You are on page 1of 20

El

Felibusteri
smo
Script

Ipinasa ng: IV- Ritz


Mga Mag- aaral

Ipinasa kay: Gng. Salome B.


Violeta
Guro sa Filipino IV

Mga Tauhan
Simoun - Cel Gaddie Abing
Propesor 2- Romrick Albia
Propesor 1- Michael Basadre
Pecson- Mark Anthony Basalo
Macaraig- Godfrey Caga
Ritz 4- Rikki Karyl Mabayo

Sandoval- Faith Anthoinette


Densing
Doa Victorina- Charlette
Englatera
Ritz 3- Michelle Ann Jarmin
Ben Zayb- Hazel Maambong

Basilio- Geomari Maraat

Padre Florentino- Hyacinth


Mitz Muyco

Kapitan Basilio- John Calvin


Maxino

Bisita 1- Nicole Aldrianne


Omega

Tadeo- Lorden Nigel Palahang

Tanod- Jessa Me Pacheco

Don Custodio- Derek Cris


Pasco

Ritz 1- Shaira Liane Pagaspas

Kapitan- Vladimir Marx


Valdez
Guardiya Civil- Doreen
Winona Amolato
Padre Salvi- Harish Kate
Barrete
Bisita 3- Mila Leona Dalapo
Bisita 2- Gerweenah De Leon
Ritz 2- Carl Louise Del
Rosario

Isagani- Jelly Jean Paye


Padre Irene- Sarah Regino
Juanito- Xenablaise
Rocamora
Padre Camorra- Honey
Salugsugan
Pelaez- Hannah Bent Jannah
Tan
Kapitan Heneral- Claire Ann
Tangan

1st Scene
Tagpuan: Sa isang bapor na nagngangalang Tabo. Kakikitaan ang bapor ng ibat ibang uri ng
tao. May mayayaman, mahihirap, kawani ng pamahalaan at iba pa.ang bapor ay patungong
Laguna mula Maynila. Sa ilalim ng kubyerta ng bapor makikitang naguusap si Isagani, Basilio
at Kapitan Basilio. Narooron sa ibaba ng kubyerta ang mga mukhang kayumanggi at maitim na
buhok, mga Indio, mga Intsik, at mga mestiso. Samantalang nasa itaas naman ng kubyerta na
naliliman ng lona upang hindi mainitan ng araw ang mga mangilan-ngilan na manlalakbay na
nakasuot ng Europeo, mga prayle, at mga opisyal na naka-upo sa mga maginhawang silyon at
ang nag-iisang ginang na si Doa Victorina.
Kapitan:Babor!..Estribor!
Doa Victorina: Ngunit kapitan, bakit sa dakong iyon pumupunta ang mga hangal na
timonero?
Kapitan: Sapagkat nakapababaw po roon ginang. (sabay kindat)
Donya Victorina: Bakit mabagal ang takbo? Bakit hindi tulinan?
Kapitan: Pagkat baka tayo maglagos sa mga bukiring iyon, ginang.

Ang iba namang mga kasakay ay naging abala sa paghuhuntahan ng kahit na naong paksang
pumasok sa kanilang isip upang maiwasan ang pakikipag-usap sa ginang.
Padre Salvi: Nalalaman mo ba kung ano ang kakayahan ng mga taong dalubhasa sa agham,
Ben Zayb? Hayan sa lalawigan ng Puente del Capricho na ginawa ng isa naming kapatid. Hindi
natapos sapagkat pinintasan ng mga sinasabi mong mga taong dalubhasa sa agham. Ayon sa
pinagbabatayan nilang teorya, ang tulay ay may kahinaan, di matatag at mapanganib. Tingnan
niyo ngayon, nariyan pa rin ang tulay. Hindi pa nagigiba ng baha at lindol.
Padre Camorra: Iyan, putris!. Iyan talaga ang sasabihin ko (sabay suntok sa hangin). Iyang
Puente del Capricho, ang mga taong dalubhasa sa agham. Iyan nga talaga ang sasabihin ko, padre
salvi!.
Padre Salvi: Ngunit hindi nangangahulugan na wala kang gaanong katuwiran na gaya ni Padre
Padre Camorra. Ang sama ay nasa lawa.
Doa Victorina: Mangyariy wala ni isa mang maayos na lawa sa kapuluang ito.
Simoun: Ang lunas ay napakadali. Totoong nagtataka ako kung bakit walang sinumang
nakaisip nito. Ang lunas ay napakadali at walang magugugol na kahit isang pera Humukay ng
isang tuwid na kanal mula sa lawa hanggang Maynila. Sa madaling sabi, magbukas ng bagong
ilog at sarhan ang dating ilog Pasig. Makatitipid ng lupa. Mapapadali ang paglalakbay. At
maiiwasan ang pagbabara ng buhangin sa ilog.
BenZayb:Isangpanukalang Yankee!
Don Custodio: Ipagpaumanhin mo Ginoong Simoun, ang iginagalang kong kaibigan, na di ka
sang-ayunan. Napakalaking salapi ang magugugol. At bukod sa rito maraming nayon ang
masisira.
Simoun: Pwes, sumira!
Don Custodio: At ang salaping ibabayad sa mga manggagawa?
Simoun: Hindi kailangang bayaran. Gamitin ang mga bilanggo.
Don Custodio: Hindi makasasapat ang mga bilanggo, G. Simoun.
Simoun: Kung ganoon, pakilusin ang buong bayan, matatanda, kabataan at mga bata.
Pagtrabahuin sila ng tatlo, apat, o limang buwan sa halip na labinlimang araw sa sapilitang
paggawa, papagdalahin sila ng sariling pagkain at kagamitan.
Don Custodio: Tingnan ninyo, bago simulan ang mga sawain sa daungan, nagharap ako ng
isang panukalang orihinal, madalin gawin, makabuluhan, at matipid upang linisin ang putik at

