You are on page 1of 9

Kabanata 6

Panunuring Pampanitikan/Panunuring Pampelikula

Panimula
Ang Panitikan at Pelikulang Panlipunan na maituturing na buhay na obra,ang pinakamataas na antas
na pakikipag-ugnayan sa kahalagahan ng kalikasan ng makasining na alternatibong kapalit sa salitang
“alagad ng Sining”.Sa pagtuturo ng Panitikan at Pelikulang Panlipunan na mahalaga na pag-aralan na
maka-ambag ng kaalaman [knowledge],kahulugan [meaning],at kahalagahan [values] sa mga
mambabasa at manonood.
Sa Panunuring Pampanitikan na saklaw ng kursong ang pag-aaral ang simulain,pamamaraan sa
panunuring pampanitikan,pagpapahalaga ng ibat-ibang uri ng akdang pampanitikan batay sa mga
umiiral na teoryang pampanitikan at sariling pagsusuri sa ibat-ibang genre ng panitikan.
Sina Claudio del Mundo at Alejandro G. Abadilla ang pangunahing pumili at pumuna sa pangunahing
pinakamahuhusay na akda sa panitikan.
Ang Panunuring Pampelikulang Panlipunan ay isang tanyag na paraan ng pagkritiko o pagkomentaryo
sa kabuuang kalidad ng isang pelikula, gayundin ang pag – aanalisa sa layunin, teknik ng presentasyon at
tematikong nilalaman. Ito rin ay pagbibigay ng sariling opinyon o pananaw hinggil sa isang pelikulang
pinanood batay sa mga teorya at pananaw na ilalapat sa gagawing panunuri. Gayundin, sinisipat ang
mga magagandang anggulo at yaong di gaanong naging maganda ngunit daan upang maging kapana –
panabik ang nasabing pelikula.
Samakatwid, ang Panunuring Pampelikulang Panlipunan ay isinusulat upang talakayin ang isang
pelikula sa aspeto ng historikal, sosyal, politikal at teoretikal na konteksto. Ang ilang mga halimbawa ng
nagawang papel – suring pampelikula ay matatagpuan sa mga dyornal hinggil sa mga pag – aaral
pampelikula, gayundin sa ibang sangguniang nakatuon sa tiyak na disiplina, depende sa balangkas o
tema ng pelikula. Ang Panunuring Pampelikula Panlipunan ay kadalasang binubuo matapos maipalabas
ang isang pelikula o di kaya’y sa pagpapalabas nito sa telebisyon o streaming sa onlayn.

Sa pagtatapos ng kabanata,ang mag-aaral ay inaasahang:


1.Matutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng panunuring pampanitikan at panunuring
pampelikula
2.Naipapaliwanag ang mga batayang kaalaman sa panunuring pampanitikan at panunuring
pampelikula
3.Nabigyang-halaga ang mga akdang pampanitikan na naisapelikulang panlipunan
na naging bahagi ng pagsusuri ng pelikula
4.Nakapagsuri ng mga akdang pampanitikan kaugnay sa pelikula sa mabisa gawain ng pagsusuri
5.Nakakagawa ng pagsusuri tungkol sa bisa ng kalakasan o kahinaan ng isang akda o pelikula

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay

Kabanata Panunuring Pampanitikan 6 oras [4 oras para sa talakayan;2 oras


para sa mga gawain at pagsasanay ng
kabanata]
Talakayan

Pagbibigay ng lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda,paraan ng


pagkabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo.Kailangang nauunawaan ang mga
opinyon o palagay bungang layuning pananaw laban o katig sa katha kaya mahalaga ng maging matapat
sa pagsusuri ng panitikan
Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral,pagtalakay,pagsusuri at pagpapaliwanag ng
panitikan.ang unang sangay ay ang Pagdulog.Ang mga uri nito ay Pormalistiko,Moralistiko,Sikolohikal at
Sosyolohikal samantala ang pangalawang sangay ay ang Pananalig.Binubuo ito ng maraming uri,ito’y
Klasisismo,Romantisismo,Realismo,Naturalismo,Feminismo,Queer,atbp.
Ang isang pelikula ay malaking kabuuan.Ito ay binubuo ng iba’t ibang salik o elemento bago maging
gumagalaw na mga litrato o larawan.Sa panonood ng pelikula na mahalagang pagtuunan ng pansin
kabuuan ng akda sa pelikula.
Ang ebalwasyon ng isang pelikula kung saan ang tao ay nagsusulat sa mga pahayagan, mga magasin
at kahit sa paggamit ng social networking ng kanilang opinyon hinggil sa mga pelikula o tumatalakay na
patungkol sa mga pelikula sa kanilang programang pantelebisyon,panradyo at pag-internet ay tinatawag
ng mga manunuri ng pelikula.Ilan sa mga kritiko ng pelikula ang nagsusulat ng mga aklat hinggil sa mga
pelikula at sa kasaysayan ng mga pelikula.

