You are on page 1of 6

SI SIMOUN

KABANATA VII
Pauwi na sana si Basilio
nang may marinig siyang
mga yabag at liwanag na
palapit. Nangubli siya sa
puno ng Baliti. Sa kabila ng
puno tumigil ang dumating.
Nakilala ito ni Basilio- ang
mag aalahas nang mag alis
ito ng salamin.
Nagsimulang maghukay si
Simoun sa tulong ng isang
asarol. Ito ang taong
tumulong sa paglibing sa
kanyang ina at sa pagsunog
sa isa pang lalaking doon
namatay. Ngunit sa
dalawang lalaking nakita
niya noon ay alin kaya ang
Ibarra.
Nagpakita na kay Simoun si
Basilio at naghandog ng
pagtulong bilang ganti sa
tulong na ipinagkaloob nito
may labintatlong taon na
ang nakalilipas. Tinutukan
ni Simoun ng baril si
Basilio. “sino ako sa
palagay mo?” tanong ng
mag aalahas. “isang taong
ipinalalagay kong
napakadakila” tugon ni
Basilio. Lubos na
katahimikan ang sumunod
sa mga pananatiling ito.
At inamin ni Simoun na
siya nga si Ibarra. “ay! Ang
mga kabataan ay salat sa
karanasan at
mapangarapin: lagging
sumusunod sa lipad ng
paru-paro at halimuyak ng
bulaklak. Ayon kay Basilio
ang kastila ay isang wikang
magbubuklod-buklod sa
mga pulo ng Pilipinas.
“ang kastila kailanman ay
hindi magiging wikang
pangkalahatan sa bayang
ito; sapagkat sa mga
kulubot ng kanyang isip at
sa pintig ng kanyang puso
ay wala ang mga akmang
pananalita sa wikang iyan.

You might also like