buhangin sa gulud-guluran ng lawa. Ngunit hindi tinanggap sa dahilang hindi ito


makapagbibigay.nito!
Padre Salvi: Maaari bang malaman ang inyong ang inyong panukala?
Don Custodio: Kung walang panganib ay ibig ninyo akong magsalita at kapag mayroon ay
tahimik kayoNakakita na ba kayo ng pato?
Ben Zayb: Palagay koy nakapamaril ng mga iyan sa lawa.
Don Custodio: Hindi ang patong bundok ang ibig kong tukuyin. Ang tinutukoy ko ay mga itik
na inaalagaan sa Pateros at Pasig. Alam mo ba ang ipinapakain sa mga ito?
Padre Camorra: Mga suso, mga susong maliliit! Hindi mo kailangang maging Indio upang
malaman yan! Kailangan mo lang gamitin ang iyong mga mata!
Don Custodio: Tama, maliliit na suso! At alam nyo ba saan nakukuha ang mga ito?...Kung
matagal kang namalagi sa lalawigan, tulad ko, malalaman mong nakukuha nag mga iyon sa
gulud-gulurang kahalo ng mga buhangin.
Padre Camorra: At ang inyong panukala?
Don Custodio: Iyan ang tutukuyin ko. Pipilitin ko ang mga baying magkakanugnog at malapit
sa gulud-guluran ng buhangin na mag-alaga ng mga itik. Makikita nyo kung paano
magpapalalim sa gulud-guluran ng mga buhangin ang mga itik. Sisisirin nila ang mga suso, iyan
ang panukala ko.
Ben Zayb: Mapapahintulutan ba ninyong sumulat ako ng lathalain ukol ditto? Kakaunti an
gang nag-iisip sa baying ito.
Donya Victorina: Ngunit, Don Custodio. Kung ang lahat ay mag-aalaga ng itik, dadami ang
balut! Hu! Nakakadiri! Bayaan na lamang ninyong matuyo ang gulud-guluran.

2nd Scene
Kapitan Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiago?
Basilio: Tulad ng dait, ayaw paring magpagamot ni Kapitan Tiago.
Kapitan Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala pa ang
droga na iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ng masamang gamut na iyan.
Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi isang
gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamanng katutubo pa lang sa ganitong
kapanahunan, hindi ba, Basilio?
Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng kasama)

Kapitan Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit
itoy hindi gaanong napapansin dahil abala nag marami sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta na nga
pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?
Basilio: Handa na po ang lahat. May mga guro na po at handa na ring pumasok ang mga magaaral.
Kapitan Basilio: Mabuti kung ganoon. Sanay magtagumpay kayo sa inyong plano. Paano,
mauna na ako sa inyo. Kailangan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo.
(Pag-alis ni Kapitan Basilio ay siya naming pagdating ng mag-aalahas na sa Simoun.)
Simoun: Magandang araw sa inyo. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?
Basilio: Ganoon na nga po G. Simoun.
Simoun: at sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?
Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po
ba kayo nakakarating sa bayan nila?
Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao dooy hindi naman
bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon.
Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili nang mga gamit na hindi naman naming
kailangan.
Basilio: Ipagpaumanhin ninyo G. Simoun, kamiy mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama
ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.

3rd Scene
Tagpuan: Bisperas ng Pasko ngunit si Basilio ay lulan ng isang kalesa patungo sa bahay ni
Kapitan Tiago sa bayan ng San Diego. Inabutan nila sa daanan ang prusisyon ng ibat ibang
santo. Si Kapitan Tiago ang tumulong kay Basilio upang makapagaral ng medisina. Sa tuwing
uuwi sa Basilio sa San Diego, lagi niyang binibisita ang libingan ng kanyang ina. Ngunit isang
gabi, isang di inaasahang sikreto anng nalaman ni Basilio.
Basilio: Si G. Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina?
(Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina
noon, may labingtatlong taon na ang nakakalipas, isang lalaking nagngangalang Crisostomo
Ibarra ang inabutan niya sa gitna ng gubat. Ditoy pinakiusapan siya nito na tulungang sunugun
ang bangkay ng isang di niya kilalang lalaki.)
Basilio: May maitutulong po ba ako sa inyo, G. Simoun?
(Gulat na liningon ni Simoun ang tinig.)
Simoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito?

Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing
tatlong taon na ang nakakaraan. Kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay, at kung
hindi ako nagkakamali, kayo si Crisostomo Ibarra. Si G. Ibarra, na sa pagkakaalam ng lahat ay
patay na!
(Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.)
Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong
ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking kamay?
Basilio: Iba ang pagkakakilala ko sa inyo G. Simoun.
Simoun: Ang pagkakatuklas mong ito sa aking lihim ay isang malaking banta sa akin. Ang
maaaring pagkakabunyag nito ang sisira sa plano ko! Sa plano kong paghihiganti! Sa plano kong
matagal ko nang pinaghandaan!
Basilio: G. Simoun! Nooy hinatulan kayong filibustero at dahil dooy kayoy napakulong, muli
ba ninyo itong hahayaang mangyari?
Simoun: Walang ibang nakakaalam nito maliban sa ating dalawa. At kung mawawala ka sa
aking landas ay mananatili itong isang lihim. Madaling palabasin na napatay ka ng mga tulisan
sa loob ng gubat na ito.
Basilio: Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo.
Simoun: Totoong akoy naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang
isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga
mapang-api. At ngayoy nagbalik ako upang ipagaptuloy ang kanyang nasimulan. Hindi ko
akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng
ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinakikinggan!
Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay
hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga
Pilipino.
Simoun: Isang pagkakamali!Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang
wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wiakng ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga
pagkatao!
Basilio: G. Simoun, mali ang inyong iniisip.
Simoun: Sa simula pa lamang, akin nang nasaksihan ang inyong lupon. Ang mga kabataang
naghahangad na itatag ang Akademya. Ilang bese ko na ring tinangkang lapitan si Macaraig, o si
Isagani, upang ihayag sa inyo ang mga pagkakamali ng inyong binabalak, ngunit alam kong
hindi kayo makikinig at inyo lamang iisipin na akoy nasisiraan ng bait. Ngunit, narito na sa akin
ang pagkakataon. Hahayaan kitang mabuhay, Basilio. Kahit na alanm kong ang nakataya ditto ay
ang katuparan ng aking mga plano. Hahayaan kitang mabuhay, sumama ka sa akin, sabya nating
isakatuparan ang aking mga plano laban sa mga mapang-api!

Basilio: Salamat sa pagtitiwala G. Simoun, ngunit ako man ay may mga pangarap din. Gusto
kong makapagtapos. Gusto kong maging isang ganap na duktor.
Simoun: at ano ang iyong mapapala kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang masaya
ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang bang hahayaan
ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya
mismong pumatay sa kanila?
Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko G. Simoun? Kayak o bang silang iapglaban gayong ako
mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin
ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyanng bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang
kung sino-sinong kastila.
Simoun: At kung ibibigay ko sayo ang aking tulong?
Basilio: G. Simoun, magbaba man ng hatol ang mga hukom, wala na sinag magagawa. Hindi na
kayang ibalik ng kanilang mga pasya ang buhay ng aking ina at kapatid. Hayaan na natin silang
matahimik. Wala rin naman akong mapapala sa aking paghihiganti.
Simoun: Pareho lamang tayo ng karanasan Basilio. Ganyan din ako noon. Ipinagwalang bahala
ko ang lahat. Ngunit, sa pagwawalang bahala na ito, ikaw pa ang masama! Ikaw pa ang kanilang
kamumuhian!
Basilio: Ako pa ang kanilang kamumuhian sa kabila ng mga ginawa nila sa akin?
Simuon: Natural lamang sa tao na magalit sa kanyang nasaktan. Lumalalim na ang gabi.
Bumalik ka na sa inyo. Basilio, hindi ko hinihiling na iyong itago ang aking lihim, dahi kahit
ihayag mo itiy tiyak kong hindi ka nila paniniwalaan. Gayon nam, kkung sakaling magbago ang
iyong isip, hanapin mo lamang ang aking bahay sa may Escolta.
(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun a kanyang
kinatatayuan.)
Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! mamatay anng mahihina at matira nag mga
malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang.

4th Scene
Tagpuan: Sa bahay ni Macaraig nagtipon-tipon ang mga estudyanteng kasama sa grupo na
naghahangad mapatayo ang Akademya ng Wikang Kastila. Ilan sa mga ito ay si Sandoval, ang
estudyanteng mahilig manalumpati, si Isagani, ang makata, si Pecson, na puro pag-aalinlangan,
at si Pelaez,ang anak ng isang Kastilang mangangalakal. Hinihintay na lamang nila ang
pagdating ni Macaraig upang ibalita sa kanila ang tungkol sa akademya. Nag-uusap ang mga
mag-aaral kung sa palagay ba nila ay papayagan ng mga prayle ang kanilang mga mungkahi.
Tanging si Pecson lamang ang nag-iisip ng negatibo sa grupo. Nasa gitna ng paguusap anng mga
mag-aaral ng dumating si Macaraig dala ang isang magandang balita.
Macaraig: Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, at nabanggit niya sa akin na sa
Los Banos daw pinag-usapan ang lahat. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit hinayaan na nila na ang
Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang mag-desisyon.

Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan!


Macaraig: Yan din ang aking sinabi kay Padre Irene. Ang sabi niyay si Don Custodio, isang
sangguni ngn lupon ang magdedesisyon.
Pecson: Papaano kung laban sa atin ang desisyon?
Macaraig: Sinabi ko ri iyan kay Padre Irene at ang sabi niya sa akin ay ganiti, Malaki na ang
atin tinamo, nagawa na natin na ang ating kahilingan ay maiumang sa isang kapasyahan. Sinabi
ni Padre Irene na kung tayoy makikipagkilala kay Don Custodio ay magagawa nating hilingin
ang kanyang pagsang-ayon.
Sandoval: Sa papaanong paraan naman tayo makikipagkilala sa kanya?
Macaraig: Dalawang paraan ang sinabi sa akin ni Parde Irene.
Pecson: Ang intsik na si Quiroga!
Sandoval: Ang mananayaw na si Pepay!
Isagani: Tignan pa natin ang isang paraan. Maaari naming si G. Pasta an gating lapitan.
Sandoval: Ang abugadong hinihingian ng payo ni Don Custodio?
Isagani: Oo, siya nga. Isa siyang kamag-aral ng aking amain. Ang problema lang ay kung
papaano natin siya lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio na paburan tayo.
Macaraig: Hindi bat si G. Pasta( Don Custudio) ay may kalaguyong isang mananahi.
Isagani: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga kalaguyo?
Pelaez: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo na lang ang kaginhawaang magagawa noon.
Kilala ko ang babae, si Matea.
Isagani: Hindi naman siguro masama kung atin munang susubukan ang mga paraang hindi
mahalay tignan. Kakausapin ko si G. Pasta. Kung akoy hindi magtatagumpay, tsaka natin gawin
ang ibang paraan.
Macaraig: Marahil ay tama si Isagani. Kung gayoon, hintayin natin ang resulta ng pakikipagusap niya kay G. Pasta.

5th Scene
Tagpuan: Nagpakitang muli si Simoun kay Basilio upang anyayahan itong sumama sa binabalak
nitong paghihimagsik.
Simoun: Kamusta na si Kapitan Tiago?
Basilio: Mahina nag pulso, walng ganang kumain. Kumalat na ng tuluyan ang lason sa kanyang
katawan.

Simoun: Parang Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi mo
binabasa ang librong ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal a bayan. Sa loob lanmang ng
isang oras, magsismula na ang himagsikan, at bukas ay wala nang mga unibersidad, wala ng mga
mag-aaral at magpapahirap. Naparito ako dahil sa dalawang bagay: ang kamatayan mo o ang
iyong kinabukasan. Sa panig ng umaapi sa iyo o sa panig ng iyong bayan?
Basilio: Sa panig ng umaapi o sa panig ng inaapi? Hindi ko alam.
Simoun: Magpasya ka! Kailangan mo nag mag-desisyon, dahil ako ang namumuno sa
pagkakagulo. Ipakikiusap ko sayo na samantalahin mo ang pagkakataon. Pamahalaan mo ang
isang hukbo at lubusin ninyo ang Sta. Clara. Kukunin mo ang isang taong tanging ikaw lamang
ang nakakakilala bukod kay Kapitan Tiago, si Maria Clara.
Basilio: Huli na kayo!
Simoun: Anong ibig mong sabihin?
Basilio: Si Maria Clara ay patay na!
Simoun: Patay? Hindi! Papaanong nangyari ito?
Basilio: Ika-anim ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upang makibalita
nang sabihin nila sa akin ang lahat. Pagbalik ko ay isang lliham mula kay Padre Salvi na
ipinaaabot kay Kapitan Tiago ang dala ni Padre Irene. At dahil na rin sa sulat na ito kung kayat
nanangis ang Kapitan.
Simoun: Hindi maaari ito! Hindi pa siya patay! Buahy pa si Maria Clara! Ililigtas ko siya
ngayon!
Basilio: G. simoun, huminahon kayo. Wala na tayong magagawa liban sa tanggapin ang
katotohanan.
Simoun: Namatay siya nang hindi man lamang nalalamang akoy buhay! Namatay siya nang
hindi nalalaman na akoy nagbalik para sa kanya!
(At si Simoun ay umalis nang parang wala sa kanyang sarili.)
Basilio: Kaawa-awang tao. Labis siyang naghirap. Nagtiis siya ng napakahabang panahon para
sa kanyang iniibig. At eto ang kanyang nakuhang ganti. Sadyang nakakapanghina nang
damdamin.

6th Scene
Tagpuan: Sa isnag pansiterya na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen Gusto. Ang mga
estudyante ay nagtipon-tipon dahil sa pare-pareho silang masasama ang loob pagkat silay
nabigo sa kanilang panukala ukol sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
Lahat ng mga estudyante: Luwalhait kay Don Custodio sa kaitaasan at pansit sa lupa sa mga
binatang may magagandang kalooban!
Ritz 1: Bakit hindi pinaburan ni Don Custodio ang ating hiling?

