You are on page 1of 3

Ang Batang Hindi Makuntento

Orihinal na kwento ni: Mary Rose Torregoza

Si Faustina ang batang hindi makuntento sa kung anong meron siya. Siya ay nag-iisang
anak at binibigay ang kanyang gusto kahit gipit sa buhay ang pamilya nila. Walang maayos na
hanap-buhay ang tatay niya pati na din ang kaniyang nanay, ang kanyang tatay ay naglalako
lamang ng tuyo at daing, ang kanyang nanay naman ay naglalabada.

"Nanay, bilhan mo naman ako nito" aniya na kanyang anak. Sumilip siya sa kanyang pitaka at
napakamot siya sa kanyang ulo. "Pasensya kana anak sa susunod nalang kapag bumalik tayo dito
pangbayad kasi ito ng bahay kay aling marcelina"

Naglakad ng mabilis si Faustina papuntang sakayan at doon nalamang inantay ang kanyang ina.
Inis ang kanyang nadarama sa kanyang ina sa kadahilanang hindi nabili ang kanyang
nagustuhang damit sa nadaanang shop.

Si aling Clara ay hindi na nagtaka sa inasal ng kanyang anak dahil ganito ito sa tuwing hindi
nabibigay ang gusto. Pumasok sa shop si aling Clara. "Miss, magkano itong damit" tanong niya
sa isang babaeng nagbabantay. "550 pesos po ma'am"

Binuksan ni aling clara ang kanyang pitaka at kinuha ang limang daan na natitira sa kanyang
pitaka at iniwan ang bente pesos upang ipamasahe ito sa pag-uwi nila.

"Miss, pwede bang limang daan nalang kulang kasi dala kong pera eh gustong gusto pa naman
ng anak ko yan" ngumiti nang mapait si aling Clara. "Sige na nga po ma'am" binalot na ng babae
ang damit at inabot kay aling clara at inabot na din ni aling clara ang limang daan sa babae.
"Salamat miss"

Naglakad na si aling Clara patungo sa sakayan at nakita niya ang anak na si faustina na nakatayo
at nakakunot ang noo. Tinawag niya ito ngunit parang wala itong narinig.

"Anak binili ko na ang iyong nagustuhang damit, hindi pa naman ako sinisingil ni aling
marcelina sa susunod nalang siguro ako magbabayad" ang nakakunot na noo ni faustina bigla
nalamang umaliwalas at ngiti na abot tenga ang nakita ni aling Clara sa kaniyang anak.

Nang makauwi sila sakanilang bahay bumungad ang asawa ni aling Clara na si manong
ponciano. "Pumunta dito si aling Marcelina sinisingil na ang bayad sa bahay" tumingin si aling
Cara sa kanyang anak na si Faustina na tuwang tuwa pumunta sa kwarto upang isukat ang
nabiling damit. "Si Faustina nagpabili kasi ng damit"

Tumaas ang kilay ni manong ponciano ng marinig ang sinabi ng kanyang asawa. "Binilhan mo
nanaman ng damit ang anak mo kitang baon na baon na tayo sa utang" iniwan ni aling Clara si
manong ponciano at pumunta sa kusina upang magluto na ng hapunan, hinayaan nalamang niya
si manong Ponciano na magtalak ng magtalak dahil ganto ito sa tuwing binibili ang gusto nang
kanilang anak lagi siyang tinatalakan nito.

Kinabukasan, ginising ni aling Clara ang anak na si faustina dahil ito ay may pasok. "Faustina
gumising kana at mahuhuli kana sa klase" tumayo na ang bata at eksayted na eksayted dahil
isusuot niya ang bagong damit.

Pagkatapos kumain ni Faustina dali daling tumungo ng banyo upang maligo. Nang ito'y matapos
nang maligo, nagbihis at nagpaalam na ito sa kanyang nanay at tatay na siya'y aalis na.

Nakasalubong ni Faustina ang kanyang kaklase na si Juana. "Juana, bago ba iyong damit"
umiling si juana at sinabing. "Hindi siya bago eh, mukhang bago lang kasi nilabhan siya ni
nanay" ngumiti si Faustina at tinuro ang kanyang bagong damit. "Ito kasing akin kakabili lang
kahapon eh. Baka mamaya o bukas bumili ulit kami ni nanay.

Nginitian nalamang ni juana si Faustina at sabay naglakad patungo sa eskwelahan.

Nang matapos ang klase lumabas na ng paaralan si faustina at nang marinig niya ang boses ng
kanyang ina. "Faustinaaaaaaaaa" lumingon siya at lumapit sa kanyang ina. "Bakit po kayo
nandito nanay" ngumiti ang kanyang ina. "Sabay na tayo umuwi pero samahan mo muna ako
mamalengke bago tayo umuwi"

Sumimangot si Faustina ng ayain siya ng kanyang ina na samahan siya ngunit bigla den nawala
ang malungkot niyang mukha nang maisip niya magpabili ulit ng damit rito. "Nanay, bilhan mo
ulit ako ng damit" tumango nalang si aling clara.

Nang matapos na sila mamalengke tumungo si Faustina sa isang shop malapit sa palengke,
pumasok siya rito at nakasunod lamang sakanya ang kanyang ina.

May nakita siya magandang bistida at inakay niya ang ina doon. "Nay, ito po ang gusto ko"
tinawag ni aling clara ang nagbabantay. "Miss, magkano ito" kinuha ni aling Clara ang pitaka sa
kanyang bulsa. "Tatlong daan po" kinuha na ni aling clara ang tatlong daan sa pitaka at nakita
nanaman niyang tuwang tuwa ang kanyang anak.

Napabuntong hininga si aling Clara pagkalabas ng shop dahil nabawasan nanaman ang
pangbayad nila ng bahay, tatlong buwan na silang hindi nakakabayad kay aling Marcelina
siguradong umuusok na ang ilong nito dahil hindi pa sila nakakabayad.

Nang sila'y makauwi nagulat nalamang sila ng nasa labas na ang kanila gamit at nakitang
nagmamakaawa ang asawa nito na wag muna silang palayasin. Tumakbo patungo si aling Clara
sa kanyang asawa at pinapatayo ito. "Aling Marcelina, parang awa niyo na wag mo muna kami
palayasin magbabayad ako sa susunod na linggo kulang pa kasi itong pera naming naipon eh"
tumigil si aling Marcelina sa pagtapon nang gamit nila palabas ng bahay. "Mag-aapat na buwan
na kayong hindi nagbabayad, kailangan ko din ng pera pangtustos sa mga pangangailangan
namin"

Nakita ni Faustina na umiiyak ang kaniyang magulang na nagmamakaawa na wag silang


palayasin. Tignan niya ang bagong bili sakanya ng nanay niya na bistida at inisip niya lahat ng
binili sakanya, naluha siya nang inisip niya lahat ng binibili sakanya na imbes na ito'y pangbayad
sa bahay ito'y naging pangbili ng mga gusto niya.

~Wakas~
ARAL:

•Matutong makuntento sa kung anong meron tayo.

You might also like