uri ng pagsunod
Halimbawa: Sagot:
Napagalitan si Ben ng kaniyang ama dahil sa hindi niya pagsunod sa utos pagsunod at paggalang sa magulang
nitong umuwi nang maaga.
1. Niyaya si Patrick ng kanyang mga kaibigan na mamasyal sa bagong
bukas na Super Market sa Daet, ngunit hindi siya sumama dahil nangako
siya sa kanyang ina na huwag aalis ng bahay hanggang hindi ito
dumarating.
2. Dahil sa haba ng trapik si Nora ay nahuli na sa kanyang trabaho. Nakita
niya ang isang kalye na makapagpapadali sa kanyang byahe patungong
trabaho, ngunit nakita niya ang isang karatula na “Bawal munang dumaan
dito”. Late na late man siya sa kanyang trabaho ay sinunod pa rin ito.
3. Napagalitan ng pulis si Carlo dahil sa hindi nito pagsuot ng facemask at
face shield sa pagpasok sa isang sinehan.

4. Si Robert ay magalang na bata. Lagi siyang sumasagot ng “po” at “opo”


sa tuwing sasagot sa kanyang mga nakatatandang kapatid.
5. Sa tuwing pupunta ng Department Store si Roben palagi siyang
sumusunod sa patakaran na pagsusuot na facemask at face shield at
pagpapanaliti ng isang metrong distansya sa iba.

Nagawa mo ba ang mga inihanda kong gawain sa bahaging Paglinang? Magaling kung ganon. May inilaan pa
akong gawain para sa iyo. Madadali lamang ang mga gawaing ito. Ngayon ay tumungo ka sa bahagi ng
Pagpapalalim.

PAGPAPALALIM

Gawain 3: Pinatnubayang Paglalahat


Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa susunod na pahina. Sagutin ang mga tanong sa Guided
Generalization Table sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa intermediate paper.

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 8


Sitwasyon 1
Si Bartolome ay isang education student. Ang kanyang pag-aaral ay hindi naging madali dahil napakaraming
pagsubok ang dumaan sa kanyang buhay lalo’t ang kanyang pamilya ay kapus sa buhay ngunit iginapang pa rin ng
magulang ang kanyang pag-aaral para sa pangarap nito. Sa kanyang pag-aaral, naging isa siyang working student
sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa karinderya ng kanyang kaibigan bilang isang waiter. Di naglaon, lahat ng
kanyang pagtitiyaga at pagpupursigi ay nagbunga nang maganda. Siya ay nakapagtapos ng kolehiyo bilang isang
Cum Laude at naging isang lisensyadong guro. Inialay niya ang kanyang diploma at lisensya sa kanyang mga
magulang bilang pasasalamat sa sakripisyo at paghihirap nila upang siya ay makapagtapos ng pag-aaral.

Sitwasyon 2
Si Dave ay isang mapagmalaking tao. Hindi siya nakikinig sa sinasabi ng iba lalo na sa kanyang mga magulang
kahit na ito ay para sa kanyang ikabubuti. Hindi rin siya marunong tumanggap ng pagkatalo at pagkakamali dahil
para sa kanya, wala siyang ibang paniniwalaan kundi ang kayang sarili. Hindi siya tumatanggap ng anumang tulong
mula sa iba dahil sa kanyang paniniwala na ang anumang tulong ang ibigay sa iyo ay hindi sapat ang salitang
“pasasalamat” at lagi itong naghihintay ng kapalit.

Sitwasyon 3
Si Josh ay isang mabuti at mapagmahal na anak at kapatid. Lagi siyang sumusunod sa utos at pangaral ng kanyang
mga magulang na siya ay mag-aral nang mabuti upang makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit isang araw, simula noong
siya ay mag-aral ng high school ay nagbago ang lahat sa kanya. Dahil sa udyok at impluwensya ng kanyang barkada,
si Josh ay naging isang bulakbol at suwail na anak. Tuwing umaga hindi na siya pumapasok sa paaralan at laging
naglalaro ng ML sa computer shop at kung gabi nama’y umiinon kasama ang barkada. Madalas nang napapansin
ng kanyang mga magulang ang masamang gawi nito, di kalauna’y nag-ulat ang guro ni Josh tungkol sa mababang
resulta sa pag-aaral nito.