Aralin:

Panunuring Pampanitikan
Isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng
iba’t-ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.
Isang pag-aaral,pagtalakay,pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan.
Isang pangkalahatang disiplina para sa higit na mabigyang-halaga at maunawaan ang isang
akdang pampanitikan [nobela,maikling kuwento,atbp]
Uri ng pagtalakay na nagbibigay buhay at diwa sa isang nilikhang sining.[Ramos/Mendiola,1994]
Isang agham ng teksto.
Ginagawang esensyal na gawain sa pagsasanay na ginugol ng maraming oras at panahon sa
pagsusulit ng mapanuring pagpapahayag.

Pakinabang sa Panunuring Pampanitikan


1.Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mga malalim na kahulugan na nilalaman ng akda at
kung paano ito ang lahat magiging isang buong ideya.

Balangkas ng Panunuring Pampanitikan


1.Literal na Pagsusuri
1.Halos iisa lamang ang sagot
2.Kadalasang nasa akda ang lahat ng sagot.
3.Pormulasyon na pagsusuri.
2.Malalim na pagsusuri
1.Maaring higit sa isa ang tamang sagot bagama’t may maituturing pa ring mali.
2.Ang mga paliwanag o patunay sa sagot ay nagmula sa akda.
3.Bunga ito ng pinagsamang talino ng may-akda at mambabasa
4.Pormulasyon ay malalim sa akda at mambabasa.

Panunuri
Isang uri ng pagtalakay na nagbibigay buhay at diwa sa likhang sining.
Matalinong pagsusuri sa akda.
Isang paghatol sa isang likha ng sining batay sa kahalagahan na inihahandang karanasan
pagkaisipan at sa bisa pagkakapaghatid ng nasabing karanasan.
Pagbibigay ng papakahulugan sa mga simbolong napapaloob sa mga talinghaga,nakatagong
kaisipan at kahulugan ng nakatagong salita o pahayag.
Panitikan
Nagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay bagay sa daigdig sa pamumuhay sa
lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa ni bathalang lumikha.[Azauris]
Ito ang kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan [Ramos]
Anumang bagay na naisasatitik na may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao maging ito’y
totoo,kathang isip o bungang tulong lamang.

Layunin ng Panitikan:
1.Magbigay aliw 2.Magbigay-aral

Kahalagahan
1. Mabatid kung kailan isinulat ang akda upang masuri batay sa panahon na kinakailangan nito.
Dapat tandaan na ito’y hindi pamimintas na ito’y pagpapahalaga sa akdang
pampanitikan batay sa teorya at pagtalakay.
2. Nagbibigay ng isang magandang pagtakas sa realidad at ito ay ibinabahagi ng uri ng libangan para
sa tao.
3. Pagkakaroon ng paghulma ng layunin dahil tinutulungan ang mga mamamayan sa bumuo ng
opinyon sa mundo at kasalukuyan sistema.
4.Nagsasalamin sa kultura sa pinagmulan.
Dahil sa magiging magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura
at pamumuhay ng pangkasalukuyan lipunan upang maintindihan ito ng mga sumusunod na henerasyon.

Simulain
1.Kailangan may uri at katangian ng katalinuhan,seryoso at marubdob na damdamin at tapat na
mithi sa kalayaan.
2.Dapat maging maganda ang paksa ,may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.
3.Kailangan maayos ang paglalahad ng bawat detalye na gagawing pagsusuri,pagsasagawa,out-put
ng pagsusuri na isinagawa sa pag-uunlad ng panitikan.
4.Sa pagsusuri,kailangan napapanahon na may matibay na kaisahan,makapangyarihan ang
paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan.
5.Matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o
konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
6.Kailangan ng matigas ang damdaming na naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng
panitikan ang kanyang pagmamalasakit.
7.Kailangan mahusay ang organisasyon o balangkas at bahagi ng disiplina ng pagsusuri.
Katangian
Nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay na mga sangkap ng pagsulat.