Macaraig: Walang nakakaalam niyan.


Ritz 2: Dibat marami na siyang tagumpay? Bakit tayoy hindi man lamang niya hinayaang
magtagumpay? Mabuti naman an gating layunin.
Ritz 3: oo nga, dapat lang na pagbugyan ang kahilingan natin, makakatulong din naman tayo
pag nagtagumpay tayo a.
(Nang biglang dumating si Tadeo; si Sandoval ay kumakain.)
Tadeo: Alam niyo na ba? Ang mag-aalahas na si Simoun ay ginulpi ng mga di nakilalang mga
tao. At ayaw daw nitong magsalita! Marahil ay nagbabalak maghiganti. Sabi ng ilan sa bayan,
mga prayle daw ang may kagagawan.
Sandoval: sino ba naman sa atin ang may interes sa nangyari sa mag-aalahas na walng ibang
nais kundi samsamin ang mga salapi ng mga Pilipino. Tena kayo! Ang sarap ng mga pagkain.
(Hindi pa nagtatagal nang dumating si Isagani)
Macaraig: Mabuti at nakarating ka. Si juanito na lang pala ang wala.
Tadeo: Sanay si Basilio na lang an gating inanyayahan sa halip na si Juanito. Mukhang wala
itong balak pumunta.
Sandoval: Oo nga naman. Bakit nga ba hindi na lamang si Basilio an gating inanyayahan?
Tadeo: Isa pa, kapag nalasing natin si Basilio ay maaari pa tayong makakuha nang ilang detalye
tungkol sa isang bata at isang mongha na nawawala.
(Lumipas ang ilang minuto nang kanilang paghihintay kay Juanito ay wala pa ito. Kaya
minabuti na nilang kumain. Habang nagkakainan ay nagkatuwaan ang mga mag-aaral.)
Tadeo: Para kay Don Custodio ang panukalang sopas.
Sandoval: Kay Padre Irene naman ang lumpiang shanghai at ang tortang alimango ay sa mga
prayle.
Macaraig: Pansit guisado naman para sa bayan. Dahil katulad nang pansit ng mga Intsik, tayo
ang tumatangkilik pero sila ng nakikinabang. Tulad n gating pamahalaan ngayon.
Isagani: Hindi! Dapat ialay ang pansit kay Quiroga, isa sa pinaka-makapangyarihang tao sa
Pilinas!
Ritz 4: Dapat ay sa Eminencia Negra, kay Simoun!
(Nagpatuloy ang kasiyahan nila nang biglang)
Tadeo: Tignan ninyo! Hindi bat iyon ang paboritong estudyante ng Vice Rector?
Isagani: Masdan ninyot sa karwahe ni Simoun ito sumakay!
Macaraig: Ang busabos ng Vice Rector na pinaglilingkurang panginoon ang Heneral!

7th Scene
Tagpuan: Maagang gumising si Basilio upang dalawin ang mga pasyente niya sa ospital at
upang asikasuhin ang mga papeles na kanyang kakailanagnin sa kanyang pagtatapos sa
Unibersidad. Pinaplano niyang lapitan si Macaraig upang humiram ng kaunting halaga na
kanyang gagamitin sa kanyang pagtatapos. Ang lahat kasi ng kanyang naipon ay nagugol niya sa
pagtubos kay Huli at sa kanilang titirhan ng kanyang lolo, si Tandang Selo. Naglalakad si Basilio
patungong unibersidad.
Basilio: Bakit kaya sarado ang mga paaralan? Ano kaya ang nangyari.
(Nagpatuloy si Basilio sa kanyang paglalakad nang kanyang makasalubong ang isa sa
kanyang mga propesor.)
Propesor1: Basilio, anong ginagawa mo ditto?
Basilio: Akin po sanang dadalawin ang mga pasyente ko at aasikasuhin ko rin po ang mga
papeles ko para sa aking pagtatapos.
Propesor1: matanong lang kita, kasama ka ba ng mga mag-aaral kagabi sa piging?
Basilio: Hindi po. Akoy inanyayahan ngunit hindi ako nakapunta dahil po kailangan kong
bantayan si Kapitan Tiago.
Propesor1: Mabuti kung ganoon. Pero, inanyayahan ka kamo? Kasapi ka bas a kanilang
organisasyon?
Basilio: Akoy nagbayad lamang po ng para sa kasapian.
Propesor1: Ganoon ba? Kung ako sa iyo ay uuwi na lang ako at sunugin o sirain ang anu mang
kasulatan o katibayan na maaaring magdawit sa iyo.
Basilio: Saglit lang po! May kinalaman po ba ang mag-aalahas na si Simoun sa mga nangyayari?
Propesor1: Ang Eminencia Negra! Wala! Hindi mo ba nabalitaan na si Sinoun ay nagpapahinga
ngayon dahil may mga di kilalang tao ang sumugat sa kanya.
Basilio: May mga sangkot po bang mga tulisan?
Propesor1: Wala. Panay estudyante lamang. Makikita mo sa unibersidad ang mga paskil na puro
paghihimagsik ang laman.
Basilio: Ganoon po ba? Maraming salamat po. Mag-iingat po kayo.
Propesor1: Ikaw din.
(Pinagpatuloy ni Basilio ang kanyang paglalakad ng kanyang makasalubong ang propesor niya
sa Patolohiya.)
Basilio: Magandang umaga po Propesor!
Propesor2: Magandang umaga din. Ay! Kay sama ng mga paskil sa loob! Iyo na bang nakita?