Pinatnubayang Paglalahat
Mahalagang Sitwasyon 1 Sitwasyon 2 Sitwasyon 3
Tanong (Pagtanaw ng (Hindi Pagtanaw ng (Paglabag sa Magulang)
Pagsasalamat) Pasasalamat)
Paano C: Tanong: Tanong: Tanong:
maiimpluwensyan Ipinakita ba sa sitwasyong Ipinakita ba sa sitwasyong Ipinakita ba sa sitwasyong ito
ang kapwa sa pag- ito ang pagpapahalagang ito ang pagpapahalagang ang pagpapahalagang moral
unawa sa konsepto moral tulad ng moral tulad ng tulad ng pasasalamat?
ng pasasalamat , pasasalamat? pasasalamat?
pagsunod, E: Tanong: Tanong: Tanong:
paggalang sa mga Ano ang patunay sa iyong Ano ang patunay sa iyong Ano ang patunay sa iyong
magulang at may sagot? sagot? sagot?
awtoridad? R: Tanong: Tanong: Tanong:
Paano mo nasabing ito Paano mo nasabing ito Paano mo nasabing ito ang
ang magpapatunay sa ang magpapatunay sa magpapatunay sa iyong sagot
iyong sagot iyong sagot
Magkaparehong ideya ng tatlong sitwasyon na nasa katuwiran.

Mahalagang Pag-unawa:
Mapauunlad ko ang pagpapahalaga sa pasasalamat, pagsunod, paggalang sa mga magulang, nakatatanda at
may awtoridad sa pamamagitan ng___________________________________________________________

Gawain 4: Bakit nga ba?


Panuto: Bigyan ng maikling pagpapaliwanag ang mahalagang tanong na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
intermediate paper.
1. Bakit mahalaga ang pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad?
2. Kung ikaw ang tatanungin, sa paanong paraan mo naipakikita ang iyong paggalang at pagsunod sa
nakatatanda at may awtoridad? Ipaliwanag.

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 9


Gawain 5: Talahanayang C-E-R
Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong sa tsart na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
intermediate paper.

Sitwasyon
Si Mrs. Ora ay isang guro sa pampublikong paaralan. Sa kanyang pagtuturo palagi niyang sinusukat ang
natutuhan ng kanyang mga mag-aaral. Ngunit lagi rin niyang napapasin na hindi nakasasabay ang kanyang
estudyante na si Cris sa kanyang mga leksyon. Kaya kaagad niya itong binigyan ng pansin at oras upang turuan
ng mga aralin na hindi niya nauunawan at binibigyan rin niya ito ng mga babasahin na pwede niyang mapag-
aralan. Lagi niya itong ginagawa sa tuwing may hindi nauunawaan si Cris sa kanyang mga asignatura. Lumipas
ang ilang taon nakapagtapos ng high school si Cris at wala na ring balita si Mrs. Ora sa kanya. Lumipas pa ang
ilang mga taon ay nagkasakit ng malubha si Mrs. Ora at ayon sa doktor, mayroon siyang breast cancer at
kailangan itong operahan upang hindi na lumala. Ngunit hindi sapat ang kanyang ipon pambayad sa nasabing
operasyon. Sa araw ng kanyang operasyon, laking gulat niya nang malaman na bayad na ang kanyang bayarin
at ang doktor na mag-oopera sa kanya ay ang kanyang estudyante na si Cris. Napaiyak si Mrs Ora sa labis na
tuwa at pasasalamat sa kabutihan ng kanyang estudyante na si Cris.

Paano maipahahayag ang pagtanaw ng utang na loob bilang pasasalamat?

Sagot sa tanong:

Ano ang iyong patunay sa iyong sagot?

Paano mo nasabing ito ay magpapatunay sa iyong sagot?