Katangian ng Kritiko:
1.Kailangang matapat sa sarili at itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang
isang sining.
2.Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng
lipunan,manunulat at mambabasa.
3.Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
4.Iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina
gaya ng linggwistika,kasaysayan,sikolohiya,abtp.
5.Malawak sa karanasan sa mga kritikal na pagpapakahulugan.
6.Matigas ang damdamin sa panininidigan upang tiyak na may pakinabang sa kanyang
pagmamalasakit sa panitikan.

Kaibahan ng Panunuri sa Kritiko:


Kritiko: [Criticism]
1.Naghahanap ng mali.
2.Naghahanap ng kulang
3.Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya naunawaan.
4.Naglalahad sa malupit at mapanuyang tinig.
5.Negatibo
6.Malabo at malawak
7.Naghahanap ng pagkukulang sa manunulat at sa akda.

Panunuri: [Critique]
1.Naghahanap ng estruktura.
2.Naghahanap ng kung ano ang puwede.
3.Nagtatanong upang maliwanagan
4.Naglalahad ng mabuti,matapat at obhektibong tinig
5.Positibo
6.Kongkreto at tiyak
7.Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa pahina.

Kaibahan ng Kritiko at Kritika


Kritika = Sining o ang paraan ng pagsusuri hinggil sa katangian at bisa ng akda.
Kritiko = Ito ang taong pumupuna,kumikilatis,gumagawa at nagsusuri ng mga akdang
pampanitikan.

Dapat tandaan ng Pamumuna


1.Pamumuna at pagsusuri ay hindi pamimintas.
2.Ito’y pagbibigay-puri sa kagandahan ng akda ng may-akda at pagbibigay-puna sa kahinaan nito
upang lalo niyang mapaganda ang mga susunod na susulatin.
3.Ito’y nagpapahalaga sa lalong ikakaunlad ng mamumulat at panitikan sa kabuuan.
Dahilan kung bakit mahalaga ang pagsusuri:
1.Ang bunga ng pagsusuri ay ang pantay na paghuhusga sa akda na kung saan ang mambabasa ay
nakakalikom ng higit na kaalaman tungkol sa likhang sining.
2.Naipapaliwanag ang mga mensahe at layuning napapaloob sa akda.
3.Ang makatarungang pagsusuri ay magiging sandigan at higit na pagpapalawak at pagsulong ng
manunulat at ng panitikan.
4.Maging ang istilo ng manunulat ay natutuklasan sa pamamagitan ng pagsusuri.

Paraan ng pagsusuri ng akda [Maikling Kuwento/Nobela]


1.Banghay 4.Tono
2.Panahon 5.Teoryang napapaloob
3.Tauhan 6.Simbolismo

Dimensyon ng Akdang Pampanitikan


1.Panlipunan
2.Pangkaisipan
3.Pangmoral
4.Pang-anyo
5.Pang-arketipo

1.] Panlipunan
Sinusuri ang interaksyon sa tao sa tao sa lipunan at kapaligiran.Ang susuriin ang suliraning
panlipunan na isang kaugnay na tagumpay at kabiguan.
Hal:Kawalan ng hustiya sa mahihirap,Sanhi ng pag-aalsa ng inaapi at Kawalan ng trabaho.
2.] Pangkaisipan
Pakikipaglaban ng tauhan sa sariling kaisipan
Hal: Pakikipaglaban sa mga taong yumuyurak sa kanyang karapatan.
3.] Pang-moral
Isinasaalang –alang ang mga aral,ugali,kilos at panahon.
Hal: Pre-marital sex
Live-in bago ang kasal
4.]Pang-anyo
Pagpapahalaga sa akdang nais talakayin.
Hal: Nobela/Maikling Kuwento
Pangyayari at pagkasunod-sunod ang pinag-uusapan.
5.]Pang-arketipo
Pagtalakay sa mga akdang pampanitikan na kasiningan ng mga tauhan sa Bibliya,klasikong
akda ng mga Griyego at Romano at akdang popular gaya ng Florante at Laura.

Kritikong Pilipino sa Panitikan:


1.Alejandro Abadilla
2.Virgilio Almario
3.Fernanrdo Monleon
4.Ponciano Pineda
5.Isagani Cruz
6.Clouldo del Mundo
7.Teodoro Agoncillo
Kritikong Dayuhan
1.Aristotle
2.Plato
3.Socrates
4.T.J. Eliot

Panunuring Pelikulang Panlipunan


Isang obrang pansining na kakakitaan ng galing sa tradisyunal,kultural,kaugalian,saloobin at
pagpapahalaga sa tao,bansa at pinagmulan.
Paglinang sa kasanayan sa kritikal na panonood at komparatibong pagsusuri ng mga pelikulang
makabuluhan sa konteksto ng pelikula.
Isang tanyag na paraan ng pagkritiko o pagkomentaryo sa kabuuang kalidad ng isang pelikula.