Basilio: Hindi pa po.


Propesor 2: Siya nga pala, si Kapitan Tiago ay matanda na. nariyan na at nilalapitan na siya ng
uwak at buwitre. Iyo siyang bantayan ng mabuti.
Basilio: Makaka-asa po kayo.
(Ipinagpatuloy niya nag paglalakad. Naisip niya bigla ang sinabi ni Simoun sa kanya
nang huli silang magkita.)
Basilio: Natitiyak ko! Winika niyang kapag kamiy tumiwlag ay hindi kami makakatapos!
Marahil ay may kinalaman siya dito!
(Habang patuloy na naglalakad ay kanyang nakita si Sandoval.)
Basilio: Teka! Si Sandoval iyon. Sandoval! Sandoval! Dito! Sandoval!
(Ngunit hindi siya pinapansin ni Sandoval at tila bingi ito. Nakasalubong naman niya si
Tadeo.)
Tadeo: Basilio! Nabalitaan mo na ba?
Basilio: Ang alin? Ang tungkol bas a mga paskil?
Tadeo: Hindi! Matagal daw mawawalan ng pasok! Akalain mo iyon! Sige ha, mauna na ako sa
iyo.
Basilio: Akala ko naman kung bakit siya masaya. Juanito! Mabuti at nakita kita. May itatanong
lang sana ako sayo tungkol sa mga paskil na sinasabi nila.
Juanito: Wala! Wala akong kinalaman Basilio! Alam mo iyon!
Basilio: Teka, huminahon ka. Namumutla ka na o.
Juanito: Wala akong kinalaman Basilio! Alam mo iyon! Wala akong kinalaman! Isang sibil!
Paalam Basilio, may kailangan pa akong puntahan.
Basilio: Ano ba ang nangyayari? Wala naman akong mapagtanungan. Isagani! Mabuti naman at
nakita kita. Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari?
Isagani: Bakit ganoon? Dahil lang sa isang maliit na pangyayari ay masisira ang samahan nating
lahat? Ganoon ba kababaw ang lahat ng atin pinagsamahan? Ngayon lang ba may makukulong
nang dahil sa kanyang pagtatanggol sa kalayaan?
Basilio: Sino ba anng may kagagawan ng mga paskil? Bakit ganoon kasasama ang nakalagay?
Isagani: Hayaan nating sila na ang umalam. Kung nasaan ang panganib, doon tayo! Naroon ang
karangalan ng isang Pilipino. Kung ang sinasabi ng mga paskil ay tungkol sa karangalan, hayaan
natin ito at pasalamatan.

(Iniwan ni Basilio si Isagani. Alam niyang mali ang sinasabi nang kanyang
kaibigan.patuloy siyang pumunta sa bahy ni Macaraig. Sa labas pa lamang ay hinarang na siya
ng dalawang tanod.)
Basilio: Naparito po ako upang makipagkita sa aking kaibigan na Macaraig.
(Ilang sandal ay lumabas si Macaraig kasama ng kabo.)
Macaraig: Marangal na pagkatao! Sa oras nang kaginhawaan ay wala ka ngunit ngayong kayoy
kailangan naming ay naririto kayo at handing sumuporta.
Guardia Civil: Ano ang pangalan mo binata?
Basilio: Basilio po.
Guardia Civil: Narito ang kanyang pangalan sa listahan.
Guardia Civil: Dakpin rin siya at isama sa himpilan.
Basilio: Saglit lang, bakit pati ako?
Macaraig: Huwag kang mag-alala. Ibabalita ko na lang sayo ang nangyari sa hapunan kagabi
habang nasa sasakyan tayo.
Basilio: Akoy napadaan lang dahil ako sana ay mannghihiram nang kaunting halaga sayo.
Macaraig: Huwag akng mag-alala. Kapag tayoy nanumpa, aanyayahan natin ang kabong ito.