Maikling Pagsusulit
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at Mali naman kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa intermediate paper.
________1. Ang salitang “pasasalamat” ay katumbas ng salitang gratitude sa wikang Ingles.
________2. Nagiging mapagpasalamat ang isang tao mula sa impluwensya ng kaniyang mga magulang.
________3. Sa ating pagpapasalamat tayo’y naglalayon na bayaran o palitan ang ginawa natin sa kapwa.
________4. Ang pagsunod at paggalang sa awtoridad ay daan sa paghubog ng mabuting asal at pagpapahalaga
ng isang tao.
_________5. Sa loob ng tahanan ang magulang ang siyang itinatalagang pinuno.
_________6. Ang taong mapagpasalamat ay kontento sa mga biyayang kaniyang tinatanggap.
_________7. Ipinahayag ni St. Tomas Aquinas na may (4) na dapat nating pasalamatan ito ay ang Diyos, ating
mga magulang, bayan at kapwa na gumagawa ng kabutihan.
_________8. Ang una at pinakamadaling paraan ng pagiging mapagpasalamat sa Diyos ay ang laging pag-aalaala
sa kaniya.
_________9. Ang pagsunod sa mga lider ay pagiging sunod-sunuran sa mga nakatataas.
_________10. Bata man o matanda ay nararapat lamang sumunod sa batas.

Nagagalak ako at nagawa mo ang mga gawain sa bahagi ng Pagpapalalim! Naipakita mo rito ang
kasanayang dapat mong makuha. Kahanga-hanga ka.

IKATLONG LINGGO
PAGLILIPAT

Ikaw ngayon ay nasa bahagi na ng paglilipat. Dito mo mailalapat ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan
ng gawaing tutugon sa pangangailangan sa iba’t ibang aspekto ng aralin. Alam kong handa ka na sa gawaing
ito. Magsimula na tayo.

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 10


Gawain 6: Action Plan
Panuto: Isulat ang hinihinging impormasyon sa ibaba. Bumuo ng mga gawaing magpapakita ng paggalang at
pagsunod sa magulang, nakatatanda at sa may awtoridad. Ipaliwanag kung paano ito makaiimpluwensya sa iyong
kapwa. Gawin ito sa long bond paper.
Mga gawaing nagpapakita Mga gawaing nagpapakita ng Paano makaiimpluwensya ang mga
ng paggalang sa magulang pagsunod sa awtoridad gawaing ito sa iyong kapwa
at nakatatanda kabataan tulad mo?
Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
Pagsunod sa kanilang utos na Pagsusuot ng facemask at face Maging isang magandang halimbawa
pag-uwi nang maaga. shied sa tuwing lalabas ng bahay. sa pagpapakita ng ganitong pag-uugali
at pagsunod.
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa modyul na ito. Kung may hindi ka pa lubos na
nauunawaang paksa ay maaari mong balikan ang modyul o hindi kaya`y magtanong ka sa iyong guro. Tandaan,
ang nagtatanong ay nagpapahayag ng pagnanais na matuto.

IKALIMANG LINGGO
Modyul 3. 2: Katapatan sa Salita at Gawa: Sandigan ng Pakikipagkapwa,
Kabutihang loob: Paggawa ng kabutihan sa kapwa
Lahat tayo ay nagpapahayag ng katapatan sa salita at gawa sa isang tao upang ipakita na tayo ay may isang salita
na binibitawan at atin itong tinutupad sa oras at araw na ating ipinangako. Maraming pamamaraan ng kabutihang
loob na magagawa ang kabataang tulad mo para sa iyong kapwa. Malalaman mo sa araling ito ang kasagutan
sa tanong na “Paano isasabuhay ang paggawa ng mabuti sa kapwa?”
Likas sa ating mga Pilipino ang kabutihang loob, pagtulong sa mga nangangailangan sa kahit anong
paraan. Ang determinasyon na isabuhay ang mga katapatan sa salita at sa gawa ay mahalagang sangkap sa
mabuting pakikipagkapwa.

PAGTUKLAS
Isagawa mong mabuti ang mga panimulang gawain sa ibaba upang mapaunlad ang iyong dating
kaalaman. Magsimula na tayo.