Sining ng Pelikulang Panlipunan


Ito’y uri ng paglikha ng biswal,nadidinig o kaya isang pagtatanghal na pinapakita ang kahusayan
ng isang manlilikha sa kanyang imahinasyon,malikhaing pag-iisip o teknikal na husay na nag-nanais
mapahalagahan dahil sa kanilang kagandahan o sa kakayahan nito magpa-antig ng damdamin.

Nahahati sa:
1.Plastikong sining/Pinong sining = Isang pagpapadama sa pamamagitan ng pagpapaganda o
upang maging kaakit-akit o kahali-halina ang isang bagay.
= Paglikha ng masining na ekspresyon na magmamanipula at
naghulma ng mga materyales upang bumuo ng form o imahe.
Hal:Ceramic,figurine,atbp.
2.Isinasagawang o Inilalapat na sining = kung isang bagay ay ginagawa ng mga tao sa pamamagitan
ng pagkilos.
Hal:Sayaw,Pag-arte,Pag-awit
3.Dalisay na sining = Ito ang ginagawa para sa kanilang sarili.
Hal: Mga nakikita ( Arkitektura, Painting,Iskultura )
4.Praktikal na sining = Ginagawa para sa praktikal na layunin subalit mayroong masining na
nilalaman.
Hal:Pelikula,Bidyo,Potograpiya

Pamamaraan ng Panunuring Pampelikulang Panlipunan


1.Pumili ng pelikulang susuriin.
2.Magbasa ng teorya,prinsipyo at pananaw hinggil sa gagamiting batayan sa panunuri.
Pagtuon sa sinopsis,pagbuod ng balangkas ng pelikula at makapabigay ng pangkalahatang
ideya.
3.Tukuyin ang mga isyung tatalakayin at aanalisahin sa gagawing panunuri.
4.Pauli-ulit na panoorin upang makita ang anggulo nito na halaw sa kabuuang diwa/ideya ng
pelikula.
5.Kung kinakailangan, pagtuunan ang bawat tagpo sa pamamagitan ng bahagyang pagtigil (pause)
sa bawat eksena upang higit na masuri ang mahahalagang anggulo nito.
6.Magtala ng mahahalagang detalyeng namasid o natunghayan sa mga eksena at dayalogo.
7.Sa muling panood ay tunghayang mabuti ang mga detalyeng hindi namataan sa unang panonood.
8.Sikaping maging tiyak at obhektibo sa panunuri.
9.Balansehin ang magagandang anggulong ipinakita sa pelikula at ang mga di naging kaaya – kaaya
o mabuti.
10.Iwasan ang sariling paghuhusga at paglalapat ng negatibong emosyon sa panunuri.

Panunuri ng balangkas ng Pelikula:


Ito ang daloy ng mga pangyayari o ganap sa bawat eksena na bumubuo sa kuwento.
1.Tukuyin kung ang balangkas ay kahula-hula.
2.Alamin kung may mga aksyong hindi kahula-hula.
3.Ipahayag ang pananaw sa kabila ng mga hindi inaasahang tagpo ng mga pangyayari.
4.Tunghayan kung ang kuwento ay naaangkop sa interes ng tauhan.
5.Ilapat ang iyong naging pananaw o pagsusuri sa naturang balangkas.

Panunuri ng Istruktura ng Pelikula:


Tumutukoy kung paano ang bawat bahagi ng kuwento ay nagkakaugnay sa bawat isa o sa
pagkakabuo ng kuwento.
1.Pagpapakilala sa mga pangunahing tauhan at ang kanilang mga kalagayan.
2.Kakintalan o ang mga bahaging patungo sa kapana-panabik na kasukdulan ng kuwento.
3.Kasukdulan o ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento.
4.Kasukdulan patungo sa pagtatamo ng solusyon sa suliranin.
5.Kakalasan o bahaging pagresolba ng suliranin tungo sa pagtatapos ng kuwento.