8th Scene
Tagpuan: Tuluyang nakulong ang mga estudyante na kasapi sa grupong naghahangad na
matatag ang Akademya ng Wikang Kastila, ngunit nakalaya din dahil sa nalakad ang mga
kaukulang papel maliban kay Basilio, dahil walang maglalakad ng kanyang papel dahil si
Kapitan Tiago ay namayapa na. karamihan sa mga estudyante ay hindi pumasa sa eng serbisyo
sibil. Si tadeo naman ay tuwang-tuwa dahil sinunog ang lahat nang mga aklat at sila ay pinauwi
para sa isang mahabang bakasyon. Si Juanito naman ay tinuruan na lamang ng kanyang ama
kung paano mangalakal. Si Macaraig naman ay nagtungo ng Europa. Si Isagani ay nakapasa sa
asignaturang pangmdlang pagpapahayag ngunit bagsak sa iba. Dinaan naman ni Sandoval sa
pagtatalumpati kung kaya siya ay nakapasa. Sinubukan ni Huli, ang kasintahan ni Basilio na
pakiusapan si Padre Camorra na palayain ang kanyang kasintahan ngunit ito pa ang naging
dahilan ng kanyang kamatayan. Hindi rin nagtagal ay pinasya ni Paulita, ang maganda at
mayamang kasintahan ni Isagani, na magpakasal. Ngunit hindi sa binata kundi kay Juanito
Pelaez. Buwan na ng Abril at laganap na ang balitang kasalan. Si Simoun naman ay nais nagdaos
ng isang piging dahil siya ay lilipad na pabalik ng Espanya.
Ben Zayb: Natitiyak kong isang magarbong handa ang iyong ihahandog G. Simoun.
Simoun: Iyon nga sana ang aking balak ngunit wala naman akong malaking lugar upang
pagdausan ng isang malaking piging.

Ben Zayb: Sayang naman pala. Di sanay kayo na lang ang nakabili ng bahay ni Kapitan tiago at
hindi sana napunta kay Don Timoteo Pelaez ng libre. At ngayon! Ikakasal ang kanyang anak sa
mayamang si Paulita Gomez!
Simoun: Ganoon talaga, may mga tao talagang swerte.
Ben Zayb: Kung sa bagay. Mabuti na ri at si Juanito ang kanyang pakakasalan kaysa naman sa
isang hamak na makatang si Isagani! Marunong din mag-isip ang babae. Alam niyang hindi niya
kaya ang buhay mahirap.
(Mabilis na lumipas ang oras. Araw na ng kasal ni Paulita kay Juanito. Nakalaya na rin si
Basilio. Agad na tinungo ni Basilio ang bahay ni Simoun.)
Basilio: Isa akong masamang anak at kapati G. Simoun. Nakalimutan kong piata ang aking
kapatid at pinhirapan ang aking ina. Ngayoy pinaparusahan ako ng Diyos. Wala na akong
nararamdaman kundi galit at paghihiganti.
(Hindi kumibo si Simoun.)
Basilio: kahit noong may himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at akoy nakulang kahit
wala akong kasalanan. Iyon ang parusa sa akin. Narito ako sa labas nang dahil sa inyo. Ngayon,
handa na ako. Handa ko nang ipagtanggol ang bayan.
Simoun: Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga desisyon,
dahil umiibig pa ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng dahlia para umatras.
Pareho na tayo ngayon. At sa tulong mo akoy magtatagumpay. Magsasabog ako ng kamatayan
sa gitna ng bango at rangya, ikaw namay gigising sa mga kabataan sa gitna ng dugo.
(Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratory. Ipinakita niya dito ang
kanyang mga gamit at eksperimento sa kemika. Sa loob ng laboratory ay makikita ang isang
lampara na may kakaibang hugis.)
Basilio: Para saan naman po ang lamparang iyan?
Simoun: Hintayin mo.
(Pagkaraan ay inilabas ni Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat na nitrogliserina,
isang pormula na ginagamit sa paggawa ng dinamita.)
Basilio: Dinamita!
Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak, mga
kagagawang walang katwiran at mapang-api. Ngayong gabi, makakarinig ng pagsabog ang
Pilipinas at mapaparusahan ang mga makasalanang hindi magawang parusahan!
(Ipinagpatuloy ni Simoun ang ginagawa.)
Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna ng
handaan. Napakaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit pansamantala lang. pagkaraan
ng dalawampung minuto, mawawala ang ilaw ng lampara. Kapag inayos ang mitsa, sasabog ang
bomba!

Basilio: Kung gayoy hindi na pala ninyo ako kailangan.


Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at iba pang
kinasundo ko noon. Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni Kabesang Tales sa Sta. Mesa.
Sabay-sabay na susugod ang lahat. Magkakagulo at ang mga mamamayan ay nanaisin na ring
lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa bahy ni Quiroga dahil doon nakaimbak
ang mga baril at pulbura. Kami naman ni Kabesang Tales ay susubukang agawin ang tulay.
Mamamatay ang lahat ng mahihina! Ang lahat ng hindi handa!
Basilio: Lahat? Kahit ang mga walang laban?
Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang magsimula
muli. Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang bagong lipunan na kahit
kalian ay hindi na magpapa-api!
Basilio: At anon a lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?
Simoun: Pupurihin tayo ng daigdaig!
Basilio: Ano nga naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung pupurihin nila ito
o hindi? Bakit ko kailangang linagpin ang mundong kalian man ay hindi lumingap sa akin!
Simoun: Tama ka!
(Inabot ni Simoun ang isanng rebolber kay Basilio.)
Simoun: Hintayin ninyo ako sa tapat ng simbahan ng San Agustin, ika-10 ng gabi. Lumayo kayo
sa Daangn Analoague sa alas-nuwebe.
Basilio: Kung gayyoy magkita na lamang tayo mamaya.
(At tuluyan nang umalis si Basilio.)