Pagsasanay A: I Connect
Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, magtala ng limang salita na maiuugnay mo sa salitang KATAPATAN at
KABUTIHANG LOOB. Isulat ang iyong sagot sa intermediate paper

KATAPATAN KABUTIHANG LOOB


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 11


Pagsasanay B

Panuto: Magtala ng limang mahalagang katapatan at kabutihang loob na nagawa mo. Isulat ang iyong sagot sa
intermediate paper.
KATAPATAN NA IYONG NAGAWA KABUTIHANG LOOB NA IYONG NAGAWA
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

IKAANIM NA LINGGO
PAGLINANG
Ang katapatan - ay isang pagpapahalaga kung saan isinasabuhay ng tao ang mga totoong pangyayari, tama, mabuti,
at angkop para sa mga sitwasyon. Makikita ito sa pamamagitan ng salita at gawa.
Katapatan sa Salita – ang katapatan ay makikita sa pagsasabi ng totoo, tama, mabuti, angkop, at moral para sa mga
sitwasyon.
Katapatan sa Gawa – ang katapatan ay pagganap sa pangangailangan para sa mga taong dapat makinabang sa mga
ito.

APAT NA URI NG PAGSISINUNGALING


1. Pagsisinungaling para protektahan ang ibang tao – ginagawa ang ganitong uri ng pagsisinungaling bilang
pagtakip sa maling nagawa ng isang kapamilya, malapit na kaibigan o kakilala.
2. Pagsisinungaling upang iligtas ang sarili na masisi, mapahiya o maparusahan - ang ganitong uri ng
pagsisinungaling bilang pag-iwas o pagligtas ng sarili upang hindi mapahiya, masisi o maparusahan.
3. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili kahit na makasasama sa ibang tao - ginagawa ang ganitong uri
ng pagsisinungaling dahil sa pansariling kapakanan lamang.
4. Pagsisinungaling na sinasadya ang intensyon na sumira o makasakit ng kapwa - ginagawa ang ganitong
uri ng pagsisinungaling na may intensyon upang makapanakit ng kapwa.
Para sa iba pang ipormasyon, basahin mo ang iyong batayang aklat, Pagpapakatao 8 pahina 227-229.

Kabutihang loob
Isang katangian na nagtutulak sa isang tao na maramdaman ang kakulangan ng kapwa na nangangailangan ng
pag-unawa, tulong, o kalinga.
Isang personal na katangian na nagtutulak sa isang tao upang maging sensitibo sa pangangailangan ng kanyang
kapwa at gumawa ng personal na pagkilos upang pagsikapang matungunan ang pangangailangang ito.
Para sa iba pang ipormasyon, basahin mo ang iyong batayang aklat, Pagpapakatao 8 pahina 252- 259.

Naunawaan mo ang iyong binasa? Mahusay ilan lamang iyan sa mahahalagang ipormasyong dapat mong
malaman. Huwag mong kalilimutan ang mga ito. Ngayon ay masasagot mo na ang mga gawing inihanda
para sa iyo, magsimula na tayo.

GAWAIN 1: Alam mo ba?


Panuto: Basahin ang mga senaryo sa susunod na pahina. Piliin mula sa kahon kung anong uri ito ng
kasinungalingan. Isulat ang iyong sagot sa isang intermediate paper. Sagot na lamang ang isula
APAT NA URI NG PAGSISINUNGALING
a. pagsisinungaling para protektahan ang ibang tao
b. pagsisinungaling upang iligtas ang sarili na masisi, mapahiya o maparusahan
c. pagsisinungaling upang isalba ang sarili kahit na makasasama sa ibang tao
d. pagsisinungaling na sinasadya ang intensyon na sumira o makasakit ng kapwa

