Professional Documents
Culture Documents
1. Matatagpuan sa bahaging ito ang pamagat ng pananaliksik, pangalan ng may-akda, petsa at ilan
pang mahahalagang impormasyon. -Pahina ng Pamagat
2. Kauna-unahang bahagi,walang nakasulat at unang pahina sa sulating pananaliksik. Fly Leaf
3. Nangangahulugang pag-aalay ng mananaliksik sa mahal niya sa buhay sa isinagawang pag-aaral.
Paghahandog
4. Pahinang nagpapatunay na tinanggap at pinagtibay ng tagapayo ang paksa sa pananaliksik.
Dahon ng Pagpapatibay
5. Isang talaan na naglalaman ng bahagi at nilalaman ng pananaliksik. Talaan ng Nilalaman
6. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng pag-aaral. Abstrak
7. Representasyong ginagamit ang dayagram sa pagpapahayag ng takbo ng pananaliksik.
Paradimo ng pag-aaral
8. Ginagamit ang paradimong ito sa mga constructs na nagpapahayag ng katiyakan bunga ng mga
baryabol. Konseptwal na paradimo
9. Sa paradimong ito hindi lamang ito natutukoy kundi nasusukat din. Operasyonal na paradimo
10. Ipinahayag niya ang mga ideya sa paglalahad ng suliranin. Ardales (208)
11. Uri ng haka o paghuhula na inirerekomenda ng istatistisyan sa pag-aaral. Walang bisang
haypotesis/Null Hypothesis
12. Ipinapahiwatig naman nito na ang mga palagay ay may pagkakaiba at pagkakaugnay.
Alternatibong Palagay o Alternative Hypothesis
13. Sa bahaging ito makikita ang lawak ng pag-aaral at tiyak na bilang ng respondante.
Saklaw at Delimitasyon ng pag-aaral
14. Bahagi ng kabanata 2 na naglalaman ng mga impormasyon mula sa mga tesis at disertasyon.
Kaugnay na pag-aaral
15. Sa bahaging ito inilalahad ang kahulugan ng mga salitang kailangang unawain sa pag-aaral.
Terminolohiyang ginamit sa pag-aaral