9th Scene
Tagpuan: Alas-siyete na ng gabi. Nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang bahay ni
Kapitan Tiago, na pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Ang pagdating ng Kapitan
Heneral na lamang ang hinihintay upang magsimula ang pista. Sa harap ng bahay ay naroon si
Basilio at nagmamasid.
Basilio: Ang dami palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa naman sila.
Payuhan ko na lamang kaya ang ilan na umalis upang hindi madamay.
(Papalapit na siya sa bahay.)
Basilio: Hindi! Ano naman ngayon sa akin kng mamamatay sila! Hindi ko dapat sirain ang
pagtitiwala niya. Siya ang naglibing sa aking ina at ang mga tao sa looba ng pumatay! Sinubukan
kong kalimutan ang lahat! Magpatawad, pero ang lahat ay may hangganan din!

(Nakita niya nag pagdating ni Simoun dala ang lampara.Pagdating ng Kapitan Heneral ay
isa si Simoun sa sumalubong. Kinilabutan bigla si Basilio. Nakita niyang pinaligiran ng mga
taong mangha sa liwanag na binibigay ng lampara.)
Basilio: Hindi sila dapat madamay!
(Pumunta si Basilio sa pintuan at sinubukang pumasok.)
Basilio: Papasukin nyo ako! Ililigtas ko sila!
Tanod: Hindi ka maaaring pumasok dito! Tignan mo nga iyang suot mo!
Basilio: Papasukin ninyo ako!
(Nakita ni Simoun si Basilio. Bigla itong namutla sa kaba. Bigla itong umalis.)
Simoun: Tayo na sa Escolta, madali!
(At tuluyan nangn umalis si Simoun)
Basilio: Ililigtas na niya ng kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.
(Nagsimulang lumakad palayo si Basilio. Kanyang nakasalubong si Isagani sa daan,
patungo sa pista.)
Isagani: Anong ginagawa mo dito?
Basilio: Isagani! Tara na! umalis na tayo dito!
Isagani: Bakit ka aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang makita.
Basilio: Gusto mo na bang mamatay?
Isagani: Hindi ko alam.
Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano mang oras
ngayon! Tara na!
Isagani: Bukas ay iba na siya.
Basilio: Kaawaan ka ng Diyos.
(At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay
nagkakainan na ang mga bisita nang may nakita silang papel.
Bisita1: Nakasulat dito, Mane thecel, pares Crisostomo Ibarra.
Bisita2: Isang biro lang iyan!
Bisita3: hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal nang namayapa!
(Binasa ni Padre Salvi ang liham.)

Padre Salvi: Si Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!
Kapitan Heneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang kwenta ang ganyang
biro.
Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin lahat?
(Hindi kumibo ang lahat. Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)
Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.
Padre Irene: Isang saglit lamang.
(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa lampara.)
Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!
(Dumiretso ang magnanakaw sa asotea ng bahay at tumalon sa ilog kasama ang lampara.
Ilang saglit pa ay, isang nakagigimbal na pagsabog ang narinig.)

10th Scene
Tagpuan: Napag-alaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang
kanyang bahay at nakita dito ang ilang armas at bulbura. Pinaghahanap na siya ng mga sibil.
Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentino
upang mangumpisal.
Padre Florentino: Masama ban g inyong pakiramdam?
Simoun: Wala ito Padre, mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandal. Anumang oras ay
tatalab na ang lason sa aking katawan.
Padre Florentino: Diyos ko!
Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang aking
lihim. Maaari mo bang sabihin sa akin kung totoong may Diyos?
Padre Florentino: Kahit saan tayo nagtungo nariyan ang Diyos.
Simoun: Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan!
(Isinalaysay ni Simoun kay Padre florentino ang lahat. Mula nang nanggaling siya ng
Europa hanggang sa mawala ang lahat sa kanya.)
Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginsto ang lahat, na
ikaw ay nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat anng nangyari. Hindi
nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito tama.
Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.
Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?

Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian man ay hindi Siya
naghangad ng masama para sa atin.
Simoun: Kung gayon, bakit hindi niya ako tinulungan?
Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa ng
dakila.
Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan at hndi ang mga masasamang namamahala na walang
dulot kundi kasamaan?
Padre Florentino: kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.
(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil ni
Simoun ang kamay ng pari.)
Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.
(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florentino at tuluyan itong nawala sa
pagkakahawak. Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno sa talampas.
Inihagis ni padre Florentino ang kaymanan ni Simoun sa karagatan.)
Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat ngunit kung kakailanganin ka ng
tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan
ng alon. Pansamantala, diyan ka muna, hindi makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng
kasakiman.
WAKAS

You might also like