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 12


Mga Senaryo Uri ng Kasinungalingan
1. Nakita mo na nabasag ng kaklase mo ang vase sa lamesa, ngunit
itinanggi niya sa inyong guro na siya ang nakabasag.
2. Nakita mong dumaan ang iyong kapitbahay sa harap ng bahay ninyo.
At dahil nakasagutan mo siya noong isang araw, nagkwento ka ng
masasama tungkol sa kanya.
3. Nabasag mo ang salamin ng iyong ina. At dahil ikaw ang
mapagagalitan, itinuro mo ang iyong nakababatang kapatid na siya ang
nakabasag.
4. Nakita ni Joan na naputol ni Sam ang paboritong headband ng
kanyang kapatid. Alam ni Joan na mapagagalitan si Sam dahil bago pa
lamang ito. Ngunit ayaw niya na ito ay mangyari kaya inako niya ang
kasalanan ni Sam.
5. Tinanong ka ng iyong ina kung ikaw ay nakapasa sa pagsusulit ninyo
kahapon at batid mo na mababa ang nakuha mong marka ngunit ikaw
ay tumango at nagsabing “oo”.
6. Naiingit ka sa isa mong kamag-aral, at dahil dito ikinuwento mo sa
iyong kaibigan ang mga masasamang bagay tungkol sa kanya.
7. Sumulat ka ng liham sa iyong hinahangaang kaklase, subalit walang
nakalagay kung kanino ito galing. Nagtanong siya sa iyo kung kilala
mo ang sumulat ngunit hindi ka umamin.
8. Namasyal kayo ng iyong kapatid sa oras ng klase. Nakita kayo ng
inyong ina at tinanong kung ano ang ginagawa ninyo nang ganoong
oras. Natakot ka na mapagalitan ang iyong kapatid kaya sinabi mo na
kayo ay bumili ng mga kakailanganin sa paaralan.

GAWAIN 2: Kapwa ko, Mahal ko


Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba. Ibigay ang paraan kung paano mo tutugunan ang
pangangailangan ng iyong kapwa. Ilahad kung anong kabutihan ang maaaring maidulot nito. Ibinigay na ang
unang hanay bilang halimbawa upang iyong maging gabay sa pagsagot. Isulat ang iyong sagot sa intermediate
paper.
Kapwa na dapat tulungan Mga mabuting paraan na maaari Mga kabutihang pwedeng idulot
mong magawa sa iyong kapwa nito sa kapwa
Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
Kaklase mong walang baon at Bibigyan ko siya ng aking pagkaing Hindi na siya magugutom.
hindi pa kumakain ng almusal. dala.
1. Mga biktima ng sunog at
walang naisalba mula sa mga
ari-arian nito.
2. Mga palaboy at
namamalimos sa kalsada.
3. Isang matandang patawid ng
kalsada na nahihirapan dahil sa
marami nitong dala.
4. Kaklase mong walang
pambayad ng kontribusyon.
5. Mga magulang mong
nahihirapan sa mga gawaing
bahay.

PAGPAPALALIM

Ngayon ay magagawa mong mapalalim pa ang mga kaalamang natamo mo sa tulong ng mga gawaing
inilaan sa bahaging ito.

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 13


Gawain 3: Pakikipagkapwa
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Gamit ang tsart sa ibaba sagutin ang mga tanong na nakapaloob
dito. Isulat ang iyong sagot sa intermediate paper.

Sitwasyon 1
Nakita ni James na nahulog ni Bryan ang kaniyang pitaka habang papasok ng paaralan. Nakita rin ito ni Dave
at agad niyang kinuha ang pitakang nahulog at ito ay hindi niya isinauli. Lumipas ang ilang oras at alam ni
James na hindi pa rin isinasauli ni Dave ang pitaka, kaya ipinagtapat ito ni James kay Bryan at sinabi ang
buong katotohanan.
.

Sitwasyon 2
Dumating ang pandemya sa ating bansa dahilan upang humina ang ekonomiya at magsara ang ilang mga
establisyemento. Ang mga tao ay nawalan ng trabaho dahilan upang magutom ang kanilang pamilya. Alam
mo na isa ang inyong barangay sa mga nakararanas nito. Bilang isang mamamayan na nakaaangat sa buhay,
ikaw ay nagbahagi ng kaunting tulong tulad ng pamimigay ng pagkain sa mga nangangailangan.
.

SITWASYON 1 SITWASYON 2
1. Paano ipinakita ang kabutihan ng pagiging tapat 1. Paano ipinakita ang kabutihan ng pagtulong sa
sa kapwa? kapwa?
2.Para sa iyo, mahalaga ba ang ganitong uri ng 2.Para sa iyo, mahalaga ba ang ganitong uri ng
katapatan sa pakikipagkapwa? Bakit? pagtulong sa pakikipagkapwa? Bakit?
Kung ikaw ang tatanungin? Ano-ano ang kahalagahan ng katapatan, pagiging mapagbigay sa kapwa, at
paano mo ito maiuugnay sa iyong buhay? Ipaliwanag.