Panunuri ng mga Tauhan:


Karakterisasyon ay ang naglalarawan ng mga tauhan,gayundin ang kanilang papel na
ginagampanan,pagkatao,paniniwala at mga interes.
1.Pagtuunan ang tiyak na mga tauhang gumanap sa pelikula.
2.Iprayoridad ang mga tauhang susuriin sapagkat may tauhang hindi nangangailangan ng ibayong
pagsusuri batay sa daloy ng kuwento.
3.Suriin kung ang pamamaraan ng mga tauhan ng pananamit,pananalita,kilos o itsura ay naayon sa
tauhang kanilang ginagampanan na inaasahan ng mga manonood.
4.Tandaang ang mas maayos na pagganap ng mga tauhan ay nangangahulugang mas nakatuon ang
kuwento.
5.Isaisip ang mahusay na pagganap ng mga tauhan ay nangangahulugan mas nakatuon sa tauhan ang
kuwento.

Panunuri ng Dayalogo sa Pelikula:


Ang dayalogo ay mga usapan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tauhan na nagbiigay linaw sa
daloy ng kuwento para sa mga manonood.
1.Tandaang ang maayos na bitaw ng dayalogo mula sa mga tauhan ay hindi dapat nakakahon upang
lumabas ito nang mas natural.
2.Suriin kung may lohikal na pag – unlad sa naging pag – uusap o pagsasagutan ng mga tauhan.
3.Tignang mabuti ang mga galaw ng katawan ng mga gumaganap kung naaayon sa kanilang mga
sinasabi o sinasalitang dayalogo.

Panunuri ng Tagpo ng Pelikula:


Binubuo ng eksena sa malawakang konteksto na higit na maunawaan ang mga tagpo sa isang
pelikulang susuriin.
1.Tukuyin kung ang mga eksena ay ginaganapan nang maayos ng mga tauhan at kinunang mabuti.
2.Tandaang dapat ang mga tagpo ay maayos na nakatuon bilang mga bahagi ng mas kabuuang
kuwento o daloy ng pelikula.
3.bigyang –diin ang mga tagpo tungo sa isang makabuluhan kuwento.
4.Suriin ang naging tunggalian at tayahin kung paano hinarap at niresolba ito ng mga tauhan.
5.Sikaping masundang mabuti ang bawat tagpo at ang pagpapalit ng eksena.
Balangkas ng Panunuring Pampelikula:
Tulad din ng anumang sulatin, ang papel panunuring pampelikula ay binubuo ng tatlong
mahahalagang bahagi.
1.Introduksyon (Panimula). Ito ay naglalaman ng mga kinakailangang impormasyon hinggil sa
pelikula, tulad ng pamagat, buod o sinopsis, taon, ang direktor at manunulat ng iskrip, layunin ng papel
panunuri, pagpapakilala ng mga pangunahing tauhan at iba pang bahagi ng pelikulang inaasahan ng
manonood at pagbibigay sa mga mambabasa ng pahapyaw na paglalahad kung tungkol saan ang
ginawang pagsusuri ng pelikula. Ang bahaging ito ay kadalasang binubuo ng mga talata at nagsisimulang
magsuri ng pelikula at naglalahad ng pangunahing konsepto sa gagawing panunuri. Gayundin, malinaw
na inilalapat dito ang layunin ng pagsusuri at teoryang magiging batayan ng panunuring gagawin.
Inilalakip din ang kaligiran ng pelikula at pahapyaw na kaugnayan nito o repleksyon sa lipunan sa anyong
pangkalahatan.
2.Katawan o bahagi ng Panunuri. Ito ay binubuo ng mga talatang nagpapaliwanag sa papel panunuri
at pag – aanalisa sa bawat punto at anggulo nang hiwa – hiwalay na nilapatan ng mga halimbawa.
Kinapapalooban ito ng pag – aanalisa at pagpapaliwanag ng impresyong hatid ng pelikula, kalagayan,
tematikong nilalaman at mga teknik na ginamit, tulad ng sinematograpiya, editing, paglalapat ng ilaw at
tunog, ang genre at ang dayalogo. Maaaring bigyang pansin ang isyu ng kasaysayan, lahi, kasarian,
sekswalidad, uri at ang kapaligirang tinalakay sa pelikula at ang interpretasyon ng mga ito. Sa dakong
huli, inilalapat ang implikasyong hatid nito sa sarili, sa kapwa at sa lipunan bilang repleksyon at daang –
tulay batay sa anyo, uri at teoryang batayan.
3.Konklusyon (Pagtatapos). Huling bahagi ng papel na tumutuon sa naging buod at mga katugunan
sa mga katanungang inilahad sa papel.
(Tandaan: Bigyang pansin ang wastong gamit ng balarila, baybay ng mga salita at pananda sa
paglalapat ng papel panunuri.)

FGA……….

You might also like