Gawain 4: Pinatnubayang Paglalahat


Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga tanong sa Guided Generalization
Table. Isulat ang iyong sagot sa intermediate paper.

Sitwasyon 1
Madalas na nasasangkot ang kapatid mong si Ricky sa pakikipag-away sa paaralan. Dahil dito, ipinatawag ng
kanyang guro ang iyong nanay dahil sa simpleng asaran na nauwi sa panununtok sa isang niyang kaklase. Ikaw
ang inatasan ng iyong mga magulang na makipag-usap sa guro ni Ricky. Pinagtakpan mo ang iyong nanay at
sinabi mong may sakit siya kaya ikaw ang kaniyang pinapunta.

Sitwasyon 2
Inanyayahan ka ng iyong matalik na kaibigan na dumalo sa kanyang ika-20 taong kaarawan at ikaw ay pumayag.
Ngunit sa araw ng kanyang kaarawan, niyaya ka ng iyong mga pinsan na sumama sa kanilang bakasyon sa
Calaguas Island. Batid mong hindi ka pa nakararating doon at nais mong makarating dito. Ngunit dahil nangako
ka na darating sa kaarawan ng iyong matalik na kaibigan tumanggi ka sa paanyaya nito.
.

Sitwasyon 3
Dumaan ang napakalakas na bagyo sa iyong lalawigan. Dahil dito, napakaraming tao ang nawalan ng tirahan at
namatay ang kanilang mga mahal sa buhay. Nawalan din sila ng mga pangunahing mga pangangailangan na
magagamit sa pang-araw-araw. Kaya na pag-isipan mong ipamigay ang iyong mga pinaglumaang damit upang
makatulong sa kanilang mga pangangailangan.

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 14


Pinatnubayang Paglalahat
Sitwasyon 1 Sitwasyon 2 Sitwasyon 3
Mahalagang Tanong
(Pagsisinungaling) (Katapatan) (Kabutihang loob)

Paano mo Tanong: Tanong: Tanong:


maipapamalas ang Ano ang dulot sa isang tao Ano ang dulot sa isang Ano ang dulot sa isang
pagtugon sa sa tuwing siya ay tao sa tuwing siya ang tao sa tuwing siya ay
magsisinungaling? magpapahayag ng magbabahagi ng
pangangailangan ng
katapatan? kabutihang loob?
iyong kapwa? Ano ang patunay sa iyong Ano ang patunay sa Ano ang patunay sa
sagot? iyong sagot? iyong sagot?
Paano mo nasabing ito ay Paano mo nasabing ito Paano mo nasabing ito
magpapatunay sa iyong ay magpapatunay sa ay magpapatunay sa
sagot? iyong sagot? iyong sagot?
Magkaparehong ideya sa tatlong sitwasyon:
Mahalagang pagunawa:

Maikling Pagsusulit
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at Mali naman kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa intermediate paper.
_________1. Ang pagsisinungaling ay dulot ng pag-iwas sa di kanais-nais na sitwasyon.
_________2. Hindi kaya ng isang tao ang maiwasan ang pagsisinungaling sa kapwa.
_________3. Ang paggawa ng mabuti ay may inaasahang kapalit.
_________4. Ang kabutihang loob ay paggawa ng mga bagay na hindi mo inaasahan.
_________5. Ang taong nagsisinungaling ay may kakayahang magtago ng lihim.
_________6. Ang kabutihang loob ay isang bugso ng damdamin na nag-uudyok upang gumawa ng kabutihan.
_________7. Ang pagtulong sa mga nanlilimos ay mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno.
_________8. Sa wikang Arabic ang literal na kahulugan ng Zakat ay pagtulong sa kapwa Muslim.
_________9. Ang katapatan sa gawa ay pagganap na kinakailangan para sa mga tao na dapat makinabang sa mga
ito.
________10. Ang matapat na tao ay iniaayon ang kaniyang salita at gawa sa katotohanan.

Binabati kita, napagtagumpayan mo ang mga gawain para sa linggong ito. Muli mo akong
makakasama sa sunod na lingo.

IKAPITONG LINGGO
PAGLILIPAT

Ikaw ngayon ay nasa bahagi na ng paglilipat. Dito mo mailalapat ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan
ng gawaing tutugon sa pangangailangan sa iba’t ibang aspekto ng araling ito. Alam kong handa kana sa
gawaing ito. Magsimula na tayo.

Mapa ng Konsepto ng Pagbabago


Sa bahaging ito makikita mo ang mapa ng konsepto ng pagbabago na bago at pagkatapos. Tingnan mo kung
mayroong naganap na pagbabago sa iyong sagot. Sagutin mo lamang ang bahagi ng pagkatapos.

Panuto: Kopyahin ang tsart sa iyong intermediate paper. Sagutin mo lamang ang mga tanong sa bahagi ng
pagkatapos. Gamitin mo sa bahagi ito ang papel na iyong ginamit sa pagsagot sa Pagsasanay A.

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 15


Mga Pokus na Tanong Bago Pagkatapos
1. Paano maiimpluwensyahan ang kapwa sa
pag-unawa sa konsepto ng pasasalamat,
pagsunod, paggalang sa mga magulang at
may awtoridad?
2. Paano matutugunan ang pangangailangan
ng kapwa?

PORMATIBONG PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang mga hinihinging impormasyon sa mga kulay sa ibaba na sumusukat sa pagkaintindi sa
paksang napag-usapan. PULA: Kung nangangailangan pa ng pagsasanay, DILAW: 50% ng konsepto ay
naunawaan at BERDE kapag naintindihan lahat at kayang magamit ang natutuhan.
Sa pulang ilaw, itala mo ang tatlong konsepto na hindi naging malinaw sa iyo.

Sa ilaw na dilaw, itala ang bahagi ng aralin na naunawaan mo ngunit kailangan pa ng


karagdagang paliwanag mula sa iyong guro.

Sa berdeng ilaw, itala ang mga natutuhan sa aralin na kaya mong ibahagi o ituro sa iba.

Binabati kita at napagtagumpayan mo ang mga gawaing ibinigay sa iyo. Mayroon pa bang konsepto na
hindi malinaw sa iyo? Balikan mo lang ang bawat bahagi ng modyul na ito o huwag kang mahiyang
magtanong sa iyong guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao.

Gawain 5: Timeline Project

Sitwasyon 1
Dahil sa kahirapan na dinaranas ng ating bansa dulot ng COVID-19 pati ang mga sakuna tulad ng bagyo, lindol,
pagbaha at pagguho ng lupa na nagiging sanhi ng kahirapan sa mga simpleng mamamayan na ngayon ay labis
na nangangailangan ng tulong. Kaya bilang isang lider ng Youth Development Organization ikaw ay naatasang
gumawa ng isang komprehensibong plano na tutugon sa pangangailangan ng iyong kapwa.

Panuto: Gumawa ka ng isang plano kung paano mo matutugunan ang pangangailangan ng iyong kapwa.
Tingnan mong mabuti ang nakalahad sa ibaba bilang gabay sa iyong gagawing plano.
A. Ano ang aking mga layunin sa pagtulong sa aking kapwa?



B. Sino-sino ang nangangailangan ng aking tulong?



C. Ano-ano ang maaari kong maitulong sa kanila?



D. Paano ko isasakatuparan ang aking plano?


ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 16


E. Kailan ko isasagawa ang aking plano?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
________________________________________________________
F. Ano ang inaasahang resulta ng aking plano?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________

Susi sa Pagwawasto:
Panimulang Pagtataya
1. c 2. b 3. a 4. a 5. c
6. c 7. a 8. b 9. c 10. c
Pasasanay 2: Pasasalamat (maraming posibleng sagot)
Pasasalamat sa Diyos Pasasalamat sa ating mga Magulang Pasasalamat sa Bayan
1. pagdarasal 1. pag-aaral ng mabuti 1. pagsunod sa mga ipinatupad na batas
2.pasasalamat sa biyayang 2. pagmamahal 2. pasasalamat sa proteksyong natatanggap
natatanggap 3. pagsunod sa kanilang mga utos 3. pasasalamat sa mga benepisyo at iba pang
3. papuri 4. paggalang programa na ikauunlad ng ating
4.pagtulong sa mga nangangailangan 5. pagtanaw ng utang ng loob pamumuhay.
5. pagbabahagi ng mga biyayang 4. paggalang sa kinauukulan
natatagap 5. pagtanaw ng utang ng loob
Gawain 1: Kabutihan ng Kapwa ko Gawain 2: Pakikipagkaibigan
1. a 6. c 1. pagsunod at paggalang sa magulang
2. d 7. b 2. pagsunod sa awtoridad
3. d 8. c 3. pagsuway sa batas
4. d 9. b 4. pagsunod at paggalang sa magulang
5. c 10. d 5. pagsunod sa awtoridad
Pagsasanay A: I Connect (maraming posibleng sagot) Pagsasanay B: (maraming posibleng sagot)
Katapatan Kabutihang loob Katapatang aking nagawa Kabutihang loob na aking nagawa
1. pagtupad sa pangako 1. pagtulong sa kapwa 1. pagtupad sa aking 1. pagtulong sa mga
2. tiwala sa sarili 2. pagbibigay ng pagkain binitawang salita nangangailangan
3. maging patas at damit sa mga 2. pagsunod sa mga utos na 2. pagbibigay ng pagkain at tulong
4. tiwala sa sarili at sa nangangailangan iniatang sa akin sa mga nasalanta ng kalamidad
kapwa 3. pagtulong sa iba ng 3. pagsasabi ng totoo 3. pagbibigay ng donasyon sa abot
5. alagaan ang tiwala ng iba walang hinihinging 4. paggawa ng mabuti ng aking makakaya
kapalit 5. pagtupad ng mga 4. pagpapahiram ng mga bagay na
4. busilak na puso, pangako na aking binitawan mayroon ako
pagtanaw ng utang na 5. pagdarasal sa mga taong
loob nahihirapan dahil sa sakit na
kumakalat
GAWAIN 1: Alam mo ba? GAWAIN 2: Kapwa ko, Mahal ko
Mga mabuting paraan na maaari Mga kabutihang puwedeng idulot nito
Uri ng Kasinungalingan mong magawa sa iyong kapwa sa kapwa
(Maaaring iba-iba ang sagot) (Maaaring iba-iba ang sagot)
1. pagsisinungaling upang iligtas ang sarili na 1. magbibigay ako ng mga damit at 1. magkakaroon sila ng
masisi, mapahiya o maparusahan pagkain sa kanila. pansamantalang makakain at
2. pagsisinungaling na sinasadya ang intensyon 2. bibigyan ng pagkain maisusuot na damit.
na sumira o makasakit ng kapwa 3. tutulungan ko siya sa kanyang 2. mababawasan ang kanilang gutom
3. pagsisinungaling upang isalba ang sarili mga dala at ihahatid ko upang siya 3. mapadadali ang paglalakad ng
kahit na makasasama sa ibang tao ay makatawid nang ligtas matanda at hindi na siya mahihirapan
4. pagsisinungaling para protektahan ang ibang 4. pahihiramin ko siya ng pera pa sa kanyang mga dala
tao upang makabayad sa aming 4. hindi na siya mag-aalala pa sa
5. pagsisinungaling upang iligtas ang sarili na kontribusyon perang pambayad sa kontribusyon.
masisi, mapahiya o maparusahan 5. tutulong ako sa mga gawain sa 5. mababawasan ang kanilang gawain
6. pagsisinungaling na sinasadya ang intensyon abot ng aking makakaya at mapadadali ang kanilang trabaho
na sumira o makasakit ng kapwa
7. pagsisinungaling upang iligtas ang sarili na
masisi, mapahiya o maparusahan
8. pagsisinungaling para protektahan ang ibang
tao

ESP 8 //MGA PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD NG PAKIKIPAGKAPWA // S.Y. 2021-2022 17

You might also like